Share

Chapter 75

last update Last Updated: 2025-05-29 23:19:07

Binuksan muna ni Marco ang takip ng bottled water bago iniabot sa misis na nagkulay rosas na ang mukha dahil sa pagkakasamid. Tinanggap naman ito ni Kara at saka uminom habang marahang hinahagod ng lalaki ang kanyang likod.

Nang matapos uminom ay kinuha ni Marco ang bote ng tubig sa babae at saka muling isinara ang tubig.

Natuod si Marco nang bigla siyang yakapin ni Kara sa baywang. Inihilig pa ng babae ang ulo sa kanyang tiyan dahilan para magsimulang tumambol ang kanyang puso at lumakas pa ito ng higpitan pa ng babae ang pagkakayakap sa kanya.

Idinaan niya sa hagikgik ang hindi maitagong kaba at ginantihan nang yakap ang misis. Nanatili silang ganun ng mahigit isang minuto. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa ng suot na jogging pants. Dinukot niya iyon at nang makita na si Enrique ang tumatawag ay ni-reject niya ang call at saka pinadalhan ng text message na hindi pa siya makaalis ng bahay at siya na lamang ang mag-attend ng meeting.

“Is that your assistan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fely Soledad Guirindola Otadoy
nitin nman para sa nagbabasa nito paki dagdag nmn ng chspter plssssss….. salamat......️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 77

    Napatitig si Kara sa asawa at nabasa niya ang pag-aalala sa mukha ni Marco. “Iniisip mo bang na-offend ako kay Nana Selina?”“Ayaw kong isipin mo na hindi ka welcome sa mga taong malalapit sa akin,” tapat na sabi ni Marco.Ngumiti nang tipid si Kara. “Actually, mas curious ako kung paanong mas malapit siya sa iyo kaysa kay Mama Mitch.”Napansin kasi niya na mas maingat ang babaeng biyenan sa pakikipag-usap sa kanyang asawa kumpara sa babaeng nagpalaki rito dahil kaya itong kagalitan.Hinila ni Marco si Kara sa terrace ng kanyang silid kung saan tanaw na tanaw ang beach. Naupo ang babae sa beach lounge na naroon at saka sumandal, tinabihan din siya ni Marco.“Nasa hype ng kanyang career as Showbiz Reporter sa TV si Mama sa Pilipinas nang ipadala siya ng kanilang network dito sa US para i-cover ang US Tour Concert ng isang sikat na Filipino artist. GPEAC ang isa sa sponsor ng concert kaya nagkakilala sila ni Papa. Nagkagustuhan sila at nabuntis siya ni Papa. Siguro dahil wala naman sila

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 76

    Napauwang ang mga labi ni Kara sa sinabi ni Marco. Pakiramdam niya ay inaasar siya ng lalaki pero ayaw rin niyang aminin na nabitin siya sa pangsusutil sa kanya ng asawa. She take note na aasarin din niya ito.Ngumiti siya nang matamis at saka mabilis na pinatakan ng halik ang labi ng asawa. Pagkuwan ay pinagapang niya ang kanyang kamay at saka hinuli ang sandata ng asawa na nagmamalaki sa kanya. Napangiti siya lalo dahil sigurado siyang apektado rin ang lalaki sa ginawang panglalandi sa kanya kanina at sadyang inaasar lamang siya nito.Kumorte ang O sa labi ni Marco nang haplusin ng asawa ang kanyang sandata, napapikit siya upang pigilan ang temptasyon. Kinumbinse niya ang sarili na hindi niya maaaring isagad ang lahat ng energy niya ngayong umaga dahil gusto talaga niyang dalhin sa beach ang misis para makatulong sa pagpapatuloy nito sa buhay. Gusto niyang iparamdam dito na nasa tabi siya ng asawa.“Wifey, please don’t. Baka hindi ko na mapigil ang sarili ko, aalis pa tayo,” pag-am

