Beranda / Romance / The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed / Chapter 3 - Old Wounds, Old House

Share

Chapter 3 - Old Wounds, Old House

Penulis: RSolace95
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 23:22:02

Kumunot agad ang noo ng hospital director. 

“Miss De Vera,” mariin niyang sabi, ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya, “please watch your words.”

Tahimik ang corridor, pero ramdam ko ang biglang pagbabago ng hangin. Hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa pangalan ng babaeng kaharap namin.

Si Althea. Ang balita ko ay isa na siyang sikat na artista, tinitingala. Kaya ganun na lamang niya ako tratuhin kanina dahil sa kakapalan na ng mukha niya, sanay na sanay talaga siyang mataas ang tingin sa sarili. 

Sandaling napatigil siya, halatang hindi inaasahan ang pagsita ng hospital director sa kanya. Pero agad din niyang itinaas ang baba niya, parang walang narinig.

“Fine,” sabi niya, na parang walang pakialam. “Kung ganon, sakto naman pala. Masama ang pakiramdam ng mommy ko lately. Ikaw na ang tumingin. Don’t worry, money is not an issue.” kinindatan niya rin ako pabalik. 

Napangiti ako.

Hindi dahil natutuwa ako.

Kundi dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko.

“Sorry,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Wala akong oras.”

Nanlaki ang mata niya. “Ano?!”

Lumapit ako nang kaunti, halos magkalapit na kami ng distansya sa ginawa ko para marinig niya ang sasabihin ko nang malinaw. “Hindi naman malala ang sakit ng nanay mo. Madali lang solusyon.”

Bahagyang lumiwanag ang mukha niya. “Talaga?” sagot niya sa’kin na parang isip-bata. Tsk. Hindi pa rin nagbabago. 

Tumango ako. “Pwede siyang mamatay at mag-reincarnate. Siguradong wala na siyang problema pagkatapos.”

Nanigas siya.

Ilang segundo bago pumasok sa isip niya ang ibig kong sabihin.

Biglang namula ang mukha niya sa galit. Itinaas niya ang kamay niya.

“Bastos kang—!” Pero bago pa bumaba ang palad niya, may biglang humawak sa pulso niya.

Halos lahat ng mga mata sa paligid ay nakatingin sa taong nakahawak sa kamay ni Althea ng mahigpit. 

Napatakip ako sa aking bibig ng makita ko si Terrance.

Naka-suit siya, diretso ang tindig, with his signature cold eyes—iyong tinging matagal ko nang kabisado. Ang itsura niya kapag galit na galit, pero pinipili pa ring manahimik.

“Anong gagawin mo?” tanong niya, mababa ang boses.

Ramdam ko ang biglang tensyon sa paligid. Nagsimula ng magbulungan ang mga tao sa paligid. Ang iba naman ay seryosong nanunuod na parang nasa loob kami ng television. 

Namumutla si Althea. Ilang sandali bago niya pilit na binawi ang kamay niya at ngumiti.

“Kuya Terrance,” malambing niyang sabi, “nag-aalala lang naman ako sa mommy ko. Hindi kasi mahanap ng mga doktor kung ano problema niya.”

Hindi ko alam kung ako lang, pero parang wala ni katiting na lambing sa tingin ni Terrance sa kanya.

Pagkatapos, tumingin siya sa akin.

“Doc. S.” sabi niya, pormal at parang hindi niya ako kilala o nagkukunwari lamang siya dahil maraming tao. “I’m Terrance Reyes.”

Inabot niya ang business card niya.

Hindi ko kinuha.

“Hindi na kailangan,” sagot ko, at halata sa boses ko ang pagkawalang gana ko sa kanilang dalawa. “Kilala ko na kayo. Sabihin niyo na lang ang sadya niyo.”

May dumaan na kung anong emosyon sa mukha niya, pero mabilis niyang tinago. Naramdaman kong may gusto siyang sabihin sa’kin ngunit alam kong nagpipigil lang siya.

“Ang lola ko,” sabi niya. “Malubha ang kondisyon. Umaasa akong matutulungan mo siya.”

Tiningnan ko siya nang diretso. “At kung tumanggi ako?”

Ngumiti ako nang mapansin ko ang pagbagsak ng balikat niya. “Relax. Nagbibiro lang ako. Sige, papayag ako. Sayang din ang kikitain ko sa pamilya Reyes.”

“If she gets better,” sagot niya, seryoso, “You dictate your price.”

“Sa taas ng pride niyan?! Alam kong hindi natin siya maasahan, Kuya! Hindi niya tayo sisiputin!”

Hindi pera ang kabayaran sa gagawin ko, Althea. Maghanda kayo. “Okay, sige. Titingnan ko muna ang pasyente.” tumalikod na ako sa kanila, at ‘di na pinansin pa ang sinasabi ni Althea. 

Mukhang gagabihin ako, hindi ko naman alam na ngayon na rin pala ang pagpunta ko sa lumang bahay ng mga Reyes. Sigurado akong hinihintay na ako ni Sevi sa apartment. 

Si Kuya Bert, ang driver ko, ay halatang kabado. “Ma’am,” alangan pa siya kung itutuloy niya ang tanong sa’kin, “s-sigurado po ba kayo?”

