BUMABABA ng hagdan si Julieanne. Nahuli siya ng baba dahil sa marami pang ginawa sa loob ng kuwarto nilang magkapatid. No, the real reason is ayaw niyang makita ang pagmumukha ng lalaki na 'yon. Naalibadbaran siya at inis na inis sa binata.
Dahan-dahan siyang bumababa at pinakikiramdaman kung nasa dining pa rin sila kumakain. Ayaw niyang magkrus ang landas nila kaya nagpahuli na siya kumain. Busog pa naman siya sa kinain niya kanina sa canteen ng University."Julieanne, bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo sa hapag," bungad na tanong ni ni Alicia na ikinagulat ni Julieanne.Nanlaki ang mga mata na hindi pa pala sila nagsisimulang kumain."Halika na. Anak, di ba turo ko na masamang pinaghihintay ang grasya," aya at sabi pa ni Alicia."Sorry po, mama," nahihiyang sagot ni Julieanne sa ina. Hila-hila siya ng kanyang mama papunta sa dining area. Yumuko na lang siya para hindi niya makitang lalaking nakasagutan niya kanina."Maupo na kayo," aya ni Juan Miguel sa mag-ina nang makalapit sila sa mesa. At naupo ang mag-ina. Tumingin lang saglit si Julieanne sa matanda at saka yumuko ulit.Gustong bumanghalit ng tawa si John sa nakikitang ginagawa ng dalaga. Gusto sana niya itong inisin ulit pero nasa harapan sila ng kanyang lolo. Ang sarap panoorin ang babae kung pano ito hiyang-hiya sa sarili."John, sila pala ang pamilya ng kaibigan kong si Jose. Si Alicia," pakilala sa ina na tumango ng ulo."Jane," nakangiti itong tumingin kay John. "At si Julieanne, kilala mo na siya dahil nagkita na kayo kanina," dagdag pang sabi ni Juan Miguel. Hindi naman tumingin ang dalaga sa lalaki. "Siya si John Smith apo ko kay Lucas," pakilala rin nito sa apo."Ikinagagalak ka po naming makilala," sabi ni Jane na parang nahihiya sa binata. Nakabaling sa iba si Julieanne at hindi pinapansin ang apo ni Lolo Juan."Same here," wala sa loob na sabi rin ni John.Nang matapos ang hapunan ay pumunta na ang mag Lolo sa library para makapag-usap ng masinsinan. Hindi pa sinasabi ni Juan Miguel sa apo ang totoong pakay niya kung bakit niya ipinatawag ito.Nakaupo na si John sa mahabang sopa sa loob ng library habang ang Lolo nitong si Juan Miguel ay nakatayo malapit sa mga libro. Mula doon ay kinuha niya ang isang folder at umupo sa kanyang swivel chair.Bumaling siya kay John na nakaupo pa din at nakasandal habang nakadekuwatro."Lolo, babalik na po ako ng Manila bukas ng umaga. Marami pa po akong aasikasuhin na trabaho sa kompanya," paalam nito.Masyado na siyang nabobored dito sa buhay probinsiya. Hindi kagaya kapag nasa Manila siya ay marami siyang napupuntahan at maraming babae ang umaaligid sa kanya."Hindi ba puwedeng tumira ka muna ng isang linggo dito ha, John!" galit na sabi nito"Hindi po puwede. Isang araw palang po ako rito pakiramdam ko burong buro na ako. Napakalayo ng buhay ko sa Manila," ani John. Napataas ng kilay si Juan Miguel sa sinabi sa kanyang ng apo."John Smith, ang lugar na sinasabi mo ay kung saan lumaki ang Daddy mo at ang Tita Jocel mo. Kaya huwag mong sabihing ayaw na ayaw mo dito!""No po Lolo. I didn't mean that," bawi nitong sabi."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. And I want you to know na, ang lahat ng mapapag usapan natin ay alam ng Daddy mo," imporma ni Juan Miguel. Tumango lang ng ulo si John.Lumapit na si John sa mesa ng Lolo niya at umupo sa bakanteng upuan sa harap nito."I want you to take this paper," sabay abot ng folder na hawak niya."Lolo, are you giving all of this now to me?" nagugulat na tanong ni John. Iyon ay naglalaman ng lahat ng ari arian ng kanyang Lolo sa Quezon."Not now, If you do what I want," sagot ng matanda."What is that? I'm much willing to do all you want po," sabi ni John na ngumiti sa kanyang Lolo."Hmm, okay. I want you to marry Julieanne," diretsong sabi ni Juan Miguel na ikinalaki ng mga mata ni John."No, I cant do that," mariing tanggi ni John."Kung hindi mo gagawin ay hindi ko maibibigay ito lahat sayo. And