Share

Chapter 02

Author: ExDealers
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-24 08:03:25

Kiarra's POV

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang hawak ang tray ng agahan; may kasamang mainit na tsokolate na nasa tasa.

 "Magpahinga ka na lang muna. Huwag ka munang pumasok sa trabaho ngayon," mahina at mahinahon niyang sabi. Wala na ang pilyong ngiti, napalitan ng isang seryosong pag-aalala.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

Hindi ko alam kung anong tamang isagot. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpasalamat o umiwas.

"Salamat, Sir," mahina kong tugon, sabay kuha ng tray. Saglit siyang tumitig sa akin, parang may gustong sabihin, ngunit hindi na itinuloy. Tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang kwarto.

Lumipas ang ilang oras, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Pinilit kong bumangon at ayusin ang sarili. Nagsuot ako ng uniporme ng maid at nag-ayos ng buhok. Kailangan kong magtrabaho—hindi puwedeng matulog na lang maghapon, baka isipin nilang tamad ako.

Bumaba ako sa kusina, at agad akong sinalubong ni Ate Juliet.

"Uy, bakit late ka ngayon, ah?" biro niya, pero may halong pag-aalala sa tono.

"May sakit ka ba?"

Umiling ako bago pilit na ngumiti.

"Hindi, medyo napuyat lang ako kagabi. Okay lang ako, Ate."

Napatingin si Ate Juliet sa akin, parang may gustong itanong, pero hindi na niya itinuloy.

"Sige, magpahinga ka lang kung kailangan mo. Ako na bahala dito," sabay abot ng basang bimpo.

Naglakad ako papunta sa sala para linisin ang mga mesa at ayusin ang mga bulaklak. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Larkin, nakaupo sa sofa, kausap ang isang magandang babae. Maputi, mahaba ang buhok, naka-bestida at mukhang sosyal.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung lalapit ako o babalik na lang sa kusina. Pero kailangan kong gampanan ang trabaho ko, kaya tahimik akong lumapit at nagsimulang punasan ang mesa.

Naririnig ko ang tawanan nila.

"Larkin, ang tagal nating hindi nagkita! Hindi ko alam na dito ka na pala ulit tumitira," sabi ng babae, habang malambing at malapit kay Sir Larkin.

"Yeah, napilitan lang din dahil wala si Mom at Dad. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" sagot ni Sir Larkin na may kaunting lambing at bakas ang saya sa tono.

Nagkunwari akong abala sa ginagawa, kahit ang totoo ay parang kinukurot ang puso ko sa bawat tawa at sulyap ng babae kay Sir Larkin. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako, pero parang hindi ko gustong makita silang masaya na magkasama.

Maya-maya, napatingin ang babae sa akin. "Sino siya, Larkin?" tanong niya habang bahagyang nakataas ng kilay.

"Ah, siya si Kiarra, isa sa mga maid dito," mabilis na sagot ni Larkin, hindi manlang tumitingin sa akin.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili, ngunit nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa aking dibdib.

"Swerte naman ng mga amo mo, maganda ang maid nila," biro ng babae, pero parang may ibang ibig sabihin ang ngiti niya.

Napilitan akong ngumiti. "Salamat po, Ma’am," mahina kong tugon.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan. Ako naman, tahimik na nagligpit at nilinis ang paligid. Ramdam kong parang hindi ako nababagay sa eksenang iyon—parang hindi ako kabilang sa mundo na ginagalawan nila. Hindi ko alam kung bakit, pero may biglang sumiksik na lungkot sa dibdib ko.    

Nang matapos ako sa sala, naglakad ako pabalik sa kusina. Doon ko na lang ibinuhos ang atensyon ko sa paghuhugas ng pinggan. Nanginginig pa ang kamay ko, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, kaba, o selos.

Habang iniisip ko ang mga nangyari, biglang tumambad sa isip ko ang tanong—ano nga ba talaga ako kay Larkin? Hanggang saan lang ba ang papel ko sa buhay niya? Ako lang ba talaga ang maid, o may pag-asa bang magbago ang turing niya sa akin?

Bago pa man lumubog ang araw, ilang beses ko pang nasilayan sina Sir Larkin at ang babae—si Samantha, ayon sa sabi-sabi ng iba. Parang wala silang ibang mundo kundi sila lang. Ako naman, pilit pinipigilan ang sarili na lumingon, pero hindi ko maikakaila ang paninikip ng dibdib ko sa bawat tinginan at tawanan nila.

