Home / Romance / The Billionaire’s Scripted Wife / CHAPTER 2: PRICE OF REBELLION

Share

CHAPTER 2: PRICE OF REBELLION

Author: MIYAAAW69
last update publish date: 2026-03-10 12:03:38

Ang sikat ng araw sa Maynila ay hindi mukhang bagong simula; para itong parusa. Nagising si Savannah Madrigal na sobrang sakit ng ulo, pero mas masakit ang kaba sa dibdib niya nang maabot niya ang phone niya. Halos manginig ang kamay niya habang tinitingnan ang screen.

Sabog ang notifications niya. Libu-libong mentions, missed calls mula sa agent niya, sa parents niya, at sa mga brands na matagal na niyang ini-endorse. At doon, nakita niya ang pinaka-kinatatakutan niya. Viral na ang litrato niya sa lahat ng news portals at social media. Halos gumuho ang mundo niya sa isang iglap.

Ang headline? Nakakahiya at talagang masakit sa pride: "THE FALLEN DIAMOND SWEETHEART: SAVANNAH MADRIGAL, NAHULI SA ISANG WILD NA GABI KASAMA ANG TECH TYCOON NA SI SEBASTIAN DE CARTIER."

Sa photo, si Savannah—ang "pambansang anghel"—ay nakasandal sa isang lalaki sa madilim na parte ng The Abyss. Nakataas ang ulo niya, gulo-gulo ang buhok, at halatang-halata ang wild na halikan nila ng lalaking naka-angkla ang kamay sa bewang niya. Kahit medyo malabo ang kuha, ramdam ang init at pagnanasa sa kanilang dalawa. Hindi ito mukhang aksidente; mukha silang uhaw sa isa't isa.

"No... no, no, no!" sigaw ni Savannah, sabay bato ng phone niya sa kama. Shattered na ang "Diamond Sweetheart" image niya. Yung image na binuo niya ng maraming taon, nawala lang dahil sa isang gabi ng kalasingan.

Biglang bumukas ang pinto ng penthouse suite niya. Pumasok ang manager niyang si Gina, halatang hindi nakatulog at halos mag-breakdown na rin. "Savannah! Nakita mo ba?! Tinanggal na ng Bench ang billboard mo sa EDSA! Pati yung skincare brand, sinuspinde ang contract mo! Ginagamit nila ang 'Morality Clause', Savannah! Bad record ka na! Wala nang gustong kumuha sa'yo!"

Tumayo si Savannah mula sa kama, gulo-gulo ang buhok at may mascara pa sa paligid ng mata. Wala na ang "angelic" look niya na laging nakikita sa TV. Ang lumitaw ay ang tunay na Savannah—ang spoiled na heiress na sanay na laging nasusunod at hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

"Hanapin niyo yung photographer na 'yan! Sirain niyo ang buhay niya! I want him sued!" sigaw ni Savannah, habang naglalakad pabalik-balik. "At yung lalaking 'yan... si Sebastian! Bakit hindi pa pinapatay ng PR team niya 'to? Bilyonaryo siya, 'di ba? Gamitin niya ang power niya para burahin 'yan sa internet!"

"Ginagamit na niya," isang seryosong boses ang sumabat mula sa pinto.

Napalingon si Savannah. Nakatayo doon ang tatay niya, si Director Ricardo Madrigal. Sobrang bigat ng aura nito, yung tipong kahit sino ay manginginig. Tiningnan niya ang anak niya hindi bilang tatay, kundi bilang isang businessman na dismayado sa palpak na investment. Galit at frustration ang mababasa sa mga mata nito.

"Dad..." bulong ni Savannah, biglang nawala ang tapang niya. Para siyang batang napagalitan.

"Wag mo akong ma-Dad, Savannah," asik ni Ricardo. "Ibinigay ko sa'yo lahat. Pinatayo kita sa pedestal para tingalain ng lahat, pero pinili mong tumalon sa piling ng isang tao di mo lubos na kilala! Hysterical na ang mommy mo sa baba. Yung susunod mong movie? On hold na lahat. Hindi ka na 'Diamond Sweetheart'—multo ka na lang sa industriyang ito kung hindi natin 'to maaayos sa loob ng 24 hours."

"Paano natin aayusin 'yan?" tanong ni Savannah, halos maiyak na sa inis. "Kalat na ang photo. Everyone saw it!"

"Nag-reach out na ang mga De Cartier," sabi ni Ricardo habang inaayos ang mamahaling suit niya. "Ang tatay ni Sebastian—ang No. 1 Billionaire sa bansa—ay galit na galit din. Ayaw nilang madamay ang pangalan nila sa isang 'scandalous actress,' pero ayaw din nilang bumagsak ang stocks ng kumpanya nila dahil sa kalokohan ng anak nila. Mag-ayos ka, Savannah. Takpan mo 'yang eyebags mo at magsuot ka ng disenteng damit. Pupunta tayo sa De Cartier Tower. May proposal sila, at ito na lang ang tanging paraan para hindi matapos ang career mo."


Ang De Cartier Tower ay parang isang higanteng salamin na nakakatakot tingnan sa gitna ng Makati. Pagpasok ni Savannah sa lobby, ramdam na ramdam niya ang bulungan ng mga empleyado. Nakatutok ang mga mata sa kanya, mapanghusga. Pero dahil si Savannah siya, hindi siya nagpatalo. Taas-noo siyang naglakad, kahit sa totoo lang ay nanginginig ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng kanyang trench coat.

Pagdating sa boardroom sa 88th floor, sinalubong sila ng sobrang lamig na aircon. Sa dulo ng mahabang glass table, nakaupo si Sebastian de Cartier.

Wala na yung lasing na lalaking mapusok kagabi. Ngayon, si Sebastian ay ang "Ice King of Tech." Suot niya ang isang mamahaling charcoal gray suit na walang kahit isang lukot. Perpekto ang gupit ng buhok, at ang mga asul na mata niya ay parang yelo sa talim—cold, calculating, at walang emosyon.

Hindi man lang siya tumayo o tumingin kay Savannah sa unang sampung segundo habang papasok sila. Busy siya sa pag-swipe sa tablet niya, tila ba mas importante pa ang stocks kaysa sa babaeng kaharap niya.

"Maupo ka, Miss Madrigal," sabi ni Sebastian nang hindi tumitingala. Ang boses niya ay arogante, malamig, at punong-puno ng authority. "May 30 minutes lang ako bago ang susunod na board meeting. Ayokong mag-aksaya ng kahit isang segundo sa showbiz drama mo."

Uminit agad ang ulo ni Savannah. Binagsak niya ang designer bag niya sa mesa, na gumawa ng malakas na tunog. "Showbiz drama?! Nandoon ka rin, Sebastian! Ikaw ang ayaw bumitaw sa bewang ko kagabi! Wag kang umarte na parang inosente ka at ako lang ang may gawa nito!"

Sa wakas, tumingin si Sebastian sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ang isang sirang produkto. "Lasing ako. Ikaw ay isang distraction. Isang pagkakamali na dapat ay maingat kong hinahawakan sa pribadong lugar. Pero hindi gaya mo, ang mundo ko ay bilyon-bilyong dolyar ang usapan, hindi social media likes. Ang tatay ko ang No. 1 na bilyonaryo, at ako ang pangalawa. Hindi ko hahayaang masira ang chairmanship ko dahil lang sa isang spoiled at reckless na actress na hindi alam kontrolin ang sarili."

"You arrogant prick!" bulong ni Savannah, halos manginig sa galit. "Akala mo ba mas magaling ka sa'kin dahil lang marami kang pera?"

"Dati, oo," simpleng sabi ni Sebastian. "Pero ngayon, isa ka na lang malaking scandal. Isang 'Fallen Sweetheart' na hindi na gustong gayahin ng kahit sinong matinong tao."

Inusog niya ang isang leather folder sa harap ni Savannah. "Basahin mo 'yan."

"Ano 'to?" tanong ni Savannah habang binubuksan ang folder.

