LOGIN
"Walang hiya ka! Mang-aagaw ka ng asawa hayop ka!"
Walang pakundangan na sinabunutan ni Zarayah ang mahabang buhok ng babaeng hinila niya mula sa pagkakahiga sa kama. Hubo't hubad pa ito at wala siyang pakialam kahit mabunot pa ang lahat ng buhok nito sa anit! "A-Aray.. Please, tama na. Nasasaktan ako!" pagmamakaawa nito ngunit parang nabingi na siya sa matinding galit. Nagklat na rin ang ilang mga hibla ng buhok nito sa sahig. "Honey, are you awake?" Binuksan ni Ethan ang pintuan ng hotel room. Ngunit ang matamis na ngiti sa labi ay biglang nabura sa nabungarang eksena sa loob ng kwarto. Agad niyang nabitawan ang mga pinamili at dali-daling inawat ang dalawang babae. "Zara! Anong ginagawa mo dito? Itigil mo na iyan! Tingnan mong walang kalaban-laban sa iyo si Sofia!" At imbes na kumalma ay lalong nag-init ang ulo ni Zarayah sa narinig na para bang mas kinakampihan pa nito ang babae kaysa sa kanya. May halo rin ng galit ang boses nito. Iwinaksi niya ang kamay ni Ethan at binigyan ng malakas na sampal. "Ikaw pa itong may ganang magalit? Nawala lang ako ng ilang araw pero heto at nangka-kama ka na ng ibang babae? Ako ang asawa mo, Ethan! How can you do this to me?!" Taas baba ang dib dib ni Zara habang puno ng galit, pagkabigo at sakit na nakatingin sa kanyang asawa. Kauuwi lang niya galing business meeting sa abroad nang sinalubong siya ng pinsan ng masamang balita. Kaibigan ni Lexie ang may-ari ng hotel na ito na nasa kabilang lungsod pa. Namukhaan nito si Ethan at agad na nagsumbong sa kanyang pinsan na may kasama itong ibang babae. Kaya kahit na pagod pa sa biyahe ay dali-dali siyang lumawas dito kasama si Lexie. They were married for almost a year and tomorrow was supposed to be their first wedding anniversary. Iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi nang maaga. Susorpresahin niya ito ngunit siya ang nasorpresa. Samantala, natulala naman si Ethan sa ginawang pagsampal sa kanya ni Zara. Ngunit hindi nagtagal ay dumako rin ang tingin kay Sofia na nakalugmok at umiiyak sa sahig. Agad niya itong dinaluhan at inalo. Para bang may punyal na sumaksak kay Zarayah nang basta na lang siyang tinabig ng kanyang asawa upang daluhan ang babae nito. Kumuyom ang kanyang mga kamay. Nanunubig ang kanyang mga mata pero pinigilan niya ang maiyak sa harap ng mga ito. "Ethan—" "Stop it, Zara. Huwag mo akong galitin." May pagbabanta na ngayon ang seryosong boses ng binata. "Umalis ka na dito. Sa bahay na lang tayo mag-usap." "Pero—" "I said leave and go home! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon, Zarayah?!" bulyaw ni Ethan na siyang ikinatigagal ng dalaga. Ni minsan ay hindi siya sinigawan ng asawa.. hindi nagalit nang ganito. Pero ngayon ay parang ibang tao na ang kaharap niya. Mabigat man ang loob ay napilitan si Zara na umalis. Pagkalabas na pagkalabas ng silid ay doon na nagsiunahan na tumulo ang kanyang mga luha. Sobrang sakit. Parang dinudurog ang puso niya. Sa buong biyahe pabalik ay halos pag-iyak ang ginawa ni Zara. Naaawa man si Lexie sa pinsan ay wala naman siyang magawa upang pagaanin ang loob nito. "Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng makakausap, okay? We're always here for you. Kaming mga pinsan mo." Sa kabila ng mga namumugtong mga mata ay pilit na ngumiti si Zara. "Thanks, Lexie," aniya bago pumasok ng kanilang bahay. Hindi natulog si Zara nang gabing iyon