MasukIsang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidente kay Zarayah. Isang linggo na rin siyang nananatili sa liblib na lugar dito sa bayan ng San Juan. Hindi rin niyang magawang tumawag sa kanila upang ipaalam ang nangyari sa kanya. Nasira ang cellphone niya at ayaw rin siyang pahiramin ni Carcel ng aparato.
Carcel Escalante. Napabuntong hininga ang dalaga nang maalala ang lalaki. Sobrang suplado nito. Hindi rin makausap ng tama at laging nakaangil sa kanya. Mabuti naman ang pakikitungo nito sa mga tao dito, nangiti pa ang walang hiya pero siya ay laging supalpal. Kung ayaw nito sa kanya then bakit hindi pa siya paalisin? Ilang beses na siyang nagsabi dito na gusto na niyang umuwi pero hindi pa raw pwede. Hindi rin naman niya alam ang daan pauwi. "Carcel, nandiyan pa ba siya? Pauwiin mo na. Baka ikaw pa ang mapahamak kapag pinatagal mo pa ang pananatili niya dito." Mula sa veranda sa second floor ay tumanaw si Zarayah sa ibaba. Natunghayan niya si Rosie at ang dalawa nitong kaibigang si Princess at Mary. Hindi na bago sa kanya ang ganitong tagpo dahil sa isang linggong pananatili niya dito ay halos araw-araw na nandito ang tatlo lalo na si Rosie. Sobrang iiksi rin ang mga suot ng mga ito na para bang may inaakit. Ayon kay Mang Celso ay mga haciendera raw ang mga ito, galing sa mayayamang angkan sa San Juan kaya hinahayaan lang daw ni Carcel ang mga ito. Taga pangalaga raw si Carcel ng farm. Ang mga may-ari ay nasa ibang bansa. "Ayaw ko siyang pag-usapan, Rosie." Mapasimangot si Zarayah sa narinig na sagot na iyon ng binata. Busy ito sa pagbubuhat ng mga crate ng mangga sa isang truck, habang si Rosie naman ay sunod nang sunod dito na parang hindi napapagod. Pasimpleng tumingin si Carcel sa ikalawang palapag ng bahay kung saan laging nakatambay si Zarayah. Mabilis itong nagtago nang magtama ang kanilang mga mata na siyang ikinaigting ng kanyang panga. Nitong mga nakaraaang mga araw ay may naririnig siya sa mga trabahador sa bukid na may umaaligid na mga hindi kilalang kalalakihan, ipinapakita ang larawan ng dalaga at tinatanong kung napadpad ba dito. Nawawala raw at ipinapahanap ng mga magulang. Kaya gustuhin man niyang isako ito pabalik sa bayan ay hindi pa maaari. Hindi siya tanga upang hindi matunugan kung ano ang posibleng nangyayari. "Carcel," naglalambing na naglambitin si Rosie sa braso ng binata. "Ilang araw na nung huli natin. Hindi pa ba pwede?" Napatiim bagang ang binata sa tinuran na iyon ng babae. Nangako kasi itong mananahimik basta pagbigyan niya lang ito sa gusto. "Hindi ngayon, Rosie. Madaming trabaho dito sa bukid. Magde-deliver pa kami ng mga prutas." "Then kailan? Miss na miss na kita," ungot pa ni Rosie, ang kamay ay mabining humahaplos sa matigas na braso ng binata. Mula naman sa itaas na veranda, kahit nakatago ay dining na dinig ni Zarayah ang pinag-uusapan ng dalawa. Naririmarim siya sa boses na iyon ng babae na laging nang-aakit. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito. "Bukas. Mamayang gabi. Ikaw na lang ang pumunta dito dahil pagod ako buong maghapon." Rinig niyang pagsang-ayon ng binata na siya namang ikinatili ni Rosie sa tuwa. Kinagabihan ay naabutan ni Zarayah ang binata na nagluluto ng hapunan. Wala itong suot na pang-itaas na damit kaya malaya niyang napagmasdan ang maganda nitong katawan mula sa likod. Hindi na bago pa sa kanya ang ganitong tagpo dahil kadalasan ay hindi ito nagdadamit kapag nagkakarga ng mga ani. Kitang-kita ang abs at matitipunong mga braso. Iyon siguro ang dahilan kung bakit laging nakatambay dito sina Rosie. Makinis at maputi pa rin ang kutis nito kahit na laging bilad sa araw. Ayaw siya nitong paglutuin dahil baka masunog daw niya ang buong bahay. Wala raw itong bilib sa kanya sa mga gawaing bahay. Halata raw kasing buhay prinsesa siya kaya ito na lang daw ang magsisilbi sa kanya. Masyado siya nitong minamaliit. "Tatayo ka na lang diyan?" suplado nitong tanong nang mahuli siyang nakatitig dito. Nahimasmasan tuloy siya at ngali-ngaling hampasin niya ito ng kaldero. Bakit ba ang init ng dugo nito sa kanya. Inihanda niya ang lamesa at katulad ng dati ay walang imikan silang kumain. Dadalawa lang sila sa bahay pero heto at tahimik silang nagbabangayan. "May galit ka ba sa akin?" hindi na