"Ang ticket mo para maligtas ang career mo," sagot ni Sebastian. "Isang Marriage Contract. Nagkasundo na ang PR team ko at ang tatay mo kaninang madaling araw. Magkakaroon tayo ng press conference tonight. Sasabihin natin sa media na hindi 'yun drunken mistake. Sasabihin natin na secret engagement celebration 'yun. Sasabihin natin na mahigit isang taon na tayong magkarelasyon at plano na nating magpakasal."

Halos malaglag ang panga ni Savannah sa nababasa niya. Ang mga rules? Sobrang lala. Isang taon ng kasal. Iisang bubong pero magkahiwalay na kwarto. Public appearances bilang perfect couple. No scandals with other people. At ang pinaka-importante: No feelings involved.

"Isang Scripted Marriage?" kutyang sabi ni Savannah. "Gusto mong umarte ako ng isang taon bilang asawa mo? Kasama ka sa iisang bahay? Are you insane?"

"Ito ang pinakamagandang role na makukuha mo sa puntong ito, Savannah," sabi ni Sebastian habang dahan-dahang tumatayo. Dahil sa tangkad niya, parang lalong lumiit si Savannah. Lumapit siya rito, at bawat hakbang niya ay punong-puno ng tensyon. "In one year, magdidiborsyo tayo nang tahimik. Mapapanatili mo ang career mo, ang endorsements mo, at ang lifestyle mo. Ako naman, mananatiling CEO nang walang issue. Pag pumirma ka, mamahalin ka ulit ng publiko. Pero pag hindi..."

Yumuko siya, sobrang lapit ng mukha niya kay Savannah hanggang sa maramdaman nito ang hininga niya. Naamoy ni Savannah ang pabango nito—amoy sandalwood, mamahaling alak, at bakal. Hinawakan ni Sebastian ang panga niya, pinilit siyang tumingin sa mga mata nito. Hindi ito masakit, pero ramdam ni Savannah ang banta.

"Pag hindi ka pumirma," bulong ni Sebastian, "sisiguraduhin kong hindi ka na makakatuntong sa kahit anong movie set. I have the power to erase your name in this industry, Savannah. I can buy the studio you're working for just to fire you. Don't test me."

Tiningnan ni Savannah ang contract, tapos ang lalaking kinamumuhian niya. Pero sa kabila ng galit at takot, ramdam niya pa rin ang pamilyar na kuryente sa bawat haplos nito—ang parehong kuryente na nagtulak sa kanya na halikan ito kagabi. Wala siyang choice. Nakulong siya sa sarili niyang gulo at si Sebastian lang ang susi.

Kinuha niya ang ballpen at mabilis na pumirma sa tapat ng pangalan niya. "I hate you, Sebastian de Cartier. Isinusumpa kita."

"Pumila ka, sweetheart. Marami nang nagsabi niyan," sagot ni Sebastian na walang kaemos-emosyon habang kinukuha ang folder. "Ngayon, mag-ready ka na. May press conference tayo Tonight. Make sure you look like you're deeply in love with me. Don't mess this up."

Patalikod na sana si Sebastian nang biglang magsalita si Savannah. "Don't expect me to be a submissive wife, Sebastian. Kung scripted 'to, gagawin kong impyerno ang buhay mo sa loob ng bahay mo."

Ngumisi si Sebastian, isang mapanganib at nakakalokong ngiti. "I look forward to it, Savannah. Let's see who breaks first."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 68: SCENTS OF THE PAST

    SAVANNAH Panibagong araw na naman dito sa Italya, at panibagong matinding morning sickness na naman ang sumalubong sa akin. Pagkagising na pagkagising ko pa lang, dumiretso na agad ako sa banyo para isuka ang hangin at tubig sa tiyan ko. Hapo ang buong katawan kong napasandal sa pader habang pilit kong hinahabol ang aking hininga. Nang makarating kami sa shooting location sa gitna ng Florence, ramdam ko pa rin ang labis na panghihina. Habang nakaupo ako sa tapat ng vanity mirror sa holding area ng cast, nilalapatan pa lang ng makeup artist ang mukha ko. Namumutla ang natural kong kulay, at tanging ang kapal ng blush-on at lipstick na lang ang nagbibigay ng kaunting buhay sa akin. "Gina, matagal ba ang mga eksena ko ngayon?" mahina kong tanong habang nakatitig sa salamin. "Gusto ko sanang umuwi nang maaga kapag natapos 'to." "Hindi naman ganoon katagal ang tatlo mong sequence ngayon, Van." Nagulat ako nang hindi boses ni Gina ang sumagot sa akin. Pag-angat ng paningin ko sa sa