not all dahil may ipinama rin ako sa mga Alcantara.""What! Bakit ba po ang amor niyo sa mag-ina na iyan? Hindi niyo naman kaano ano tapos pamamanahan niyo pa!" galit na tanong ni John."Sobra ka ng magsalita John! Dahil sa pamilya na sinasabi mo kung bakit ako nabubuhay pa rito. At wala kang karapatan na panghimasukan ang kahit na anong gusto kong gawin! Apo lang kita. Kayang-kaya kong kunin ang lahat ng ginhawang nakukuha mo mula sa akin!"Lalong ikinagulat ni John ang mga binitawang salita ng kanyang lolo. Alam niyang lahat ng meron siya ay pag aari ng lolo niya na ibinigay sa Daddy niya na siya ngayon ang nagmamay ari. He knew how powerful his grandfather is. Kaya mahirap banggain ito."Kung pakakasalan ko po ba si Julieanne ay ibibigay niyo sa akin ang lahat ng ito?" tanong ni John."Oo, pero hindi pa sa ngayon. Masyado pang bata si Julieanne. I want her to be legally an adult. Gusto kong ihanda siya sa pagpapakasal sayo. I know you, hindi magiging madali ang makasama ka.""Kung may mangyari man sa akin, hindi natin masasabi dahil sa edad ko ay si Mr. Salvatorre ang bahala na mag-asikaso ng lahat," dagdag ni Juan Miguel.Hindi nagsasalita si John at pinakikinggan ang lahat ng sinasabi sa kanya ng kanyang Lolo."I know Julieanne will be a perfect wife for you. Mabait siyang bata kaya alam ko na magiging mabuti siya asawa sayo at mabuting ina sa mga magiging anak mo. At alam ko ding magiging masaya ka sa piling niya, apo," sabi pa nito na nangungusap ang mga mata.Lalong nagalit si John sa Julieanne na 'yon. Ano bang ginawa nila sa Lolo niya na sobrang napakabait sa kanila? At paano nasabi ng Lolo niya, na magiging mabuting asawa si Julieanne sa kanya? Lahat ng mga babae ay iisa lang ang kulay at uri. Masama silang lahat at kahit kailanman ay hindi siya, magiging ina ng mga anak niya. Ang mga nasa isipan ni John."John, It's my last wish sayo. Gusto kong makita kang maayos ang buhay sa piling na asawa mo bago man lang ako kunin dito sa mundong ibabaw," dagdag pa nito.Hindi umuwi si John sa Manila, dahil sa kagustuhan ng kanyang lolo. Hindi niya puwedeng suwayin ang lahat ng gusto nito kahit na ayaw na ayaw niya ang mga ito. Hindi pa nga lang alam ng dalaga ang plano ng lolo niya na ipakasal ito sa kanya.Kinabukasan, hindi maganda ang naging gising ni John dahil sa pag-iisip ng mga sinabi ng lolo niya. Gusto man niyang umuwi ng Manila ay wala siya magagawa. Pababa na siya ng hagdan. Nang makita na naglilinis sa sala si Julieanne.Pinagmamasdan niya ito habang abala sa ginagawa.Matangos ang ilong, maalon na buhok na kulay itim at balingkinitang katawan. Okay na rin, bata pa nga lang ito para sa kanya."Ay kabayong bundat!" gulat na sigaw ni Julieanne sabay hawak sa dibdib. Nasa likuran na niya kasi si John. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kanya. "Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ni Julieanne."Hindi kita ginugulat, Miss. Saka bakit naman kita gugulatin?" tanong din ni John."Napayabang naman nito!" mahinang usal ni Julieanne na hindi nakalagpas sa pandinig ni John kahit na parang bumubulong ito."May sinasabi ka?" dugtong pa nitong tanong."Wala po, Senyorito. Kakain na po ba kayo?" magalang na sagot ni Julieanne."Yeah, I'm starving. Tell Manang to ready my breakfast," utos ni John."Wala po si Manang Ester. Pumunta po ng palenge kasama si Mama. Pero ako na lang po ang maghahanda ng pagkain niyo," sagot ni Julieanne. Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang dalaga papunta sa kusina.Sumunod si John dito at umupo na saka kinuha ang diyaryo at binuklat. Binasa niya ang news na nasa front page. May balita na andoon si Claire kasama ang Daddy nito at may lalaki itong kasama. Hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin dahil alam naman niyang ganoon si Claire. Hindi kontento sa iisang lalaki.Ilang minuto pa ang nagdaan ay dumating si Julieanne bitbit ang tray ng mga pagkain. Inilapag niya ang sinangag, sunny side up egg, bacon at toast bread."Senyorito, coffe po?" tanong ni Julieanne. Tumango lang ng ulo si John."Black or with cream?" tanong nito ulit."Black," walang emosyon na sagot nito.Para naman may nakalimutan itanong si Julieanne."Senyorito, isa na lang po ilan pong kutsarang asukal ang gusto niyo?""Two teaspoon sugar" sagot ni John nakasimangot na ang mukha dahil sa napakarami nitong tanong sa kanya. Saka niya nilagyan ang kanyang plato ng pagkain at nagsimula ng kumain."Siya na nga ang pinagsisilbihan, siya pa itong magagalit," sabi ni Julieanne sa sarili habang tinitimpla ang kape. Pagkatapos ay inilapag na niya ito sa ibabaw ng mesa."May ipag-uutos pa po ba kayo? Marami pa po kasi akong gagawin." Halata ang pagkairita ng dalaga sa lalaking kaharap."Where is Lolo?" tanong ni John."Maaga pong umalis si Lolo Juan," sagot ni Julieanne.Ipinagpatuloy na ni John ang pagkain at hindi na nagsalita pa. Nakalutang sa ere si Julieanne at naghihintay ng sasabihin ni John pero wala. Hindi na siya nito pinansin. Kaya walang lingon na umalis na siya sa dining at pumunta sa sala."Napakasuplado! Ibang-iba kay Lolo Juan. Paano ba niya naging apo iyon?" naiinis na tanong ni Julieanne habang ipinagpapatuloy ang paglilinis sa sala.Hindi sila nagbubuhay Senyorita sa mansyon ni Juan Miguel dahil nakikitira lamang sila. Maswerte sila na maganda ang hinihigaan nila at masasarap ang pagkain na nakahain sa hapag araw araw. Kaya sinusuklian nila ito ng pagtatrabaho sa loob ng mansyon kahit pa sinabi ng matanda na hindi na nila kailangan na gumawa ng mga trabaho sa loob ng bahay.Nang matapos kumain si John at iniwan nito sa mesa ang pinagkainan saka diretsong umakyat sa taas. Kailangan niyang magtrabaho kahit na nasa kuwarto lamang. Buti na lang at nadala niya ang kanyang laptop kaya kahit paano ay may magagawa pa rin siya buong maghapon.Zia's POV Kakaiba ang istilo ng entourage ng aming kasal ni Greg. I suggest na sasayaw ang aking mga abay. Pati na din ang aming mga sponsor. Napuno nang tawanan sa buong beach. Kung saan ginanap ang aming kasal ni Greg. Nang marinig ko na ang favorite song ko. Hindi ko na napigilan na hindi maiyak. This is it! At last, I am not a mistress anymore. Magiging legal na asawa na ako ni Gregorio San Diego. Dahan-dahan akong lumalapit kay Greg. Hawak ang kamay ni Gia. Kasama ko siyang naglalakad papalapit sa aming pinakamamahal na lalaki sa aming buhay. Kanina lang nagtatawanan ang mga taong nasa loob ng simbahan. Ngayon ay tangan ang panyo at panay ang punas ng mga luha sa kanilang mga mata. Ang lahat ay nag-iiyakan. Katulad ni Mama. Nginitian niya ako. Tango ang naging tugon ko sa kanya. Nang matapos ang kanta ay nakalapit na kami ni Gia kay Greg. Greg hugged and kissed Gia on her cheek. "I love you, Daddy." "I love you too, Princess." lumuluhang tugon ni Greg. Binalingan ako ni G
Mahigpit ang hawak ni Greg sa kamay ni Zia. Habang karga niya si Gia. Nasa may pintuan na sila nang gate. Ang bahay ng Mama Alicia niya. Humingang malalim si Zia. Nginitian siya ni Greg at niyakap ni Gia ang ama. Buong pamilya silang haharap sa Mama ni Zia. Patutunayan ni Greg ang kanyang mga salita. Hindi niya bibitawan ang kamay ni Zia. Nasa tabi lang siya nito. At hindi niya pababayaan ang pamilya niya. Kumatok si Greg sa pinto. "Are you nervous, Baby?" tanong ni Greg kay Zia. "Sobra. Gumaganaan lang ang pakiramdam ko. Kasama ka. Kayo ni Gia.' Sabay na napalingon sina Greg at Zia sa nagbukas ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Zia. Nangilid ang mga luha niya. Nang makita niya ang kanyang Mama. "Mama" tawag ni Zia sa ina-inahan. "Zia?" sabi naman ni Alicia. Napatakip ng kanyang bibig si Alicia. Saka umiyak. "Ang anak ko!" agad niyang niyakap si Zia. Nagbigay daan naman si Greg na mayakap si Zia ng Mama nito. Nakatingin lang si Greg at Gia sa mag-ina na parehong umiiyak at magk
