Share

Chapter 2

Author: Zyglerx
last update Last Updated: 2024-10-22 20:53:52

Ang mga bisita ay may iba't ibang mga komento sa nangyayari at pinagbubulungan ito.

"Ito ba ang fiancée ni Mr. Maki? Bakit parang babaeng kalye ang suot niya?" wika ng isa.

"Hindi ba dapat maamo at magandang babae ang fiancée ni Mr. Maki? Ano ito?" sabat naman ng isa.

"Well, medyo kakaiba ang taste ni Mr. Maki..."

Si Irene ay sadyang nagbihis ng parang gangter para takutin sana ang ka-blind date niya.

Sa kabilang banda, walang pakialam si Maki kung ang mga tao sa paligid niya ay kinukutya ang pananamit ng kanyang fiancée. To be precise, wala siyang pakialam kung kinukwestyon ng mga tao ang taste niya sa babae.

Sa kabila ng mga mapanghusgang tingin ng mga bisita, kinailangan ni Irene na magpanggap at sumunod sa nais ng binata. Nakipagpalitan siya engagement ring kay Maki dahil tila may malamig na kutsilyong nakatutok sa kanyang likod at isang maling galaw lang niya, tapos ang kanyang buhay. Hanggang sa inanunsyo ng host na tapos na ang seremonya.

Bagama't nahirapan ang lahat na tanggapin ang fiancée ni Mr. Maki, hindi sila nangahas na hindi pumalakpak at basbasan ang dalawa para sa kapakanan ng mga Montealegre.

Saglit na pumalakpak ang mga tao sa paligid.

Pagkatapos bumaba sa entablado, ang gusto lang sana ni Irene ay ang umatras na sa mga nangyayaring ito at tumakbo palayo. Ngunit napaliligiran siya ng tatlong babaeng nakasuot ng magagarang damit at nakaharang sa daan.

"Kaninong anak ka?" nakataas ang kilay na sambit ng isang mayamang dalaga.

"Bakit ka pumunta dito na nakasuot ng ganito?" sabat naman ng isa.

"Sa hitsura mong iyan, karapat-dapat ka bang tumayo sa tabi ni Mr. Maki at makipag-engage sa kanya?”

Lumakad si Irene palayo sa mga babaeng ito at wala na sanang planong makipag-usap. Ngunit pinigilan siya ng mga babae at hinarangan ang kanyang daraanan.

Naubos ang pasensya ng dalaga at sinulyapan ang napakagagandang damit na suot ng mga babae.

"Lahat kayo ay nakasuot ng magarang damit na bagay tumayo sa tabi ni Mr. Maki. Pero hinayaan ba niya kayong tumayo sa tabi niya?" pang-iinsulto ni Irene sa mga ito.

"Ikaw!"

Ang tatlong babae ay pawang mga anak ng mayayamang pamilya sa Manila, at ngayon lang sila napahiya nang ganito.

Hinarang nila si Irene at pinilit na humingi ng tawad sa kanila, hindi nila ito hinayaang makaalis.

Hindi kalayuan, si Lee Jaycee, ang pangalawang young master ng pamilyang Lee, ay lumapit at nakipag-toast ng inumin kay Maki at binati siya sa naganap na seremonya.

"Maki, saan mo nakuha ang batang babae na ‘yon? Kung ipapakilala mo siya sa lolo mo, siguradong magagalit ‘yon."

Walang pakialam na sumagot si Maki, "Gusto lang ni lolo na magkaroon ng daughter in law, ayos na ‘yan basta babae."

Tumugon naman si Jaycee, "Napakaraming babae sa mundo, bakit kailangan mong pumili ng babaeng maliit at mukhang bata?"

Ibinaba ni Maki ang tingin sa hawak niya. Itinaas ang kanyang baso at humigop ng red wine na para bang may ninanamnam sa kanyang labi.

"Ang tamis kasi ng labi niya,” sambit ni Maki habang nakangiti ang mga labi.

Natigilan si Jaycee sa bagay na narinig, nakatingin ang kanyang mata sa binata na noon pa man ay hindi na talaga niya maintindihan ang ugali.

"Bakit hindi ko namalayan na mayroon ka talagang kakaibang taste sa babae?" umiiling niyang sambit.

