Share

Chapter 5

Author: VelvetProse
last update publish date: 2026-07-31 10:45:18

Habang nasa biyahe kami, hindi ko na rin naiwasan na pagmasdan ang sanggol na karga ko. Gwapo siyang bata. Makapal ang kanyang mga kilay, mahahaba ang kanyang pilik, at matangos ang kanyang ilong. Gwapo rin naman si Sir Enzo kaya hindi na ‘ko nagtaka. 

“Sir, ilang araw pa lang po siya?”

“Dalawa?” Hindi pa siya sigurado.

”Nagpa-heel prick test na po ba siya?” tanong ko nang malaman na dalawang araw pa lang pala siya rito. Malakas din ang kutob ko na hindi siya sa Ospital ipinanganak. 

“What’s that?” sagot niya na parang hindi niya alam ang sinasabi ko.

”Uh… Importanteng test po siya na ginagawa sa mga newborn para malaman kung may sakit ba sila. At kung meron, maaagapan po agad.” 

“Ganito na lang. Bilhin natin lahat ng kailangan ngayon, tapos bukas ipapagawa natin lahat ng medical tests na kailangan niya. Okay?” sabi niya nang halatang naiinip pa. 

“Okay po.”

Tama nga ang kutob ko, hindi sa ospital ipinanganak ang batang ’to. Wala namang ospital na basta na lang hahayaan na hindi magawa ang mga kinakailangang tests sa isang bagong silang na sanggol. At kung sakaling tumanggi man ang mga magulang, kailangan pa rin nilang pumirma ng refusal waiver. Natutunan ko ‘yan no’ng pinanganak si Tala. Ako kasi ang nag-asikaso at nagbantay sa kanya. 

Kung hindi pumayag si Sir Enzo noon, malamang hindi rin siya papayag na ipa-test ulit ang bata ngayon.

Tahimik lang kaming nagbiyahe sa natitirang oras ng biyahe.

Pagdating namin sa bayan, inuna namin bilhin ang car seat at crib. Pagkatapos no’n ay agad kaming dumiretso sa Birth Registration Office. Umupo na muna ako sa malapit sa p***o habang pinapanood ang mga taong dumadaan sa labas habang hinihintay ni Mr. Enzo ang turn niya.

Habang tinitingnan ko ang sanggol na hawak ko, hindi ko maiwasan na umasang baka biglang dadating ang nanay niya para iparehistro ang anak niya. 

Pero wala.

Tatlo pa ang nasa unahan ni Mr. Enzo kaya habang naghihintay, napansin ko ang isang ukayan na nasa tabi lang ng registry office. Bigla akong nagkaroon ng ideya kaya’t agad akong nagsenyas kay Mr. Enzo na lalabas lang ako saglit at may bibilhin. 

Karya-karga ko si baby nang pumasok ako sa ukay. Pumili at kumuha ako ng limang blouse, tatlong pantalon, at dalawang bestida. Manipis lang akong babae kaya’t hindi ko na sinukat at pinabalot na agad. Bumili rin ako ng sandalas at sapatos, pinili ko iyong mukhang bago pa. Nakakita rin ako ng travel bag sa gilid kaya’t binili ko na rin iyon para may mapaglagyan ako ng mga napamili ko. 

Katabi lang ng ukayan ang pharmacy kaya’t bumili na rin ako ng mga personal hygiene products. May maliit na women’s clothing store din, doon naman ako bumili ng mga underwear ko. 

Wala pang dalawampung minuto, kumpleto na agad ang lahat ng kailangan ko. 

Pagbalik namin sa registry office, sakto naman ang labas ni Mr. Enzo. 

Pumunta na agad kami sa department store para bumili ng mga diapers, feeding bottles, teething toys at hygiene kit. Unti-unting nasasagot ang mga tanong sa aking isip nang dumampot siya ng formula milk para sa baby. Pagkatapos, dumaan naman kami sa isang clothing store para sa mga damit ni baby. Karamihan sa mga pinili ko ay mas malaking size dahil alam kong mabilis lang lumaki ang mga sanggol.

Karga ko si baby habang si Mr. Enzo naman ang sumasalo ng mga inaabot ko at naglalagay sa shopping cart. Sandali akong napangiti nang mapagtanto na para pala kaming mag-asawa. 

Habang tumitingin-tingin kami sa mga damit ng bata, nakakita ako ng isang set ng silicone plates na pwede namin magamit kapag kumakain na si baby. Agad ko iyong dinampot at hinanap ang price tag. 

“Mahal…” Bulong ko bago ko iyon binalik sa aking pinagkuhanan. 

“Bakit? Ikaw ba ang magbabayad?” Suplado nitong sabi sa akin bago niya muling kunin ang silicon plates at nilagay sa shopping cart. 

Oo nga naman… 

Hindi naman ako ang magbabayad. Kanina ko pa nga napapansin na hindi man lang siya tumitingin sa mga presyo. Sabi pa nga niya kanina, piliin ko ang pinakamahal at ang mga branded. Tapos nag-e-english pa siya kanina. Sabi niya kanina buy cheap, buy twice raw. 

