로그인STILL SERAPHINA POV
No! I can't stop to escape and run! I need to escape! Humahagibis ako sa dilim ng gabi, patuloy ang pagtibok ng aking puso sa takot at adrenaline. Hindi ako maaaring mahuli. Hindi ko hahayaang ikulong ako sa buhay na hindi ko pinili. Naririnig ko ang mga sigaw ni Daddy, ni Mommy, at ni Alaric sa likuran. Naririnig ko rin ang tunog ng sapatos ng mga bodyguards na mabilis na lumalapit. Hindi ako maaaring magpahuli. Kailangan kong makalayo. Sumibad ako sa mataong lansangan, pilit sumasabay sa bilis ng pintig ng puso ko. Lumiko ako sa isang madilim na eskinita, umaasang malilito ko sila. Napahinto ako saglit, hinahabol ang hininga, ngunit biglang bumakas ang anino ng isa sa mga tauhan ni Daddy. "Miss Montefiore, bumalik na po kayo. Hindi mo na kailangang patagalin pa ito," malamig ang boses niya. "Never!" sigaw ko bago muling kumaripas ng takbo. Bumagsak ang ulan mula sa langit, bumalot sa akin ang lamig, pero hindi ko ito inalintana. Ang tanging mahalaga ay makalayo ako. Pilit kong itinago ang takot sa loob ko. Hindi ako babalik. Hindi ko hahayaang ikulong nila ako sa isang kasal na walang pag-ibig. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang bumukas ang isang alley at lumitaw ang isang lalaki—matangkad, nakasuot ng black leather jacket, may hawak na sigarilyo at nakasandal sa isang itim na Mustang. Ang kanyang presensya ay parang isang anino—hindi ko alam kung tutulungan niya ako o ipapahamak. "Tulungan mo ako," hingal kong sabi, halos nagmamakaawa habang hinahabol ang hininga. Tumingin siya sa akin gamit ang malamig at walang emosyon na mga mata. "At bakit ko gagawin 'yon?" Muli akong lumingon. Papalapit na ang mga bodyguards. "Please! Kailangan kong makatakas! Hahabulin nila ako!" Isang matigas na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi bago niya itinapon ang sigarilyo sa sahig at inapakan ito. "Sakay." Hindi na ako nagdalawang-isip. Mabilis akong pumasok sa kotse at sinara ang pinto. Ilang segundo lang, pinaandar na niya ang makina. Sa isang iglap, parang kulog na umarangkada ang Mustang, iniwan sa likuran ang mga humahabol sa akin. "Who are you?" tanong ko habang nanginginig ang mga kamay ko. "Caelum Darius Velasco," maikli niyang sagot, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "At ikaw?" "Seraphina... Seraphina Montefiore." Alam kong may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang titig nang marinig ang pangalan ko, pero hindi na niya tinanong pa. Tahimik kaming dumaan sa mga ilaw ng lungsod, ang bawat segundo ay puno ng tensyon at misteryo. "Bakit ka tumatakas?" tanong niya, hindi pa rin inaalis ang mata sa daan. "Dahil hindi ako manika na pwedeng ipamigay kung kanino nila gusto," sagot ko ng may pait. Hindi siya sumagot. Ngunit naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan. "May kondisyon ako," seryoso niyang sabi. Kinabahan ako. "Ano 'yon?" "Hindi kita tinulungan para lang basta-basta," malamig niyang sagot. "Dadalhin kita sa isang lugar kung saan hindi ka nila mahahanap. Pero kailangan mong sumunod sa akin. Wala kang tanong, wala kang reklamo." Napalunok ako. Ano ba ang pinasok ko? Pero wala akong ibang pagpipilian. Kung babalik ako, magiging impyerno ang buhay ko. Kaya, kahit hindi ko pa siya lubos na kilala, tumango ako. "Deal." Ilang minuto pa, huminto ang sasakyan sa harap ng isang engrandeng five-star hotel. Nanlaki ang mga mata ko sa laki ng gusali, kumikinang sa gabi. "Bakit tayo nandito?" tanong ko, halos hindi makapaniwala. Ngumisi siya ng bahagya, pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. "You need a safe place, right? Then this is where you'll stay." Napalunok ako. Ngayon lang ako nakahinga nang maluwag. Kahit hindi ko alam kung anong mangyayari bukas, isang bagay ang sigurado. Nakawala na ako sa bangungot na iyon. Sa ngayon... malaya ako. Pagkasara ng pinto ng hotel room, bumuntong-hininga ako, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay. Safe na ba ako? O isa na namang kulungan ito, ibang klaseng bilangguan lamang? Napatingin ako kay Caelum. Tahimik siyang nakatayo sa gilid ng kwarto, nakasandal sa dingding habang nakataas ang isang kilay, pinagmamasdan ako na parang binabasa ang bawat galaw ko. "Why are you staring at me like that?" tanong ko, pilit pinapanatili ang matatag kong tinig. Nagkibit-balikat siya. "I'm wondering if you regret getting in my car." Napalunok ako. Dapat ba akong magsisi? Wala naman akong ibang pagpipilian. Pero ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng ginawa ko. Tumakas ako. Ipinagkanulo ko ang pamilya ko. "Hindi kita pinagkakatiwalaan," diretsahan kong sabi. Ngumisi siya. "Good. Mas madali kung alam mong hindi kita ililigtas nang walang kapalit." Nanlamig ang katawan ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Lumapit siya, mabagal, hindi nagmamadali, hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya malapit sa akin. Hindi siya gumawa ng kahit anong mapanganib na galaw, pero may kung anong tensyon sa pagitan namin na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. "I mean," aniya, pabulong, "you owe me, Seraphina."Caelum POV Hindi ako huminga agad pagkatapos maputol ang tawag. Parang may humigpit sa dibdib ko parang may kamay na dahan-dahang pumipiga sa puso ko hanggang sa wala nang matira kundi sakit. “Hindi na ako babalik.” Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga salitang iyon ni Seraphina. Hindi iyon totoo kilala ko siya, kilala ko kung paano siya magsalita. Kung paano siya huminga sa pagitan ng bawat salita. Kung paano nanginginig ang boses niya kapag may tinatago siya. At kanina narinig ko iyon she was lying para sa akin para ilayo ako. “At akala niya… susuko ako?” napatawa ako nang mahina, pero walang saya doon puro galit at sakit lang. Napahawak ako sa mesa sa harap ko, mariin ang pagkakahawak hanggang sa mamuti ang mga daliri ko. Hindi siya babalik? Hindi niya kailangan ng tulong? Bullshit. “Mas kilala kita kaysa sa sarili mo, Seraphina…” bulong ko at hindi kita iiwan hindi ngayon, hindi kailanman. “Sir, please kailangan niyo pong magpahinga.” Hindi ko pinansin ang boses ng dokt
THIRD PERSON POV Mabigat ang gabi hindi dahil madilim kundi dahil sa katahimikang parang may tinatago. Sa loob ng malawak ngunit malamig na mansion ni Alaric, bawat hakbang ay may kasamang kaba. Hindi ito lugar na nagbibigay ng seguridad ito ay kulungan na pinapalamutian lang ng karangyaan. Sa isang kwarto sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Seraphina sa gilid ng kama. Hindi siya nakatali hindi siya binabantayan sa loob. Pero alam niya hindi iyon nangangahulugang malaya siya. Ang bawat galaw niya ay siguradong minamasdan ang bawat hinga niya binibilang. Nakatitig siya sa sahig, tila malalim ang iniisip. Hindi na siya umiiyak. Hindi na rin siya nanginginig gaya kanina. Mas delikado dahil ngayon nag-iisip na siya. Sa kabilang bahagi naman ng mansion, sa isang malawak na opisina, nakatayo si Alaric sa harap ng malaking bintana. Tanaw niya ang dilim sa labas, ngunit ang nasa isip niya ay mas madilim pa roon. “Hindi siya sumisigaw,” sabi ng lalaking tauhan niya mula sa likod ta
SERAPHINA POVHindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang alam ko lang noong dumilat ako, hindi na ako nandoon. Hindi na ako kasama ni Caelum at iyon ang unang bagay na sumira sa akin. Nanikip ang dibdib ko habang unti-unting nagiging malinaw ang paligid. Madilim ang kwarto, pero hindi ganap may ilaw na galing sa isang lamparang nasa sulok. Malamig. Malinis. Halatang hindi ito basta-bastang lugar. At lalo akong kinabahan dahan-dahan akong gumalaw. Masakit ang katawan ko, pero wala akong nakitang tali sa mga kamay ko. Hindi ako nakagapos.Pero hindi ibig sabihin noon na malaya ako bigla akong napaupo nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Click. Napatigil ako at doon pumasok siya si Alaric. Hindi siya nagmamadali. Parang walang nangyaring mali. Parang normal lang ang lahat parang hindi niya ako dinukot.“Good,” sabi niya habang papalapit. “Gising ka na.” Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang siya. Galit, takot at pagkasuklam.“Bakit mo ginawa ‘to?” tanong ko,
Tahimik ang paligid hindi yung payapang katahimikan kundi yung uri ng katahimikan na parang may nagtatago. Parang may nagmamasid. Sa loob ng pribadong rest house kung saan pansamantalang dinala si Caelum para makapagpahinga, mabigat ang hangin. Amoy antiseptic pa rin ang paligid paalala ng ospital na pinanggalingan niya. Nakatayo si Seraphina sa may bintana, yakap ang sarili hindi siya mapakali.“May mali,” mahina niyang sabi napatingin si Caelum sa kanya mula sa kama. Kahit may benda pa siya at halatang hindi pa fully recovered, malinaw alerto siya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya hindi agad sumagot si Seraphina. Pinakiramdaman niya yung pakiramdam na iyon… hindi bago qt doon nanlamig siya.“Si Alaric…” bulong niya at parang cue may kumalabog. Isang malakas na tunog mula sa labas pareho silang napalingon. Sunod-sunod na yabag. Mabibigat at mabilis hindi na sila nag-usap pa alam na nila.“Huwag kang lalapit sa pinto,” agad na sabi ni Caelum, pilit tumatayo kahit masakit. “Cael
CAELUM POV Hindi pa rin nawawala yung sakit hindi na siya katulad ng sugat sa katawan hindi na simpleng kirot na mawawala sa pahinga o gamot. Ito’y mas malalim. Parang may kung anong pwersa na patuloy na kumakain sa loob ng isip ko, pilit binubuksan ang isang pintong matagal nang nakasara. At ngayon hindi ko na siya mapigilan napapikit ako, hinihingal, habang hawak ang ulo ko. Parang may mga boses na sabay-sabay na sumisigaw, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Mga larawan na hindi ko kilala pero pakiramdam ko, akin. “Ayos ka lang ba?” Boses niya seraphina dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya sa harap ko—punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Parang natatakot siyang mawala ako. At hindi ko alam kung bakit pero ayokong mangyari ‘yon. “Ayos lang ako,” sagot ko, kahit halatang hindi siya naniwala kita ko sa mga mata niya. “Hindi,” mahina niyang sabi. “Hindi ka okay.” Tahimik ako kasi tama siya hindi talaga ako okay. “May nakita ka, ‘di ba?” tanong
Third Person POV Ang hangin ay tila huminto ang kagubatan, na kanina’y muling nabuhay matapos ang nakaraang laban, ay biglang nalugmok sa isang katahimikang mas mabigat pa kaysa sa kamatayan. Ang mga dahon ay hindi na gumagalaw, ang mga ibon ay naglaho na parang hindi kailanman umiral, at ang liwanag ng buwan ay tila umatras parang ayaw masaksihan ang susunod na mangyayari. Sa gitna ng katahimikang iyon, nakatayo sina Caelum at Seraphina. Magkatabi at magkasama sa harap nila ang nilalang. Hindi ito ganap na may anyo, ngunit sapat ang presensya nito upang maramdaman ang bigat ng kapangyarihan. Ang kanyang katawan ay tila binubuo ng gumagalaw na anino, patuloy na nagbabago, parang usok na may sariling buhay. Ngunit ang kanyang mga mata ang kanyang mga mata ay maliwanag, malamig, at puno ng kaalamang hindi dapat taglay ng kahit sinong nilalang. “At last,” muling wika nito, ang boses ay tila nanggagaling sa lahat ng direksyon. “Ang tagapagmana.” Nanigas ang paligid si Seraphina ay baha
SERAPHINA POV No! I can't!"Seraphina, lower your voice!" matigas na utos ng aking ama, si Don Alejandro Montefiore, habang mariing nakatitig sa akin. Katabi niya si Mommy—si Estella Montefiore—ang babaeng lumuluha ngunit walang ginagawa para ipagtanggol ako. At sa harapan ko, si Victor Alaric Vas
Seraphina's POVNaalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking balat. Masakit ang buong katawan ko, dulot ng gabi ng matinding pagnanasa at pagkalimot sa mundo. Bumaling ako sa tabi at nakita siyang mahimbing pa ring natutulog—si Caelum Darius Velasco. Ang lalaking sumagip sa akin mula s
Third Person POV Hatinggabi na, pero hindi pa rin humuhupa ang init sa loob ng hotel room. Sa pagitan ng malalim na paghinga at mahihinang ungol, muling bumalot ang kanilang katawan sa isa’t isa—wala nang distansyang namamagitan, wala nang hadlang sa pagitan ng kanilang mga balat. Nakahawak si Ca
CAELUM'S POVPagkasara ng pinto ng hotel room, wala nang ibang nasa isip ko kundi siya.Si Seraphina Montefiore.Ang babaeng ngayon ko lang nakilala pero parang hinila ako sa isang mundong hindi ko kayang takasan. Hindi ko na kayang tiisin ang tensyon sa pagitan namin.Humakbang ako palapit sa kany