“Oh my gosh!”

Tumingin si Jaycee at itinaas ang kanyang kilay nang marinig ang mga tao. Nakita niyang binuhusan si Irene ng isang basong alak ng mga babaeng kaharap nito.

"Mukhang na-bully ang batang kasintahan mo, bakit hindi mo puntahan?" saad niya kay Maki.

Kumunot ang noo ni Maki at tumingin sa kanya.

"Hindi na kailangan," tugon ng binata.

Hindi maisip ni Jaycee kung ano ang ibig sabihin ni Maki. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hinawakan ng isang kamay ni Irene ang buhok ng babaeng kaharap niya at pinaghahampas nang malakas ang ulo ng dalawa na parang pagtama ng mga pakwan, animoy sumasabog ang mga ulo nito.

Ang dalawang sosyalista ay napaupo sa lupa na may mga bituin sa kanilang mga mata, at ang natitira ay natakot naman sa nangyari.

"Ikaw...ikaw...ikaw..." pagsumpa ng mga ito kay Irene.

Si Irene ay may blangkong ekspresyon sa kanyang mukha at hindi nagsasalita habang marahang iwinagayway ang kamay sa kanyang tabi.

Awtomatikong umatras ang isang mayamang bisita na kanina ay nakaharang sa kanya at hindi na nangahas pa na humarang pang muli sa daan.

Napangiwi si Jaycee ng kanyang bibig dahil sa nasaksihan.

"Mukhang alam ko na kung bakit mo pinili itong batang babaeng gangster na ito."

Ang mga mata ni Maki ay may malalim na tingin. Humigop siya ng kanyang alak at hindi nagsalita.

Sa isip ni Maki, ang maliit na babaeng iyon ay kayang lumapit sa kanya na kasing bilis ng kidlat. Kaya ring hilahin ang isang malaking lalaki na tulad niya upang yumuko at halikan siya nang mariin, gamit ang isang kamay.

Ang babaeng iyon ay sadyang malakas at matapang. Karapat-dapat siyang tumayo sa tabi ni Maki Montealegre.

"Luke, samahan mo siya para magpalit ng damit," utos ni Maki sa kanyang assistant.

"Opo, young master!" tugon naman nito.

Hindi sumama si Irene sa assistant upang magpalit ng damit, ngunit lumakad ito palapit kay Maki at pinandilatan ang binata.

"Uncle, wala ka bang dignidad? Hinalikan lang kita nang kaunti tapos gusto mo nang pakasalan kita? Masiyado naman yatang mahal ang hinihingi mo. Pwede naman akong managot sa ibang paraan, hindi ba? For example, financial compensation.”

Nagsimulang sumingkit ang guwapo at malalim na mata ni Maki. Bahagya niyang pinikit ang kanyang mga mata at nagbigay ng pilyong ngiti habang nakatingin kay Irene.

"Hmm? Sa tingin mo, magkano ang kaya mong ibayad sa pagnakaw mo ng halik sa akin?"

Tiningnan muna ni Irene ang mukha ng lalaki at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kanyang gwapo at manipis na labi na animoy tinatantiya talaga ang presyo.

"Nahihirapan akong sabihin. You should name the price yourself! Mukha ka nang matanda at siguradong hindi iyon ang first kiss mo, kaya mas mabuting hindi lalagpas ng dalawang daang piso. Wala na akong mas malaki pa roon."

"Mapangahas ka! Dalawang daan?” gulat na nasambit ni Luke nang marinig ang sinabi ng dalaga.

Naramdaman ni Luke na tila inaakit ng babaeng ito si kamatayan. Napakasuwerte na nga niya na maging engaged sa young master, ngunit nangahas pa siyang maliitin ang young master nito.

Itinaas ni Maki ang kanyang kamay upang senyasan ang kanyang mga tauhan na umatras at pagkatapos ay kinurot ang nakatutok na baba ni Irene gamit ang kanyang mga payat na daliri.

Ang pagkakahawak niya ay hindi malakas, ngunit mararamdaman mong puno ng panganib.

"Little girl, since may lakas ng loob kang landiin ang matandang lalaki na gaya ko in public, kailangan mong sumunod sa akin at harapin ang consequences ng ginawa mo! Hmm?"

Kumunot ang noo ni Irene.