tuloy naiwasan ni Zarayah na itanong. "Just eat your food. Ayaw ko ng madaldal na babae." Umawang ang labi ng dalaga sa narinig. Nagtatanong lang naman siya, madaldal na agad? "Ayaw mo ng madaldal? You should tell that to Rosie, not me. Talak nang talak habang kinukulili ka sa trabaho. Doon ka mainis, hindi sa akin. O baka girlfriend mo siya kaya pinagbibigyan mo?" Sa sinabing iyon ni Zarayah ay napaangat ng tingin si Carcel at matiim itong tinitigan. Napalunok ang dalaga nang makita ang madilim nitong mukha. Nagulat din siya dahil bakit ganun ang mga nasabi niya! Hindi nga siya pakialamera ngunit isa naman siyang taklesa! "It's none of your business if Rosie is my girlfriend or not. Pinatuloy lang kita dito dahil nagpapagaling ka pa. Huwag kang makisawsaw sa mga bagay na wala ka namang kinalaman." Namula ang mukha ni Zarayah sa pagkapahiya. Bakit ba ang sama ng tabas ng dila ng lalaking ito? "I told you that I'm already healed! Gusto ko nang umuwi pero ayaw mo akong ihatid!" "Magsasaka ako. Hindi mo driver." Padabog na nilisan ni Zarayah ang hapag bago pa niya mahampas ng plato si Carcel. Hindi talaga ito makausap nang maayos! Kung ayaw nitong makita ang pagmumukha niya eh bakit hindi pa siya paalisin? Alas diyes ng gabi nang maisipan ng dalaga na bumaba upang maligo. Iisa lang ang bathroom sa kabahayan na nasa baba pa. Tiniyak muna niyang tulog na si Carcel dahil kung minsan ay nagpapang-abot sila doon. Bubuksan na sana ni Zarayah ang pintuan nang kusa iyong bumukas. Umawang ang labi niya nang makita si Carcel na walang damit ni isa! Basang-basa pa ito. At nang dumako pa ang tingin niya sa ibaba ay halos panawan na siya ng ulirat. "Putangina!" malutong na mura ni Carcel sabay hablot sa tuwalyang naiwan sa labas ng banyo. Mabilis niya iyong itinali sa bewang habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa dalagang simpula na ng kamatis ang mukha. Lalong nag-init ang ulo niya....sa ibaba. "Sinisilipan mo ba ako?!" "H-Hindi!" Todo tanggi naman si Zarayah dahil hindi naman niya talaga ito sinisilipan. "Ikaw itong nagbo-bold sa harap ko! Sinadya mong iwan ang towel mo dito sa labas para kunwari ay naiwan mo para makita kitang ganyan! Sinadya mo ito para akitin ako!" Pumitik ang ugat sa ulo ni Carcel at sa isang iglap lang ay hawak na niya ang dalaga sa braso at mariin na isinandal sa pader.At sa mapanganib na boses ay nagsalita... "Watch your word, Zarayah Faith. Dahil baka makalimutan kong may asawa ka na at totohanin na akitin ka.""Hayop ka! Walanghiya ka talaga kahit kailan!"Walang pakundangan na pinagsusuntok at sampal ni Cristina si Gregory nang makarating sa hospital. Wala na siyang pakialam pa kahit na nagpapagaling pa ito sa sugat."C-Cristina! Ano ba ang nangyayari sa iyo?" gulat na turan ni Gregory habang sinusubukan na pigilan ang mga atake ng asawa. Ngayon lang niya ito nakitang magalit ng ganito. May palagay na siya kung bakit ganito ang inaatsa nito kaya mariin niyang itinikom ang mga labi."Nagmamaang-maangan ka pa? Napakawalang kwenta mong ama! Tanging si Sofia na lang ang iniisip mo at nagawa niyo pang sirain ang kasal ni Zarayah! Masaya ka ba sa ginawa mo? Nagdurusa siya ngayon dahil sa kagagawan ninyo!"Natanggap niya ang mensahe galing sa dalaga na aalis ito ng bansa. Hinayaan na lang niya at hindi pinigil dahil nakasakay naman na ito ng eroplano. Bukod doon ay mukhang kailangan talaga nitong mapag-isa muna. Masyadong masakit dito ang nangyari."I don't have a choice!" pagod na sikmat ni Greg
Pagkatapos mahimasmasan ni Cristina sa mga pangyayari ay mabilis niyang hiniram ang sasakyan nila Margareth upang sundan ang kanyang anak. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari kanina ay natulala na lang siya at pinanood itong umalis.Labis siyang nag-aalala kay Zarayah dahil baka napano na ito sa daan o kung ano na ang ginawa sa sarili. Muling nagbalik sa alaala ni Cristina ang napanuod na video kanina.Hindi pa niya alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit kasama ni Carcel si Sofia. Ngunit paniguradong may kinalaman na naman dito ang magaling niyang asawa! Lahat na lang talaga ay sinisira nito! Anak din naman nito si Zarayah ah? Bakit pati ang importanteng araw para dito ay kailangang sirain ng makasariling mag-ama na iyon? Lahat na lang ay ginugulo!Humigpit ang hawak ni Cristina sa manibela. Kapag napatunayan na kagagawan na naman ito ni Gregory ay hindi niya alam kung ano ang magagawa dito. And if something bad happen to Zarayah, she will never forgive him!Nagpasalamat siya na
