ログインSalubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.
“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nang kinausap ang kaniyang lola para huwag ng ituloy ang kasal pero hindi pa rin ito pumapayag. Ngayon nasa bahay na nila ang babaeng napili para maging asawa niya.
“Mahirap yan, maaga kang itinatali ng lola mo sa babae. Wala ka pang nagiging girlfriend, hindi mo pa nararanasan manligaw pero matatali ka na sa babaeng hindi mo kilala.” Naiiling na wika ni Sandro.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Akira. Problemado pa rin kung paano niya pipigilan ang kasal. Gusto niya na lang tumakas at pumunta sa mga magulang niya sa France pero sigurado siyang ihahatid din siya ng mga ito pabalik sa lola niya.
“So, what’s your plan?” seryosong tanong ni Damon.
“I don’t know.” Sagot ni Akira saka ito muling uminom ng alak.
“Hindi ba at dinner niyo ngayon kasama ang magiging fiance mo? Hindi ka ba uuwi?” tanong pa ni Damon.
“No, walang dahilan para umuwi ako sa bahay. I don’t want that woman. I saw her lately, hindi ko lang makita ng malinaw ang mukha niya dahil nasa balcony siya. Pinapanuod yata akong maligo.” Bakas pa rin ang inis sa tinig ni Akira. Kanina pa ring nang ring ang cellphone niya pero hindi niya iyun sinasagot dahil alam niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. Walang iba kundi ang lola niya.
“Bakit hindi mo subukang i-meet ang bride to be mo, malay lang natin maganda pala siya. Baka pagsisihan mo sa huli na ayaw mo sa kasal kapag nakilala mo na siya.” Pang-aasar ni Geyvin. Ayaw naman ni Akira na makita ang babaeng gusto sa kaniya ng lola niya. Estudyante pa lang sila at magka-college pa lang sila ngayong pasukan pero hindi siya makapaniwala na magkakaroon na siya ng asawa.
Muling bumuga ng hangin si Akira at uminom ng alak. Sinasamahan na lang siya ng mga kaibigan niya sa problema niya.
Pagsapit ng alas dyes ay umuwi na siya sa bahay nila. Nahihilo na siya dahil naparami ang alak na nainom nila ng mga kaibigan niya. Pagpasok niya ng sala ay nagulat pa siya ng makita niyang gising pa ang lola niya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Inayos niya ang tindig niya para harapina ng lola niya.
“La, bakit gising ka pa?” tanong niya saka siya napapahilamos sa mukha niya. Nilapitan niya ang lola niya pero isang sampal ang sumalubong sa kaniya na para bang nagising ang buong pagkatao niya.
“Sinabi ko sayo na umuwi ka ng maaga para makasabay natin sa dinner si Mariel pero hindi ka sumunod! Akira Del Valle, ano bang gusto mong mangyari?!” Galit na galit na sigaw ni Senyora Estrella. Malaki ang respeto ni Akira sa lola niya pero hindi niya gusto ang kasal na ipinagkasundo lang.
“Lola, pag-aawayan pa ba ulit natin ito? I don’t want this marriage. College pa lang ako lola at nag-aaral pa, bakit ba gustong gusto niyo na akong ipakasal? Hindi pa naman nauubusan ng babae sa mundo kaya hayaan niyo akong pumili ng babaeng gusto kong pakasalan.” Malumanay niyang sambit. Pinipigilan niya ang sarili niya na hindi mapataas ang boses niya.
“Whether you like it or not, pakakasalan mo si Mariel! Bakit hindi mo muna siya harapin saka mo sabihin sa akin na ayaw mong magpakasal. Ano na lang bang gagawin ko sayong bata ka para sumunod ka sa akin, ha?! I am doing this for you!”
“I want to cancel this wedding, lola! Susundin ko ang mga gusto mo just cancel this wedding at pauwiin mo na ang babaeng yun kung saan man siya nanggaling!” Napa/daing si Akira nang tapukin siya sa ulo ng lola niya. Napapakamot na lang siya sa bandang tinapok ng lola niya.
“Huwag kang aalis bukas, haharapin mo si Mariel dahil nakakahiya na sa kaniya. Subukan mong hindi sumunod sa akin, wala kang allowance hanggang sa makapagtapos ka ng college.” May diing saad ni Senyora Estrella saka ito tumalikod.
Napapamura na lang sa hangin si Akira dahil talagang iipitin siya ng lola niya para pumayag sa kasal na ayaw niya naman.
“Malas na buhay oh,” aniya pa, biglang nawala ang epekto ng alak sa katawan niya dahil sa pagtatalo nila ng lola niya.
Pumasok na siya sa kwarto niya at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama.