sa kakahintay sa kanyang asawa, hindi na rin kumain. Halos madaling araw na nang marinig niya ang pagdating ng sasakyan nito. Sa sala pa lang ay kinompronta na niya ito. "Bakit ngayon ka lang umuwi? I've been waiting you the whole night. Saan ka nanggaling? Kasama mo ba ang babaeng iyon hanggang sa oras na ito—" "Pagod ako, Zara. Bukas na lang tayo mag-usap," malamig nitong turan at basta na lang siya nilampasan. Kumuyom ang mga kamay ni Zara at sinundan ang asawa. "Ganun na lang iyon? Kung umakto ka ay parang wala kang ginawang kasalanan sa akin! Hinintay kita para makapag-usap tayo—" "Hindi ko sinabing hintayin mo ako!" puno ng pagtitimpi na sigaw ng binata ngunit banaag na doon ang galit. Tigagal naman na napatingin si Zara kay Ethan. Ito pa ngayon ang may ganang magalit? Ito ang nagtaksil sa kanilang dalawa! Hindi na napigilan ni Zara ang sarili at sinugod ang asawa. Pinagsusuntok niya ito sa dib dib habang umiiyak. "Bakit mo nagawa sa akin ito, Ethan? I've been a good wife to you! Ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa iyo! Lahat ng pagtitiwala ko! Ano pa ba ang kulang ha? Ano pa ba ang kulang?!" "Alam mo kung ano ang kulang!" sigaw ni Ethan sa namumulang mukha. Pinigilan niya ang mga kamay ng dalaga at mariin iyon na hinawakan. "Alam mo ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon!" "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!" "Matagal tayong naging magkasintahan, isang taong kasal! Ngunit ni isa ay hindi man lang kita magawang maangkin! May pangangailangan din ako bilang isang lalaki na kahit kailan ay mukhang hindi mo maibibigay sa akin!" Parang gripo na bumuhos ang mga masaganang luha ng dalaga. Masakit tanggapin na iyon ang dahilan kung bakit ito nagluko. She doesn't have a sexual drive compared to normal girls. Hindi siya nag-iinit kahit na anong pangro-romansa ang gawin ng binata sa kanya. She doesn't get wet and arouse. They tried using lube pero sobrang sakit pa rin ng pakiramdam niya at walang magawa si Ethan kundi ang tumigil. Kita niya lahat ng frustrations nito ngunit wala itong salitang lalabas ng kwarto kahit na alam niyang naiinis ito nang matindi sa kanya. Hindi naman niya ginusto ang ganitong sitwasyon. Ilang beses na rin niya itong nahuling nagloko noong hindi pa sila kasal dahil sa naturang dahilan. She believed that he will change once they get married, ngunit nagkamali siya. "M-Mahal mo pa ba ako?" tanong ni Zara sa pagitan ng mga pag-iyak ngunit lalong sumidhi ang kirot sa dib dib ng dalaga nang tinalikuran siya ng asawa. "Pagod ako. Gusto ko nang magpahinga." Walang lingon-likod na iniwan ni Ethan ang dalaga na umiiyak sa sala. At imbes na dumiretso sa kwarto nilang mag-asawa ay sa guestroom siya tumuloy. Pagkaupo niya sa kama ay saktong may natanggap siyang text message. Ang iritang nararamdaman ay dagling naglaho nang makitang galing iyon kay Sofia. Pagkabasa niya sa mensahe nito ay mabilisan siyang naligo at nagbihis. Nakita ni Zara ang pag-alis ni Ethan ngunit wala na siyang lakas upang pigilan pa ito. Natigil lang ang pag-iyak niya nang makatanggap ng tawag galing sa isa sa mga katulong sa bahay ng kanyang mga magulang. "Ma'am Zarayah. Pumunta po sana kayo dito sa mansyon. Kanina pa po naglalasing ang Mommy niyo. Hindi namin maawat kaya tinawagan na po kita." Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga at dali-daling pinuntahan ang kanyang ina. Halos madurog ang puso niya nang makita ang lugmok nitong itsura. "Mom, anong nangyari? Bakit kayo naglalasing?" puno ng pag-aalala na tanong niya dito. "Zarayah, anak!" Agad na niyakap ni Cristina ang dalaga at nag-iiyak sa mga balikat nito. Parang dinurog ang puso ni Zara sa nakikitang kalagayan ng ina. Ngayon lang ito uminom ng ganung kadaming alak, gulo-gulo ang buhok at halos hindi makatayo sa sariling kalasingan. "Please,tell me what happened," pagsusumamo niya dito. At nang magsalita ang kanyang ina ay halos mabingi siya sa narinig. "A-Ang Daddy mo. May anak siya sa ibang babae. Halos magkasing edad lang kayo at gusto niyang ipakilala ito sa publiko.""Once a man gets married, he must set some boundaries to every woman around him kahit na malapit pa niya itong kaibigan. I'm not saying na kalimutan nila ang kanilang samahan. Hindi lang kasi magandang tingnan na sobrang lapit ng asawa mo sa isang babae at nakikipagharutan pa dito," matigas niyang salita.Bumuntong hininga si Carcel at banayad na hinawakan ang hita ng asawa upang pakalmahin. Alam niyang galit na naman ito.Napahalakhak si Gregory sa turan na iyon ng anak. "Hindi ko alam na selosa ka pala, hija. Ang magkaibigan ay magkaibigan, pwera na lang kung malisyosa kang mag-isip. Parang tinatanggalan mo na si Sofia ng karapatan na makipaglapit sa iyong asawa.""Gregory..." mahinang suway ni Cristina. Nakikinita na niya kung saan na naman papunta ang usapan na ito."Karapatan?" Zarayah chuckled in sarcasm. Tuluyan na talaga siyang nawalan ng gana. "Anong karapatan ang pinagsasabi mo, dad? They're just childhood friends," pagdidiin pa niya sa salita. "Magkaibigan lang sila pero ak
"Hello, sis!" Nagulat si Zarayah nang lumapit sa kanya si Sofia at nakipagbeso-beso. Hindi agad siya naka-react dahil hindi niya inaasahan ang ginawa na iyon ng babae. Last time she checked ay kulang na lang ay isumpa siya sa matinding galit. What was she planning this time? Nonetheless, ayaw niyang gumawa ng gulo dito kaya sasabayan na lang niya ang kung ano mang trip nito ngayon.Tipid lang siya na ngumiti dito at ikinawit ang mga kamay sa braso ni Carcel upang ipakita dito na pag-aari niya ang binata.Napagkit doon ang mga mata ni Sofia pero nanatili pa rin ang mga ngiti sa labi."Oh hali na kayo at ng makakain na tayo."Sumunod sila Zarayah kay Cristina. Nasa hapag sina Gregory, Alejandro at Margareth na nag-uusap. "Good evening, Tita Margreth.. Tito Alejandro," magiliw niyang bati sa dalawa. Nang mabaling ang kanyang paningin sa kanyang ama ay tinanguan lang niya ito. Tuluyan na talaga siyang nawalan ng amor dito. Ganun din ang ginawa ni Gregory sa anak pero si Carcel ay binat
"Ano ang nauna? Manok o itlog?""Manok," sagot ni Carcel habang naka-focus pa rin sa pagda-drive. Umalis na sila sa beach resort dahil birthday ng Mommy Cristina niya ngayon.Well, the lady told him to call her that way tutal at asawa naman na raw niya ang anak nito. Medyo ilang siya sa tawag na iyon pero nasasanay na rin kahit papaano. He grew up without parents. Ang abuelo niya ang una niyang nasilayan noong nagkamuwang siya sa mundo. Wala siyang mga magulang na nakagisnan. Ayon sa yumaong lolo ay nagkasakitan daw ang dalawa na sanhi ng ikinamatay ng mga ito. Her mother was a soldier while his father... well, do some illegal stuffs.Walang masyadong detalye na inilahad ang kanyang abuelo pero matindi raw ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Na umabot nga hanggang sa hukay. It's not a big deal to him anyway dahil hindi naman niya nakilala ang mga ito. Bukod pa doon ay masyado siyang rebelde noong kabataan niya upang isipin ang kawalan ng mga magulang."Wrong!" Pinag-ekis ni Zar
Sa mga sumunod na mga araw ay naging busy sina Zarayah at Carcel sa paghahanda sa kanilang kasal. Binibilisan na nila dahil na rin sa kagustuhan na umalis na ng bansa. Imbitado ang mga malalapit niyang mga kamag-anak pati na rin ang mga naging kaibigan nila sa San Juan. Si Carcel mismo ang nag-asikaso sa sasakyan na susundo sa mga ito. Ayaw ni Zarayah ng enggrande na kasal pero hindi pumayag ang kanyang asawa sa gusto niya sa pagkakataon na ito. Ang sabi ay babawi raw sa kanya dahil impromptu lang ang unang kasal nila noon."Ito po miss Zarayah ang ilang mga theme and styles na napili ni Mr. Escalante sa inyong reception. Pwede po kayong mamili dito and if in case na wala kayong magustuhan then you can tell us your idea.""Wow. Ang gaganda," usal ni Zarayah habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan na nasa ipad. Sa sobrang ganda ng mga nakikita niya ay hindi niya tuloy alam kung ano ang pipiliin."Pwede bang lahat?" tawa niya habang nahihirapang magdesisyon.Tumawa naman si Winie—
Tinitigan lang ni Cristina si Sofia at hindi agad sinagot ang tanong nito. Sinusubukan niyang basahin kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalaga ngunit bigo siya na gawin iyon. Sofia was smiling sweetly at her but she knew that behind that smile was something dark and evil.Bihira lang itong magtanong tungkol kay Zarayah at kung maaari ay ayaw nitong nababanggit ang pangalan ng kanyang anak. Mukha itong maamong tupa ngayon."Cristina, kinakausap ka ni Sofia," tikhim ni Gregory nang mapansing hindi kumikibo ang asawa.Hinawi ni Cristina ang sarili at sinagot ang tanong ng dalaga. "Yes. I'll invite them with her husband for a family dinner. Gusto ko sana na magbakasyon kami buong pamilya sa birthday ko pero next time na siguro kapag nakalabas na si Damian.""Kami? Si Tita naman. Kayo lang? What about me? Hindi niyo ako isasama? I'm already part of the family, right?" nakatawa na turan ni Sofia ngunit sa loob-loob ay nainis sa simpleng pasaring na iyong ng ginang.Muntik nang sabihin ni
Malakas na ibinato ni Sofia ang cellphone sa pader at nagkalasog-lasog iyon nang mahulog sa sahig. Muli siyang humagulgol at pinagbabasag ang mga gamit na kanyang mahawakan. Hindi niya kayang matanggap na ganun na kalamig ang trato ni Carcel sa kanya. He used to comfort and hug her, tell her stories that would make her giggle. Pero ngayon ay nasira na ang lahat simula nang umeksena ang Zarayah na iyon sa buhay nila! She changed Carcel to someone she doesn't know anymore. Malamang sa malamang na sinabihan nito ang binata ng kung anu-ano upang siraan siya! Zarayah brainwashed him!Dali-dali namang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay si Gregory nang makarinig ng mga pagkabasag galing sa kwarto ng anak."Sofia!" Nagimbal si Gregory sa naabutang ayos ng kwarto ng dalaga. Punit ang mga kurtina, basag ang ilang bintana at nagkalat ang mga gamit sa lapag. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?!" Nanlaki ang mga mata ni Gregory nang sa gitna ng mga paghagulgol ay sinasabunutan na rin ni Sofia ang