Pagbalik ko sa kusina, nadatnan ko roon si Ate Juliet na abala rin sa paghuhugas ng mga plato. Napansin niyang nanlalalim ang aking mga mata, kaya agad siyang lumapit at kinabig ako palapit sa lababo.

"Uy, Kiarra, okay ka lang ba talaga?" mahina niyang tanong habang pinupunasan ang kamay.

Pinilit ko siyang ngitian. "Okay lang ako, Ate. Medyo pagod lang siguro."

Napatingin si Ate Juliet sa akin, saka sumulyap sa sala. "Napansin mo ba 'yung bisita ni Sir Larkin? Si Samantha 'yon, anak ng business partner ng pamilya Del Fuego. Dati raw, halos araw-araw andito 'yon noon bago ka pa dumating. Sobrang close sila, at sabi ng mga matatanda dito, baka raw sila na rin balang araw."

Parang may malamig na tubig na bumuhos sa ulo ko sa narinig ko. "Ah, talaga po?" pilit kong tanong, bagamat dama ko ang panginginig ng boses ko.

"Oo. Halata mo naman, 'di ba? Ang lambing ni Samantha kay Sir Larkin, tapos parang hindi na napansin na nandito ka. Huwag mong masyadong dibdibin kung medyo—alam mo na, masakit sa pakiramdam. Normal lang 'yan, Kiarra. Pero tandaan mo, trabaho lang tayo dito, ha?" Hinawakan niya ako sa balikat, pinilit akong palakasin.

Tahimik lang akong tumango. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang bigat sa dibdib ko. Uulitin ko sa sarili na trabaho lang ito, pero bakit parang hindi ko kaya? Bakit parang gusto kong umiyak?

Bago ako makapasok sa kwarto ko para magpahinga, nadaanan ko pa sina Sir Larkin at Samantha sa garden, magkatabing nakaupo sa bench. Magaan ang usapan nila, at naririnig ko ang tawa ni Samantha—malakas, maligaya, walang pag-aalinlangan. Napahinto ako saglit, pinagmamasdan silang dalawa mula sa malayo. Parang hindi ako makahinga.

"Ikaw, Kiarra, hanggang kailan ka lang ba magiging tagamasid sa mundo nila?" bulong ko sa sarili ko habang papalayo.

Pagpasok ko sa kwarto, napaupo ako sa kama, mahigpit na yakap ang sarili. Unti-unti nang gumagabi, ngunit mas lalong dumilim ang pakiramdam ko. Umuukilkil sa isip ko ang tanong: Ano bang halaga ko sa buhay ni Sir Larkin? Maid lang ba talaga ako, o may pag-asa pa?

Sa labas ng bintana ko, naririnig ko pa rin ang tawanan nila. Sa pagkakataong iyon, pinikit ko ang mga mata ko, pilit iniiwasan ang sakit. Ngunit bago ako tuluyang makatulog, narinig ko ang mahinang tunog ng katok sa pinto ko—mahina, parang nagdadalawang-isip.

Napapitlag ako pero agad ko ring binuksan ang pinto ng aking silid.

“Kiarra…” malambing ang boses na bungad sa akin ni Sir Larkin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 05

    Kiarra's POVKinagat ko ang labi ko, pilit nilalabanan ang pagkalito. “Ayos lang po ako, Ate. Kakayanin ko.”Ang totoo, wala na talaga akong uuwian. Ang pamilyang nagkupkop sa akin noon ay matagal nang tumalikod sa akin. Sila ‘yung tumanggap sa isang sanggol na natagpuan sa basket sa harap ng pinto nila—ako iyon, si Kiarra, na mula noon ay natutong mamalimos ng pangalan, pagmamahal, at pag-aaruga.Hindi ko na kinayang sabihin iyon kay Ate Juliet. Baka lalo lang siyang mag-alala.Tahimik na umupo si Ate Juliet sa tabi ko. “Kung ayaw mo pang magsalita, hindi kita pipilitin. Pero sana, huwag mong pasanin lahat nang mag-isa. Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa’yo.”Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula o paano ko haharapin ang bukas na mag-isa—lalo na ngayon, may dinadala akong bagong buhay sa sinapupunan ko, bunga ng isang gabing puno ng lihim, sakit, at pagmamahal na hindi ko alam kung totoo o panaginip lang.“Ate, salamat sa l

