INICIAR SESIÓNAlas-otso ng umaga nang dumarating ang itim na Rolls-Royce sa tapat ng main entrance ng mansyon. Kasalukuyang tinatapos ni Savannah ang kanyang kape habang si Sebastian ay seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ang bigat ng presensya ng mga parating.
"Ayusin mo ang mukha mo," sabi ni Sebastian nang hindi lumingon. "Don Roman doesn’t like people who look nervous."
Napatawa si Savannah at marahang ibinaba ang tasa. "Sebastian, ilang beses na akong humarap sa libu-libong tao. Sa tingin mo ba ay manginginig ang tuhod ko sa tatay mo? I’ve played a queen twice. I think I can handle one businessman."
Hindi na nakasagot si Sebastian dahil bumukas na ang malaking pinto. Pumasok ang isang lalaking may edad na pero bakas ang lakas sa bawat hakbang. Kasunod nito ang isang babaeng may napaka-among mukha na tila isang anghel sa gitna ng seryosong kapaligiran.
Agad na tumayo si Sebastian. "Dad. Mom."
Tumango si Don Roman. Ang mga mata nito ay agad na dumapo kay Savannah. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang dalaga, pero ito ang unang pagkakataon na nasa iisang pribadong espasyo sila. Lumapit naman si Doña Aurora kay Savannah at hinawakan ang kamay nito.
"Hija, pasensya ka na kung kailangan pa nating gawin ito nang ganito kaaga," sabi ni Aurora. Malambot ang boses nito, malayong-malayo sa inaasahang aura ng isang bilyonaryong asawa. "Gusto lang talaga ni Roman na masiguro na maayos ang lahat bago lumabas ang mga susunod na balita."
"Ayos lang po, Tita," sagot ni Savannah nang may respeto pero walang bahid ng takot.
Umupo sila sa dining table. Ang atmospera ay tila isang board meeting sa halip na family breakfast.
"I saw the conference yesterday," simula ni Don Roman habang tinititigan si Savannah. "Magaling ang naging performance mo. Naniwala ang publiko. Pero ang tanong ko ay ito... hanggang kailan mo kayang panindigan ang papel na ito?"
Ngumiti si Savannah, ang kanyang trademark na ngiti na madalas makita sa mga billboards. "Don Roman, sa industriya ko, kapag tinanggap ko ang isang role, ibinibigay ko ang lahat. This is not just about a scandal anymore. This is about mutual protection. Kayang-kaya kong panindigan ito hangga't kailangan ninyo."
Nagulat si Sebastian nang makitang bahagyang tumawa ang kanyang ama. Isang maikling tawa na bihirang marinig sa loob ng bahay.
"Matapang," sabi ni Roman. "Akala ko ay magpapadala ka sa takot gaya ng ibang mga babaeng dinala ni Sebastian dito noon. You have fire, Savannah. I like that. Business requires fire."
Napakunot ang noo ni Sebastian. Hindi niya inaasahan na matutuwa ang ama sa pagiging prangka ni Savannah. Akala niya ay magkakaroon ng matinding tensyon, pero tila nakuha agad ni Savannah ang loob ng matanda sa loob ng limang minuto.
"Roman, tigilan mo na nga ang bata," saway ni Aurora habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Savannah. "Kumain ka na muna, hija. Mukhang pagod ka pa sa mga nangyari kahapon."
"Salamat po," sagot ni Savannah.
Habang kumakain, patuloy ang pag-uusap tungkol sa mga legalities ng engagement. Pero sa bawat pagkakataon, hindi nakakaligtas ang palitan ng tingin nina Sebastian at Savannah.
"Anong plano niyo sa charity gala next week?" tanong ni Don Roman.
"We’ll attend together," mabilis na sagot ni Sebastian. "It’s the best place to show that the engagement is solid."
"Make sure it looks real," dagdag ni Roman. "Savannah, don't let him look like a robot. Turuan mo ang anak ko kung paano magmukhang tao sa harap ng camera."
Napangisi si Savannah habang nakatingin kay Sebastian. "Don't worry, Don Roman. I’ll make sure he looks like the most in-love man in the world. Mahirap, pero gagawan ko ng paraan."
"Anong mahirap?" asik ni Sebastian sa mahinang boses.
