FAZER LOGINSERAPHINA POVHindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang alam ko lang noong dumilat ako, hindi na ako nandoon. Hindi na ako kasama ni Caelum at iyon ang unang bagay na sumira sa akin. Nanikip ang dibdib ko habang unti-unting nagiging malinaw ang paligid. Madilim ang kwarto, pero hindi ganap may ilaw na galing sa isang lamparang nasa sulok. Malamig. Malinis. Halatang hindi ito basta-bastang lugar. At lalo akong kinabahan dahan-dahan akong gumalaw. Masakit ang katawan ko, pero wala akong nakitang tali sa mga kamay ko. Hindi ako nakagapos.Pero hindi ibig sabihin noon na malaya ako bigla akong napaupo nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Click. Napatigil ako at doon pumasok siya si Alaric. Hindi siya nagmamadali. Parang walang nangyaring mali. Parang normal lang ang lahat parang hindi niya ako dinukot.“Good,” sabi niya habang papalapit. “Gising ka na.” Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang siya. Galit, takot at pagkasuklam.“Bakit mo ginawa ‘to?” tanong ko,
Tahimik ang paligid hindi yung payapang katahimikan kundi yung uri ng katahimikan na parang may nagtatago. Parang may nagmamasid. Sa loob ng pribadong rest house kung saan pansamantalang dinala si Caelum para makapagpahinga, mabigat ang hangin. Amoy antiseptic pa rin ang paligid paalala ng ospital na pinanggalingan niya. Nakatayo si Seraphina sa may bintana, yakap ang sarili hindi siya mapakali.“May mali,” mahina niyang sabi napatingin si Caelum sa kanya mula sa kama. Kahit may benda pa siya at halatang hindi pa fully recovered, malinaw alerto siya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya hindi agad sumagot si Seraphina. Pinakiramdaman niya yung pakiramdam na iyon… hindi bago qt doon nanlamig siya.“Si Alaric…” bulong niya at parang cue may kumalabog. Isang malakas na tunog mula sa labas pareho silang napalingon. Sunod-sunod na yabag. Mabibigat at mabilis hindi na sila nag-usap pa alam na nila.“Huwag kang lalapit sa pinto,” agad na sabi ni Caelum, pilit tumatayo kahit masakit. “Cael
CAELUM POV Hindi pa rin nawawala yung sakit hindi na siya katulad ng sugat sa katawan hindi na simpleng kirot na mawawala sa pahinga o gamot. Ito’y mas malalim. Parang may kung anong pwersa na patuloy na kumakain sa loob ng isip ko, pilit binubuksan ang isang pintong matagal nang nakasara. At ngayon hindi ko na siya mapigilan napapikit ako, hinihingal, habang hawak ang ulo ko. Parang may mga boses na sabay-sabay na sumisigaw, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Mga larawan na hindi ko kilala pero pakiramdam ko, akin. “Ayos ka lang ba?” Boses niya seraphina dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya sa harap ko—punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Parang natatakot siyang mawala ako. At hindi ko alam kung bakit pero ayokong mangyari ‘yon. “Ayos lang ako,” sagot ko, kahit halatang hindi siya naniwala kita ko sa mga mata niya. “Hindi,” mahina niyang sabi. “Hindi ka okay.” Tahimik ako kasi tama siya hindi talaga ako okay. “May nakita ka, ‘di ba?” tanong
Third Person POV Ang hangin ay tila huminto ang kagubatan, na kanina’y muling nabuhay matapos ang nakaraang laban, ay biglang nalugmok sa isang katahimikang mas mabigat pa kaysa sa kamatayan. Ang mga dahon ay hindi na gumagalaw, ang mga ibon ay naglaho na parang hindi kailanman umiral, at ang liwanag ng buwan ay tila umatras parang ayaw masaksihan ang susunod na mangyayari. Sa gitna ng katahimikang iyon, nakatayo sina Caelum at Seraphina. Magkatabi at magkasama sa harap nila ang nilalang. Hindi ito ganap na may anyo, ngunit sapat ang presensya nito upang maramdaman ang bigat ng kapangyarihan. Ang kanyang katawan ay tila binubuo ng gumagalaw na anino, patuloy na nagbabago, parang usok na may sariling buhay. Ngunit ang kanyang mga mata ang kanyang mga mata ay maliwanag, malamig, at puno ng kaalamang hindi dapat taglay ng kahit sinong nilalang. “At last,” muling wika nito, ang boses ay tila nanggagaling sa lahat ng direksyon. “Ang tagapagmana.” Nanigas ang paligid si Seraphina ay baha
