Share

Chapter 206

Author: ExDealers
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-06 18:26:00

LARKIN DEL FUEGO’S POV

Pagpasok ko pa lang ng bahay, alam kong may kulang. Hindi dahil bago ang paligid—kabaligtaran, masyado itong pamilyar. Nasa tamang pwesto ang lahat. Malinis ang sala, maayos ang mga gamit, pero wala si Kiarra. Napabuntong-hininga ako habang inilapag ang bag ko sa tabi ng sofa.

  “Home,” mahina kong bulong sa sarili, sabay tingin sa paligid.

Iba ang pakiramdam. Ilang buwan lang ang nakalipas, hindi ko maisip ang bahay na ito na wala siya. Pero ngayong natututo na akong mam
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Runaway Maid   SCARS OF THE PAST 12

    YNA’S POV"Dahan-dahan lang sa paghakbang, Daniel," alalay ko sa braso niya habang binabaybay namin ang matarik at maputik na daan paakyat sa maliit na kubo sa dulo ng kabundukan.Kagagaling lang niya sa matinding lagnat kagabi. Kahit medyo medyo mainit-init pa ang kanyang noo at medyo nanginginig pa ang kanyang mga binti, pilit pa ring naglalakad si Daniel nang matatag.Naisipan kong dalhin siya rito kay Tandang Selo—ang kilalang matandang albularyo at manggagamot sa aming probinsya. Matapos kong marinig kagabi ang pagbanggit niya sa mga pangalang "Violet" at "Damian" sa gitna ng kanyang panaginip, hindi na ako makatulog. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa bang gumaling ang kanyang amnesia at kung ano ang ibig sabihin ng mga sugat niya sa katawan."Yna..." garalgal at mababang usal ni Daniel habang nakatingala sa lumang kubong gawa sa nipa at kawayan. "Hindi naman kailangan 'to. Magaling na ako mula sa lagnat.""Manahimik ka nga d'yan, Mister Sungit," pangaral ko sa kanya sabay h

  • The Billionaire's Runaway Maid   SCARS OF THE PAST 11

    YNA’S POV"Daniel... gising... uminom ka muna ng gamot..." mahinang pakiusap ko habang iniaalalay ang ulo niya mula sa papag.Subalit walang sagot mula sa kanya kundi ang mabigat at napakainit na paghinga.Dahil sa matinding lamig ng bagyo noong isang gabi—kung saan ibinigay niya sa akin ang buong kumot at ang tuyong bahagi ng papag habang siya naman ay nabasa at natuyo sa malamig na hangin—tinamaan ng napakatas na lagnat si Daniel. Ang matipuno at mala-bakal niyang katawan na pinaliwanagan ng maliit na lampara ay pawis na pawis, habang ang kanang bahagi ng kanyang mukha na may scar tissue ay namumula sa matinding init."Pucha, ang init-init mo..." pabulong kong usal habang mabilis kong pinipiga ang maliit na bimpo sa mangkok ng malamig na tubig at marahang ipinapahid sa kanyang noo at leeg.Dalawang taon na siyang kasama namin ni Tatang Rico. Nakita ko siyang makipagsuntukan, magbuhat ng napakabibigat na sako, at maging matatag na parang pader sa harap ng kahit kanong gulo. Pero ngay

  • The Billionaire's Runaway Maid   SCARS OF THE PAST 10

    YNA’S POV"Bili na kayo ng Bagong Luting Kakanin nina Yna at Daniel! Mabilis lang, baka maubusan kayo!" masigla kong sigaw sa gitna ng siksikang palengke ng bayan.Sa tabi ko, nakatayo si Daniel. Nakasuot siya ng malinis na simpleng kamisa de chino, nakatupi ang mga manggas, at may nakasabit na maliit na apron sa kanyang baywang. Kinuha niya ang malaking bilao ng kakanin—mga kulay-gintong bibingka at pambihirang soufflé-style na kutsinta at biko na niluto niya kaninang madaling-araw gamit ang mga natutunan niyang marangyang sikreto sa kusina."Pabili nga ng tatlong bibingka, Yna!" sigaw ng isang mamimili."Ako rin, dalawang bilao para sa handaan!" dagdag pa ng isa.Inagaw at dinumog ng mga tao ang pwesto namin! Dahil sa pambihirang sarap at pino ng lasa ng mga kakanin na gawa ni Daniel, halos sa loob lang ng isang oras ay kulang na lang pati ang bilao ay bilhin ng mga mamamayan sa palengke!"Sabi ko sa'yo, Mister Sungit eh!" kantiyaw ko kay Daniel habang mabilis kong inilalagay ang mg

  • The Billionaire's Runaway Maid   SCARS OF THE PAST 09

    DANIEL’S POV (GABRIEL)BOOM! CRAAAACK!Ang dagundong ng malakas na kidlat ay yumao sa buong kalangitan, kasabay ng napakasungit na hampas ng hangin at hanging-habagat sa bubong na pawid ng aming kubo.Nakatayo ako sa gitna ng maliit kong silid, hawak ang isang lamparang de-gas habang inaayos ang pagkakatali ng lumang kulambo sa apat na sulok ng aking papag. Ang ulan sa labas ay parang binubuhos mula sa dambuhalang timba. Rinig na rinig ko ang lagutok ng mga sanga ng puno ng mangga na tumatama sa dingding na kawayan.KALAMPAK!"ARAY! Pucha!"Napatigil ako sa pagtatali ng kulambo nang marinig ko ang isang malakas na kalabog mula sa kwarto ni Yna sa kabilang dako ng kubo, kasunod ng buhos ng tubig sa loob ng bahay.Mabilis kong kinuha ang lampara at tumakbo ako patungo sa silid niya."Yna!" sigaw ko sa gitna ng ingay ng bagyo sabay tulak sa pinto ng kwarto niya.Nakatayo si Yna sa gitna ng kanyang kwarto, basang-basa ang kanyang floral na duster, habang may hawak siyang maliit na timba.

  • The Billionaire's Runaway Maid   SCARS OF THE PAST 08

    YNA’S POV"Daniel! Hoy, Mister Sungit! Gising ka na ba?!" sigaw ko habang naglalakad sa patag na damuhan patungo sa ilog sa dulo ng bukirin.Kagabi matapos niyang mag-dramang clingy dahil sa dalawang tagay ng lambanog, halos tanghali na siyang nagising ngayong umaga. Paggising niya kanina, pumasok ako sa silid niya para asarin siya tungkol sa "Bakit ayaw mo akong halikan?" dialogue niya. Pucha, noong marinig niya 'yon, namula paitaas ang buo niyang mukha at leeg! Mabilis siyang tumakbo palabas ng kubo, kinuha ang sabon at bimpo, at nagsabi sa akin na "magpapalamig at maliligo lang sa ilog"!Bitbit ko ngayon ang maliit na balot ng kanin, inihaw na tilapia, at ang nakalimutan niyang malinis na tuwalya."Daniel?" tawag ko uli habang binabaybay ang mga matataas na halamanan at malalaking bato sa gilid ng dalampasigan ng ilog.Napakatahimik ng paligid. Ang malinaw at malamig na tubig mula sa bundok ay dahan-dahang dumadaloy. Ang sikat ng araw ay gumuguhit sa bababaw na bahagi ng tubig.Sub

  • The Billionaire's Runaway Maid   SCARS OF THE PAST 07

    YNA’S POV"O, Daniel! Isa pa! Para sa magandang ani natin sa susunod na buwan!" sigaw ni Tatang Rico habang itinataas ang maliit na shot glass na puno ng purong lambanog mula sa silid ng Kapitan.Nakatupo sa papag sa beranda si Daniel. nakatupi ang mga manggas ng kanyang lumang polo, bahagyang magulo ang buhok, at pawisan ang mukha. Sa tabi nina Tatang Rico, nakaupo ang dalawang mambubukid na sina Mang Berting at Mang Berto na pareho nang namumula at humahalakhak."Tatang, tama na 'yan!" pangaral ko mula sa pinto ng kusina habang may bitbit akong platito ng pritong mani at inihaw na bangus bilang pulutan. "Alas-otso na ng gabi! Baka bukas niyan ay hindi kayo makabangon para sa araro!""Naku, Yna!" tawa ni Mang Berting. "Hayaan mo na kami! Pasasalamat lang 'to kay Daniel dahil kung hindi dahil sa lakas at tapang niya, naku, ginipit na naman tayo ng mga komprador sa bayan!"Napatitig ako kay Daniel.Inabot ni Daniel ang shot glass mula kay Tatang. Sa totoo lang, simula pa kaninang alas-

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status