Gaano kaya siya kayaman? Ang laki-laki rin ng bahay niya, eh, at ang gaganda ng kotse niya. 

Nang matapos kaming mamili ay biglang umiyak si baby. Mahigit dalawang oras na rin kasi kaming nasa labas. Paniguradong nagugutom na siya. 

”Unbelieveble,” Aniya. “Bakit umiiyak na naman siya?” Kinakabahan niyang tanong sa akin.  

“Normal lang po ’yan, sir. Ang mga baby na ganito kaliit ay kumakain kada dalawang oras. Pwede po ba tayong huminto sa isang kainan? Kailangan ko pong ipa-sterilize ang bottle niya.”

Huminto kami sa isang maliit na restaurant. Ipinaliwanag ko agad sa waitress ang sitwasyon. Mabuti na lang at hindi lang niya in-sterilize ang bote, pinainitan pa niya ang tubig na gagamitin ko para sa gatas. 

Nang maubos ni baby ang gatas ay agad din siyang nakatulog kaya bumalik na kami sa kotse. Ang yaman-yaman niya pero wala man lang siyang mga katulong at body guards na pwedeng tumulong sa’min. Kaya ayun… siya ang naglagay ng mga pinamili namin sa likod ng sasakyan at pinagbuksan niya rin ako ng p***o ng sasakyan.

“Daanan natin ang mga gamit mo. Saan ka nakatira?” 

“A-Ah, H-Hindi na po kailangan. Pinadala ko na po sa mama ko kanina habang naghihintay tayo sa office,” Pagsisinungaling ko. 

Saglit niya akong tiningnan na parang may pagdududa, pero wala na siyang sinabi.

Tahimik lang ang naging byahe namin pabalik sa farm, mahimbing din ang tulog ni baby. 

Nang makarating kami sa farm, sinalubong agad kami ng ilan sa mga kasambahay niya. Kinuha nila ang mga pinamili namin sa sasakyan at diniretso agad iyon sa kwarto ng bata. Kasama na rin ang mga gamit ko. Ginusto ko man tumulong pero mabilis kasi silang kumilos at nakuha na rin nila lahat. 

Agad silang lumabas ng kwarto at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Lahat sila ay nakatungong lumabas. 

Nilapag ko ang bata sa kama at nilagyan ko ng dalawang unan ang magkabila para hindi siya malaglag. Hindi naman malikot ang mga newborn kaya’t sapat na iyon habang hindi pa nabubuo ang crib na nabili namin. Marami pa kasi akong kailangan ayusin at saka ang maganda sa mga newborn, halos buong araw lang silang tulog. 

Binitbit ko ang mga bagong biling damit ng baby at hinanap ang laundry room nila. Naisipan kong labhan na rin ang mga damit ko para masuot ko na sila ngayon. Malaki ang bahay ni Mr. Enzo kaya’t medyo nahirapan akong hanapin. Dahil may check-up si baby bukas, kailangan kong malabhan agad ang mga damit niyang susuotin. 

Nang matapos ako sa paglalaba at pagsasampay, pumunta ako sa kusina para magpainit ng tubig na ilalagay ko sa thermos na dadalhin ko sa kwarto. Nang makarating ako sa kusina ay may babaeng bumungad sa akin. 

“Magandang hapon ho,” magalang kong bati.

“Magandang hapon,” Pinagmasdan niya ako nang may pagtataka. “Ikaw siguro ang bagong kasambahay.”

“Ah, opo. Ako po si Ligaya pero pwede niyo po ako tawaging Aya.” Nakangiti kong sagot sa kanya. 

“Ako si Lira, ang housekeeper dito. Nandito ka na raw sabi ni Mr. Enzo kaya naghanda ako ng lunch para sa’yo.” 

“Nako… maraming salamat po.” 

Pagkatapos niya akong hayinan, umalis na rin siya. Mukhang hindi siya masyadong palasalita. Balak ko pa naman makipagkwentuhan sa kanya dahil marami rin akong gustong itanong. Naiwan akong mag-isa habang pinapanood ang baby sa baby monitor na kakaset-up ko lang kanina. 

Nang matapos akong kumain, bumalik na rin agad ako sa kwarto niya.

Pero nang pumasok ako ay may naamoy akong usok mula sa labas. 

Amoy sunog. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 37

    A few days earlier…ENZO’S P.O.VPagpasok ko ng kwarto, saka pa lang nag-sink in sa’kin ang ginawa ko."Damn it. Hinalikan ko si Aya."Napahawak ako sa noo ko at napailing."I can't believe I did that."Pero kasi, sobrang lapit ni Aya habang kinakausap ako. Madilim na madilim pa, and for a second, I thought she was Hera.Kahit gaano karaming sakit ang naidulot sa akin ng babaeng iyon, she was still the woman who had owned my heart for years.Well...Maybe not anymore.The way Aya kissed me—it awakened somethin

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 36 (Part Two)

    “Ha? Anong ibig mong sabihin?”Nagtataka kong tanong. Hindi ko talaga siya maintindihan.“Wala, wala…”Tumatawa pa rin siya at napipikon ako sa tawa niya.“Ano nga?”Umiling siya at bahagyang napasandal.“Kaibigan ni Sir ‘yung attending physician mo, ‘di ba?”Tumango ako.“Tumawag siya kay Sir Enzo. Sabi niya, discharge ka na raw. Tinanong niya si Tito kung tumawag ka sa kanya pero sabi ni Tito, wala siyang natatanggap na tawag galing sa’yo.”