Kanina pa pinagmamasdan ni Zarayah ang mga tao sa labas ng simbahan. Aligaga ang mga ito at ang iba ay nagbubulung-bulungan na na nakatingin sa sasakyang kinaroroonan niya.What was happening? Bakit parang problemado ang mga ito?Hindi na nga niya natiis at lumabas na siya ng sasakyan. Lalo lang nataranta ang mga ito nang makita siyang palapit. Maging siya ay nabahala na rin. Wala pa ba ang pari? Ang videographer?"What is happening, Mom?" tanong niya sa ina nang makalapit dito."Z-Zarayah! Bakit ka lumabas ng sasakyan? S-Sana ay naghintay ka na lang sa loob." Kandautal si Cristina pagkakita sa anak. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na hindi pa dumarating si Carcel. Usually ay ang groom talaga ang dapat na mauna at ito ang maghihintay sa bride. Pero halos kalahating oras na pagkatapos ng napagkasunduang oras ay wala pa ito."Naiinip na po ako eh. Hindi pa ba tayo magsisimula? Kanina pa tayo dito. May problema po ba?"Mariin na itinikom ni Cristina ang mga labi. Hindi niya al
Mariin na tinitigan ni Carcel ang lalaking nagmamakaawa sa kanya na sumama siya. Nababaliw na ba ito? Hindi niya tatalikuran ang kanyang sariling kasal!"No," pinal ang boses na sagot niya kay Gregory. Labas na siya sa kung ano man ang problema ng mga ito. Ang importante lang sa kanya ay si Zarayah. Wala ng iba.Naalarma si Gregory sa naging sagot na iyon ng binata. Yumakap siya nang mahigpit sa mga binti nito nang akmang aalis na. Hindi pwede! Kailangan niya ito!"Let go!" nauubusan ng pasensya na wika ni Carcel. May respeto pa rin siya dito kahit papaano dahil kung wala ay baka kanina pa niya ito sinipa palayo.Ngunit hindi natinag si Gregory sa kabila ng galit sa boses na iyon ng binata. Halos nakahiga na ito sa kalsada para lang mapigilan ito sa paglalakad.Tiim bagang na binalingan ni Carcel si Logan na naaaliw lang na nanunuod sa eksena. Ngunit nang makita ang tingin na iyon ng kaibigan ay nakuha niya agad kung ano ang ibig sabihin nito.Hinablot niya ang mga paa ng baliw na lal
Puno ng pagtataka na hinabol ng tingin ni Gregory ang mg nurse at ilang staff ng hospital na nagkukumahog sa hallway. Meron na ring iba pang mga security guard ang umakyat.Ngayon ang araw ng kasal ng anak niyang si Zarayah. Hindi na siya makakadalo dahil sa kalagayan niya. Bukod pa doon ay hindi naman na ganun kaimportante ang kasal ng mga ito dahil matagal ng legal ang pagsasama ng mga ito. Madaling pinigilan ni Gregory ang isang nurse na dumaan sa kanyang harapan upang magtanong. Naglalakad-lakad lang siya dito sa hallway dahil nababagot siya sa loob ng kwarto. Kumikirot pa rin ang kanyang tahi kaya hindi pa siya makalabas sa hospital."Anong nangyayari?""May pasyente po kasing nagwawala, sir. Hindi kasi maawat at ayaw kumalma kaya humihingi sila ng tulong."Nanlamig ang katawan ni Gregory sa narinig. Si Sofia agad ang unang pumasok sa isip niya kahit na nagbabakasakaling hindi nga ito ang pasyente na tinutukoy nito."Anong room number niya?""Room 104 po—"Hindi na tinapos pa ni
Kinagabihan ay mainit na nagsalo ng pagmamahalan sina Carcel at Zarayah. Paulit-ulit, walang kapaguran na inaangkin ang bawat isa na para bang walang kasawa-sawa."Ahh.. C-Carcel.. Tama na. Baka mapuyat tayo," ungol ni Zarayah habang inaangkin siya ng binata mula sa likuran. Mariin naman na hinapit ni Carcel ang asawa sa bewang upang idiin ng sagad ang pagkalalaki sa kaloob-looban nito. Alam niyang dapat na niyang tigilan si Zarayah dahil maaga pa sila bukas sa simbahan para sa kasal nila. Sadyang nag-iinit lang ang pakiramdam niya sa isiping maihaharap na niya ito sa harap ng altar. He dreamt of that day to come and it's about to happen tomorrow."Carcel... please~" da ing ni Zarayah ng para bang hindi siya pinapakinggan ng asawa. Ilang ulit na siyang nilabasan at hindi na niya mabilang pa. "Yes, wifey?" Habol ang hininga na bulong ni Carcel sa tenga ng dalaga. "Last na talaga 'to. Promise. Let me just cum— ohh fuck.." He hissed sharply when he felt her pussy clamped tight around h







