Share

Kabanata 6

Author: Rhea mae
last update publish date: 2026-06-20 22:34:37

Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.

“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan na lang ang natitira bago ang pasukan. Kailangan niyang makauwi sa Manila bago matapos ang buwan dahil mag-eenroll pa siya.

Wala siyang nagawa kundi ang magmessage na lang sa ate niya para tanungin kung nakagawa na ba ito ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka siya sumandal sa sofa. Nasa pool area naman siya ngayon kung saan nakaharap siya sa kwarto niya.

Maganda ang buhay niya dati, noong nabubuhay pa ang kaniyang ama pero nang mamatay naman ito. Unti-unti nang lumabas ang tunay na ugali ng stepmother niya. Mabait naman sa kaniya noon ang stepmother niya pero sa tuwing nandyan lang ang kaniyang ama.

Namimiss niya na ang dati niyang buhay. Pantay ang pagmamahal ng kaniyang ama sa kanila ng Ate Mariel niya pero naglaho ang lahat ng magandang buhay niya nang iwan sila ng kaniyang ama.

Bago siya magkaroon ng pera ay kailangan niyang pagtrabahuan muna iyun. Nag-aaral naman siya pero hindi katulad sa school na pinapasukan ng Ate Mariel niya. Sa isang magandang school nag-aaral ang Ate Mariel niya habang siya ay sa isang public school. Okay lang naman yun sa kaniya dahil ang mahalaga ay nakakapag-aral pa rin siya.

Bago siya bigyan ng baon at pangbili ng mga kailangan niya sa school ay kailangan niya munang maglinis sa malaking bahay nila. Kailangan niyang gumising ng maaga para magluto ng kakainin at pagdating naman sa hapon ay magluluto pa rin at maghuhugas ng mga pinggan kahit na may mga katulong naman sila. Gustong-gusto lang siyang pahirapan ng stepmother niya.

Naiintindihan niya naman ito dahil anak siya sa labas ng kaniyang ama.

“Hindi ka ba talaga pupunta? Akala ko ba ayaw mo na rito sa bahay niyo pero bakit biglang nagbago ang isip mo?” Rinig ni Megan sa boses ng ilang mga kalalakihan. Hinanap niya kung saan nagmumula ang mga ito at nakita niya naman ang apat na kalalakihan kasama na dun si Akira.

“Wala lang ako sa mood. I want to rest.” Walang ganang sagot ni Akira saka sila naglakad patungong pool area. Napatigil sila sa paglalakad ng makita nila si Megan.

Napasipol naman si Geyvin ng makita nila ang isang magandang babae.

“Sino siya bro?” bulong na tanong ni Geyvin. Nananatili namang seryoso ang mukha ni Akira habang nakatingin siya kay Megan. Nakasuot lang ito ng maiksing short at hindi niya alam kung bakit biglang uminit ang mukha niya. Nandito ang mga kaibigan niya at nakikita ng mga ito ang maputing mga hita ni Megan.

Hindi sinagot ni Akira ang kaibigan niya at nilapitan niya si Megan.

“What are you doing here? Pumasok ka nga sa loob.” Inis niyang sambit kay Megan. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Megan dahil wala naman siyang ginagawa para magalit sa kaniya si Akira.

“Pati ba naman dito sa pool ay pagbabawalan mo pa rin ako? Hindi naman sinabi sa akin ni lola na may bawal akong puntahan na lugar. Ang sabi niya ay pwede kong puntahan ang gusto ko kaya hindi mo ako pwedeng paalisin lalo na kung ako ang nauna rito.” Umigting ang panga ni Akira.

“I said, get inside.” May diing wika ni Akira. Nagbabanta na ang tinig niya. Tiningnan niya ang mga hita ni Megan. Gusto niyang takpan ang mga iyun pero wala siyang suot na jacket at wala rin siyang makitang tela sa paligid.

“Pareho lang tayong nakikitira, Akira. Si lola na ang nagsabi sa akin na hindi dapat kita katakutan. You spoiled brat. Umalis ako sa dagat kanina dahil nandun ka. Ngayong nananahimik naman ako dito sa pool, paaalisin mo rin ako? Ano bang gusto mo, magkulong na lang ako sa kwarto?” Nagngitngit ang mga ngipin ni Akira sa inis.

Nagtatawanan at nagbibiruan naman ang mga kaibigan ni Akira.

“Who is she? She’s interesting.” Nakangiting sambit ni Damon. Lahat sila ay nakatingin kay Megan at Akira. Hinihintay kung sino ang mananalo sa pagtatalo nilang dalawa.

“I said, pasok sa loob! Huwag mo ng hayaang ulitin ko pa dahil ilalaglag kita sa tubig na yan.” May diing sigaw ni Akira. Masamang tiningnan ni Megan si Akira dahil sa sama ng ugali nito. Ngayon napapaisip na siya, kaya siguro ayaw magpakasal ng Ate Mariel niya dahil sa masamang ugali nito.