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 75

    Binuksan muna ni Marco ang takip ng bottled water bago iniabot sa misis na nagkulay rosas na ang mukha dahil sa pagkakasamid. Tinanggap naman ito ni Kara at saka uminom habang marahang hinahagod ng lalaki ang kanyang likod.Nang matapos uminom ay kinuha ni Marco ang bote ng tubig sa babae at saka muling isinara ang tubig. Natuod si Marco nang bigla siyang yakapin ni Kara sa baywang. Inihilig pa ng babae ang ulo sa kanyang tiyan dahilan para magsimulang tumambol ang kanyang puso at lumakas pa ito ng higpitan pa ng babae ang pagkakayakap sa kanya.Idinaan niya sa hagikgik ang hindi maitagong kaba at ginantihan nang yakap ang misis. Nanatili silang ganun ng mahigit isang minuto. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa ng suot na jogging pants. Dinukot niya iyon at nang makita na si Enrique ang tumatawag ay ni-reject niya ang call at saka pinadalhan ng text message na hindi pa siya makaalis ng bahay at siya na lamang ang mag-attend ng meeting.“Is that your assistan

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 74

    Isang matamis na amoy ang gumising sa diwa ni Kara. Masakit ang kalamnan niya na para bang binugbog kaya gusto pa sana niyang matulog ngunit hindi niya magawang ipagsawalang-bahala ang naaamoy na ngayon ay nagiging dahilan nang pagkalam ng kanyang sikmura.Sinubukan pa niyang takpan ng comforter ang kanyang mukha ngunit mas tila lumapit pa ang amoy dahil mas lumakas pa ito. Sininghot niya ang mala-strawberry and waffles na pabango. Suminghot pa siya muli para kilalanin pa ang amoy ng gatas.“Uggghh!” Inis na sabi ni Kara at saka tinanggal ang comforter sa kanyang mukha ngunit nanatiling nakapit ang mga mata. “Why am I dreaming about food?”“Does it smell like strawberries?” Napakunot si Kara nang marinig ang boses ng asawa. “Yeah!”Pigil na humagikgik si Marco na nakatayo lamang malapit kay Kara habang hawak-hawak ang tray ng waffles with strawberries and cream at isang baso ng maligamgam na gatas.“Open your eyes, wifey,” malambing na utos ni Marco kaya napilitan na si Kara na buksa

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 73

    Napahinto si Kara sa ginagawa ng marinig ang mga katagang iyon mula sa asawa. Rumehistro sa kanyang mukha ang pag-aalala na baka hindi pa gusto ng kanyang mister na magkaanak sila.Kumunot ang noo ni Marco nang mapansing nakatitig na lamang ang misis sa kanya kaya mas lalong inakala ng babae na hindi pa nga handa ang lalaki.“S-Sorry,” mahinang sabi ni Kara at saka tumayo para linisin ang katawan. “I will just take an emergency pill tomorrow morning.”Nabatukan ni Marco ang sarili nang maintindihan kung bakit nagso-sorry ang asawa. Niyakap niya patalikod ang misis na halatang nagtampo at saka pinatakan ng halik ang sentido nito. “I’m sorry if it came out wrong. It’s not what I meant.”Hindi kumibo si Kara at tinapos na ang pagbabanlaw sa sarili. Umahon siya sa bath tub at saka kinuha ang bath robe bago iniwan si Marco mag-isa sa banyo.Napapikit ang lalaki at nanigas ang panga sa inis sa sarili. Tinapos niya ang pagligo at saka nagtapis ng tuwalya para sundan ang asawa na alam niyang

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 72

    Tatlong araw lamang ibinurol si Reginald at inilibing na rin nila ito sa tabi ng ina ni Kara. Dumalo sa libing ang mga magulang ni Marco kahit pa kalalabas lamang sa ospital ni Roger, naroon din ang malalapit nilang kaibigan, kamag-anak, mga empleyado at mga manunulat para magbigay nang pagpupugay sa namayapang publisher sa huling pagkakataon. Iyak pa rin ng iyak sina Kara at Liv na hindi pa rin lubuang matanggap na wala na si Reginald. Maging si Harper ay hindi rin mapigil ang pag-iyak dahil naging mabuti sa kanya ang matandang amo. Pagkatapos ng libing ay dumiretso sila sa Filipino Restaurant nina Marco para magtanghalian bago umuwi sa bahay ng mga Baker. Nakiusap si Kara sa kanyang asawa na doon muna sila manirahan para samahan ang kanyang tiyahin na hindi naman kinontra ng lalaki. Ramdam sa buong bahay ang kalungkutan at wala ring gana kumilos sa bahay ang tatlong babae. Upang masigurong may maglilinis at magluluto ng kanilang pagkain, kinuha muna ni Marco ang dalawang kasambaha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status