Mag-log inHindi nakaimik si Estrella. Nagulat ito sa sinabi ni Akira at tila ba nahihirapan pa siyang paniwalaan ang nalaman niya. Napapabuntong hininga na lang si Akira.“Sinundan niyo kami rito? Hindi ba at sinabi ko na sayo lola na ipatigil mo na ang pagsunod sa akin? Ano bang sinasabi niyo sa mag-ina ko? Itong ugali niyo na ‘to ang gusto niyong tumatak sa isip ng anak ko? Gusto niyo bang maging iresponsable akong tao? Iresponsableng ama? Yun ba ang gusto niyong gawin ko lola? Wala na ba kayong pakialam sa anak ko, sa nararamdaman ko? Ano na lang ba ang mahalaga sa inyo? Ang masunod ko ang lahat ng gusto niyo? Yun ba lola?” Pinipigilan ni Akira na hindi magalit pero hindi pa rin maitago ng tinig niya ang galit na nararamdaman niya.Napatingin si Estrella kay Ethan na kunot noong nakatingin sa kaniya. Ang kaninang galit na expression ng mukha ni Estrella ay napalitan na. Naging malambot na ang expression nito at tila ba napuno ng pangungulila ang mukha niya ngayon para sa apo niya.“Anak mo a
Nagpatuloy ang pagbibigay nila ng wish at message para kay Ethan. Tahimik din namang nakikinig ang mga bisita nila.Nang matapos si Geyvin ay si Damon naman ang sumunod. Napabuntong hininga pa ito. Bata lang naman ang pagbibigyan niya ng message pero kinakabahan pa siya.“Ano pa bang sasabihin ko sayo? Halos nasabi na nila eh.” Natatawang saad ni Damon saka ito nag-isip ng sasabihin. “Okay, may naisip na ako.” Aniya. Nakatingin naman si Ethan sa kaniya.“Ang gusto ko para sayo, sana magkaroon ka ng mga tapat na kaibigan at napaliligiran ka ng mga taong magmamahal sayo ng totoo.” Ani ni Damon. Maging si Megan ay napangiti sa sinabi ni Damon. Matamis ding ngumiti si Ethan. Hindi man mahaba ang sinabi ni Damon pero halos tumatak ito sa isip ng lahat ng bisita.“Hi baby,” nakangiting wika ni Kyline nang siya na ang magsasalita. “Binata ka na talaga at hindi na namin mapipigilan ang paglaki mo. We hope that the closeness we share now remains unchanged. We know the time will come when you f
Dumating na ang araw ng 7th birthday ni Ethan. Tuwang-tuwa si Akira at Megan. Hindi lang ang anak nila ang masaya ngayong araw dahil maging sila ay nag-uumapaw ang saya na nararamdaman nila. Naging maayos ang relasyon ni Akira at Megan para sa anak nila at tuwang-tuwa naman si Ethan dahil makakasama niya na palagi ang mommy at daddy niya. Nasa likod pa rin sila ng stage. Hindi pa nagsisimula ang program kaya naghihintay pa sila na tatawagin na ang pangalan ni Ethan ng host. “Good afternoon everyone, are you excited to see our birthday celebrant? Can I hear your voice, please?!” Masiglang sigaw ng host sa mga bisita nila. Lahat ng mga classmates ni Ethan ay invited at tuwang-tuwa ang mga ito. Kasama rin ng mga bata ang mga magulang nila. “Yes po! We are excited!” Sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napangiti naman si Akira at Megan ng marinig niya ang masiglang sagot ng mga kaklase ng anak nila. “Mommy, daddy,” salitang tiningnan ni Ethan ang mga magulang niya. “Yes baby?” Sagot ni
Parehong tahimik si Kyline at Bianca ng marinig nila ang buong paliwanag ni Megan. Nakatitig lang ang dalawa kay Megan. Hindi nila akalain na kompleto na pala ang pamilya ng pinakamamahal nilang si Ethan. Masaya naman sila para kay Ethan pero palagi silang nag-uusap na mga magkakaibigan sa cellphone pero walang sinabi si Megan sa kanila.“Kung hindi ka pa ba namin bibisitahin dito, hindi pa ba namin malalaman na halos nagsasama na kayo sa iisang bahay ni Akira?” Tanong ni Bianca. Napabuntong hininga si Megan.“Medyo mahirap kasing ipaliwanag sa chat dahil masyadong mahaba. Kung ikwekwento ko naman sa inyo sa video call, sa tingin mo ba magkakaintindihan tayong tatlo kung magsasabay kayong magtanong? Mas mabuting sa personal ko makwento para mas malinaw.” Sagot ni Megan. Napabuga ng hangin si Kyline saka nito inihilig ang batok niya sa sandalan ng sofa.“So, you still love him all these years?” Tanong ni Kyline na nasa kisame naman ang paningin.“Maybe, oo, I don’t know. Nang isilang k
Nakangiting nakatingin si Akira sa mga picture nila ng pamilya niya. Napapatitig na lang siya kay Megan at Ethan. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya. Tila ba natulog lang siya ng isang gabi tapos paggising niya kinabukasan may seven years old na siyang anak.Nang biglang bumukas ang pintuan niya ay napatingin siya dun. Sunod-sunod namang pumasok ang mga kaibigan niya.“Iba yata ang ngiti mo ngayon ah. May nangyari ba? Wala na kaming balita sa buhay mo pagkatapos mong hindi tumuloy umuwi ng France.” Nakangising sambit ni Geyvin. Ibinaba ni Akira ang cellphone niya para harapin ang mga kaibigan niya. Ngayon na lang ulit bumisita sa kaniya ang mga kaibigan niya.“So, anong balita sayo?” Tanong ni Sandro nang makaupo ang mga ito sa sofa. Sumandal si Akira sa upuan niya. Hindi pa alam ng mga kaibigan niya ang tungkol sa anak niya dahil masyadong busy din ang mga ito sa buhay nila.“Sayo ako walang balita. Balita ko bumalik na si Yuna. Kumusta naman ang puso mo?” Ba
Napatulala si Akira sa narinig. Pakiramdam niya ay nabingi siya o iba ang narinig niya. Pinoproseso pa niya sa isip niya ang mga sinabi ni Megan. Seryoso ba talaga si Megan sa mga sinabi nito? Tama ba talaga ang narinig niya?Napangiti si Megan dahil gulat na gulat pa rin si Akira at hindi pa rin makapaniwala.“Akira, are you still with me? Did you hear me?”“Yeah, I’m sorry. I’m just… shocked.” Sagot niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya at tila ba abnormal na rin ang pagtibok nito. “Tama ba ang pagkakarinig ko? Sinasagot mo na ako? You told me that you want me to be your boyfriend? Please tell me, I am not dreaming.” Napangiti si Megan. Nakapulupot pa rin ang mga kamay ni Megan sa leeg ni Akira at nakahawak pa rin sa bewang niya ang mga kamay ni Akira pero hindi na sila nagsasayaw.“Tama ang narinig mo. Gusto mo bang ulitin ko ulit ang sinabi ko? Like what I say, I want you Akira Del Valle to give you a chance in our life. And I want you to be my boyfriend, so yes, you heard i
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan