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 36

    Nagising ako sa tunog ng pag-ikot ng doorknob. Naghintay ako na may pumasok, pero ilang segundo ang lumipas at walang nagbukas ng pinto. Napabangon ako at lumapit para tingnan kung sino ang nasa labas.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, isang malaking bag ang nakita kong nakasabit sa doorknob. Kinuha ko iyon at binuksan.May isang kahon sa loob, kasama ang isang maliit na note."Aya, take this as a gift. Dahil matagal din naman kitang hindi na-swelduhan, sa'yo na 'tong laptop ko. This should be useful once you start your studies. Na-reset ko na rin—pwede mo na siyang gamitin.P.S. Don't feel special. Pinaglumaan ko na 'yan. Nanghinayang lang akong itapon dahil bumili na 'ko ng bago. ‘Wag kang feeling.” Napangiti ako sa nabasa ko at natawa naman ako nang mabasa ko ang sinabi niya sa dulo. Kahit kailan talaga, hindi niya kayang maging sweet sa akin. Bumalik ako sa loob ng kwarto at binuksan ang kahon. Perfect condition pa ang laptop. At kung hindi ako nagkakamali, mamahalin ‘tong brand d

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 35 (Part Two)

    Natigilan ako at agad na tinalikuran siya. Ayokong makita niyang umiiyak ako. “Why are you just standing there? Do you not see the faucet’s still running?”Naramdaman ko ang paglapit niya at siya mismo ang pumatay ng gripo. Bakit ba sobrang tahimik ng yabag ng lalaking ‘to? Hindi ko man lang narinig ang pagbaba niya ng hagdan at ang pagdating niya dito. “Sorry…” Bulong ko pero sapat ang lakas no’n para marinig niya. Basag pa ang boses ko nang sabihin ko ‘yon kaya’t alam kong mahahalata niya. “Lagi ka na lang nag-so-sorry.” Hindi pa rin niya ako iniiwan. Gusto ko na sanang umakyat at dalhin ang tubig ko pero nakaharang siya sa dadaanan ko. Kapag ginawa ko ‘yun, makikita niya ang mukha ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Tinuon niya ang isang braso niya sa lababo at nang balak ko siyang iwasan ay magkabila na niyang inilagay ang braso niya sa lababo. Dahilan para ma-trap ako sa pagitan niya at ng counter. "Turn around and face me, Aya."Hindi ko man siya gu

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 35

    Tahimik kaming kumain. Sa sobrang tahimik namin dalawa, pakiramdam ko’y pako ang nilulunok ko. Ang sakit sa lalamunan. Kinakabahan ako. Sobrang awkward talaga kapag kasama ko ‘tong masungit na ‘to lalo na kailangan kong kapain kung anong mood niya. Minsan, okay siya. Minsan naman, ang sungit.Hindi ko alam kung alin sa dalawang version niya ang haharap sa akin sa tuwing magkikita kami."This month, hindi mo kailangang mag-alala kay Ethan. Tutulungan ka ni Mia. I want you to focus on yourself para mabilis kang maka-recover."Tinapunan ko siya ng tingin. Nakakahiya. Sa halip na nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko, kinakailangan ko pang maka-istorbo sa kanila. “Sorry talaga, Enzo, laking abala pa tuloy ako sainyo.” Kahit ayokong malaman ng amo ko ang mga personal kong problema, wala naman akong magagawa. Nakakahiya. Pakiramdam ko, naubos na ang dignidad ko. Tinitigan ako ni Enzo at malalim na bumuntong-hininga.Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko rin mabasa ang mga expre

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 34 (Part Two)

    Naging tahimik lang ang byahe namin pauwi. Masyado yata kami maraming napag-usapan kaya naubos na ang energy namin pareho. Nang makarating kami sa hacienda, agad na sumalubong sa amin si Mia para yakapin ako. “Happy birthday!” “Thank you, Mia!” Sagot ko naman nang kumalas siya. Sinilip ko rin agad si Ethan na mahimbing na natutulog. Samantalang si Enzo naman ay dumiretso agad sa office niya. Marami pa raw kasi siyang gagawin.“Kamusta ka naman, Aya? Buti nakalabas ka na ngayon at talagang tinaon pang birthday mo.” “Kaya nga, eh.” Tumawa ako. “Maayos naman ang pakiramdam ko. Maayos na maayos na.” Sinaway ko pa si Mia nang ayusin niya ang kama na hihigaan ko. Pero wala rin akong nagawa. Kailangan ko raw sumunod sa kanya dahil baka mabinat ako. “Kamusta pala siya, Mia?” “Okay naman, Aya. Hindi naman niya kami pinahirapan.” Napangiti si Mia."Alam mo ba, para mapatulog ko siya, kinailangan ko pang ilagay sa tabi niya ang unan mo.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status