INICIAR SESIÓNPagpasok ni Savannah Madrigal sa loob ng De Cartier Mansion, unang pumasok sa isip niya ang isang salita.
Museum. Hindi bahay.
Ang lobby pa lang ay parang isang five-star hotel. Marble ang sahig na makintab na parang salamin, at ang kisame ay napakataas na halos hindi niya makita ang dulo. May isang malaking chandelier sa gitna na kumikislap sa bawat galaw ng ilaw. Tahimik ang lugar. Masyadong tahimik.
"Ang laki," bulong ni Savannah habang umiikot ang tingin sa paligid.
Parang napansin ni Sebastian ang tono niya. "Kung naghahanap ka ng palakpakan, wala 'yan dito," sabi nito habang inaalis ang cufflinks niya. "This is a house, not a movie set."
Tiningnan siya ni Savannah nang matalim. "Relax, Mr. Billionaire. Hindi ako nagre-review ng bahay mo. Nagsasabi lang ako ng obvious."
Hindi na sumagot si Sebastian. Diretso siyang naglakad papasok. Sa gilid ng lobby ay may mga staff na nakahanay. Tatlong babae at dalawang lalaki na naka-uniform. Halatang naghihintay. Tumigil si Sebastian sa gitna. "This is Savannah," sabi niya nang diretso. "My fiancée."
Halos sabay-sabay yumuko ang mga staff. "Good evening, Miss Savannah."
Medyo na-awkward si Savannah. Hindi siya sanay na tratuhin nang ganito sa pribadong lugar. Sa showbiz, oo. Pero sa isang bahay? "Uh… hi," sagot niya.
Isang matandang babae ang lumapit. Maayos ang postura at mukhang matagal na sa bahay. "Ako po si Elena, ang housekeeper ng mansion. Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang."
Ngumiti si Savannah nang kaunti. "Thank you."
Lumapit si Sebastian sa hagdan. "Elena, prepare the east wing guest room."
Napalingon si Savannah. "Guest room?"
Tinaasan siya ni Sebastian ng kilay. "Anong ine-expect mo? Same bedroom?"
Napapikit si Savannah sandali. "Wow. Ang yabang mo."
"I’m being practical," sagot ni Sebastian.
"Ayaw ko rin naman," mabilis niyang sagot. "Just making sure."
Lumapit si Elena. "This way po, Miss Savannah."
Sumunod si Savannah sa hagdan habang si Sebastian ay dumiretso sa kabilang hallway. Hindi man lang ito nag-goodnight.
Pagdating sa kwarto, halos mapahinto si Savannah. Napakalaki ng room. May floor-to-ceiling windows, isang king-sized bed, at isang walk-in closet na halos kasing laki ng sala ng condo niya.
"Grabe…" bulong niya.
Lumabas si Elena. "May dinala na pong ilang gamit si Marcus mula sa penthouse niyo."
Nasa sofa ang dalawang maleta. Tumango si Savannah. "Thank you."
Nang umalis ang housekeeper, biglang bumagsak si Savannah sa kama. Nakatitig siya sa kisame. "Ano bang pinasok ko…"
Kanina lang, isa siyang actress na may kontrol sa buhay niya. Ngayon? Engaged siya sa isang lalaking halos hindi niya kilala. At nakatira siya sa bahay nito. Para siyang bida sa sarili niyang pelikula. Pero walang script.
Habang nag-aayos siya ng gamit sa closet, biglang may kumatok sa pinto. Tatlong beses. Binuksan niya. Si Sebastian. Naka-loosen na ang tie nito at hawak ang phone.
"Anong kailangan mo?" tanong ni Savannah.
Tumingin si Sebastian sa loob ng kwarto. "Checking."
"Checking what?"
"If you’re comfortable."
Napatawa si Savannah. "Concerned ka pala."
"No." Diretsong sagot. "PR."
Napailing siya. "Of course."
Lumapit si Sebastian sa balcony. "Bukas," sabi nito, "may breakfast tayo kasama ang parents ko."