Hindi na sumagot si Megan. Nilampasan niya na lang si Akira ganun din ang mga kaibigan nito.

“Hi, Miss, what’s your name?” tanong ni Geyvin pero hindi sumagot si Megan. Dire-direto itong umalis hanggang sa makapasok sa mansion.

“Bakit mo naman siya sinigawan? Tama naman siya. Siya ang nauna rito. Pwede namang maghanap na lang tayo ng ibang pwesto. Napakalawak ng lupain niya, Akira. Marami tayong pwedeng pagtambayan. Hindi mo na sana siya sinigawan at pinaalis. Ang sama talaga ng ugali mo.” Napapailing na sambit ni Sandro.

Naupo naman na si Akira. Mabibigat ang paghinga niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kung bakit bigla siyang nagalit kay Mariel. Hindi siya nagagalit dahil nasa pool si Mariel, nagagalit siya dahil maiksi ang suot nitong short at nakikita iyun ng mga kaibigan niya.

“Sino nga pala siya? Pinsan mo ba? Ipakilala mo naman ako.” Pagbibiro ni Geyvin nang maupo siya sa tabi ni Akira. Masama naman siyang tiningnan ni Akira.

“Hindi ba at ang sabi mo ay nandito na ang babaeng ipinagkasundo sayo? Siya ba yun?” tanong ni Damon. Napabuntong hininga lang naman si Akira. Hindi niya sinagot ang mga kaibigan niya. Tinawag niya ang mga katulong para magbigay ng makakain nila.

“She’s beautiful, Akira. Mukha rin siyang mabait. Kung ayaw mo sa kaniya, gumawa ka ng paraan para hindi matuloy ang kasal niyo. Kawawa talaga siya kapag ikaw ang napangasawa niya. Hayaan mong ibigay sa kaniya ang kalayaan.” Pag-aadvice ni Sandro. Hindi nila nagustuhan ang paninigaw ni Akira kay Megan lalo na at wala naman itong ginagawa sa kanila.

Napakawalak ng pool, pwede naman silang magshare.

Narealize din ni Akira ang pagkakamali niya. Nabigla lang din siya sa ginawa niya.

“Mariel, are you okay?” napaangat ng tingin si Megan sa hagdanan ng marinig niya ang boses ng senyora.

“Opo, lola. I’m fine po.” Tipid niyang sagot.

“Namimiss mo na ba ang mommy mo?” hindi sumagot si Megan. Bata pa lang siya ay hindi niya na nakita ang kaniyang ina dahil namatay ito sa panganganak. Malamang ang stepmother niya ang tinutukoy dahil ang alam nilang lahat ay siya si Mariel Sinclair.

“Hindi naman po.” Sagot niya. Naupo na ang senyora sa kabilang sofa at tiningnan si Megan.

“Inaway ka na naman ba ni Akira? Sabihin mo lang sa akin kapag sinasaktan ka niya at ako na ang bahala sa batang yun. Hindi pwedeng kagustuhan niya ang masunod.”

“Bakit niyo po gustong maikasal kaming dalawa? Lalo na po at hindi naman sang-ayon si Akira saka masyado pa po kaming mga bata. Marami pa po kaming pwedeng gawin sa buhay namin.” Lakas loob niyang tanong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 161

    Mariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya humugot ng malalim na buntong hininga. Mabilis na naman ang tibok ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman niya.Nasa loob siya ng sasakyan niya ngayon. Pinag-iisipan kung tutuloy pa rin ba siya sa penthouse ni Akira. Isang linggo niya na itong hindi nakakausap at nakikita. Hinihiram lang ni Akira sa kaniya ang anak nila at ibinalik din ito sa gabi.Narealize niyang masyado palang masakit ang mga binitiwan niyang salita. Nasaktan siya at hindi niya matanggap na nagawa siyang pagdudahan ni Akira pero narealize niyang sumobra rin pala ang mga nasabi niya.“What should I do?” Usal niya sa sarili niya. Nagdadalawang isip siya kung bababa ba siya para puntahan si Akira o bumalik na lang sa bahay niya at matulog na lang.“Damn it!” Inis

