Thank you po sa patuloy na pagbabasa ng The Billionaire's Rewritten Vow
Sadya yatang hindi na gumagana ang pambobola ni Marco kay Kara dahil napailing lang ang babae sa sinabi nito. Naisip kasi ng babae na puwede ba namang hindi siya kumain, kung marami naman siyang pambili at kasama pa niya ang pamilya niya.Kinuha ni Marco ang wet wipes sa kanyang gilid at pinunasan ang kamay. Inalok din niya si Kara ngunit umiling lang ang babae nang hindi siya tinitingnan.“Do you have any other questions, anything?” magiliw na tanong ni Marco sa team na nasa loob ng kanyang opisina.“Sir, can we ask something personal?” makulit na tanong ni Jade.Humalukipkip si Marco. “Sure, let me hear your question.”“Are you still single?” kumukurap-kurap na tanong ni Jade. Nanlaki ang mga mata ng mga babaeng wala pang asawa at excited na nag-abang sa isasagot ng lalaki.Isang matamis na ngiti ang pinawalan ni Marco habang ang kanyang kamay ay gumapang sa hita ni Kara dahilan para manigas ang babae sa pinaghalong gulat at takot na may makakita.“I’m married.”Rumehistro ang pang
Nakatanggap ng tawag si Kara mula sa opisina ni Mr. Tan na kailangan niyang magpunta sa opisina ng ClickFlix ngayon. Darating daw ang lahat ng Board of Directors at gusto nilang makilala ang magagaling at top selling writers ng kompanya.Alas onse ng umaga siya pinapunta at doon na rin daw manananghalian dahil nanlibre ng tanghalian para sa lahat ang bagong majority shareholder ng kompanya. Dumating si Kara bago mag alas onse at hindi na magkamayaw mula sa reception ang mga empleyado. Napansin din niya na mas mahigpit ang security ngayon. Hinarang pa siya ng isang lalaking naka-itim na mukhang bouncer bago siya pumasok sa pinto.“She’s Karamelle, one of our writers.” Maagap na pagsalo sa kanya ni Ophelia.“Welcome to ClickFlix, ma’am,” magalang na bati ng security.Kumunot ang noo ni Kara. “Why are they so strict today?’“I heard Mr. Tan is trying to impress the new majority shareholder of ClickFlix to get the CEO position,” kuwento ni Ophelia na ngayon ay iginigiya siya sa Creative
Pagkababa ni Kara sa train ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ophelia na nasa parking na ang producer na kanilang maka-meeting kaya lakad-takbo na ang ginawa niya. Hindi kasi sila agad nakaalis sa apartment dahil nag-alburuto pa ang kanyang anak.Nang marating niya ang building ng opisina ng Clickflix ay humahangos na siyang tinungo ang elevator. Mabuti na lamang at wala siyang kasabay kaya mabilis niyang narating ang kanilang floor. Nasa reception na si Jade na kanina pa inaabangan si Kara habang si Ophelia naman ay iniistima na ang producer sa conference room kasama ang kanilang company director at acting CEO."Kara, at last!” aburidong sabi ni Jade.Kumunot ang noo ni Kara at saka siya napatingin sa wall clock sa reception. Five minutes to nine pa lang naman kaya hindi pa naman siya late.“The producer arrived 10 minutes early,” ani Jade.“Relax, Jade!” nakangiting sabi ni Kara na nauna nang pumasok sa loob.Pagdating sa pinto ng CEO’s conference room ay huminto saglit si Kar
Maagang gumising si Kara para ihanda ang babauning breastmilk ng kanyang anak. After lunch pa siya makakabalik sa coffee shop kaya alam niyang makakaubos ng apat hanggang limang bote ng gatas ang anak. Mabuti na lamang at marami siyang na-pump kahapon. Sinisiguro kasi niya na may sapat na supply ng kanyang breastmilk ang anak niya para siguradong lumaking malusog ang bata.Matapos i-sterilized ang mga tsupon at bote ay pinalamig niya ang mga iyon. Mamaya na niya kukunin ang mga frozen milk sa freezer para ilagay sa insulated bag. Maliligo na sana siya nang marinig niya ang mahinang pagtawag ni Kyros sa kanya kaya sinilip niya ito sa kanilang silid.“Mama,” mahina nitong tawag. Nakangiti niyang nilapitan ang bata. “Good morning, handsome!”Ngumiti si Kyros at lumitaw ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito. Hinawakan ng bata ang mukha ng kanyang ina at saka ikiniskis ang mumunting ilong sa ilong ng ina. Natawa na lamang si Kara, hindi niya itinuro iyon sa anak. Pinuna
Nagtatatakbo ang isang babae na nasa early 20s sa pasilyo ng isang kompanya. Muntik pa niyang makabangga ang isang empleyado na may mga dalang dokumento. Lumiko ang babae at huminto sa pasilyo patungong Creative Department. “O-M-G!!!” pagsigaw nito nang marating ang pintuan.Naglingunan ang lahat sa kanya. Eksaktong nagbr-brain storming pa naman conference table ang isang team. Habol naman sa paghinga ang babae na napa-peace sign pa dahil nga inistorbo niya ang nasa-meeting.“Why are you shouting, Jade?” sita ng isang senior editor. “We are in a meeting.”“Oh, sorry,” kunwaring nahihiyang sabi niya. Naupo siya sa tabi ng isang babae na busy pa rin sa pagtipa sa kanyang computer kahit na nagsisisigaw na siya.“Ophelia, I heard something,” pabulong niyang sabi sa katabi.Doon lamang siya tiningnan ng babae. “What is it?”Napahalakhak si Jade. “Coffee is the key!”Napangiti si Ophelia at agad na niyaya si Jade na lumabas.“You’re the best!” Sabay silang tumayo ni Ophelia at nagtungo sa
“Marco, maliban sa pagiging dating model, ano pa bang kinahihiligan ni Kara?” seryosong tanong ni Nick.Nasa Pilipinas ngayon si Marco dahil sa nalalapit na anibersaryo ng Showbiz Mag, ang kauna-unahang magazine na nililimbag ng GPEAC sa Pilipinas. “Mahilig siya magbasa ng books, publishing company ang negosyo ng parents niya,” sagot ni Marco habang binabasa ang proposal ng Editorial Department. “Hindi ba masyadong malaki ang hinihingi mong budget para sa party?”“Malaki ba? May giveaways kasi tayo tapos magbabayad pa ng advertorial sa media partners natin,” katwiran ni Nick. “Anong pangalan ng publishing house nila?”“RBs Publishing House,” sagot ni Marco at saka may minarkahan sa proposal. “Nick, dati nagagawa ni Mama na ex-deal ang lahat ng ito sa anniversary issue ng magazine, kaya hindi tayo gumagastos ng ganito kalaki,” ani Marco.“Anong i-deal natin? Exposure sa printed copy? Nabawasan na ang circulation natin dahil mas malaki na kumita ang online ngayon kaya yung accounts nat