‘Siguradong may mali sa utak nitong lalaking ito,’ sambit niya sa kanyang isip.

Ngumiti si Irene at marahang inalis ang kamay ng lalaki sa kanyang labi. Lumingon siya at nagsimulang magningning ang mga mata, saka muling nagsalita gamit ang gangster niyang tinig.

"Okay! Pwede na ba akong pumunta sa banyo?"

Hindi nagsalita si Maki, ngunit binigyan lamang ng matalim na tingin ang kanyang mga tauhan, tila nagsasabing dadalhin ang dalaga sa banyo.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang assistant niyang si Luke na may seryosong ekspresyon at lumapit kay Maki.

"Young Master, tumalon ang binibini sa bintana ng banyo at tumakbo palayo. Nagpadala ako ng mga tao para habulin siya."

Si Maki, na nakasuot ng maayos na suit ay walang gana at prenteng sumandal sa sofa na parang nahulaan na niya na mangyayari ito noon pa man. Ang malamig at guwapo niyang mukha ay nanatiling kalmado, saka marahang hinawakan ang red wine glass.

"No need to chase her, alamin mo ang pangalan at address ng bahay ng babaeng iyon. Magpadala ka ng mga regalo para sa proposal ng kasal."

"Yes, Sir!"

Sapat na ang napanood ni Lee Jaycee sa mga pangyayari at hindi niya maiwasang tanungin si Maki.

"Maki, gusto mo ba talagang pakasalan ang isang walang silbing babae? Sa katunayan…”

"Isang babaeng tulad niya lamang ang karapat-dapat," pagputol ni Maki sa sinasabi ni Jaycee.

***

Gabi na nang makauwi si Irene sa kanilang bahay. Pagkapasok na pagkapasok niya, itinaas ng kanyang ama na si Ben ang kamay at sinampal siya.

"Ang lakas ng loob mong bumalik pa!" sigaw ni Ben.

Mabilis na umatras si Irene at madaling nakaiwas sa sampal, dahilan upang mas lalong mainis ang kanyang ama.

"Irene, ang nanay mo ay maingat na pumipili ng isang de-kalidad na lalaki para sa ‘yo. Pero nagbihis ka ng ganito para makipag-blind date? Hinila mo pa ang isang napadaang ginoo at hinalikan siya sa publiko?” sunod-sunod na sigaw ng kanyang ama sa kanyang harapan. Halos hindi nito mapigil ang galit sa dalaga. “Pinahiya mo ang pamilya natin! Nagalit nang sobra ang matchmaker dahil sa ginawa mo! Lumuhod ka para aminin ang pagkakamali mo at humingi ng tawad sa nanay mo!" galit na utos ng kanyang ama.

Inilagay ni Irene ang kanyang mga kamay sa bulsa ng coat na suot niya, nanlamig ang kanyang mga mata at nagsalita, "Hindi ko siya ina."

Si Tasha ay madrasta lamang ni Irene, isang madrasta na ginawa ang lahat ng paraan para pakasalan siya ng ama ng dalaga, nang sa ganoon, mawalan ng karapatan si Irene na magmana ng ari-arian ng pamilya Smith.

"Ben, ayos lang ako. Huwag kang magalit kay Irene. Bata pa siya at ignorante. Lahat ng ito ay dahil sa ‘kin. Hindi ako naging mabuting madrasta. Hindi pa sapat." sambit ni Tasha na may halong pagpapanggap.

Nakaramdam ng awa si Ben nang makitang pinagtatanggol pa rin ni Tasha ang ignoranteng bata na ito.

Sa paglingon ni Ben, nagbitiw siya ng hindi magandang salita kay Irene: "Wala kang utang na loob! Napakabait sa iyo ni Tasha, pero hindi mo man lang siya tawaging nanay!"

Pinunasan ni Tasha ang kanyang mapait na luha, saka nagsalita habang may nagmamakaawang tingin.

"Ben, kalimutan mo na ito.” Tumingin ang madrasta kay Irene at pilit na ngumiti. “Pwede mo akong tawaging Tiya Tasha, hindi naman mahalaga sa akin iyon."

Nang makita ang pag-arte ni Tasha, hindi na nagulat si Irene.