Nakalabas na nang ospital at nagpapagaling na lang sa bahay si Greg. Pahilum na din ang sugat niya. Mula sa tama ng saksak mula sa kutsilyong dala ni Ria. Simula nuong umuwi si Greg sa mansyon nila ay sumama na ang kanyang mag-ina sa kanya. Masaya siyang kapiling ang kanyang mag-ina sa iisang bahay. Nakaangkla ang kamay ni Zia sa braso ni Greg. May benda ang bandang tiyan ni Greg ngunit hindi halata. Animo'y hindi naconfine sa ospital ito. Kung titingnan siya. "Baby, are you you're gonna be fine, alone?" tanong ni Greg kay Zia. Hinaplos ni Zia ang braso ni Greg. "Oo naman. Hindi ako natatakot. Ngayon, hindi na ako mangingiming saktan siya. Kapag sumayad ang palad niya sa kahit saang parte ng katawan ko." "That's my girl. I'm so proud of you" puri ni Greg at kinantalan nang halik sa labi si Zia. Ngumiti si Zia. "I love you. I'm only here. If you need me. Just give me a call." buong pagsuyong wika ni Greg. Tumango ng ulo si Zia. Saka diretso siyang pinapasok ng warden. Nakaupo na
Araw na madidischarge si Greg sa ospital. Simula nang maliwanagan si Zia ay hindi na siya umalis sa tabi ni Greg. Siya na ang nag-aasikaso sa binata habang nasa ospital. At walang araw na hindi siya naging masaya sa piling ni Greg. Kahit na nasa ospital sila at nakahiga ito sa hospital bed. "Baby, I've been planning to meet your Mama. Gusto ko ding pormal na humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga nagawa ko sayo. I just wanna be with you always. That is why I want to take that opportunity to propose sa lahat nang mga taong mahalaga sayo. I snatch you to them. Dahil sa akin, nawala ka sa kanila ng limang taon. I'm really sorry" hawak ni Greg ang mga kamay ni Zia. Habang si Gia ay naglalaro sa sahig ng kanyang mga laruan. "Gusto ko nga din humingi ng tawad kay Mama at sa mga kapatid ko. Naging matigas ang ulo ko. Sinunod ko ang puso ko. Pero walang pagsisisi. Kapag nagmahal ka naman. Choice mo iyon. Choice mo na mahalin ang isang tao. Kaya hindi ko dapat pagsisihan na minahal kita" ngu
Nagmulat ng kanyang mga mata si Greg. Nabugaran ang Mommy at Daddy niya. Agad naman siyang nilapitan ng parents niya. "Greg" umiiyak na sabi ni Mrs. Marlyn. "Mom." sagot ni Greg. At niyakap ang ina. "Salamat at gising ka na." sabi ni Mrs. Marlyn at binalingan ang asawa. "Hon, call the doctor. Please." tumalima si Rigor ar lumabas ng kuwarto ni Greg. "Kumusta ang pakiramdam mo, Greg?" "I'm fine, Mom. Sina Zia? Are they safe? Si Gia? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kapag may masamang mangyari sa pamilya ko." "Andito kami, Greg" sagot na nang naulinagan na boses ni Greg. Hinanap ng mata ni Greg ang nagsalita. Dumako ang mga mata niya sa dalawng taong pinakamamahal niya sa buhay niya. Maluha-luha na tumatakbo si Gia sa ama. "Daddy, akala ko po mawawala po kayo sa amin ni Mommy. Please, Daddy don't ever leave us again." Umiling ng ulo si Greg. "No, Princess. Daddy is strong and will never leave you and Mommy." "I love you, Daddy." sabi ni Gia. At niyakap ang ama. "I love you
Lakad takbo ang ginawa ni Zia makarating lang sa private room ni Greg. Hawak ang dibdib na pinihit ang pinto papasok. Sumilip siya at nadatnan ang magulang ni Greg. "Zia" tawag ni Mommy ni Greg sa kanya. Pumasok si Zia sa loob ng kuwarto at nakita ang tulog pang si Greg. Nakahiga ito sa hospital bed at may benda ang tiyan. May dextrose din na nakakabit dito. "Hi po. Gusto ko lang pong makita si Greg" ani Zia. Tangi ang naging sagot ng Mommy ni Greg. Nilapitan siya ng Mommy ni Greg. Saka hinawakan sa kamay. "I'm sorry, Hija. Patawarin mo kami ng Daddy ni Greg sa mga nagawa namin sa inyong dalawa ng anak ko. I know napaka laki ng kasalanan namin ng Tito mo sa inyong dalawa. Nang dahil sa amin nagkalayo kayong dalawa. Nasira ang dapat sana magiging masaya ninyong pamilya. I'm really really sorry, Zia" umiiyak na humingi ng tawad si Mrs. San Diego sa kanya. "Hija, gusto sana naming makita ang apo namin. Kung papayag ka, puwede mo bang dalhin siya dito sa ospital? Alam kong matutuwa s