LOGINSalitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong magagalit sa kaniya ang ate niya.
“Nagkita na ba kayong dalawa? Kilala niyo na ang isa’t isa?” hindi na mapigilang tanong ni Estrella. Hindi makatingin si Megan kay Akira pero si Akira mariing nakatitig ka Megan.
“Who is she?” diretsong tanong ni Akira. Kung kamag-anak nila ang kaharap nila ngayon, paanong hindi niya kilala ito?
“Hindi ko pa naipapakilala sayo dahil palagi kang umaalis ng bahay. Siya ang babaeng mapapangasawa mo, Akira. Kahapon ka pa hindi nagpapakita sa kaniya kaya nakakahiya na ang ginagawa mo.” Sagot ng lola niya. Napatingin si Akira sa lola niya bago niya ulit tiningnan si Megan na nakayuko pa rin. Napapangisi na lang si Akira.
“So, ikaw pala yung pinagkamalan kong nagsosolicite sa labas ng bahay namin?”
“Akira!” Nagbabanta ang tinig ni Estrella. Sumandal si Akira sa upuan niya at pinagcross ang mga kamay niya.
“Nakita ko na siya noong araw na nagpunta siya rito, lola. Siya yung paharang-harang sa labas ng gate na parang naliligaw at nanlilimos.”
“Akira, ang bibig mo. Huling warning ko na sayo ‘to.” Maawtoridad na sambit ni Estrella. Napapabuntong hininga naman si Akira.
“Lola, kilala mo ba talaga ang ugali ng babaeng yan?” Hindi pa rin tumitigil si Akira.
“She’s kind, Akira. Marunong makinig sa mga magulang. She’s fragile too kaya ayusin mo ang pakikitungo sa kaniya.” Bahagyang natawa si Akira.
“Ano ba siya, bote na mabilis mabasag? Nasa loob siya ng pamamahay ko, lola. Gagawin ko kung anong gusto ko at siguro naman, hindi siya bawal lapitan dahil siya namana ng mapapangasawa ko hindi ba? Pwede ko naman sigurong kilalanin ang babaeng pakakasalan ko na pinili niyo para sa akin.” Napatitig si Estrella sa apo niya. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito.
Una pa lamang ay hindi na gusto ni Akira ang arrange marriage na ito pero mukhang tanggap na nito ang mapapangasawa niya.
“Hindi mo siya pwedeng utos-utusan kung kailan mo gusto. Hindi mo siya personal maid, Akira. Kapag may ginawa ka kay Mariel at pinahirapan siya sa loob ng pamamahay ko, puputulin ko ang lahat ng allowance mo.” Pagbabanta ni Estrella pero walang bakas ng takot sa mukha ni Akira. Walang reklamo na narinig.
“So, Mariel pala ang pangalan niya. Hmm.” Ani ni Akira.
Inangat ni Megan ang ulo niya para tingnan si Akira pero nang magsalubong ang mga mata nila, mabilis niya rin itong iniwas.
“Siya si Mariel Sinclair. Anak siya ni Evelyn Sinclair, dati natin silang kapitbahay dito noon. Nakakalaro mo siya noong bata pa kayo pero hindi mo na siguro tanda yun dahil mga bata pa kayo. Sa Metro Manila na sila nakatira ngayon at umuwi siya rito para pakasalan ka.” Wika ni Estrella. Napapatitig lang naman si Akira kay Megan pero si Megan, hindi na komportable sa paraan ng pagtitig ni Akira sa kaniya.
Hindi na sumagot si Akira. Nanguha na siya ng pinggan niya at naghain ng pagkain niya.
“Iha, kumain ka na rin.” Saad ni Estrella.
“Opo,” magalang niyang sagot at naghain na rin siya ng mga pagkain niya.
“Bukas ay pupunta na rito ang mga designer, planner, organizer para pag-usapan ang tungkol sa kasal niyo. Bago ang pasukan dapat maikasal na kayong dalawa. At sa araw ng birthday mo, Akira, isasabay na ang engagement party niyo.”
“So, anong plano niyo after our wedding? Dito niyo na ba siya patitirahin at dito na rin ba siya mag-aaral?” tanong ni Akira.
“Of course, kapag napangasawa mo na siya. Responsibilidad na natin siya.” Sumilay ang nakapanglolokong ngisi sa mga labi ni Akira saka niya muling tiningnan si Megan na tahimik lang.
“So, after our wedding. I can do what I want to her, right? She’s my wife.”
“Akira!” sigaw na naman ni Estrella. Natatawa naman si Akira. “Kung ano man ang iniisip mo, itigil mo yan. Mag-aaral pa kayong dalawa ng college.”
Kumakain si Megan pero hindi niya na nalalasahan ang mga masasarap na pagkain sa harapan niya. Hindi niya naisip ang posibleng mangyari pagkatapos ng kasal. Paano kung hindi makagawa ng paraan ang Ate Mariel niya para hindi matuloy ang kasal?
Napapaisip na lang siya, hindi naman ang tunay niyang pangalan ang ginagamit niya ngayon kaya maikasal man siya, hindi naman ang pangalan niya ang pinirmahan niya. Sana lang ay makaalis na siya kaagad bago pa man matapos ang bakasyon. Gusto niya nang makabalik ng Manila.
Nang matapos silang kumain ay lumabas na si Megan. Tumambay siya sa ilalim ng naraa na malapit sa dalampasigan. Dahil malapit lang sa dagat ang mansion ng mga Del Valle, may sarili na silang private resort dahil sa lawak ng sakop nila.
“Are you really sure about this wedding? Hindi ka ba aatras?” napatingin si Megan sa likod niya nang magsalita si Akira.
“Wala akong magagawa sa kasal na ‘to na sila ang nagkasundo. Kung gusto mong huwag ituloy ang kasal na ‘to, okay lang naman sa akin dahil ayaw ko rin namang maikasal sayo. Kausapin mo na lang ulit si Lola Estrella para hindi na ituloy ang kasal na ‘to. We’re still young at marami pa rin akong pangarap sa buhay ko. Ayaw kong itali ang sarili ko sa taong hindi ko naman kilala at hindi ko mahal.” Prangkang sagot ni Megan. Sa narinig ni Akira biglang umigting ang panga niya.
Hindi niya alam pero tila ba nagpantig ang tainga niya.
Ngumisi na lang siya, kunwaring hindi naapektuhan sa sinabi ni Megan na wala naman itong gusto sa kaniya.
“Akala ko pa naman may gusto ka sa akin kaya hindi ka umaangal sa kasal na ‘to.” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Megan si Akira. Diretso namang nakatingin si Akira sa dagat.
“Wala, katulad mo biktima rin ako ng kasunduang ito. Sa totoo lang, kung hindi lang ako pinagbantaan ng mom ko na puputulin niya ang mga allowance ko, tatakas na lang ako.” Sagot pa niya. Alam niya naman na walang gusto ang Ate Mariel niya kay Akira kaya nga siya ang nandito ngayon eh.
Ngumisi si Akira, hindi niya na nagugustuhan ang mga sinasabi ni Megan. Bakit ba siya naaapektuhan?
“Maraming beses ko nang kinumbinsi si lola na huwag nang ituloy ang kasal na ito pero masyado siyang matigas. Ngayon kung ayaw mo sa ako at ayaw mong matali sa katulad ko, ikaw ang kumausap sa kaniya. Huwag mo akong utusan dahil hindi mo ako katulong. Tandaan mo, nandito ka sa pamamahay ko.” Muling nilingon ni Megan si Akira pero mabilis nang tumalikod ito.
Napapakunot na lang ng noo si Megan.
“Ano bang problema niya? Ang sungit-sungit.” Usal ni Megan habang nakasunod ang paningin niya kay Akira. Napapailing na lang siya at napapabuntong hininga. Pakiramdam niya ay ang tagal lumipas ng araw.
Gusto niya nang umuwi dahil hindi niya pagtitiisan na makasama sa iisang bahay ang isang tigre.
Humugot pa ng malalim na buntong hininga si Mariel. Ayaw niya sanang sabihin, gusto niya na lang sanang itago habang buhay pero hindi niya kaya knowing na naghirap si Megan noong mga panahon na namatay na ang daddy nila.“Siguro sa lahat ng ginawa ko sayo at ni mommy noong mga panahon na wala na si dad, karma ko na siguro ‘to. You’re the true Sinclair, Megan. You’re the true heiress of Sinclair and not me. Ikinasal man si dad at mommy pero hindi nila ako tunay na anak. Ikaw man ang bunga ng pagkakamali ni dad sa relasyon nila ni mommy pero ikaw naman ang totoong Sinclair.” Sambit niya na kahit na nasasaktan siya.Napatitig si Megan kay Mariel tila ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Mariel sa kaniya ngayon.“Pinaglalaruan mo ba ako, Mariel? Gusto mong paniwalaan kita para gawin mong katawa-tawa kapag naniwala ako sayo?” Galit na wika ni Megan. Nanatili namang seryoso ang mukha ni Mariel. Walang bakas na nagbibiro lang siya at pinaglalaruan lang si Megan.“Ano bang makukuha ko k
Papasok pa lang sana si Megan ng gate nang may biglang humila sa kaniya at nagtakip ng bibig niya.“Ssssshhh,” ani ni Mariel. Nanlalaki ang mga mata ni Megan na tiningnan si Mariel. Tumingin pa si Mariel sa loob ng bahay nila bago niya hinila si Megan palayo.“Change place tayo. Hindi na kita macontact kanina kaya dito na kita hinintay. Biglang umuwi ng bansa si mommy at ayaw niya sanang makipagkita ako sayo. Sa ibang lugar na lang tayo mag-usap.” Mahinang sambit ni Mariel. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Megan.“Ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ngayon? We can talk inside my car.” Umiling naman si Mariel.“Delikado rito. Mag-usap tayo sa bahay ko. Huwag kang mag-aalala dahil wala akong gagawin sayo.” Hinila na ni Mariel si Megan at sa sasakyan naman ni Megan sila sumakay.Sa passenger seat sumakay si Mariel habang sa driver seat naman si Megan. Nakahinga naman ng maluwag si Megan kung sasakyan niya ang gagamitin.Seryoso naman ang m
Bumaba na si Megan sa kwarto nila dahil sa tingin niya ay nakaalis na si Akira. Nasa loob na ng kwarto si Ethan at nakapagshower na rin ito. Nauna na rin itong kumain kasabay si Akira kaya siya na lang ang kakain sa kusina.Naghain na siya ng pagkain niya at nagsimula nang kumain. Sinubukan niya ulit tawagan ang number ni Mariel habang kumakain pero hindi pa rin ito nagriring. Siguro ay nakablock na siya kaagad kay Mariel. Hindi niya na lang pinilit at nagfocus na lang siyang kumain.Alam niyang si Akira ang nagluto ng mga dinner nila ngayon dahil kilala niya na ang luto ni Akira.Nang matapos siyang kumain ay tumambay na lang siya sa sala. Nagsscroll siya sa cellphone niya ng makita niya sa gilid ng mga mata niya na may nakatingin sa kaniya. Kunot noo niyang tiningnan ang taong nakatitig sa kaniya at nakita niya naman si Akira.“Why are you still here? Hindi ba at kanina ka pa umalis?” Kunot noo niyang tanong.“Hindi, nagpalipas na muna ako ng oras sa hardin niyo habang hinihintay ki
Hindi maalis sa isip ni Megan ang mga sinabi ni Mariel kahit na nakauwi na siya sa bahay nila. Tulala siyang umiinom ng kape. Hindi niya alam kung nakailang baso na ba siya ng kape sa buong maghapon.“Mommy, are you okay po?” Nag-aalalang tanong ni Ethan sa mommy niya.“Come here, honey.” Ani ni Megan sa anak niya. Lumapit naman kaagad si Ethan saka niya ito niyakap.“What is going on po mommy? Are you and Daddy okay po? He hasn't come home here for five days, Mommy, and I'm worried about him.” Kumalas na si Megan sa yakap niya sa anak niya saka niya hinaplos ang mukha nito. Wala na siyang oras sa anak niya dahil masyado siyang busy sa trabaho niya tapos ang dami pang nangyayari sa buhay nila.“He's fine, we just had some things to argue about with your dad. Right now we're not talking because I don't have time to deal with him, baby. You don't understand yet, but there are things I have to prioritize over my relationship with your dad.” Seryoso niyang sagot sa anak niya. Wala siyang
Tatlong araw ang lumipas simula nang mahospital si Akira. Ni minsan o kahit isang minuto lang ay hindi siya binisita ni Megan. Tatlong araw siyang nagtiis sa loob ng hospital. Namimiss niya na ang mag-ina niya.“Pauwi na rin ako. Sabay ka na sa akin?” Tanong ni Sandro nang pumasok ito sa kwarto ni Akira.“Yeah, sure.” Kinuha na ni Akira ang isang bag niya saka siya sumunod kay Sandro.“Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Megan? Parang masyadong malalim ang galit niya sayo. Hindi ka binisita o kahit man lang tinanong ang kalagayan mo.” Tanong ni Sandro habang naglalakad sila palabas ng hospital.“It’s a long story. Aayusin ko na ‘to. Hindi pwedeng mawala sa akin ang mag-ina ko. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng ibang babae.”“Mabuti nga yun na ayusin mo kaagad. Huwag kang sumuko dahil kung ano man ang ikinakagalit niya sayo, kasalanan mo yun. Hindi naman siya magagalit sayo kapag wala kang ginawa na ikagagalit niya. Siya nga pala, kumusta si Mariel? Parang isang bu
Sa pananatili ni Akira sa hospital ay si Damon ang nagbantay sa kaniya. Paminsan-minsan naman ay binibisita siya ni Geyvin. Umaasa si Akira na pupuntahan pa rin siya ni Megan pero lumipas ang isang araw pero hindi niya nakita si Megan. Kahit naghatid lang sana ng mga pagkain niya o gamit.Napapabuntong hininga na lang siya. Pinigilan niya naman talaga ang galit niya. Inalis niya sa isip niya ang pagdududa niya dahil alam niyang hindi siya magagawang lokohin ni Megan pero nang makita niya si Damon kung nasaan din si Megan, hindi niya na napigilang hindi sundan si Damon.Ilang beses pa niyang hinanap si Damon sa mga kwarto hanggang sa makita niya ito na kasama si Megan. Biglang nablangko ang isip niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos at tila ba bago pa man nagreact ang isip niya nauna na ang katawan niya.Diretso niyang nilapitan si Damon at sinuntok.“You want water?” Napatingin si Akira kay Damon na umiinom ngayon ng tubig. Naiinis pa rin siya sa sarili niya. Wala siyang dapat sisih
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan







