Galit na hinambalos ni Damian ang lamesa habang matalim ang tingin sa nakababatang kapatid na si Zarayah.
"Ano itong mga naririnig kong kalokohan na pinaggagagawa mo?" mabangis nitong tanong sabay hagis sa mga larawan sa harap ng dalaga. "Hindi ka naman dating ganyan ah? Ano bang nangyayari sa iyo? Ni hindi ka na pumapasok sa opisina. Natambak na ang mga projects na dapat ay inaasikaso mo. Gimik dito, gimik doon. Ni hindi ka na makausap nang matino! Ano bang problema mo?" Dumako ang tingin ni Zara sa mga nagkalat na larawan sa sahig. May hangover pa siya pero alam niyang kuha iyon sa bar na pinuntahan nilang magpipinsan kagabi. Mukha siyang pariwarang babae sa mga larawan, kung sino-sinong mga lalaki ang kahalikan niya. "Nakikinig ka ba?!" bulyaw ni Damian sa kapatid nang makitang wala man lang itong reaksiyon. "Alam mong tatakbo bilang senador si Dad sa susunod na eleksyon pero heto ka at dinudungisan mo ang pangalan niya!" Isang mapaklang tawa ang pinakawalan ng dalaga. Sa nanliliit na mga mata ay tinitigan niya ang kapatid. "Dinudungisan? Alam ng mga tao na ganito ako bago ko nakilala si Ethan. Kung may dudungis man sa pangalan ni Dad ay siya rin mismo! Imagine, bukod sa atin ay may iba pala siyang anak sa labas? Gusto pa niya itong kilalanin at ipakilala sa publiko. Siguradong pagpyepyestahan siya ng mga media kaya hindi na ako magtataka kung matatalo siya sa kanyang kandidatura!" "Huwag mong ibahin ang usapan! Ikaw ang pinag-uusapan natin dito, Zara!" Nang-iinsultong tumawa ang dalaga. "Ayaw mong pag-usapan? Oo nga pala, 'no? Kasabwat ka nga pala ni Dad sa pagtatago ng kanyang sekreto. Pinagtulungan niyo kami ni Mommy!" "I didn't!" pagtatanggol ni Damian sa sarili. Inaamin niyang itinago niya ang lihim na iyon hindi upang saktan ang kanilang ina kundi para mapanatili ang kaayusan ng kanilang pamilya. Noong nakaraang taon lang niya iyon aksidenteng nalaman. Nagalit siya at namuhi sa ama. Kinausap niya ito na huwag nang palakihin pa ang kasalanan nito ngunit heto at gumagawa ng desisyon na hindi man lang nito pinag-iisipan nang mabuti! "Tingnan mo ngayon kung gaano ka-depress si Mommy!" panunumbat pa ni Zara. Ilang araw nang wala ang kanilang magaling na ama. Ang sabi ay nagkaproblema raw ang branch nila sa Norte. Ngunit hindi siya naniniwala. Tiyak na kasama nito ang bastarda nitong anak. "Huwag mo akong sisihin!" ganti naman ni Damian sa kapatid. Naaawa siya sa kanilang ina pero wala naman siyang magagawa. Ayaw siya nitong kausapin ni makita na para bang kasalanan pa niya ang kasalanan ng ama. "Ayusin mo ang sarili mo, Zara. Hindi ka na bata." Padabog na nilisan ni Zara ang opisina ng kapatid. Nakapambahay lang siya at pinagtitinginan siya ng mga trabahante. Hindi pa lumalabas ang baho ng kanilang ama ngunit nagkalat naman ang balita tungkol sa pambabae ng kanyang asawa. At ang pagkawala nito ng halos isang linggo ay lalong nagpatibay sa mga kumakalat na balita. "Kawawa naman si ma'am Zarayah. Gustong-gusto ni sir Ethan na magkaanak sila kaya siguro naghanap ito ng ibang babae. Totoo siguro ang tsismis noon kaya hindi siya mabuntis-buntis. Ang ganda-ganda niya, baog naman pala." Baog?! Halos magpanting ang tenga ni Zara nang marinig ang mahinang bulong na iyon. Matalim ang mga mata na nilapitan niya ang kumpol ng mga empleyado. "Ano ulit yung sinabi mo? Pakiulit nga, miss," aniya sa mapanganib na boses. Kita niya ang pagbadha ng takot sa mga mata ng mga ito lalo na sa empleyadong nang-insulto sa kanya. "S-Sorry po, ma'am Zarayah.." nanginginig nitong paghingi ng tawad. Tiningnan ng dalaga ang oras sa pambisig na relo at lalong nairita. Imbes na harapin ang mga tsismosa ay kinausap niya ang head ng department na kanina pa nakatayo sa gilid at lunok nang lunok sa takot. "Hindi pa break pero mukhang madaming oras ang mga ito na pag-usapan ang buhay ng ibang tao," turo niya sa mga babaeng nakatungo ang ulo. "P-Pasensya na po, ma'am Zarayah. Hindi na po ito mauulit. Ako na po ang bahala sa kanila." "We don't tolerate tardiness here in our company," aniya sa ma-awtoridad na boses. "Suspend them for a week. Gawin mong isang buwan sa babaeng nasa gitna." Hindi na pinakinggan ni Zara ang pagmamakaawa ng mga ito at nagtuloy-tuloy sa pag-alis. She can be heartless kapag napuno talaga siya. Mabilis ang patakbo niya sa kanyang sasakyan pauwi. Pigil-pigil niya ang mga luha nang hindi pa rin niya matawagan si Ethan. Mahigit isang linggo na itong hindi umuuwi simula nang pag-aaway nila. Laging out of reach ito kapag tinatawagan. Halos mamatay siya sa kaiisip na kasama nito ang babae nito at nagpapakasaya habang siya ay nandito at nagdurusa. Party dito, party doon ang ginagawa niya upang makalimot. Wala na rin siyang ganang magtrabaho. Galit na galit siya. Kay Ethan at sa kanyang ama. "Mom, please. Kumain naman po kayo," pagmamakaawa niya sa kanyang ina. Nangangayayat na ito at halos magkulong lang sa kwarto. Nandito rin pansamantala ang kanyang Tita Margareth— kapatid ng kanyang ina upang may kasama ito. Dito na rin siya naglalagi dahil wala namang uuwian sa bahay nila ni Ethan. "Sige na, Zara. Kumain ka na. Ako na ang bahala kay Cristina." Napabuntong hininga na lang ang dalaga. Nasa hapag siya nang makatanggap ng mensahe. Halos lumundag siya sa galak nang makitang galing iyon kay Ethan. Nasa bahay na raw ito at gusto siyang makausap. Halos paliparin niya ang sasakyan. Ito na ang tsansa niyang makausap ito. Aayusin niya ang pagsasama nila. Papatawarin niya ito at kakalimutan niya ang lahat basta humingi lang ito ng tawad. Ngunit natigilan siya at nalito nang maabutan niya itong nag-iempake ng mga gamit nito. Isinantabi niya iyon at mahigpit itong niyakap mula sa likuran pero labis siyang nasaktan nang bigla itong kumawala. "I-I miss you. Ayusin na natin ito, please. I'm sorry if nagalit ako—" Hindi siya nito pinatapos sa pagsasalita at iniabot sa kanya ang isang envelope. "A-Ano ito?" naguguluhan niyang tanong. "Open it," walang emosyon nitong sagot. Binuksan ni Zara ang envelope at inilabas ang laman nun. Nanginig ang kanyang kamay nang malaman kung ano iyon. Biglang namuo ang luha sa kanyang mga mata. Divorce paper.... "Sign it, Zara. Nagkamali ako na pinakasalan kita. Huwag na sana tayong humantong kung saan pwepwersahin pa kitang pumirma. Gusto kong bumuo ng pamilya at hindi iyon mangyayari kung ikaw ang aking asawa.""Let's give a round of applause to the new CEO of the Escalante Empire— Martina Davison!"Napagkit ang mga mata ng lahat sa babaeng lumabas mula sa backstage. Ngiting-ngiti ito at kumakaway pa na parang beauty queen. Sa loob-loob ni Martina ay minumura na si Zarayah dahil dinamay pa siya sa mga kalokohan! Goodness, flight niya dapat ngayong gabi na ito!Muling nagbulungan ang mga bisita doon dahil base na rin sa pagkaka-describe ng emcee ay si Zarayah Del Valle lang ang maaring tinutukoy nito. Nalito tuloy ang mga tao."Wala ba akong masigabong palakpakan diyan?" untag ni Martina sa mga tao. Nag-tagalog na siya para maniwala ang mga ito na Filipino siya kahit mukha siyang banyaga.Ang pamilya Del Valle ang unang pumalakpak na sa kabila ng kalituhan ay nakaginhawa na ibang mukha ang lumantad. Impossible naman kasing si Zarayah ang tinutukoy ng emcee.Ang palakpak na iyon ay nasundan hanggang sa napuno na ng masigabong palakpakan ang silid. "Look at here, miss! There you go! You look s
Pinanuod ni Sofia si Ethan na nagbibihis. Sobrang tikas nito ngayon na para bang pinaghandaan ang gabi na ito. Hindi tuloy napigilan pa ni Sofia ang sarili at nilapitan ang asawa. Mula sa likod ay niyakap niya ito."You're so handsome, hon. Bagay na bagay talaga tayo sa isa't-isa."Napangiti naman si Ethan sa sinabing iyon ng babae. Muli niyang pinasadahan ang buhok. He even had a haircut just for tonight. Hindi niya namamalayan na sinusunod na pala niya ang bilin ng ama. Ang mga kamay ni Sofia ay walang pasabing bumaba at dinama ang pagkalalaki ng asawa. Napapitlag si Ethan ngunit napaungol din ng mahina nang maramdaman ang pagpisil ng babae doon."Hon, we're going to be late.."Bahagyang napasimangot si Sofia dahil sinusuway siya ng asawa. Mas gugustuhin pa nga niyang manatili na lang sa bahay at maglampungan kaysa sa um-attend sa event na iyon. Kung hindi lang nila nililigawan ang may-ari ng Escalante Empire ay nunca siyang pupunta."Do I look good in my dress?" Umikot-ikot pa si
"I can't believe that Signore Carlos assigned me with this kind of job."Binalingan ni Zarayah si Stephan na naghihimutok na naman. Hindi na talaga ito nagtigil sa kakareklamo simula nang dumating ng Pilipinas. Isa ang lalaki sa mga elite bodyguards ni Lolo Carlos. Maging siya ay nagulat nang malamang pinasundan pala siya ng matanda. Sa totoo ay hindi niya kailangan ng bodyguard at lalong hindi magmumukhang bodyguard si Stephan."Bumalik ka na lang kasi ng Italy—""Speak in English, damnit!" Natawa si Zarayah. Bugnutin talaga kahit kailan. "Ang sabi ko ay bumalik ka na lang sa Italy. Hindi rin naman kita kailangan dito.""Wow!" Puno ng pagkamangha at sarkasmo ang mga mata ni Stephan sa sinabi na iyon ng babae. "Look at you being proud now when you're the one begging me before to teach you how to handle guns.""That was before," sagot naman ni Zarayah habang inaayos ang make-up. This night is her welcome party at walang nakakaalam na siya ang nagmamay-ari na ngayon ng Escalante Empire
1 year later....."Ahhh!. E-Ethan. Why are you so rough?" pasigaw na ungol ni Sofia habang walang kapaguran at paulit-ulit na inaangkin ng asawa. Para namang nabingi na si Ethan at hindi pinapakinggan ang mga hinaing ng dalaga at tuloy lang sa ginagawa."Ohhh Ethan!" tili ni Sofia nang marahas siyang binaliktad ng lalaki at mula sa likod ay muling inangkin. "Shit... ahhh... ahhh." mga palahaw niya nang maramdaman ang sarap sa bawat hugot at baon ng pagkalalaki ng sa kanyang kaloob-looban. Sobrang tigas nun at halatang sabik na sabik sa kanya. Ang hindi alam ni Sofia ay may halong galit ang pag-angkin sa kanya ni Ethan. Isang taon na ... Isang taon na ngunit hindi pa rin nagbubuntis ang babae. Ayaw niyang magalit dito kaya sa ganitong paraan na lang niya ibubunton ang sama ng loob. Hindi alam ni Ethan kung paano kukumbinsihin muli itong magpacheck-up dahil nag-away sila noong una at huli nilang pag-uusap tungkol sa bagay na iyon. "Ahh... I'm coming, Ethan!" nanginginig ang buong kat
Muling napabuntong hininga si Zarayah habang nakapangalumbaba sa veranda ng silid na tinutuluyan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siya naroon. Malalim na ang gabi ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok sa dami ng bumabagabag sa isipan niya. Muli niyang ginunita ang naging usapan nilang tatlo kanina..Ayon kay Carlos Escalante ay para raw may sumpa si Carcel. Though hindi naniniwala ang mga ito sa sumpa ngunit dahil sa mga nararanasan ng binata ay ganun na ang iniisip ng lahat. They dug deep at base na rin sa mga nakalap na data at impormasyon ni Carlos Escalante ay nag-ugat ito simula nang sumali ang apo sa organisasyong kinabibilangan ngayon. Dahil ang ibang mga miyembro ng grupo ay ganun din ang nangyayari. Minamalas sa pag-ibig. Karamihan doon ay namamatay ang mga babaeng minamahal ng mga ito. Hindi sa sakit kung hindi dahil sa mga pangyayaring nasasangkot ang mga babae sa gulo ng buhay ng mga ito.So it was like a curse, a plaque that spread all throughout the members o
Sicily, Italy..."Woah..." Namamanghang inilibot ni Zarayah ang paningin sa bawat kalye at establisyemento na nadadaanan ng sasakyang kinalalagyan nila. She never been to this country at nagsisisi siya na hindi siya bumisita dito noong mga panahong naglalakwatsa pa siya kasama ng mga kaibigan.This place is magnificent! Ibang-iba sa mga bansang napasyalan na niya.Hindi pa lumalapag ang eroplanong sinakyan nila kanina ay napansin na niyang may naghihintay na na service sa kanila. Nakauniporme ang driver at parang robot, walang emosyon ang mukha at hindi nagsasalita hangga't hindi kinakausap. 'Sobrang trained naman nito,' sa isip-isipni Zarayah.Ang totoo niyan ay kanina pa siya kinakabahan. Pinagpapawisan din siya ng malamig. Wala siyang ideya ni isa kung bakit siya napunta sa sitwasyon na ito. Sumunod lang siya sa utos ni Magnus. Go with the flow ika pa nga nito.Napalunok si Zarayah nang bumukas ang malaki at mataas na bakal na gate. Pumasok ang sasakyan sa isang malawak na bakura