Third Person POV Tahimik ang gabi, ngunit ang katahimikang iyon ay hindi payapa ito’y mabigat, halos sumasakal. Sa gitna ng malawak na kagubatan, kung saan ang liwanag ng buwan ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng mga dahon, nakatayo si Caelum, tila isang aninong hindi mapakali. Hindi siya gumagalaw, ngunit ang kanyang presensya ay parang bagyong nagbabadya. Sa malayo, ang hangin ay humahaplos sa mga sanga, nagbubulong ng mga lihim na tila siya lamang ang nakakarinig. Ngunit sa kabila ng katahimikan, malinaw sa kanya may paparating. At hindi iyon mabuti sa likuran niya, marahang humakbang si Seraphina. Hindi niya kailangang magsalita upang ipaalam ang kanyang presensya. Ramdam agad ni Caelum ang pagbabago sa hangin ang bahagyang pag-init, ang kakaibang pakiramdam ng seguridad na siya lamang ang naibibigay nito. “Hindi ka dapat nag-iisa rito,” mahinang wika ni Seraphina, ngunit ang tono niya’y may halong pag-aalala. Hindi agad sumagot si Caelum. Patuloy lamang siyang nakatanaw sa
THIRD PERSON POV Tahimik ang gabi, ngunit ang katahimikang iyon ay hindi payapa ito’y mabigat, halos sumasakal. Sa gitna ng malawak na kagubatan, kung saan ang liwanag ng buwan ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng mga dahon, nakatayo si Caelum, tila isang aninong hindi mapakali. Hindi siya gumagalaw, ngunit ang kanyang presensya ay parang bagyong nagbabadya. Sa malayo, ang hangin ay humahaplos sa mga sanga, nagbubulong ng mga lihim na tila siya lamang ang nakakarinig. Ngunit sa kabila ng katahimikan, malinaw sa kanya may paparating. At hindi iyon mabuti sa likuran niya, marahang humakbang si Seraphina. Hindi niya kailangang magsalita upang ipaalam ang kanyang presensya. Ramdam agad ni Caelum ang pagbabago sa hangin ang bahagyang pag-init, ang kakaibang pakiramdam ng seguridad na siya lamang ang naibibigay nito. “Hindi ka dapat nag-iisa rito,” mahinang wika ni Seraphina, ngunit ang tono niya’y may halong pag-aalala. Hindi agad sumagot si Caelum. Patuloy lamang siyang nakatanaw sa di
Seraphina's POVNaalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking balat. Masakit ang buong katawan ko, dulot ng gabi ng matinding pagnanasa at pagkalimot sa mundo. Bumaling ako sa tabi at nakita siyang mahimbing pa ring natutulog—si Caelum Darius Velasco. Ang lalaking sumagip sa akin mula s
Third Person POV Hatinggabi na, pero hindi pa rin humuhupa ang init sa loob ng hotel room. Sa pagitan ng malalim na paghinga at mahihinang ungol, muling bumalot ang kanilang katawan sa isa’t isa—wala nang distansyang namamagitan, wala nang hadlang sa pagitan ng kanilang mga balat. Nakahawak si Ca
CAELUM'S POVPagkasara ng pinto ng hotel room, wala nang ibang nasa isip ko kundi siya.Si Seraphina Montefiore.Ang babaeng ngayon ko lang nakilala pero parang hinila ako sa isang mundong hindi ko kayang takasan. Hindi ko na kayang tiisin ang tensyon sa pagitan namin.Humakbang ako palapit sa kany
STILL SERAPHINA POV No! I can't stop to escape and run! I need to escape! Humahagibis ako sa dilim ng gabi, patuloy ang pagtibok ng aking puso sa takot at adrenaline. Hindi ako maaaring mahuli. Hindi ko hahayaang ikulong ako sa buhay na hindi ko pinili. Naririnig ko ang mga sigaw ni Daddy, n







