Se connecterAgad niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng salamin kung saan nakalagay ang mga cellphone na halatang may mga gasgas na rin. Naglabas siya ng apat na phone at bakas sa mga ‘yon na talagang nagamit na.
“Itong mga ‘to, pwede na sa isang libo lang.”Namili ako sa apat na inilabas niya. Pinili ko ‘yong medyo kakaunti pa lang ang gasgas at hindi pa sobrang halata na secondhand.“Ito na lang po,” Tinuro ko ‘yong nagustuhan ko. “Isang sim card na rin po sana,” Dagdag ko.PagkaTumawa siya at sumandal sa sofa. “Do you know what she did? She admitted that she liked you, pero hindi raw sapat ’yon para makipagkompetensiya sa akin, lalo na’t may anak tayo. She simply told me she was leaving.” “You’re lying.” Napailing ako, pilit na inuunawa ang mga sinasabi niya. “Kilala ko si Aya. She would never leave without talking to me first.” “Then let’s see how well you really know her.” Ngumisi siya. “Tell me, Enzo, nasaan siya ngayon? Ha? Where is she? Bakit wala siya rito kung hindi siya umalis?” “You must have said or done something terrible to her. Umamin ka!” sigaw ko. “If you think I did something wrong, then call her. Kausapin mo siya mismo at alamin mo ang totoo.” Nagkibit-balikat siya, tila walang pakialam sa kaguluhang idinudulot ng mga salita niya sa akin. “I only told her my side of the story, and apparently, your little sweetheart doesn’t l
Hindi na normal ang kilos niya. Para siyang isang taong unti-unting nilalamon ng sarili niyang galit at desperation, hanggang sa hindi na niya malaman kung alin sa mga iniisip niya ang dapat niyang sundin at paniwalaan. “Anak ko siya, Enzo!” sigaw niya. “Pero pinagkaitan mo ako ng karapatang makita siya! Do you honestly think that’s fair?” Muli siyang napailing, at nang magsalita siya ulit, halos hindi na magkasunod-sunod ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. “Mas hinahayaan mo pa ang babaeng ’yon na hawakan ang anak ko! Na yakapin siya, alagaan siya, at makasama siya araw-araw!” Itinuro niya ako gamit ang nanginginig niyang daliri. “Samantalang ako? Ako ang nanay niya, Enzo! Ako ang tunay na nanay niya!” Bigla siyang napatawa. Isang maikli at mapait na tawa na agad ding napalitan ng hikbi. Napahawak siya sa ulo niya at ilang beses na umiling, na para bang pilit niyang itinataboy ang isang bagay na s
Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng selda, naghihintay ng update mula kay Chase. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakakulong dito. Ang tanging gusto ko na lang ay makalabas agad. Sobrang baho sa lugar na ’to. I could barely stand it anymore. Gusto ko nang makaalis dito at makalanghap man lang ng sariwang hangin. “Mr. Enzo, laya na po kayo.” Agad akong napakunot ng noo sa narinig, pero ilang segundo lang ang lumipas ay napalitan din iyon ng isang ngiti. Hindi na ako nagtanong pa. I knew Chase wouldn’t let me down. Binuksan ng pulis ang rehas ng selda kung saan ako nakakulong. Pagkalabas ko, nakita ko agad si Chase na naghihintay sa akin. “You really are a great lawyer, huh?” Salubong ko sa kanya. “Hera dropped all the charges,” Seryoso niyang sagot sa akin. Nagdikit ang mga kilay ko, “What do you mean?” “I don’t know, man, pero something doesn’t feel right. First, biglang nagpakita si Aya,
Agad niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng salamin kung saan nakalagay ang mga cellphone na halatang may mga gasgas na rin. Naglabas siya ng apat na phone at bakas sa mga ‘yon na talagang nagamit na. “Itong mga ‘to, pwede na sa isang libo lang.” Namili ako sa apat na inilabas niya. Pinili ko ‘yong medyo kakaunti pa lang ang gasgas at hindi pa sobrang halata na secondhand. “Ito na lang po,” Tinuro ko ‘yong nagustuhan ko. “Isang sim card na rin po sana,” Dagdag ko. Pagkatapos kong magbayad, nakiusap ako sa nagtitinda na baka pwedeng maki-charge na rin ako sa kanila. Nag-lo-load din sila kaya nagpa-load na rin ako at nag-download ng mga apps na kailangan ko habang nakiki-charge ako.“Ma’am, may alam po ba kayong malapit na hotel dito?” “Mag motel ka na lang, miss.” Itinuro niya ang kanto sa kabilang kalye. “Lampas lang ng dalawang kanto mula sa tindahan na ‘yon.”Tumango ako habang tinitingnan iyong sinasabi niya. “Probinsyana ka, ‘no
Habang umaandar ang taxi, pinagmamasdan ko ang mga matataas na building na nadaraanan namin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming gusali na halos abutin na ang langit sa sobrang taas. Ang gaganda ng mga disenyo nila, at ang mga billboard na dati ko lang nakikita sa cellphone, sobrang laki pala sa personal. Ang liit-liit lang nilang tingnan kapag nasa screen.Pero habang patuloy akong nakatingin sa labas ng bintana, unti-unti namang nanumbalik sa isip ko ang mga taong iniwan ko.Hindi ko napigilang mapaluha.Ang bilis ng lahat ng pangyayari.Parang kahapon lang, masayang-masaya pa kami ni Enzo. Kahit anong oras, pwede kong kargahin si Ethan at yakapin siya nang mahigpit. Kapag kailangan ko ng kausap o may bagay akong hindi kayang gawin mag-isa, tatawagan ko lang si Mia.Dati, hindi ko kailangang isipin kung saan ako matutulog o kung paano ako magsisimula ulit.Ngayon, ito ako. Nasa Maynila, malayo sa lahat ng taong mahal ko.Hindi ko man lang mabali
Nang makarating kami sa airport, hindi na ako umiiyak. Wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko. Dehydrated na yata ako kakaiyak dahil buong byahe akong ngumangawa. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ang umiyak lang. Buong biyahe lang akong nakatingin kay Ethan dahil ito na ‘yung huling beses na magkakasama kami. Buong biyahe akong umiiyak at buong biyahe ring nilalaro ni Ethan ang daliri ko. Tawa pa siya nang tawa habang pinapanood akong umiyak. Kung alam niya lang… hindi ko na ulit siya maaalagaan. Hindi matigil ang isip ko. Pagod na pagod na ‘kong mag-isip ng mga pwede kong gawin pero wala, eh. Wala talaga akong magagawa. Magtitiwala na lang ako kay Enzo. Tulad ng madalas na sinasabi ni Tita Lira at Mia sa akin. Alam kong maaayos niya ‘to lahat. Alam kong magagawan niya ng paraan na mapaalis si Hera at makuha ang custody ni Ethan. “Here’s your ticket,” Inabot niya sa akin ang isang papel na nakatupi. “Consider it a gift para sa bago mong bu