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 67: THE WARMTH OF A REAL MOTHER

    SAVANNAH Ang amoy ng kumukulong sabaw at sariwang herbs ang dumagundong sa maliit na kusina ng aming apartment. Nakaupo ako sa tapat ng dining table habang pinagmamasdan si Tita Aurora na abalang nagluluto. Nagluto siya ng mainit na soup with salmon fish—isang simpleng resipe na puno ng nutrisyon para sa nagdadalang-tao. "Tita, huwag niyo na po akong pag-abalahan..." nahihiya kong subok na pagtanggi noong magsimula siyang maghiwa ng mga sangkap kanina. "Nahihiya po ako sa inyo. Hindi po ako sanay na pinagsisilbihan ng isang nanay." "Naku, Savannah, huwag ka nang mahihiya sa akin," pilit ngunit mapagmahal na giit ni Tita Aurora habang dahan-dahang hinahalo ang sabaw sa kaldero. "Nalaman ko kay Gina na puro pasta na lang daw ang kinakain mo nitong mga nakaraang araw dahil iyon ang iki-nki-crave mo. Hindi pwede 'yon, iha. Kailangan mo ng masustansyang sabaw para sa kalusugan mo at ng apo ko." Wala na akong nagawa kundi ang mapangiti nang tipid habang inaabot niya sa akin ang isang

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 66: AN UNEXPECTED SACRED BOUND

    SAVANNAH Medyo maaliwalas ang simula ng umaga rito sa Florence. Katatapos lang ng maikling eksena ko para sa pelikula, at kasalukuyan kaming nagpapahinga ni Gina sa maliit na terrace ng apartment. Hawak ko ang isang baso ng malamig na tubig habang pinagmamasdan ang mga lumang gusali, pilit na pinapakalma ang sarili mula sa panibagong attack ng morning sickness. Subalit biglang naputol ang katahimikan nang marinig namin ang sunod-sunod na katok sa p***o. Nagtakang nagkatinginan kami ni Gina. "May inaasahan ka bang delivery?" tanong niya habang dahan-dahang tumatayo. "Wala. Baka sa landlady?" mahina kong sagot. Mabilis na lumapit si Gina sa p***o at binuksan ito. Pero sa halip na ang landlady o sinumang staff ng produksyon ang bumungad, tuluyang natigil ang mundo namin pareho. Nakatayo sa labas ng p***o si Tita Aurora. Ang ina ni Sebastian. Nakasuot ito ng isang simpleng eleganteng dress, hawak ang kaniyang mamahaling bag, at may bitbit na maliit na basket ng mga sariwa

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 65: SHADOWS IN THE TOWER

    SEBASTIAN "Any update, Marcus?" Nakatitig ako sa kawalan habang nakasandal ang ulo ko sa likod ng swivel chair. Ang pormal at maayos kong imahe bilang CEO ay tuluyan nang nasira—ang polo ko ay nakatupi lang nang walang kaayos-ayos, gulo-gulo ang buhok ko, at ang buong opisina ko ay nangangamoy na ng matapang na alak. "Sir Sebastian... as per searching for Mrs. De Cartier, she's currently working on an Italian movie project," mabilis na ulat ni Marcus mula sa p***o. "And as far as our research goes, nasa Tuscany, Italy siya ngayon—sa country ng grandparents niyo, kung saan kayo mismo ipinanganak." Bawat salitang lumabas sa bibig ni Marcus ay parang biglang gumising sa buo kong sistema. Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko, napahawak sa gilid ng mesa habang mabilis ang tibok ng dibdib ko. Tuscany, Italy. Napakalaking lugar noon. Malawak ang rehiyon na 'yon para sa isang taong gustong magtago, pero walang lugar sa mundong 'to ang sapat para itago ka sa akin, Savanna

