ログインHindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.
Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero hindi niya pa rin ito nakikita.
Ayaw niyang pumunta ng pool dahil alam niyang dun nakaharap ang kwarto ng babaeng mapapangasawa niya. Ayaw niya itong makita at makaharap. Kailangan niyang pigilan ang kasal nila lalo na at sa susunod na buwan na iyun.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya nagtanong sa isang katulong.
“Napansin mo ba yung isang babae na maputi, matangkad at m-maganda. Basta bago siya rito. Alam mo ba kung nasaan siya?” Napaisip naman ang katulong kung sino ba ang tinutukoy ng senyorito nila.
“Isang babae lang naman ang napansin ko na maputi sir. Tingnan niyo na lang po sa pool area, dun ko siya napansin na pumunta kanina pa.” sagot ng katulong. Napatango si Akira saka ito nagtungo sa pool area. Wala siyang pakialam sa babaeng nakatadhana sa kaniya, makita man siya nito o hindi.
Nagtungo na siya sa pool area at nakita niya naman si Megan. Nakatayo ito sa gilid ng swimming pool. Nakatulala itong nakatitig sa tubig. Dahan-dahan siyang lumapit kaya hidni siya naramdaman ni Megan.
Tumikhim si Akira at dahil sa gulat ay napatid ang isang paa ni Megan para sana lingunin ang nasa likod niya. Nanlaki ang mga mata ni Megan dahil pabagsak na siya sa tubig ng pool. Sinubukan pang hawakan ni Akira ang kamay ni Megan pero hindi niya naabot kaya tuluyang bumagsak sa tubig si Megan.
“H-Hel—hindi ako marunong—” hindi magawang sabihin ni Megan ang gusto niyang sabihin dahil lumulubog siya.
“Damn it.” Usal ni Akira ng mapansin niyang hindi marunong lumangoy si Megan. Mabilis siyang tumalon sa pool at inalalayan si Megan para makaahon ito sa tubig. Malalim ang paghinga ni Megan nang makalanghap siya ng hangin.
Hawak-hawak ni Akira si Megan habang lumalangoy sila papalapit sa hagdan ng pool. Napapaubo na lang si Megan nang makaupo na siya sa gilid. Marami siyang nainom na tubig at may nasinghot pa ang ilong niya.
“I’m sorry, are you okay?” tanong ni Akira nang makaahon na ito. Inis namang tiningnan ni Megan si Akira.
“Bakit ka ba nanggugulat?!” sigaw ni Megan saka siya tumayo.
Nang makita ni Akira na see through ang damit ni Megan ay napalunok siya. Kita niya ang malulusog na suso ni Megan. Nang napansin ni Megan kung saan nakatingin si Akira ay mabilis niyang tiningnan ang sarili niya at niyakap.
“Bastos! Tumalikod ka nga!” inis na saad ni Megan habang yakap-yakap ang sarili. Iniwas naman ni Akira ang paningin niya.
“I’m sorry—”
Mabilis naman nang tumalikod si Megan para makapasok ng kwarto niya at makapagbihis.
“Miss, sandali lang!” sigaw ni Akira saka hinabol si Megan.
“Ano pa bang kailangan mo? Kahapon ka pa eh!” nagsalubong ang mga kilay ni Akira. Hindi niya maalalang nakita niya na kahapon si Megan.
“Gusto ko lang ibalik ang ponytail mo na naiwan mo sa swing. Bakit ka ba nagagalit sa akin?”
“Anong gusto mo? Matuwa ako pagkatapos mo akong gulatin at mahulog sa pool? Balak mo ba akong patayin?”
“No, it’s not like that. Hindi ko naman alam na magugulat ka sa simpleng tikhim ko lang. I’m sorry okay? Nagsosorry na nga ako eh. Sino ka ba? What are you doing here? Bakit parang ikaw pa ang boss sa ating dalawa? Hindi ka ba nasabihan sa mga boss mo rito?” Masama lang na tiningnan ni Megan si Akira saka siya nagmamadaling pumasok ng mansion.
Sinundan na lang ni Akira ng tingin si Megan at hilaw na natawa.
“Sino ba siya? Kung umasta siya para bang siya pa ang boss sa aming dalawa. Bago nakakapasok ang katulong sa mansion, sinisigurado ng mayordoma na naipakilala niya kaming lahat.” Aniya pa saka muling napapailing.
“Senyorito okay ka lang ba?” tanong ng katulong na nakakita sa kaniya na basang-basa siya. Pumasok naman na ng mansion si Akira para makapagbihis.
“Ang aga mo namang maligo.” Salubong ng lola niya sa kaniya. “Magbihis ka na, bilisan mong bumaba dahil hihintayin ka namin ni Mariel sa kusina. Sumabay ka sa amin, isang beses mo pa akong hindi sundin. Wala kang allowance buong college mo, Akira.” Pagbabanta na naman sa kaniya ng lola niya.