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Megan. Namamasyal siya sa bakuran ng mga Del Valle at hindi na natatapos ang pagkamangha niya. May taniman ng mangga sa loob ng mansion, maraming magagandang halaman na halatang imported pa. At ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang malaking narra, at may malinis na bermuda grass sa ilalim nito. May duyan din na pwede niyang tambayan.
“Ang sarap-sarap namang tumira rito.” Anas niya, pangalawang araw pa lang niya pero nagugustuhan niya na sa mansion ng mga Del Valle. Napakabait ng Senyora sa kaniya.
Naupo sa swing si Megan habang hawak-hawak ang isang libro. Malaki ang swing kaya sumandal siya sa gilid habang nakadiretso rin ang mga paa niya sa upuan.
Hindi pa sumisikat ang araw kaya gusto niya munang magpalipas ng oras sa pagbabasa ng libro.
“Good morning po sir,” bati ng mga katulong kay Akira. Naglakad-lakad si Akira para tumambay sa paborito niyang tambayan. Malayo pa lang siya pero kita niya nang may babaeng nakaupo sa swing niya.
“Sino namang naglakas loob na maupo sa swing ko?” inis niyang sambit saka siya naglakad papuntang swing. Nakatitig siya sa babaeng ito at habang papalapit siya nang papalapit ay tila ba unti-unti siyang nagagayuma. Kita niya ang isang maladyosang babae na abalang nagbabasa ng libro.
“Who is she? Bagong katulong ba siya rito?” mahinang sambit niya sa sarili niya. Nakatayo lang siya hindi kalayuan habang nakatingin kay Megan. Wala siyang masabi, napakaamo ng mukha nito at napakaganda.
Hindi niya namamalayang napapangiti rin siya nang makita niyang tumatawa si Megan habang nagbabasa.
“Damn it!” usal niya sa sarili niya ng marealize niyang kanina pa siya nakatitig kay Megan.
“Sino ba siya at anong ginagawa niya sa tambayan ko?” ani ni Akira saka niya nilapitan si Megan.
“Who told you to come here and who give you permission to seat in my swing?” Napaangat ng tingin si Megan at ng makita niya ang lalaki sa harapan niya ay mabilis niyang isinarado ang book niya at tumayo.
“I’m sorry po sir.” Wika niya habang bahagyang nakaupo. Nang hindi magsalita si Akira ay inangat ni Megan ang paningin niya.
“Kung hindi ako pwede rito, pasensya na po. Aalis na lang ako. Ang ganda at ang komportable kasing tumambay dito. I’m sorry po, hindi ko sinasadyang pakialamanan ang gamit mo. Excuse me.” magalang na saad ni Megan saka ito umalis. Pati ang boses niya tila ba boses ng isang anghel.
Natulala si Akira habang nakasunod ang paningin niya kay Megan.
“Isa na naman ba siya sa mga scholar ni lola? Sa ganda niyang yun, magiging katulong lang sa bahay?” wika ni Akira habang hindi maalis ang paningin kay Megan. Tiningnan niya ang swing niya at nakita niya naman ang isang ponytail na naiwan ni Megan. Kinuha niya iyun saka muling tiningnan si Megan pero nawala na ito.
Masayang nag-uusap si Yuna at Angelica sa pool area nila. Nagtatawanan sila habang pinag-uusapan ang pagngiti ni Sandro kay Yuna.“Sabihin mo nga sa akin, magkaibigan na ba kayo ni Sandro?” Nang-aasar na tanong ni Angelica. Napangiti naman si Yuna saka ito kumain ng tiramisu cake niya.“Nasabi ko naman sayo na muntik niya akong mabangga diba? Nakilala niya lang ako kaya siguro nginingitian niya ako every time na magkita kami.” Sagot ni Yuna saka siya uminom ng juice niya.“Ang gwapo niya talaga ‘no? Mabuti pa nga siya ngumingiti eh. Si Damon kasi, medyo seryoso ang mukha nun. Si Akira naman sobrang seryoso niya, para siyang hindi masaya sa buhay niya. Si Geyvin naman kabaliktaran nilang lahat. Siya yung pinakamasaya sa kanilang lahat.”Nagpatuloy ang kwentuhan nila tungkol sa apat na magkakaibigan. Pero ni minsan ay hindi sinabi ni Yuna ang tungkol sa kanila ni Sandro. Natutuwa pa rin siya dahil isang tunay na lalaki si Sandro. Hindi man siya buntis pero handa siyang panindigan ni Sa