"Mahirap kang turuan ng emosyon, Sebastian. Para kang bato," bulong ni Savannah pabalik.
Natapos ang breakfast nang walang kaguluhan, isang bagay na ipinagtaka ni Sebastian. Noong paalis na ang kanyang mga magulang, hinila niya si Savannah sandali sa gilid.
"Anong ginawa mo?" tanong ni Sebastian.
"Anong ginawa ko?" painosenteng tanong ni Savannah.
"My father hates it when people talk back. Pero sa'yo, parang natutuwa pa siya."
"Siguro dahil sawa na siya sa mga taong laging sumasang-ayon sa kanya. O baka naman, sadyang charming lang talaga ako," sagot ni Savannah sabay kindat.
Naiwang nakatayo si Sebastian habang pinapanood si Savannah na ihatid si Doña Aurora sa sasakyan. Ramdam niya ang inis, pero may kasamang kakaibang paghanga. Ang babaeng akala niya ay pabigat lang sa buhay niya ay tila nagiging pinakamahalagang piyesa sa larong ito.
Nang tuluyang makaalis ang mga magulang ni Sebastian, bumalik si Savannah sa loob ng mansyon. Naabutan niya si Sebastian na nakasandal sa pader ng hallway, tila malalim ang iniisip.
"So, kailan tayo magsisimulang mag-rehearse para sa gala?" tanong ni Savannah.
"Bukas. May fitting ka ng damit. My stylist will be here," maikling sagot ni Sebastian.
"Your stylist? May sarili akong team, Sebastian."
"Not for this. You need to wear something that screams De Cartier, hindi yung suot ng isang artista na pupunta sa isang shooting."
Humakbang palapit si Savannah, ang galit ay unti-unting lumilitaw sa kanyang mga mata. "Listen to me, Sebastian. Pumasok ako sa deal na 'to pero hindi ibig sabihin ay kontrolado mo pati ang pananamit ko. I have a brand to protect."
"At may kumpanya akong kailangang iligtas," ganti ni Sebastian. "Susunod ka sa gusto ko o matatapos ang deal na 'to ngayon din."
"Edi tapusin natin!" hamon ni Savannah.
Nagkatitigan silang dalawa. Ang tensyon sa pagitan nila ay mas matindi pa kaysa noong kaharap nila ang mga magulang ni Sebastian. Walang gustong umurong. Walang gustong magpatalo.
"You're impossible," bulong ni Sebastian bago tumalikod at naglakad paakyat sa kanyang opisina.
"And you're a jerk!" sigaw ni Savannah.
Bumalik si Savannah sa kanyang kwarto at pabagsak na naupo sa sofa. Inis na inis siya. Bakit ba kailangang lahat ay kontrolado ng lalaking iyon? Kinuha niya ang kanyang phone at nakitang sunod-sunod ang tawag ni Gina.
"Hello?" sagot niya.
"Savannah! Kumusta ang breakfast? Buhay ka pa ba?" tanong ni Gina sa kabilang linya.
"Buhay pa. Pero baka mapatay ko na si Sebastian sa susunod na pagkakataon na magbukas siya ng bibig."
"Tiis lang, Savannah. Isipin mo ang career mo. At isipin mo ang kontrata. Isang taon lang 'to."
"Isang taon na parang impyerno," bulong ni Savannah.
Tumingin siya sa bintana at nakita ang malawak na garden ng mansyon. Maganda ang lugar, perpekto sa paningin ng iba, pero para sa kanya, isa itong arena kung saan kailangan niyang lumaban araw-araw.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto niya. Si Elena.
"Miss Savannah, pinabibigay po ni Sir Sebastian. Para daw po sa gala next week."
Inabot ni Elena ang isang maliit na velvet box. Pagbukas ni Savannah, tumambad ang isang dambuhalang sapphire necklace na napapalibutan ng mga dyamante. May kasama itong note.
Wear this. And don't be late for the fitting tomorrow.
Napangisi si Savannah nang mapait. "Suhol," bulong niya.
Kahit na naiinis siya, hindi niya maikakaila na napakaganda ng alahas. Isinuot niya ito at tumingin sa salamin. Ang dating simpleng Savannah ay biglang nagmukhang isang babaeng kayang angkinin ang buong mundo.
"Fine, Sebastian. Let's play your game," sabi niya sa sarili. "Pero sisiguraduhin kong sa huli, ako ang masusunod."
Lumabas siya ng kwarto para isoli sana ang box, pero nakita niya si Sebastian sa dulo ng hallway. Nakatingin ito sa kanya, o mas tamang sabihin, sa suot niyang kwintas.
"Bagay sa'yo," sabi ni Sebastian nang walang kabuhay-buhay.
"Sana ay ganito rin kadali bilhin ang pasensya ko," sagot ni Savannah bago siya nilampasan.
Sa gabing iyon, habang ang buong mansyon ay balot ng katahimikan, parehong hindi makatulog ang dalawa. Si Savannah ay abala sa pag-iisip kung paano niya papandigan ang papel niya sa harap ni Don Roman sa susunod nilang pagkikita, habang si Sebastian naman ay hindi maalis sa isip ang tawa ng kanyang ama.
Alam nilang dalawa na ang mundong pinasok nila ay puno ng patibong. At sa bawat hakbang nila, hindi lang ang kanilang mga pangalan ang nakataya, kundi pati na rin ang kani-kanilang mga puso na pilit nilang itinatago sa likod ng mga scripted na ngiti.
Pagkatapos ang ilan araw naging busy ang bawat oras namin sa dami inaasikaso, simula nung insidente sinagot ni Sebastian ang aking mga magulang, dumating na nga ang araw na pinaghahandaan namin ang AMING PEKENG PRENUP.Maaga pa lang ay nabulabog na ang katahimikan ng mansyon. Pagkababa ni Savannah, sinalubong siya ng isang grupo ng mga tao na hindi niya inaasahan—mga sikat na stylists, makeup artists, at isang batikang photographer na kilala sa pagkuha ng mga "raw and intimate" portraits. Ito ang army na personal na pinili ni Sebastian para sa kanilang prenup shoot."Ma'am, dito po tayo," bati ng head stylist habang ginagabayan siya sa isang upuan.Nagulat si Savannah nang makita ang mga damit na nakasampay. Wala ang mga magarbo at kumukititap na gowns na karaniwang pinapasuot sa kanya ng kanyang ina. Sa halip, puro mga de-kalidad na seda, manipis na lino, at mga simpleng disenyo na sumusunod sa hubog ng kanyang katawan ang nandoon."Sir Sebastian’s orders, Ma'am," bulong ng makeup ar
Tahimik ang loob ng sasakyan habang pabalik sila sa mansyon. Pinagmamasdan ni Savannah ang nagliliparang mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana, ngunit ang isip niya ay naiwan sa opisina ng kanyang ama sa GMN-Network. Ramdam niya ang titig ni Sebastian sa kanya paminsan-minsan, isang titig na hindi niya mabasa kung pag-aalala ba o bahagi pa rin ng kanilang pagpapanggap."Bakit mo ginawa 'yun?" basag ni Savannah sa katahimikan. Hindi niya tiningnan ang binata, ngunit sapat na ang lamig ng kanyang boses para makuha ang atensyon nito."Ang alin?" tanong ni Sebastian, ang mga kamay ay relax na nakahawak sa manibela."Yung pagsagot sa mga magulang ko. Sabi mo ako ang magdedesisyon sa lahat... na ako ang bride mo," lumingon siya rito, pilit na hinahanap ang kahit anong emosyon sa mukha ng lalaki. "Hindi mo kailangang gawin 'yun. Alam nating dalawa na ang mga magulang ko ang may hawak ng script ng buhay ko simula pa noong bata ako."Isang tipid na ngisi ang sumilay sa labi ni Sebastian bago
Nagising si Savannah na tila pasan ang buong daigdig. Ang bigat ng kanyang katawan ay hindi lamang dahil sa puyat, kundi dahil sa bawat alaala ng mga pangyayari kagabi na tila nakatatak pa rin sa kanyang balat. Marahan siyang bumangon, ramdam ang kirot sa kanyang mga hita at ang bahagyang pananakit ng kanyang likod. Napatingin siya sa kisame at napahinga nang malalim, puno ng inis sa sarili.Bakit ka ba laging bumibigay sa kanya, Savannah? tanong niya sa kanyang isip.Naiinis siya dahil sa tuwing maglalapit sila ni Sebastian, tila ba naglalaho ang lahat ng kanyang mga prinsipyo. Ano bang meron sa mga halik ng aroganteng lalaking iyon? Para itong hipnotismo na sumasabog sa kanyang sistema, nilalason ang kanyang katuwiran hanggang sa wala na siyang magawa kundi ang tumugon. Malayo ito sa karanasan niya kay Marco. Sa bawat kissing scene na meron sila sa harap ng camera, purong trabaho lang ang nararamdaman niya—walang kuryente, walang panginginig. Ngunit kay Sebastian, tila ba nauubos an