Napalingon si Savannah. "Ano?"
"My father wants to see you."
"Tomorrow agad?"
"Yes."
Napahawak siya sa noo. "Sebastian, hindi pa nga ako nakakabawi sa scandal, meet-the-parents agad?"
Hindi ito nag-react. "He wants to know if you’re worth the trouble."
Napairap si Savannah. "Excuse me?"
Lumapit si Sebastian. Malapit. Masyadong malapit. "Calm down," sabi nito.
"Ang yabang mo talaga."
"And you’re dramatic."
Nagkatinigan sila. Parehong matigas ang expression. Pero may kakaibang tensyon sa pagitan nila. Napansin ni Savannah ang amoy ng pabango nito. Sandalwood. Katulad kagabi.
"Stop looking at me like that," sabi ni Sebastian.
"Like what?"
"Like you’re remembering something."
Namula ang tenga ni Savannah. "Please. Hindi ko na nga maalala ang kalahati ng nangyari kagabi."
Bahagyang ngumisi si Sebastian. "That’s not what it looked like."
Napailing siya. "Arrogant jerk."
"Still your fiancé."
Tumahimik sila sandali. Pagkatapos ay umatras si Sebastian. "Sleep early," sabi niya. "Tomorrow will be busy."
"Sebastian." Huminto ito sa pinto. "Yeah?"
Tumingin siya kay Savannah. "If this deal ends in one year…"
"Hmm?"
"Promise me something."
"Ano?"
"Walang gagamit ng personal feelings."
Sandaling natahimik si Sebastian. Pagkatapos ay tumango. "That was already rule number one."
Ngumiti si Savannah nang kaunti. "Good."
Binuksan ni Sebastian ang pinto. Pero bago siya tuluyang lumabas— "And Savannah."
"Ano na naman?"
"This house has cameras outside."
Napakunot noo siya. "So?"
"So try not to scream at me in the garden."
Napabuga siya ng hangin. "I hate you."
"Get used to it." At tuluyan na siyang umalis.
Kinabukasan, alas-siyete pa lang ng umaga ay gising na si Savannah. Hindi siya sanay sa katahimikan ng mansion. Sa penthouse niya, palaging may ingay ng lungsod. Dito? Parang library.
Pagbaba niya sa dining hall, nakita niya agad si Sebastian. Nakaupo na ito sa mesa, nagbabasa ng tablet habang umiinom ng kape. Suot nito ang isang simpleng puting polo at dark trousers. Kahit casual, mukhang CEO pa rin.
Umupo si Savannah sa tapat. "Good morning," sabi niya.
Hindi tumingala si Sebastian. "Morning."
Napansin niya ang pagkain sa mesa. French toast. Fruit bowl. Black coffee. "Wow," sabi ni Savannah. "Healthy."
"My father hates unhealthy habits."
Napairap siya. "Your father sounds terrifying."
"He is." Tumingin na si Sebastian sa kanya. "So behave later."
"Excuse me?"
"My father doesn’t like actresses."
Tumigil si Savannah. "Good start."
"But he respects power."
"Ano ibig mong sabihin?"
"Show him you’re not just a celebrity."
Tahimik siyang kumain sandali. Pagkatapos ay tumingin siya kay Sebastian. "Sebastian."
"Yeah?"
"Why me? Maraming babae sa mundo."
Napahinto ito. "Anong why?"
"Bakit ako ang pinili mo para sa deal na 'to?"
Sandaling natahimik si Sebastian. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Savannah. "Because you’re the only one already in the scandal. At dahil alam kong kailangan mo ako gaya ng kailangan kita."
Napabuga siya ng hangin. "Wow. Romantic."
"Practical." Tumayo si Sebastian. "Finish your breakfast."
"Bakit?"
"Because in one hour…" Lumapit siya sa upuan ni Savannah at bahagyang yumuko. "...you’re meeting the most powerful man in this country. And he expects perfection."
