LOGIN"Where do you see yourself a few years from now?"Nabigla ako sa tanong niya.Sa totoo lang… hindi ko alam. Kahit yata itaktak niya ako ngayon, baka wala akong maisagot sa kanya. Wala pa akong idea sa mga pwedeng mangyari. Hindi ko pa rin alam kung matutupad ba ang gusto ko. “Hindi ko alam eh…” Bahagya akong tumungo. “Siguro kapag nakapagtapos ako, maghahanap ako ng trabaho sa village.” “Sa village?” Gulat niyang tanong. “Oo. Bakit hindi? Maganda naman do’n. At saka, magandang lugar ‘yon para makapagsimula ulit.” Bahagya akong napangiti habang iniisip iyon.“Pwede akong mag trabaho sa village—kahit ano—basta’t kailangan ko na muna makapagtapos at hintayin si Ethan lumaki.” “Bakit ba palaging kasama si Ethan sa mga plano mo?” Natigilan ako.Oo nga ‘no. Ngayon ko lang na-realize na kasama na pala sila sa plano ko. Kahit hindi ko alam kung gusto ba nilang makasama sa plano ko, isinasama ko pa rin sila. “Simula nang tanggapin mo ako sa hacienda, marami akong natutunan. Pakiramdam
Dumating kami sa beach house na halos dalawang oras ang layo mula sa hacienda. Pagdating namin, nakangiti kaming sinalubong ng mag-asawa. Sabi ni Enzo, caretaker daw sila ng lugar at dito na rin nagkaroon ng pamilya. “Magandang hapon po, Ma’am, Sir! Nako, buti naman po at nakadalaw kayo dito sa amin.” Nakangiting sabi sa’min no’ng lalaki habang nakayakap naman sa braso niya ang kanyang asawa. “Hinding-hindi po kayo madidismaya sa ganda ng dagat dito,” sabi naman ng mahinhin niyang asawa. Lumapit pa ito at ngumiti sa akin. Habang si Enzo naman ay agad na inakbayan si manong. Mukhang close sila. Ipinakilala ako sa kanila ni Enzo. Sila pala si Kuya Elo at Ate Sally. Ipinakilala rin ni Enzo ang kaisa-isa niyang anak na si Ethan. Agad nahulog ang loob ni Ate Sally kay Ethan, at ilang minuto pa lang ay karga na niya ito. Pagkatapos, itinuro naman niya sa akin ang magiging kwarto ko, na katabi mismo ng kwarto ni Enzo. Napaka-friendly ni Ate Sally at parang ang dali niyang pakisam
Nang matapos kami ni Ethan sa pag-aayos, inilagay ko na siya sa stroller at agad na lumabas ng suite. Habang naghihintay kami sa elevator, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Enzo. Sa tono ng boses niya sa kabilang linya, mukhang inip na inip na siya kakahintay sa akin.Buti na lang sumakay na kami sa elevator kaya’t naputol na ang tawag. Nang makarating kami sa rooftop, hindi ko maiwasan mapatungo at mailang dahil nililingon ako ng mga tao. Kahit mga babae ay napapalingon sa akin at sinasaway pa ang mga kasama nilang lalaki na hindi rin maiwasan na mapatingin sa akin. Pangit ba ang suot ko?Bakit nila ako tinitingnan? Hindi ba bagay sa akin ang kulay ng buhok ko? Sobrang sosyal ng lugar kaya medyo nahihiya ako pero wala akong choice dahil ayoko rin naman mapagalitan ako ni Enzo. Palinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko maiwasan na mamangha sa ganda ng mga muebles dito. Halos masilaw din ako sa mga hikaw at kwintas ng mga babaeng lumalampas sa harap ko. Ang gaganda nila
Nakasakay si Ethan sa stroller habang itinutulak ko siya sa loob ng mall. Mahimbing pa rin ang tulog niya habang paikot-ikot akong naghahanap ng mga damit na babagay sa kanya. May mga nabili na ako para sa kanya kaya hindi na ‘ko masyadong nagmamadali.Apat na oras lang ang binigay niya sa’kin at may halos tatlong oras pa ‘kong natitira.Habang naglalakad ako, biglang may babaeng lumapit sa’kin. Balingkinitan na babae, makapal at mataray ang mga kilay, pulang-pula rin ang kanyang mga labi. Agad niyang ipinulupot ang kanyang braso sa akin na para bang kilala niya ako.“Hello, Ma’am! Baka gusto mong magpakulay ng hair? For something new…”Bago pa ako makasagot, hinawakan na niya ang buhok ko at bahagyang pinadaan ang mga daliri niya rito.“Nako, nagmamadali po kasi kami,” sabi ko, sabay tingin kay Ethan.“Kaya ’yan ng two hours, Ma’am. Halika, pasok tayo.”Marahan niya akong hinila papasok ng salon habang kinakausap pa si Ethan kahit tulog ito. Hindi ko na rin alam kung paano tatanggi,
Nang magising ako ay agad akong nag-prepare. Wala sa akin si Ethan kaya’t mas mabilis akong natapos sa pag-aayos ng sarili. Ilang minuto na ‘kong nakatitig sa salamin pero wala pa rin akong idea kung anong ayos ng buhok ang pipiliin ko. Ayokong may naghihintay sa akin kaya’t hinayaan ko na lang ‘yong nakalugay. Nilingon ko ang pinto ng may kumatok. Maya-maya lang ay iniluwa ng pintong iyon ang napakagwapong si Enzo. Nang makita kong karga niya si Ethan ay agad akong napangiti. Ilang segundo pa ‘kong napatitig sa kanilang mag-ama dahil napaka-presentable nilang dalawa. Napaka-gwapong bata rin ni Ethan sa suot niyang white polo shirt. Mana sa tatay. “Are you ready?” “Opo,” Tipid kong sagot sa kanya. Parang hindi na naman yata maganda ang gising niya.“Then let’s go. I need to be there before nine,” malamig niyang sabi. Wala na siyang ibang sinabi at agad na pinasa sa akin si Ethan bago siya tumalikod. Tila ayaw nang mag-aksaya pa ng oras. Sa paraan pa lang ng pagsasalita niya, a
“Come here and eat with me.” Wala na akong nagawa nang marinig ko iyon kay Enzo. Umupo ako sa tabi niya kahit ayaw ko. Hindi ko alam bakit nakakaya niya akong pasunurin sa mga sinasabi niya. Kumuha siya ng dalawang platito at inilagay sa harap ko iyong isa. Kumuha siya ng tig-isang slice ng pepperoni pizza at spinach pizza bago ilagay iyon pareho sa pinggan ko. Nang maamoy ko iyon at makita nang mas malapit ay biglang kumulo ang sikmura ko. Agad akong nilingon ni Enzo. Sa sobrang tahimik ng paligid, dinig na dinig niya ang pagkulo ng tiyan ko. Napayuko ako sa hiya bago ako napakagat sa aking labi. “See that?” Nakangisi niyang sabi bago niya ako lingunin. “Your mouth refuses, but your body asks for it.” Sa ilang buwan namin pagsasama ni Enzo, alam kong may ibang meaning ‘yong sinabi niya. Alam kong hindi ito tungkol sa pizza o sa pagkulo ng sikmura ko. Mas lalo tuloy akong nahiya. Abalang-abala siya sa pagkain ng pizza kaya’t kinuha ko na rin iyong akin at kumagat ro’n. Nar







