LOGINKabanata 3
Five years later… Punong-puno ng mga sikat na personalidad ang malawak na bulwagan. Naroon ang ilang kilalang negosyante, artista, at mga taong kabilang sa alta sociedad ng bansa. Sa ginaganap na auction, nakasuot ng puting gown ang babaeng auctioneer. Nakatali nang maayos ang mahaba niyang itim na buhok, habang natatakpan ng manipis na belo ang kanyang mukha. Hindi makita ang tunay niyang itsura, pero kapansin-pansin ang elegante niyang kilos sa bawat galaw. May kumpiyansa at kalmadong ipinakikilala niya sa maayos na Ingles ang bawat bagay na nakalagay sa entablado. Isa-isang naglalabanan sa pagbi-bid ang mga taong naroon, sabik na makuha ang mga mamahaling auction item. Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuyod ang buong bulwagan. Hawak niya ang maliit na martilyo ng auctioneer, at sa bawat pagtataas at pagbaba nito, nasusunod ang kanyang pasya. Sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Sebastian. Bahagya siyang lumingon at pinagmasdan ang babaeng nasa ibaba. “Iyan ba ang babaeng gustong makita ni Grandpa?” Agad na iniabot ng assistant ang mga dokumentong hawak nito. “Yes, Sir. Alessandra ang pangalan niya. Limang taon na siyang nagtatrabaho sa auction house na ito bilang auctioneer. Sa unang auction pa lang niya, nakapagbenta na siya ng isang landscape painting na may panimulang presyo na isang milyong piso sa halagang animnapung milyon. Sixty times higher than its original price. Dahil doon, bigla siyang nakilala sa buong industriya.” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Sebastian. “Palagi ba siyang nakasuot ng belo?” Sandaling nag-isip ang assistant bago sumagot. “Yes, Sir. May narinig nga po ako na may isang taong nag-alok sa kanya ng sampung milyong piso kapalit ng pagtanggal niya ng belo, pero tinanggihan niya. Marami tuloy ang nagsasabing baka napakapangit niya kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya.” Pinatay ni Sebastian ang sigarilyong hawak niya sa ashtray. Muli niyang ibinaling ang tingin sa babaeng nasa entablado. “Magaganda ang mga mata niya.” Kung talagang napakapangit ng babaeng iyon, paano nagkaroon ng ganoon kagagandang mga mata? At may kakaiba rin sa mga mata nitong tila pamilyar sa kanya. Mayroon siyang nakikilala sa mga matang iyon. Sino nga ba? Para silang mga mata ni Alessandra. Ang babaeng limang taon nang nakalipas ay basta na lamang nag-iwan ng divorce agreement, ipinalaglag ang kanilang anak nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya, at tuluyang naglaho na parang bula. Wala na siyang natanggap na balita tungkol dito mula noon. “Ipatawag mo siya. Gusto ko siyang makausap.” Tumayo si Sebastian at dalawang hakbang na ang nagawa bago biglang huminto. “Five years have passed. Wala pa rin ba kayong nahahanap na kahit anong impormasyon tungkol kay Alessandra?” Lalong kinabahan ang assistant. Hindi naman daw basta-basta nawawala ang isang tao na parang bula. Pero sa kaso ng asawa ng kanyang amo, tila totoong naglaho ito sa mundo. Limang taon na ang nakalipas, pero wala pa rin silang nakikitang bakas kung nasaan ito. Napahawak si Sebastian sa sentido dahil sa pananakit ng ulo. “Continue searching.” Talagang napakawalang-awa ng babaeng iyon. Nakipagdiborsyo ito sa kanya, ipinagpalaglag ang kanilang anak, at hinarang pati ang lahat ng contact information niya. Binura rin nito ang lahat ng paraan para makontak niya ito. Marahil walang sinuman ang nakakaalam na ang presidente ng kilalang Montenegro Group ay isang lalaking iniwan ng sariling asawa sa pamamagitan lamang ng isang divorce agreement. Wala ring nakakaalam na limang taon na niyang hinahanap ang babaeng basta na lamang tumalikod sa kanya. Desidido si Sebastian na mahanap si Alessandra. Gusto niyang personal itong tanungin kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan para tratuhin siya nito nang ganoon kalupit. Tuluyan nang umalis si Sebastian. Naiwang nakatayo si Assistant Jang habang malamig na pawis ang namumuo sa kanyang noo. Halos lahat na ng posibleng lugar ay napahanap na niya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang magandang balita. Napabuntong-hininga si Jang at mahina itong bumulong sa sarili. “Madam, nasaan na po