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 64: SILENT BURDEN

    SAVANNAH Lumalalim na naman ang gabi rito sa Florence. Sa harap ng vanity mirror ng aming maliit na dressing room, nakatitig ako sa sarili kong repleksyon. Humuhupa na ang pamamaga ng aking mga mata, pero ang pagod—ang lalim ng pagod na nakaukit sa ilalim ng mga mata ko—ay hindi kayang takpan kahit ng pinakamahusay na makeup artist ng produksyon. Dumaan ang mga linggo. Bawat araw ay parang isang mahabang laban kung saan pilit kong itinutulak ang katawan ko para maging maayos sa harap ng camera, kahit na sa gabi ay halos madurog ako sa matinding hilo, pagsusuka, at sa hindi mawala-walang sakit sa aking dibdib. "Savannah, baka pwede namang magpahinga ka muna?" Napatigil ako sa pagpunas ng aking mukha at napatingin kay Gina na nakatayo sa may p***o ng dressing room, hawak ang panibagong baso ng warm water at reseta kong vitamins. Ang mukha niya ay punong-puno ng matinding pag-aalala—pag-aalala ng isang taong hindi lang manager ang turing sa akin, kundi isang magulang na kasama ko

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 63: UNINTENDED GIFTS

    SAVANNAH Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Akala ko ay mawawala ang pagkahilo ko kapag nakatulog ako nang ilang oras, pero pagkatayo ko pa lang mula sa kama, agad na namuo ang pawis sa noo ko at pinalibutan na naman ako ng matinding pagbaliktad ng sikmura. Nang pumasok si Gina sa silid para dalhan ako ng maiinom na tsaa, mabilis niya akong inalalayan papunta sa maliit na private clinic na malapit lang sa apartment namin sa Florence. Wala na kaming lakas na mag-argumento pa. Pareho naming alam na hindi na normal ang panghihina ng katawan ko. Tahimik ang waiting area ng clinic. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang marahang paglipat ni Gina ng mga pahina ng magazine sa tabi ko. Maya-maya pa, tinawag na ng isang Italian nurse ang pangalan ko. Pagpasok namin sa consultation room, sinalubong kami ng isang may-edad nang doktora. Maayos ang pakikitungo niya at agad na nagtanong tungkol sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraa

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 5: BLOOD AND BUSINESS

    Alas-otso ng umaga nang dumarating ang itim na Rolls-Royce sa tapat ng main entrance ng mansyon. Kasalukuyang tinatapos ni Savannah ang kanyang kape habang si Sebastian ay seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ang bigat ng presensya ng mga parating."Ayusin mo ang mukha mo," sabi ni Seba

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 4: GOLDEN CAGE

    Pagpasok ni Savannah Madrigal sa loob ng De Cartier Mansion, unang pumasok sa isip niya ang isang salita.Museum. Hindi bahay.Ang lobby pa lang ay parang isang five-star hotel. Marble ang sahig na makintab na parang salamin, at ang kisame ay napakataas na halos hindi niya makita ang dulo. May isan

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 3: SCRIPTED PRESS CONFERENCE

    Humarap si Savannah Madrigal sa salamin ng vanity area sa De Cartier Tower. Suot niya ang isang champagne-colored midi dress na simple pero halatang mahal. Ito ang kailangang imahe ngayon—ang "Diamond Sweetheart" na malinis ang pangalan. Pero sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho. "Kaya mo 't

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 1: THE MIDNIGHT TRAP

    Sa ilalim ng nakakasilaw na kislap ng mga camera sa grand entrance ng Metropoli Charity Gala, si Savannah Madrigal ang depinisyon ng perpeksyon. Nakasuot siya ng isang pasadyang ivory silk gown na tila yumayakap sa bawat kurba ng kanyang katawan. Ang kanyang ngiti ay matamis, inosente, at sapat na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status