R18 (Read at your own risk)Ang gabi ay tila bumibigat habang papalapit ang oras ng pag-uwi ni Sebastian. Simula nang umalis ito kaninang umaga pagkatapos ng "Sweetheart" na bulong na iyon, hindi na mapakali si Savannah. Sinubukan niyang mag-focus sa pag-aaral ng mga alahas na ibinigay ni Doña Aurora, ngunit ang isip niya ay laging bumabalik sa bawat haplos at bawat ungol na pinakawalan niya sa loob ng kwartong ito ilang oras pa lang ang nakakalipas.Suot ang isang manipis na silk robe, nakatayo si Savannah sa tapat ng malawak na bintana ng kanyang silid. Pinagmamasdan niya ang mga ilaw ng siyudad, iniisip kung paano niya haharapin ang lalaking bumasag sa lahat ng kanyang depensa. Alam niyang sa ilalim ng kontrata, wala silang obligasyon na gawin ang nangyari kagabi. Pero bakit tila hindi siya makaramdam ng pagsisisi?Narinig niya ang tunog ng sasakyan sa baba. Bumilis ang tibok ng puso niya. Ilang minuto lang ang lumipas, narinig na niya ang mabibigat na yabag sa hallway. Huminto ang
Ang liwanag ng araw na tumatagos sa kurtina ang gumising kay Sebastian. Kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata ay ang matinding pintig sa kanyang sentido—isang paalala ng dami ng alak na inubos niya kagabi. Ngunit hindi ang sakit ng ulo ang nakakuha ng kanyang atensyon, kundi ang bigat ng braso ni Savannah na nakapatong sa kanyang dibdib.Doon lang bumalik ang lahat sa kanyang alaala. Ang galit, ang selos na naramdaman niya di dapat maramdaman, ang pag-aaway nila sa sala, hanggang sa mauwi sila sa kwartong ito. Nanatili siyang nakahiga nang ilang sandali, tinititigan ang mukha ni Savannah na mahimbing pa ring natutulog. Sa ilalim ng magulong kumot, pareho pa rin silang walang saplot.Sa kabila ng hang-over, tila nagising ang bawat himaymay ng kanyang sistema nang maalala ang init na pinagsaluhan nila. Ang bawat ungol ni Savannah at ang paraan ng pagkapit nito sa kanya ay tila nakaukit na sa kanyang isipan. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Sebastian—isang ekspresyong hindi
R18 (Read at your own risk)Sa loob ng kwarto, ang tanging maririnig ay ang mabigat na hininga ni Sebastian na humahalo sa kabog ng dibdib ni Savannah. Hindi na nakapiglas ang dalaga nang mabilis na isara at i-lock ng binata ang pinto.Bago pa siya makabuo ng anumang depensa, sinalubong na siya ni Sebastian ng isang mapusok at agresibong halik. Isang halik na hindi lang lasa ng mamahaling scotch ang hatid, kundi ang pait ng galit at ang tamis ng matagal nang kinikimkim na pagnanasa."Ano ba, Sebastian!" pilit na tinutulak ni Savannah ang matigas na dibdib ng binata habang pilit na humahabol ng hininga. "Why are you like this! You are fucking drunk!"Ngunit dahil lango sa alak at labis na selos bang matatawag ang nararamdaman niya, wala nang pakialam si Sebastian sa anumang salitang lumalabas sa bibig ng dalaga. Sa isang iglap, binuhat siya ng binata nang parang wala lang bigat. Ang lakas ni Sebastian at ang laki ng agwat ng kanilang taas ay naging dahilan para magmukhang walang laban