Magaling talagang umarte ang matandang babae na ito, lalo na sa malulungkot na eksena. Magsasabi ito ng isang bagay na maganda sa harap ng isang tao, tapos ay magsasalita ng hindi maganda pagtalikod nito. Ganito ang totoo niyang ugali.

Si Ben lang ang nabighani sa alindog ng madrasta, isang bagay na hindi maintindihan ni Irene kung bakit.

Nilabas ni Irene ang kanyang kamay mula sa loob ng kanyang bulsa, saka iniabot kay Ben ang isang papel. Nakasulat sa papel na iyon ang mga impormasyong nakalap niya, saka nagsimulang magsalita.

“Dad, narito ang totoong impormasyon ng mga lalaking pilit pinapareha sa akin ni Tiya Tasha. Tingnan mo muna. Kung may magustuhan ka sa mga ‘yan, pakakasalan ko agad-agad.”

Natigilan si Ben sa sinabi ng dalaga. Kinuha niya ang papel na naglalaman ng mga impormasyon at tiningnan ito. Nanlaki ang mga mata ng kanyang ama at unti-unting nagbago ang ekspresyon nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24.1

    Sa SNOW box.Bagaman tinawag itong box, ang loob ay parang isang malaking flat stage na napakaluwag.Mayroong magandang ilaw ngunit malabo, habang tumutugtog ang isang live band.Nakasuot ng magagandang damit ang mga tao, umiinom at nag-uusap sa kani-kanilang mga barkada.Pinagmasdan ni Irene ang mga tao sa paligid, hinahanap si Angela.Maya-maya lang, biglang may lumabas sa pinto na may kulay Barbie pink na buhok patungo sa kanya, “Tita...”Inunat ni Irene ang isang daliri at pinindot ang mga labi ni Angela, pinatahimik ang huling salita na “Tita,” at sinabi: “Kapag nasa labas tayo, tawagin mo ko sa pangalan ko.”Ngumimik si Angela, “Ah, sige! Irene...”Bahagyang nakasimangot si Irene at sinuri mula ulo hanggang paa kung may mga sugat ang babaeng kaharap, “Anong nangyari sa’yo? Tinawag mo ako para humingi ng tulong?”Hindi kumportable na niyakap ni Angela ang braso ni Irene, lumingon siya at itinuro ang likod niya, “Sila yon! Minamaltrato nila ko!”Itinaas ni Irene ang kanyang mga ma

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24

    Ang ikalawang palapag ng Twilight ay isang high-end na pribadong kuwarto, na hindi naririnig ang ingay mula sa bar sa ibaba at tila ibang mundo.Tinawagan ni Irene si Angela ngunit walang sumagot, at hindi niya alam kung saang pribadong kuwarto ito naroroon.Napansin siya ng general manager ng Twilight at lumapit ito nang may paggalang, "Miss Smith, hinahanap mo ba si Sir Dave?"Dahan-dahang umiling si Irene at nagtanong, "Nakita mo ba kung saang pribadong kuwarto nandoon ang panganay na babae ng pamilya Han?"Sabi ng manager, "Hindi po, walang tao mula sa pamilya Han ang naasikaso sa itaas ngayon."Nagtangka si Angela na hanapin si Maki nang palihim kaya hindi siya dumaan sa karaniwang proseso ng bar.Pinag-isipan ni Irene ito at muling nagtanong, "Saang private room pumasok si Maki?"Matapat na sumagot ang manager, "Miss Smith, si Ginoong Maki ay nasa SNOW."Ang SNOW ang pinakamalaki at pinaka-luxurious private room sa bar na iyon, eksklusibo para sa mga nakatataas sa lipunan.Haban

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 23

    Tumaas ang ulo ni Irene at tiningnan ang salamin na corridor sa second floor kung saan nakaturo si Angela. Sumingkit ang mga mata ng dalaga nang mapatunayang si Maki nga ang lalaking ito na may payat at malamig na pigura. Sa likuran ni Maki, naroon ang isang Magandang babae, matangkad, payat ang baywang, mahaba ang binti at kulot na buhok. Sinusundan nito ang lalaking si Maki.Ibinalik ni Irene ang tingin niya, kalmado ang kanyang ekspresyon, at magaan ang tono, "Huwag mo siyang isipin."Nagtaka si Angela sa sinabi ni Irene, "Tita, ang asawa mo ay lihim na nakikipagkita sa ibang babae sa taas, at wala kang pakialam?"Walang pakialam na uminom si Irene ng juice gamit ang straw, "Wala akong pakialam."Kaka-break lang ni Angela sa isang lalaking manloloko, at lasing pa siya, kaya hindi niya matiis ang ganitong bagay."Hindi! Tita, hindi ka man lang nagagalit sa tito ko? Huhulihin ko siya sa panloloko para sa iyo! Humph, may asawa na siya, pero kasama pa rin niya ang ibang babae. Sobrang