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 04

    Kiarra's POVHinaplos ni Mayordoma ang braso ko. “Huwag mo nang pilitin ang sarili mo, anak. Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Ako na muna ang bahala dito.”Tahimik akong tumango. Habang naglalakad papunta sa kwarto, parang lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Bumagsak ako sa kama at pilit pinakalma ang sarili.Ilang minuto pa lang ang nakalipas, biglang bumukas ang pinto. Sumiksik si Ate Juliet, may hawak na maliit na paper bag. “Kiarra, halika muna rito.”Patago niyang iniabot sa akin ang isang pregnancy test. “Subukan mo lang, para malaman natin kung ano talaga ang nangyayari. Huwag kang matakot, ako lang ang nakakaalam.”Nanlaki ang mga mata ko, naghalong takot at kaba. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o tatanggi, pero sa sobrang pagkabagabag, kinuha ko na rin at agad pumasok ng banyo. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukan ang test.Habang hinihintay ko ang resulta, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib. Mabilis ang bawat segundo, parang ayaw ko nang maki

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 03

    Kiarra's POV“Sir…? Ayos lang po ba kayo?” mahina kong tanong, pilit na lumalayo.Lumapit siya, tahimik, at walang anu-ano’y hinawakan ang pisngi ko, mainit at puno ng damdamin. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Sa simula, mabigat at mapusok ang bawat halik—parang may gusto siyang takasan, may gustong kalimutang sakit. Ramdam ko ang init ng hininga niya habang dahan-dahan niya akong niyayakap ng mahigpit, parang hindi niya ako kayang pakawalan. Bawat halik niya, bawat haplos ng kamay niya sa aking braso at likod, unti-unting natutunaw ang lahat ng takot at alinlangan ko.Inakay niya ako papalapit sa kama, marahan at puno ng pag-aalaga. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha, tinitigan ako ng matagal—parang tinitiyak kung talagang gusto ko ang nangyayari. Muling lumapat ang kanyang labi sa aking pisngi, bumaba sa aking leeg, hanggang sa balikat. Napapikit ako, mahigpit na nakakapit sa kanya, nilalasap ang bawat sandali.Naramdaman ko ang marahan niya

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 02

    Kiarra's POVPagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang hawak ang tray ng agahan; may kasamang mainit na tsokolate na nasa tasa. "Magpahinga ka na lang muna. Huwag ka munang pumasok sa trabaho ngayon," mahina at mahinahon niyang sabi. Wala na ang pilyong ngiti, napalitan ng isang seryosong pag-aalala."Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."Hindi ko alam kung anong tamang isagot. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpasalamat o umiwas."Salamat, Sir," mahina kong tugon, sabay kuha ng tray. Saglit siyang tumitig sa akin, parang may gustong sabihin, ngunit hindi na itinuloy. Tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang kwarto.Lumipas ang ilang oras, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Pinilit kong bumangon at ayusin ang sarili. Nagsuot ako ng uniporme ng maid at nag-ayos ng buhok. Kailangan kong magtrabaho—hindi puwedeng matulog na lang maghapon, baka isipin nilang tamad ako.Bumaba ako sa kusina, at agad akong sinalubong ni Ate Juliet."Uy, bakit late ka ngayon, ah?" biro niya,

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 01

    Kiarra's POV Day off ko sana ngayon, pero heto ako, naglalakad sa alpombra ng malawak na hallway ng Del Fuego mansion. Mahigpit kong yakap ang tray ng pagkain, pilit na nilalabanan ang kaba at hiya. Nakasuot ako ng manipis at maikling night dress—regalo pa ni Ate Juliet, isa ring kasambahay rito. Sabi niya, para raw mas gumaan ang pakiramdam ko kapag nagpapahinga. Hindi ko na inisip na makikita ito ng iba dahil dapat ay nasa kuwarto lang ako ngayon. Pero biglang kumatok si Mayordoma Rosa sa pinto ng maliit kong silid. "Kiarra, pakidala mo nga ng hapunan si Sir Larkin sa kuwarto niya," utos niya. Hindi ako nakatanggi. Bago pa ako makasagot ay hawak ko na ang tray at tinatahak ang hagdan. Sino nga ba si Sir Larkin? Sa totoo lang, hindi ko pa siya personal na nakakausap—bukod sa mga kuwento ng ibang staff. Anak siya ng mga amo namin. Matangkad, guwapo, at parang laging seryoso. Sabi ng iba, playboy raw siya—maraming babae, maraming pera, at walang takot sa mundo. Ngayon lang siya tumi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status