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 160

    Tatlong lawyer ang kausap nila ngayon sa private villa na binili ni Arnaldo. Dun sila mag-uusap-usap at magkikita-kita. Ibinigay na nila sa mga lawyer ang hawak nilang ebidensya. Nang makita ng mga lawyer ang mga hawak nilang ebidensya ay napapatango-tango na lang sila.“Kulang pa ba ang mga ebidensya na yan? Ano pang kailangan naming hanapin para hindi na makakalabas ng kulungan si Evelyn at diretso na sa supreme court ang kasong isasampa namin sa kaniya?” Tanong ni Arnaldo.“Wala naman na, Mr. Sinclair. Sapat na ang lahat ng ito para makapagsampa kayo ng kaso. Sa pagbayad niya pa lang ng malaking halaga sa doctor ni Mr. Bernard ay isang malaking krimen na yun. Huwag kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mahuli si Miss Evelyn.” Sagot ng isang lawyer.Nagtinginan naman si Arnaldo at M

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 159

    Nang makaalis ang lolo ni Megan ay napatulala na lang siya sa sala. Hindi pa rin nakakauwi ang mga kaibigan niya. Pinapasok na muna nila si Ethan sa kwarto nila para makapag-usap silang magkakaibigan.Naupo si Bianca sa kaharap na sofa ni Megan.“Mabuti naman at buhay pa ang lolo mo at may natitira ka pang family member. Kaya pala sagad sa buto ang kasamaan ng stepmother mo dahil wala siyang karapatan sa yaman ng pamilya niyo. Ikaw pala talaga ang totoong tagapagmana ng Sinclair. Anong plano mo ngayon?” Tanong ni Bianca.Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Megan. Kahit papaano ay kalmado na ang isip niya dahil hindi niya lang laban ito. May kasama na siya na haharapin ang kasamaan ng stepmother niya.“Magsasampa ng kaso sa kaniya.”&ldquo

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 158

    “Sigurado ka ba? Si Mariel ang nagbigay sayo ng mga ebindensya laban sa sarili niyang ina? Hindi ka ba niya niloloko lang para pagkatiwalaan mo siya at paniwalaan mo?” Hindi makapanilang saad ni Arnaldo.“Sandali lang po, lo. Kukunin ko lang sa kwarto ko ang mga ibinigay niya sa akin. Magmeryenda ka na po muna.” Aniya saka siya umalis at nagtungo ng kwarto niya.Inililibot naman ni Arnaldo ang paningin niya sa bahay ni Megan at napapangiti siya. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala niya dahil maganda ang buhay ng nag-iisa niyang apo. Hindi niya akalain na sasapitin ng pamilya niya ang ganitong pangyayari. Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya dahil wala man lang siyang nagawa sa nag-iisa niyang anak.Namatay lang ang anak niya sa mga kamay ng sarili nitong asawa. At ngayon na unti-unti na silang nakakaipon ng

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 157

    Mariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya bumuga ng hangin. Pinilit niya ang sarili niya na makapagfocus sa trabaho niya kahit na paminsan-minsan ay napapahinto siya. Pagsapit ng hapon ay umuwi na siya sa bahay niya. Naabutan niya naman ang dalawa niyang kaibigan. Sila pa rin ang sumusundo kay Ethan para maihatid nila ito ng ligtas sa bahay nila.“What happened to you? Bakit parang pagod na pagod ka?” Tanong ni Bianca. Pabagsak namang naupo sa sofa si Megan at bumuga na naman ng hangin. Hanggang ngayon wala pa rin siyang ginagawa. Ibinigay na ni Mariel sa kaniya ang mga ebidensya sa pagpatay sa daddy niya pero hindi pa rin siya lumalapit sa mga pulis.Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. Hindi siya sigurado kung kakampihan ba siya ng mga pulis dahil nagawang bayaran ni Evelyn ang doctor ng daddy niya noon para patayin ito.“Ma’am may mga bisita po kayo—” Hindi pa man natatapos ang katulong ni Megan na magsalita nang may mga lalaking sunod-sunod na pum

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 156

    Pakiramdam ni Akira ay pinipiga ang puso niya dahil sa mga binibitiwang salita ni Megan sa kaniya ngayon. Wala na ba siyang karapatan na mag-alala? Hindi niya na ba pwedeng malaman kung anong mga nangyayari kay Megan?Masyadong delikado ang ginagawang pagkilos ni Megan ng mag-isa. Paano kung wala na si Damon? Paano kung hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang iligtas si Megan?Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Akira. Napatingala pa siya. Pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha niya. Namumula na rin ang mga mata niya at kita ni Megan ang mga yun ng tingnan siya ni Akira.“Magpahinga ka na. Galit ka lang. Pagod ka lang kaya nasasabi mo ang lahat ng yan. Babalik na lang ako bukas. Kung ayaw mong sabihin sa akin kung ano man ang mga ginagawa mo, hindi na kita pipilitin. Ang gusto ko lang ay maging ligtas ka. Huwag mong hahayaan ang sarili mo na may mangyari sayo because I’m waiting for you to come home lalo na ang anak natin. Iisipin ko na lang na hindi mo sinabi ang mga sal

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 1

    “Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 7

    Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 5

    Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 4

    Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status