Hindi na lang sumagot si Akira at umakyat na ng hagdan para makapasok ng kwarto niya.
Nang matapos magbihis ni Megan ay dumiretso na siya sa kusina nang tawagin siya ni Issa. Hinihingal pa rin siya dahil sa pag-akyat baba niya ng hagdan. Sumasakit na rin ang mga binti niya sa kakalakad niya sa napakalaking mansion at bakuran nito.
“Good morning po lola.” Magalang na bati ni Megan nang makita niyang nasa hapag kainan na ang senyora.
“Good morning din iha. How’s your first night here?”
“Okay lang naman po. Nakatulog naman po ako kaagad ng maayos. Thank you po sa magandang kwarto ko.” Nahihiyang sagot ni Megan. Natutuwa naman ang senyora dahil nagustuhan ni Megan ang mansion nila.
“Kumain ka ng marami, okay?” tumango at ngumiti si Megan saka siya naghain ng pagkain niya. “Hindi pa ba nakakababa si Akira?” tanong nito kay Issa.
Sumilip si Issa sa pintuan ng kusina at nakita niya naman si Akira.
“Nandyan na po Senyora.” Sagot ni Issa.
Salubong na naman ang mga kilay ni Akira na naupo. Diretso siyang naghain ng pagkain niya at hindi tiningnan si Megan na nasa harapan niya.
“Ganiyan ba kita tinuruan ng tamang asal, Akira? Your fiance is in front of you, hindi mo man lang babatiin?” inis na saad ni Estrella. Napabuntong hininga si Akira pero patuloy pa rin siyang naghahain ng pagkain niya.
Kunot noo namang nakatingin si Megan kay Akira. Napapalunok siya at para bang gusto niya nang lumubog sa lupa.
‘Patay na, siya pala si Akira?’ anas niya sa sarili niya. Napapapikit na lang siya kapag naaalala niya ang pagtataray niya rito kanina.
“Sinunod ko na ang gusto niyong sumabay sa inyo, ano pa bang gusto mo lola?” bakas ang inis na wika ni Akira.
“Akira!” sigaw ni Estrella. Inis na ibinaba ni Akira ang mga kubyertos niya saka niya tiningnan si Megan. Nagsalubong ang mga mata nila. Ang kaninang galit na mukha ni Akira ay mabilis na lumambot ang expression nito.
Bahagyang ngumiti si Megan, namumula na ang mga pisngi niya. Gusto niya na lang tumakbo palabas ng mansion at umuwi ng Manila.
“G-Good morning po, Senyorito.” Malumanay na saad ni Megan. Nahihiya sa ipinakita niyang ugali kanina.
Napalunok si Akira, hindi niya akalain na ang magandang babae sa loob ng mansion nila ay ang babaeng ipinagkasundo sa kaniya.
“Ikaw?” mahinang saad ni Akira. Dahan-dahan namang tumango si Megan.
“I’m sorry,” nakayukong saad ni Megan. Wala na siyang mukhang ihaharap pa. Hindi niya naman alam na ang Senyorito pala ng mansion ay ang lalaking sinungitan niya.
Masayang nag-uusap si Yuna at Angelica sa pool area nila. Nagtatawanan sila habang pinag-uusapan ang pagngiti ni Sandro kay Yuna.“Sabihin mo nga sa akin, magkaibigan na ba kayo ni Sandro?” Nang-aasar na tanong ni Angelica. Napangiti naman si Yuna saka ito kumain ng tiramisu cake niya.“Nasabi ko naman sayo na muntik niya akong mabangga diba? Nakilala niya lang ako kaya siguro nginingitian niya ako every time na magkita kami.” Sagot ni Yuna saka siya uminom ng juice niya.“Ang gwapo niya talaga ‘no? Mabuti pa nga siya ngumingiti eh. Si Damon kasi, medyo seryoso ang mukha nun. Si Akira naman sobrang seryoso niya, para siyang hindi masaya sa buhay niya. Si Geyvin naman kabaliktaran nilang lahat. Siya yung pinakamasaya sa kanilang lahat.”Nagpatuloy ang kwentuhan nila tungkol sa apat na magkakaibigan. Pero ni minsan ay hindi sinabi ni Yuna ang tungkol sa kanila ni Sandro. Natutuwa pa rin siya dahil isang tunay na lalaki si Sandro. Hindi man siya buntis pero handa siyang panindigan ni Sa
Iniwas ni Yuna ang paningin niya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman na kasama niya na naman si Sandro. Pero kapag iniisip niyang nakatakda na siyang ikasal kay Mikee, hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ayaw niya namang madamay si Sandro at ayaw niyang gamitin si Sandro para lang makatakas sa kasal na yun.“Hindi naman kailangan yun. Ayaw makasal kapag minadali lang. Oo, gusto kita. Ikaw ba, gusto mo ba ako? Hindi naman diba? Ayaw ko ng one-sided love lang. Hindi ka magiging masaya sa akin at ayaw kong pagdating ng panahon ay saka ka magsisi at iwan ako. Hindi naman siguro ako mabubuntis lalo na at isang beses lang naman yun. Ang sabi nila kapag unang beses lang ginawa at isang beses, hindi ka mabubuntis.” Saad niya kahit na alam niyang imposible yun lalo na at mahilig siya sa mga medical.Hilaw namang natawa si Sandro.“I’m a future doctor, Yuna. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong sagot sa sinabi mo? Malaki pa rin ang posibilidad na mangyari yun kaya kapag