ba kayo?” *** Nang matapos ang auction, bahagyang yumuko si Alessandra bilang pasasalamat sa mga dumalo bago maayos na bumaba sa entablado at naglakad palabas. Limang taon na ang nakalipas nang magsimulang magtrabaho si Alessandra sa isang auction house. Ginagamit pa rin niya ang pangalan niyang Alessandra. Upang maiwasan ang hindi kinakailangang atensyon at anumang posibleng gulo, palagi siyang nagsusuot ng belo tuwing may auction. Nang makarating siya sa opisina, isang maliit at bilugang batang babae na nakasuot ng kulay rosas na damit ang biglang tumakbo papunta sa kanya. Halos tumakbo sa maiikli nitong mga binti ang munting bata habang nakabuka ang maliliit at malaman nitong mga kamay. Niyakap nito ang binti ni Alessandra at masayang tumawag. “Mommy!” Agad na tinanggal ni Alessandra ang belo, dahilan para makita ang maganda at pinong mukha niya. Yumuko siya, binuhat ang anak at hinalikan sa maputi nitong pisngi. “Nasaan ang mga kuya mo, Amelia?” Kinuyom ni Amelia ang maliliit nitong kamay at bahagyang nagtaas ng ulo. “Hmph! Umalis po ang mga kuya para maglaro.” “Hindi ka nila isinama?” “Boys' game daw po kasi ang lalaruin nila. Bawal daw sumama si Amelia.” Napailing na lamang si Alessandra. Noong una, labis na nasaktan si Alessandra at gusto na talaga niyang ipalaglag ang batang dinadala niya. Ngunit nang makita niya mismo ang operating room at maisip na tuluyan nang mawawala ang batang nasa sinapupunan niya, hindi niya kinaya. Sa huli, nagbago ang isip niya at piniling ituloy ang pagbubuntis. Dalawang buwan matapos makarating sa Italya, isinilang niya ang tatlo niyang anak. Dalawang lalaki at isang babae. Andrew ang pangalan ng panganay, Anton naman ang pangalawa, at Amelia ang bunso. Ang panganay ay mahinahon at responsable. Ang pangalawa ay malikot at pasaway, habang ang bunso naman ang pinakacute sa kanilang tatlo. Habang nakatingin sa napaka-cute na batang babae sa kanyang mga bisig, hindi maiwasan ni Alessandra na magpasalamat sa sarili dahil hindi niya itinuloy ang desisyon niya noon. Kung hindi niya piniling panatilihin ang mga bata, hindi niya mararanasan ang ganitong kasiyahan. “Ah, by the way, Mommy! Hulaan mo kung sino ang nakita namin ng mga kuya ko today?” Sino naman kaya? “Bad daddy!” Malakas na sumagot si Amelia, pero hindi iyon gaanong naintindihan ni Alessandra.Kabanata 61Hindi makapaniwala si Alessandra na may taong kayang maging ganoon kakapal ang mukha. Biglang nag-alab ang galit sa dibdib niya kaya hindi niya napigilang magtanong, "Hindi mo talaga ako papayagang umalis hangga't hindi ko hinuhubad ang damit ko?""Yes."Si Sebastian ay isang lalaking dominante at palaging tinutupad ang bawat salitang binibitawan niya.Mahigpit na hinawakan ni Alessandra ang natitirang bahagi ng kaniyang damit. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa magkahalong takot at galit.Matagal na nakatitig si Alessandra kay Sebastian, para bang sinusubukan niyang basahin sa mukha nito kung ano ang dahilan at bigla na lamang itong nabaliw at nagpumilit na makita ang katawan niya.Nang tuluyan nang kumalma ang isip niya, saka lamang niya naalala na mayroon siyang birthmark na hugis-gasuklay sa balikat. Ganoon din ang birthmark ni Amelia. Posibleng nakita ni Sebastian ang marka sa balikat ng bata kaya nagsimula itong maghinala.Lalong hinigpitan ni Alessandra ang
Kabanata 60 Ano raw? Dahil sa narinig, pansamantalang natigilan si Alessandra at nakalimutang pumalag. Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya at hinila papasok sa elevator. Diretso silang umakyat sa ikalawang palapag. Nang maintindihan ni Alessandra ang balak nito, buong lakas siyang nagpumiglas. "Sebastian! Bitawan mo ako!" Hindi siya pinansin ni Sebastian. Sa halip, diretso siyang hinila papasok sa isang silid bago isinara at ikinandado ang p***o. Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang pulsuhan ni Alessandra at idiniin siya sa dingding. Itinaas niya ang isang kamay at pilit na hinila ang damit nito upang hubarin. Agad na itinaas ni Alessandra ang dalawang kamay at mahigpit na hinawakan ang damit niya. "Sebastian! Nababaliw ka na ba?!" "Ayaw mong ibigay sa akin?" Inabot ni Sebastian ang likod ng ulo niya at hinawakan iyon. "Kung ganoon, mas mabuting ibigay mo na lang sa akin ang sampung milyon ngayon din. Kung hindi, ipapasa kita sa pamilya Salcedo kasama ang lahat ng ebide
Kabanata 59 Napayuko si Alessandra at kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya. Ang tanging naririnig sa tahimik na paligid ay ang sunod-sunod na ring ng telepono. Nakatutok ang malalim na mga mata ni Sebastian sa mukha ng babae. Hindi niya pinalalampas ang kahit katiting na pagbabago sa ekspresyon nito. Habang tumatagal, lalong bumibigat ang tensiyon sa pagitan nila. Tiningnan ni Alessandra ang umiilaw na screen ng cellphone. Marahan niyang ini-slide ang daliri sa screen at sinagot ang tawag. "Hello..." Napababa naman ng tingin si Sebastian sa sarili niyang cellphone. Hindi pa rin sinasagot ang tawag niya, pero naririnig na niya ang boses ng kausap ni Alessandra sa kabilang linya. Samantala, inilabas ni Mica ang cellphone na kanina pa nagvi-vibrate sa loob ng bag niya. Itinaas niya iyon sa harap ni Sebastian. "Sir, may duda pa rin ba kayo na ako ang mommy ni Amelia?" Kumunot ang noo ni Sebastian. Ibinaba ni Mica ang tawag at kasabay niyon ay nakatanggap din ng busy signal ang
Kabanata 58 Napuno ng matinding pagkadismaya ang dibdib niya. Ang pag-asang matagal niyang pinanghawakan ay bigla na lamang nadurog. Samantala, pilit namang pinatatag ni Alessandra ang sarili. Halos mabasa na ng pawis ang likod ng kanyang damit. Dahil natatakot siyang hindi makapasok si Mica, pinakiusapan niya si Amelia na tawagan ito at alamin kung nakarating na ba ito. Kaya malamang, narinig lamang ni Sebastian ang pag-uusap nila sa telepono. Mabuti na lamang at naging maingat siya. Halos umakyat na sa lalamunan ni Alessandra ang tibok ng puso niya. Napakalapit na! Iniiwas niya ang tingin kay Sebastian at palihim na sumulyap sa entrada. Hindi nagtagal, pumasok ang katulong kasama si Mica. Saglit na nagtagpo ang mga mata nina Alessandra at Mica. Isang palihim na palitan lamang ng tingin ang ginawa nila, ngunit sapat na iyon upang magkaintindihan. Agad na naramdaman ni Mica na may kakaibang tensiyon sa loob ng silid. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyari bago siya du
Kabanata 57 Ramdam ni Alessandra ang isang matalim na titig na nakatuon sa kanya mula sa itaas. Dahan-dahan siyang tumingala at nakita si Sebastian na nakatayo sa likuran niya. Tahimik itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Amelia. Nang magtama ang kanilang mga mata, biglang kinilabutan si Alessandra. “Se... Sebastian?” Pinilit ni Sebastian na kontrolin ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi niya inalis ang tingin kay Alessandra habang diretsahang nagtatanong. “Alessandra, ano naman ang masasabi mo ngayon?” “Ano?” Ano raw ang sasabihin niya? Kumunot ang noo ni Alessandra at napatingin uli sa lalaki. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nito? May nagawa na naman ba sina Andrew at Anton? Napalamig siya sa sariling hinala. “Alam ko na ang lahat. Narinig kong tinatawag ni Amelia ang Mommy niya. Ano pa ang dahilan para magkunwari ka?” Malalim ang boses ni Sebastian, ngunit hindi niya lubusang maitago ang pananabik na pilit niyang kinokontrol. Sa wakas! Sa wakas, nalaman
Kabanata 56 Ilang sunod-sunod na tunog ng notification ang biglang umalingawngaw mula sa cellphone ni Alessandra. Napakunot ang noo niya dahil naputol ang sinasabi niya. Itinaas niya ang kamay na may hawak na cellphone at sinilip ang mga natanggap na mensahe. Mga larawan ang ipinadala ni Rafael. Makikita roon ang dalawang maliliit na pigura at ang malalaking salitang nakadisplay sa LED screen sa lobby ng Montenegro Group: “ISA AKONG WALANG HIYANG LALAKI! ISA AKONG BASTARDO! BAGAY NA BAGAY KAMI SA ISA'T ISA!” Kasunod nito ang tatlong mensahe mula kay Rafael. Rafael: Ang nangyari kagabi ay gawa ng isang misteryosong hacker. Na-hack niya ang system ng Montenegro Group. Rafael: Hulaan mo kung sino ang may gawa. Bahagyang lumaki ang mga mata ni Alessandra. May nag-hack sa system ng Montenegro Group kagabi? Hacker? Muli niyang tiningnan ang larawang ipinadala ni Rafael. Malinaw na makikita roon ang dalawang pigurang kahawig nina Sebastian at Irene. Sino pa ba ang gagawa ng ganoo