Iniwas ni Yuna ang paningin niya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman na kasama niya na naman si Sandro. Pero kapag iniisip niyang nakatakda na siyang ikasal kay Mikee, hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ayaw niya namang madamay si Sandro at ayaw niyang gamitin si Sandro para lang makatakas sa kasal na yun.“Hindi naman kailangan yun. Ayaw makasal kapag minadali lang. Oo, gusto kita. Ikaw ba, gusto mo ba ako? Hindi naman diba? Ayaw ko ng one-sided love lang. Hindi ka magiging masaya sa akin at ayaw kong pagdating ng panahon ay saka ka magsisi at iwan ako. Hindi naman siguro ako mabubuntis lalo na at isang beses lang naman yun. Ang sabi nila kapag unang beses lang ginawa at isang beses, hindi ka mabubuntis.” Saad niya kahit na alam niyang imposible yun lalo na at mahilig siya sa mga medical.Hilaw namang natawa si Sandro.“I’m a future doctor, Yuna. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong sagot sa sinabi mo? Malaki pa rin ang posibilidad na mangyari yun kaya kapag
Pumasok na si Yuna sa school at hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang nangyari sa isla. Pinipilit niya ang sarili niya na kalimutan na lang yun pero may time pa rin na bigla niya na lang maalala.Tulala lang siyang naglalakad papuntang classroom nila.“Yuna! Yuna!” Tawag ni Angelica sa kaniya pero tila wala siyang naririnig. Diretso lang siyang naglalakad at mabagal lang din siyang maglakad. Wala siya sa sarili niya.Nang mahabol ni Angelica ang kaibigan niya ay hinampas niya ito sa braso niya na ikinagulat ni Yuna.“Bakit ka ba nanggugulat?” inis na tanong ni Yuna. Salubong na ang mga kilay niya.“Hindi kita ginugulat. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo ako naririnig. Bingi ka ba? Ano bang nangyayari sayong babae ka?” Nagpatuloy naman si Yuna sa paglalakad at sumabay na si Angelica sa kaniya.“Wala, stress lang siguro ako sa final natin.” Tanging sagot niya. Napapataas naman ang kilay ni Angelica dahil paanong mai-stress ang kaibigan niya gayong basic lang sa kaniya
Naligo kaagad si Yuna nang makarating siya ng bahay nila. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang ina dahil hindi niya alam kung nasaan ito. Wala rin sa bahay nila ang kaniyang ama dahil umuwi ito ng Manila.Kanina pa nakababad si Yuna sa loob ng bathroom niya. Nakatulala siyang nakatingin sa pader habang wala sa sariling hinihilod ang sarili. Pinipilit niyang maging masaya dahil lalaking gusto niya naman ang nakakuha ng unang gabi niya pero hindi pala ganun kadali.Narealize niyang hindi rin pala masaya kahit na gusto mo ang lalaki na nakasama mo sa kama dahil wala ka sa sarili mo nang mangyari ang bagay na yun. Nakapagdesisyon siya ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti.Naalala niya namang pinipilit pa ni Sandro na kontrolin ang sarili niya kagabi pero siya itong nakiusap kay Sandro na ituloy na nila.
Tinimplahan ni Sandro ng kape si Yuna. May mga ilang bisita na rin ang gising at nagtitimpla na rin ng kape sa sala. Tiningnan ni Sandro si Yuna na nakayuko habang hawak ng dalawang kamay niya ang baso ng kape.“I’m really sorry for what happened last night. Kasalanan ko yun.”Inangat ni Yuna ang ulo niya at tiningnan si Sandro saka siya umiling.“Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi. Nakakahiya mang sabihin pero bigla kasing uminit yung pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng alak. Sana pala hindi na lang ako uminom dahil alam ko namang hindi ako sanay sa alak.”Naikuyom ni Sandro ang kamao niya.“Sino ang nagbigay sayo ng alak kagabi?” Tanong niya.
Kinabukasan, nagising si Yuna dahil sa matinding sakit ng ulo na nararamdaman niya. Gusto niya nang bumangon pero ramdam niya ang mabigat na braso na nakayakap sa kaniya. Iniisip niya pa kung ano bang nangyari at kung nakauwi ba siya sa bahay nila.Buong lakas niyang inalis ang kamay na nakayakap sa kaniya saka siya naupo. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na kinaroroonan niya ngayon.Tiningnan niya ang sarili niya at nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang wala siyang saplot kahit isa.“Oh my God! What happened?!” Sigaw niya saka niya hinila ang kumot at ibinalot yun sa sarili niya. Gumalaw naman si Sandro na nakatabi niya saka ito tumihaya.“Ano bang ingay yan? Natutulog pa ako.” Inis niyang sambit saka nito hinila ang unan at niyakap yun. Parang gusto na lang mahimatay ni Yuna sa sitwasyon niya ngayon.“Ibinigay ko ba ang pagkababae ko sa kaniya?” Mabagal niyang sambit sa sarili niya na tila ba hindi siya makapaniwala
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