Pumasok na si Yuna sa school at hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang nangyari sa isla. Pinipilit niya ang sarili niya na kalimutan na lang yun pero may time pa rin na bigla niya na lang maalala.Tulala lang siyang naglalakad papuntang classroom nila.“Yuna! Yuna!” Tawag ni Angelica sa kaniya pero tila wala siyang naririnig. Diretso lang siyang naglalakad at mabagal lang din siyang maglakad. Wala siya sa sarili niya.Nang mahabol ni Angelica ang kaibigan niya ay hinampas niya ito sa braso niya na ikinagulat ni Yuna.“Bakit ka ba nanggugulat?” inis na tanong ni Yuna. Salubong na ang mga kilay niya.“Hindi kita ginugulat. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo ako naririnig. Bingi ka ba? Ano bang nangyayari sayong babae ka?” Nagpatuloy naman si Yuna sa paglalakad at sumabay na si Angelica sa kaniya.“Wala, stress lang siguro ako sa final natin.” Tanging sagot niya. Napapataas naman ang kilay ni Angelica dahil paanong mai-stress ang kaibigan niya gayong basic lang sa kaniya
Naligo kaagad si Yuna nang makarating siya ng bahay nila. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang ina dahil hindi niya alam kung nasaan ito. Wala rin sa bahay nila ang kaniyang ama dahil umuwi ito ng Manila.Kanina pa nakababad si Yuna sa loob ng bathroom niya. Nakatulala siyang nakatingin sa pader habang wala sa sariling hinihilod ang sarili. Pinipilit niyang maging masaya dahil lalaking gusto niya naman ang nakakuha ng unang gabi niya pero hindi pala ganun kadali.Narealize niyang hindi rin pala masaya kahit na gusto mo ang lalaki na nakasama mo sa kama dahil wala ka sa sarili mo nang mangyari ang bagay na yun. Nakapagdesisyon siya ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti.Naalala niya namang pinipilit pa ni Sandro na kontrolin ang sarili niya kagabi pero siya itong nakiusap kay Sandro na ituloy na nila.
Tinimplahan ni Sandro ng kape si Yuna. May mga ilang bisita na rin ang gising at nagtitimpla na rin ng kape sa sala. Tiningnan ni Sandro si Yuna na nakayuko habang hawak ng dalawang kamay niya ang baso ng kape.“I’m really sorry for what happened last night. Kasalanan ko yun.”Inangat ni Yuna ang ulo niya at tiningnan si Sandro saka siya umiling.“Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi. Nakakahiya mang sabihin pero bigla kasing uminit yung pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng alak. Sana pala hindi na lang ako uminom dahil alam ko namang hindi ako sanay sa alak.”Naikuyom ni Sandro ang kamao niya.“Sino ang nagbigay sayo ng alak kagabi?” Tanong niya.
Kinabukasan, nagising si Yuna dahil sa matinding sakit ng ulo na nararamdaman niya. Gusto niya nang bumangon pero ramdam niya ang mabigat na braso na nakayakap sa kaniya. Iniisip niya pa kung ano bang nangyari at kung nakauwi ba siya sa bahay nila.Buong lakas niyang inalis ang kamay na nakayakap sa kaniya saka siya naupo. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na kinaroroonan niya ngayon.Tiningnan niya ang sarili niya at nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang wala siyang saplot kahit isa.“Oh my God! What happened?!” Sigaw niya saka niya hinila ang kumot at ibinalot yun sa sarili niya. Gumalaw naman si Sandro na nakatabi niya saka ito tumihaya.“Ano bang ingay yan? Natutulog pa ako.” Inis niyang sambit saka nito hinila ang unan at niyakap yun. Parang gusto na lang mahimatay ni Yuna sa sitwasyon niya ngayon.“Ibinigay ko ba ang pagkababae ko sa kaniya?” Mabagal niyang sambit sa sarili niya na tila ba hindi siya makapaniwala
Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan