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 22

    Walang ganang umirap si Irene saka tumugon, "Oo at hindi."Nakayuko pa rin si Maki at saka nilipat ang pahina sa dokumento na hawak niya."Totoo ba o hindi?"Sinabi ni Irene ang totoo, "Nilagay ng babaeng iyon ang video, pero ang tunog ay nirecord ko gamit ang aking phone at idinagdag doon sa video."Bumuntong-hininga si Maki nang mahina, "I asked you to be a bridesmaid, pero sinamantala mo ang pagkakataon para sirain ang kasal ng iba. Paano mo ipapaliwanag iyon?"Kumunot ang noo ni Irene, "Uncle, honestly speaking, negosyo ito ng inyong pamilya, hindi sana ako dapat makialam! Pero, ang mga walanghiya ay mga kaaway ng lipunan, may obligasyon akong patayin ang isa kapag nakakita ako ng isa."Bahagyang itinaas ni Maki ang kanyang labi na may halong pagngisi, "Hindi ko alam na si Miss Irene ay isang messenger of justice."Medyo nagalit si Irene, "Ang lalaking iyon na si Yuan, hindi lang niloko si Angela, kundi sinamantala rin niya ang pagkakataon na hawakan ang kamay ko nang magkita kami

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 21

    "Napakawalang hiya mo!"Itinaas ni Angela ang kamay niya para sampalin si Yuan, pero nahawakan agad ng binata ang kamay nito.Hindi nagalit si Yuan, bagkus ay tumawa pa, "Angela, mas mabuting sumunod ka na lang at pakasalan mo ako. Huwag mo akong suwayin, dahil alam mo na kung ano ang mangayayari."Nanaginip ka! Hindi kita pakakasalan kahit mamatay pa ako!" Namumula sa galit ang mga mata ni Angela. Nakita na niya ang tunay na kulay ni Yuan at nadidiri siya. Gusto na niyang bugbugin ito hanggang sa mamatay.Ngunit mahigpit na hawak ng binata ang pulso niya. Hindi niya mahila o maalis ang kamay niya.Mayabang na tumawa si Yuan, "Hindi ka ba natatakot na ang magaganda mong litrato na halos wala nang saplot ay ia-upload sa mga social media platforms, at saka..."Pack!Biglang may isang sampal ang lumipad sa ere at tumama nang malakas sa mukha ni Yuan.Napaikot si Yuan at tumama sa mural sa koridor.Walang gana na inalis ni Irene ang alikabok sa kanyang mga kamay."Basura!" inis na sambit

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 20

    Nagsimulang mamutla ang mukha ni Yuan at agad na tiningnan si Charice. Sigurado siya na ito ay may kagagawan ng mga nangyayari.Samantala, unti-unti namang nagbago ang expression ni Angela, ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakita.Lumingon si Angela kay Yuan na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.“Y-Yuan, A-Anong relasyon mo sa babaeng ‘yan?” nauutal na tanong ni Angela.Agad na hinawakan ni Yuan ang balikat ni Angela. “Angela, listen to me. Mali ang inaakala mo. ‘Yang mga oras na ‘yan, lumapit sa akin ang bridesmaid at sinabing masama ang pakiramdam niya. She asked for my help kaya sinamahan ko siya sa storage room. Sino ang mag-aakala na maghuhubad siya sa harapan ko at aakitin ako? Maniwala ka, Angela, wala akong ginagawang masama,” sunod-sunod na paliwanag ni Yuan at pilit nitong pagsisinungaling.Tinulak ni Angela si Yuan at mabilis na lumakad patungo sa kinaroroonan ng mga bridesmaid. “Si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status