Lumunok si Savannah. At bigla niyang naramdaman—mas komplikado pa ang buhay niya kaysa sa inaakala niya. Habang naglalakad si Sebastian palayo, naiwan siyang mag-isa sa malaking mesa.
"Perfection," bulong niya sa sarili. "Isang taon lang, Savannah. Isang taon lang sa hawlang ito."
Uminom siya ng kape at tumingin sa labas ng bintana. Ang sikat ng araw ay tumatama sa garden, pero pakiramdam niya, kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, ang loob ng mansyong ito ay mananatiling malamig.
Inayos niya ang kanyang sarili. Kung audition man ito, sisiguraduhin niyang makukuha niya ang role. Dahil sa mundong ito, ang tanging paraan para hindi ka kainin ng sistema ay ang maging mas magaling na manlalaro kaysa sa kanila.
Pagkatapos ang ilan araw naging busy ang bawat oras namin sa dami inaasikaso, simula nung insidente sinagot ni Sebastian ang aking mga magulang, dumating na nga ang araw na pinaghahandaan namin ang AMING PEKENG PRENUP.Maaga pa lang ay nabulabog na ang katahimikan ng mansyon. Pagkababa ni Savannah, sinalubong siya ng isang grupo ng mga tao na hindi niya inaasahan—mga sikat na stylists, makeup artists, at isang batikang photographer na kilala sa pagkuha ng mga "raw and intimate" portraits. Ito ang army na personal na pinili ni Sebastian para sa kanilang prenup shoot."Ma'am, dito po tayo," bati ng head stylist habang ginagabayan siya sa isang upuan.Nagulat si Savannah nang makita ang mga damit na nakasampay. Wala ang mga magarbo at kumukititap na gowns na karaniwang pinapasuot sa kanya ng kanyang ina. Sa halip, puro mga de-kalidad na seda, manipis na lino, at mga simpleng disenyo na sumusunod sa hubog ng kanyang katawan ang nandoon."Sir Sebastian’s orders, Ma'am," bulong ng makeup ar
Tahimik ang loob ng sasakyan habang pabalik sila sa mansyon. Pinagmamasdan ni Savannah ang nagliliparang mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana, ngunit ang isip niya ay naiwan sa opisina ng kanyang ama sa GMN-Network. Ramdam niya ang titig ni Sebastian sa kanya paminsan-minsan, isang titig na hindi niya mabasa kung pag-aalala ba o bahagi pa rin ng kanilang pagpapanggap."Bakit mo ginawa 'yun?" basag ni Savannah sa katahimikan. Hindi niya tiningnan ang binata, ngunit sapat na ang lamig ng kanyang boses para makuha ang atensyon nito."Ang alin?" tanong ni Sebastian, ang mga kamay ay relax na nakahawak sa manibela."Yung pagsagot sa mga magulang ko. Sabi mo ako ang magdedesisyon sa lahat... na ako ang bride mo," lumingon siya rito, pilit na hinahanap ang kahit anong emosyon sa mukha ng lalaki. "Hindi mo kailangang gawin 'yun. Alam nating dalawa na ang mga magulang ko ang may hawak ng script ng buhay ko simula pa noong bata ako."Isang tipid na ngisi ang sumilay sa labi ni Sebastian bago
Nagising si Savannah na tila pasan ang buong daigdig. Ang bigat ng kanyang katawan ay hindi lamang dahil sa puyat, kundi dahil sa bawat alaala ng mga pangyayari kagabi na tila nakatatak pa rin sa kanyang balat. Marahan siyang bumangon, ramdam ang kirot sa kanyang mga hita at ang bahagyang pananakit ng kanyang likod. Napatingin siya sa kisame at napahinga nang malalim, puno ng inis sa sarili.Bakit ka ba laging bumibigay sa kanya, Savannah? tanong niya sa kanyang isip.Naiinis siya dahil sa tuwing maglalapit sila ni Sebastian, tila ba naglalaho ang lahat ng kanyang mga prinsipyo. Ano bang meron sa mga halik ng aroganteng lalaking iyon? Para itong hipnotismo na sumasabog sa kanyang sistema, nilalason ang kanyang katuwiran hanggang sa wala na siyang magawa kundi ang tumugon. Malayo ito sa karanasan niya kay Marco. Sa bawat kissing scene na meron sila sa harap ng camera, purong trabaho lang ang nararamdaman niya—walang kuryente, walang panginginig. Ngunit kay Sebastian, tila ba nauubos an
R18 (Read at your own risk)Ang gabi ay tila bumibigat habang papalapit ang oras ng pag-uwi ni Sebastian. Simula nang umalis ito kaninang umaga pagkatapos ng "Sweetheart" na bulong na iyon, hindi na mapakali si Savannah. Sinubukan niyang mag-focus sa pag-aaral ng mga alahas na ibinigay ni Doña Aurora, ngunit ang isip niya ay laging bumabalik sa bawat haplos at bawat ungol na pinakawalan niya sa loob ng kwartong ito ilang oras pa lang ang nakakalipas.Suot ang isang manipis na silk robe, nakatayo si Savannah sa tapat ng malawak na bintana ng kanyang silid. Pinagmamasdan niya ang mga ilaw ng siyudad, iniisip kung paano niya haharapin ang lalaking bumasag sa lahat ng kanyang depensa. Alam niyang sa ilalim ng kontrata, wala silang obligasyon na gawin ang nangyari kagabi. Pero bakit tila hindi siya makaramdam ng pagsisisi?Narinig niya ang tunog ng sasakyan sa baba. Bumilis ang tibok ng puso niya. Ilang minuto lang ang lumipas, narinig na niya ang mabibigat na yabag sa hallway. Huminto ang
Ang liwanag ng araw na tumatagos sa kurtina ang gumising kay Sebastian. Kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata ay ang matinding pintig sa kanyang sentido—isang paalala ng dami ng alak na inubos niya kagabi. Ngunit hindi ang sakit ng ulo ang nakakuha ng kanyang atensyon, kundi ang bigat ng braso ni Savannah na nakapatong sa kanyang dibdib.Doon lang bumalik ang lahat sa kanyang alaala. Ang galit, ang selos na naramdaman niya di dapat maramdaman, ang pag-aaway nila sa sala, hanggang sa mauwi sila sa kwartong ito. Nanatili siyang nakahiga nang ilang sandali, tinititigan ang mukha ni Savannah na mahimbing pa ring natutulog. Sa ilalim ng magulong kumot, pareho pa rin silang walang saplot.Sa kabila ng hang-over, tila nagising ang bawat himaymay ng kanyang sistema nang maalala ang init na pinagsaluhan nila. Ang bawat ungol ni Savannah at ang paraan ng pagkapit nito sa kanya ay tila nakaukit na sa kanyang isipan. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Sebastian—isang ekspresyong hindi
R18 (Read at your own risk)Sa loob ng kwarto, ang tanging maririnig ay ang mabigat na hininga ni Sebastian na humahalo sa kabog ng dibdib ni Savannah. Hindi na nakapiglas ang dalaga nang mabilis na isara at i-lock ng binata ang pinto.Bago pa siya makabuo ng anumang depensa, sinalubong na siya ni Sebastian ng isang mapusok at agresibong halik. Isang halik na hindi lang lasa ng mamahaling scotch ang hatid, kundi ang pait ng galit at ang tamis ng matagal nang kinikimkim na pagnanasa."Ano ba, Sebastian!" pilit na tinutulak ni Savannah ang matigas na dibdib ng binata habang pilit na humahabol ng hininga. "Why are you like this! You are fucking drunk!"Ngunit dahil lango sa alak at labis na selos bang matatawag ang nararamdaman niya, wala nang pakialam si Sebastian sa anumang salitang lumalabas sa bibig ng dalaga. Sa isang iglap, binuhat siya ng binata nang parang wala lang bigat. Ang lakas ni Sebastian at ang laki ng agwat ng kanilang taas ay naging dahilan para magmukhang walang laban







