Trabaho o Pride?
Halos hindi na nakatulog si Bhem nang gabing iyon. Pagkahatid niya kay Jack sa mansyon nito, sinubukan pa niyang magpahinga. Ngunit tila sinadya ng tadhana na guluhin ang kanyang umaga. Bago pa mag-ika-anim ng umaga, narinig na niyang mag-ring ang kanyang cellphone. “Hello, Miss Bhemzly, good morning po. Pasensya na po sa aga, pero may good news po kami. Ang isa po naming VIP client ay nangangailangan ng sampung abogado upang ayusin ang mga legal na dokumento ng mga ari-arian niya, lokal at internasyonal. Matapos naming suriin ang inyong credentials, napili po namin kayong irekomenda. Puwede po bang maghanda na kayo ng inyong application?” “Salamat po, Ma’am Vhie. Opo, aayusin ko po agad.” Bitin pa sa tulog, nagdesisyon si Bhem na bumangon. Hindi niya kayang palampasin ang ganitong oportunidad—baka ito na ang matagal na niyang hinihintay na pagbabago sa kanyang karera. Habang naghihintay ng masasakyan, sumagi sa isip niya ang isang posibilidad. “Wait… baka si Jack ‘yung VIP client? Pero hindi, imposible. Nagkataon lang siguro na andun siya kahapon. Nag-a-assume na naman ako.” Mabilis na naputol ang kanyang pag-iisip nang bigla siyang tinawag ng jeepney driver. “Hoy, Miss! Sasakay ka ba o tatayo ka na lang diyan buong araw?” “Pasensya na po, sasakay na,” iritado niyang sagot. “Grabe, ang sungit n’yo. Pang-Biyernes Santo agad ang mood.” Makalipas ang mahigit isang oras sa biyahe, nakarating siya sa kanilang building—late ng eksaktong 45 minutes. Dahil puno ang elevator, pinili na lang niyang maghagdan kaysa maulit ang trauma niyang ma-trap muli doon ng apat na oras. Ngunit sa ikatlong palapag, isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. “Miss Beautiful, musta ang cardio mo? Nakakapanakit ba ng legs?” Halos malaglag ang folder na hawak ni Bhem. “Jack?! Anong ginagawa mo rito? At… teka, kahapon halos hindi ka makalakad. Bakit parang wala nang nangyari?” Ngumiti ang binata, ang mga mata'y naglalaro. “Miracle healing. Siguro dahil sa magaling na nag-alaga.” “Jack, seryoso. Wag mo akong lukuhin. Kahapon may benda ka pa. Ngayon, nakikihagdan ka pa talaga?” Bago pa siya makapagsalita, marahan siyang hinila ni Jack pataas. “Come on, late ka na. Bilisan natin.” At sa hindi niya namalayang pagkakataon, nakahawak na pala ang binata sa kamay niya hanggang sa makarating sila sa ikapitong palapag. Hindi ito bumitiw. Kung hindi pa nila nasalubong ang kanilang manager, baka inabot pa sila ng lunch break na magkahawak-kamay. Nagkunwari na lang si Jack na busy makipag-usap, ngunit lihim na sinundan ng mata si Bhem hanggang sa ito ay pumasok sa isang silid para sa hiring interview. Nang tawagin ang kanyang pangalan para sa application review, huminga muna ng malalim si Bhem bago pumasok. Ngunit sa pagbukas ng pinto, tila nabura ang lahat ng kanyang paghahanda. Doon, nakaupo sa gitna, ang lalaking ayaw na niyang makita sa ganitong sitwasyon. Si Jack Devera. Ang ngiti pa lang nito, habang hawak ang kanyang resume, ay parang gumuho ang mundo ni Bhem sa kinatatayuan. “Wow,” bulong ni Jack habang binabasa ang application niya. “Iba pala talaga ang baby ko.” Hindi pa man nagsisimula ang interview, tumayo na nang marahan si Bhem. “Pasensya na po, pero… hindi ko yata kaya ang trabahong ito.” Agad siyang lumabas ng silid, halos hindi makapaniwala sa nakita. Tinangka pa siyang habulin ni Jack. “Sandali lang, Bhem! Hired ka na agad, hindi mo ba gusto ‘yon?” Ngunit mas matimbang ang pride kaysa sa oportunidad. Pinili niyang talikuran ang lahat. “Hindi ko kailangang magtrabaho sa kanya. Hindi niya ako puwedeng gawing empleyado niya. Hindi ngayon, hindi kailanman.” Naglakad siya palayo, patungo sa ladies' room sa dulo ng hallway. Pilit niyang kinakalma ang sarili habang tumutulo ang inis sa kanyang dibdib. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, bumungad sa kanya si Jack. Nakangiti, ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Hinila siya nito nang marahan patungo sa gilid ng hagdan kung saan wala masyadong tao. “Bhem, bakit ka umalis? Hindi mo man lang tinapos ang interview. Hindi mo ba gustong subukan?” mahina nitong tanong. Nakapamewang si Bhem. “Sorry, Mr. Devera, pero hindi ko kailangan ang offer mo. Masaya na ako sa trabaho ko ngayon. Naiintindihan mo ba?” Bibig pa lang sana niya ay may isusunod pa, ngunit si Jack na ang nagsalita. “Sigurado ka bang masaya ka? Kaya nga kita pinili, hindi lang dahil sa credentials mo… kundi dahil alam kong deserve mo ‘yung opportunity. Pero mas pinili mong ipagsigawan ‘yang pride mo.” Tahimik si Bhem. “Hindi mo pa rin ako maintindihan,” aniya. “Wala ka namang alam sa pinagdaanan ko, sa mga dahilan kung bakit hindi ko gustong tumanggap ng—” “Then explain it to me,” sabat ni Jack, masuyo ang boses. “Pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang.” Tahimik ang paligid, tanging pintig ng damdamin ang naririnig ng dalawa. Saglit silang nagtitigan—isang sulyap na puno ng kasaysayan, isang kwento na hindi pa tapos. Tumalikod si Bhem, pinili pa ring lumayo. Ngunit sa likod ng kanyang likod, may isang lalaking nagtatangkang intindihin ang katahimikang iniwan niya. At sa pagsara ng elevator door, isang boses ang bumulong sa isipan ni Jack. “Kung hindi ngayon, kailan? At kung hindi kita pipilitin, sino pa ang maglalakas-loob?” To be continued…" Good morning Self " saad ko sa sarili ko habang nagbibihis pagong dahil alas kuwarto palang ng madaling araw , para aliwin muna ang sarili sumayaw nalang ng cha-cha hindi naman ako makakadistorbo sa mga kasama ko sa bahay dahil hindi naman nila naririnig ang ingay ng kuwarto ko , kaya naman enjoy the moment ika nga nila.Ang sarap pala sa feeling pag single but ready to menggle ang isang tao. Kaya proud to be single ako dahil i can do all things i want without needing permission to someone puwera lang sa pamilya ko syempre kailangan na nagpapaalam parin ako sa kanila ayaw kona maulit uli yong nangyari.Nang mapatingin ako sa samalin don ko na realize na subrang napabayaan kona pala ang sarili ko ilang years ang nakalipas ang dating ako na hindi man lang nadadapuan ng lamok ay ito na ngayon, pero tanggap ko naman sa sarili ko kong ano ako noon at kong ano ako ngayon kasi hindi kona mababalik ang nakaraan para baguhin lahat ng maling nagawa ko. At dahil 12:00 noon pa ang pasok ko i to
" Ang lalaking yan o Sarili mo? " nanggagalaiting tanong sakin ni kuya leo habang pilit akong pinapasakay sa sasakyan."Hindi ko alam!" Sagot ko habang umiiyak super napahiya kasi ako kanina sa harap ng maraming tao at sa harap ni Jade.Tinuturo-turo pako nito habang pinagsasabihan " Bhem dika paba na dala niloko kana nga ng gagong yon makikipag balikan kanaman uli."Natigilan ako ng marinig ko iyon at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko " pano nalaman ni kuya ang tungkol do'n hindi ko naman na kuwento sa kanila ahh , sino kaya nag sabi sa kaniya ng bagay na yon? " ngunit bago pako makasagot uli agad na niyang pinaandar ang kotse, diritso sa bahay.Pagdating namin namumugto parin ang mga mata ko inakala ko tapos na ang pangsisirmon niya hindi pa pala.Dahil mas tumindi pa ang galit nito wari'y wala siyang pakialam kong marinig man iyon ni Daddy at Mommy basta mapagalitan lang niya ako.Habang ako nagsiagosan na ang luha sa mga mata ko , masakit kaya mapahiya sa maraming tao , pero m
Pauwi na sana ang pamilya Acson galing sa outing ngunit nakalimutan ni Bhem ang isang bag na dala niya kaya binalikan niya ito sa nirentahan nilang catage , pagbalik nga niya ay naroon parin ang bag na naiwan niya ngunit hindi inaasahang timing doon pala niya muling makikita ang isang tao na sumira ng tiwala niya.Dahil sa pagmamadali nakabanggaan niya ang isang lalaki na maydalang apat na manggo shake , galing sa counter ng resort kaya naman napagtaasan siya nito ng boses " Ano ba miss dahan-dahan naman ohh " ngunit pareho silang natigilan ng makilala ang isa't isa.Nakataas ang kilay ng lalaki ng makilala niya ang nakabanggaan niya " B-Bhem ? "Habang si Bhem tulala sa harap niya hindi makapaniwala sa nakita." B-Bhem anong ginagawa mo rito ? " pagtatanong nito kay Bhem ng may tuwa sa mukha." ahmm ahh nag outing kami ng pamilya ko " Nakangiti nitong tinanong uli si Bhem " I see , muzta kana? , long time no see." Malugod namang sinagot ni Bhem ang tanong ni Jade kahit med
" Bunsoyy , matutuloy muna ang pangarap mo! " nakangiting sambit ni Ate Jona , habang tumatalon talon ito dahil sa tuwa.Pero hindi namin alam kong bakit siya masaya kaya naman nagtanong ako " Ate , ano ang ganap? " pagtataka ko , kaya yong kaliwang kilay ko tumaas naman.Ngunit bago niya ako sagutin niyakap muna niya si Lyla " May bago nang scholarship si Lyla hindi na siya titigil makakatapos na siya ng pagaaral ," nagulat kaming apat, ngunit mas nanaig parin ang saya na nadama naming lima.Kaya naman agad naming ipinaalam kay Mommy ang magandang balita kahit nasa ospital siya natuwa parin siya. Upang tuloyan nang makapasok kinabukasan si Layla nag ambagan kaming apat para sa mga gastosin ni Lyla sa pagaaral.Pang allowance niya kong baga.Kahit wala nakong kapera-pera tanging pang isang lingo ko nalang budget ay iniambag ko nalang , para makapasok na siya.Narealize ko God is good talaga , he always there not just for me and my family but also to all people. Wala talagang s
" Ate wala na yong mansion " umiiyak na balita sakin ni Lyla , ang bunso namin.Ng marinig ko nga ang sinabi nito hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa kinatatayoan ko .Agad akong nag hanap ng masasakyan pauwi upang puntahan kong ano na ang nangyari sa pamilya ko.Pagkarating ko nga sa mansion naabutan ko nalang ang Mommy at ang bunso kong kapatid na nasa labas na ng bahay , pati yong mga gamit namin nasa labas narin. Hindi ko napigilang mapa luha sa nadatnan ko , kaya nang makita ko ang representative ng bangko agad ko itong diniritsahang kinausap." Sir mawalang galang napo , bakit niyo naman po kami pinapalayas agad akala ko po ba sa makalawang buwan pa kami aalis rito " " Sir Bakit po ? " pagtatanong ko sa matandang lalaki na nag papalabas ng mga gamit namin." Sorry hija , may buyer na kasi nitong bahay at dapat lang na umalis na kayo rito dahil halos 10 years na kayong hindi nakakabayad kaya kailangan niyo nang umalis rito , " at agad nakong tinalikoran ng matandang l
Ng bumuti na ang lagay ng Daddy at hindi narin siya masyadong nahihirapan dahil sa mga gamot na natake na niya. Kinailangan konang pumasok sa trabaho dahil may magbabantay naman sa kanya ang mga kapatid ko. Halos tatlong buwan rin akong naka leave sa trabaho , nangangamba nako baka pag tumagal na hindi pako pumapasok baka tanggalin nila ako.At dahil nagtitipid nga ako kailangan kong gumising ng maaga para maka sabay kay kuya Garin , sa pinsan ko. At dahil iisa lang ang company na pinapasokan namin , sabay na kami lagi sa pagpasok sa work.Araw ng lunes , unang araw ng buwan ng Mayo kaya kailangan kong maaga gumising kasi ang dami kong aasikasohing papelis .Ngunit ang plinano kong paggising ng maaga taliwas sa nangyari , naggising nalang ako na nagbubukang liwayway na ang araw at magaalas syete na ng umaga kaya naman no more relapse moment sa kama , transform agad bilang flash the second .Kahit hindi pa nakakaalmusal , ni pagsuklay sa basa kong buhok hindi kona nagawa .Dahil wal