“Oo, Kuya Bert,” sagot ko. “Sigurado po ako, ibang ako ang kilala nila ngayon kaya mas okay ng makilala nila akong ganito.” Si Kuya Bert, matagal ko ng kilala, alam niya kung anong nangyari samin ni Terrance. Sa ngayon, sila lang ni Manang Cecil ang pinagkakatiwalaan ko. 

Hindi ko man pinapahalata pero sa loob-loob ko, ramdam ko na ang kaba.

Limang taon.

Limang taon mula nang huli akong pumasok sa bahay na ito.

Hindi nagbago ang gate, pati na ang ilaw sa hardin. Ang amoy ng lumang kahoy at mamahaling pabango.

Pagbaba ko ng sasakyan, narinig ko agad ang iyakan sa loob.

“Auntie,” umiiyak na boses ni Althea, “galit po ba si Kuya Terrance sa akin? Nagmamadali lang naman ako kanina…”

“Yanyan,” maamong sagot ni Mrs. Reyes, ang byenan ko dati na kailanman ay hindi ko nakita, hindi ako pinakilala ni Terrance noon bilang asawa niya, “hayaan mo na, alam mo naman ang ugali ng Kuya mo. Atsaka, sino ba ‘yang doctor na yan baka hindi pa kagalingan!”

Napahinga ako nang malalim sa narinig ko, hindi na ako kumatok dahil binabastos din naman nila ako. Mas magiging bastos ako sa kanila. 

“Kung mag-so-sorry ka,” sabi ko, binigyan ko lang sila ng blankong ekspresyon, “ngayon na ang tamang oras. Mas maganda kung sincere. Mga tatlong luhod at siyam na yuko.”

Biglang napatayo si Althea. “Ikaw na naman?! Nilunok mo ba ang pride mo?! Bakit nandito ka?!”

“Wala akong panahon sa’yo,” sagot ko. “At saka… hindi naman ‘to bahay mo.”

Tumalim ang tingin niya.

Lumapit si Mrs. Reyes sinuri ako mula ulo hanggang paa. Hindi niya tinago ang pangmamaliit.

“Ito na ‘yon?” tanong niya kay Terrance. “Mukhang probinsyana.”

“Eh, ano ho sa inyo kung mukha akong probinsyana? Nandito ako para maging Doctor ng pasyenteng nangangailangan sa’kin,” sagot ko, nakangiti.

Mas lalo siyang nainis.

“Manang Emila!” sigaw niya. “Paalisin mo ‘yan!”

Tahimik si Manang Emila, nakatingin lang kay Terrance.

Hindi siya gumalaw.

“Hindi na ba sinusunod ang utos ko sa bahay na ‘to?!” galit na sigaw ni Mrs. Reyes.

“Mrs. Reyes,” mahinahon kong sabi, “mahina ang katawan niyo. Maraming organ ang apektado. Mataas din ang galit niyo, masama ‘yan sa puso. At kung ako sa inyo, iiwasan ko na ang pagkain ng kung anu-ano.”

Bigla siyang natigilan.

Ang kaninang matapang na mukha ay napalitan ng takot, gusto kong matawa pero hindi na ako nagsalita pa.

Tumalikod ako. “Saan ang pasyente?”

Tahimik si Terrance sandali bago sumagot. “Here, let me guide you.”

Nasa third floor ang kwarto ng lola niya.

Pagbukas na pagkabukas pa lamang ng pintuan. “Hmph!” sigaw ng matanda. “May gana ka pang bumalik?! Lumayas ka!”

Ngumiti ako sa loob-loob ko.

Mukhang mas mahirap ang gagamutin ko rito, hindi lang katawan, kundi mga sugat na matagal nang tinatago ng pamilyang ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 5 - The Questions I Refuse to Answer

    Samantha’s POVNasa gitna ako ng chart review nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Hindi ko sana papansinin, kasi sanay na akong i-off ang phone ko kapag nagtatrabaho pero may kung anong kaba sa dibdib ko na pumilit sa aking silipin ang screen.Isang mensahe lang.Mula kay Marco Villanueva, kaibigang doktor ko na minsan nang naging resident dito sa ospital nila Terrance sa R.Central, actually siya rin ang nag offer sa’kin nung una pero tinatanggihan ko sabi ko pa ay hindi pa ako handa.Binasa ko ang message niya.“Sam, nakita ka raw ni Terrance kahapon.” Nanikip ang sikmura ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang kasunod na mensahe, parang alam ko na ang kasunod. At tama nga ako.Isang litrato ang sumunod.Isang batang lalaki, may suot na asul na school uniform, maliit na backpack sa likod, at pamilyar na tindig. Ang mga mata niya ay namana niya sa kanyang Daddy, habang ang hugis naman ng mukha ay naman niya sa’kin. Si Sevi.-*-Terrance’s POVMy office is

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 4 - The One Thing I Will Never Lose

    Sa likod ni Terrance, agad kong nakita ang lumang recliner na may burdang puting antimacassar, halatang matagal nang hindi pinapalitan.At doon, nakasandal at may hawak na rosaryo sa kanang kamay, habang nakapikit at kita mo sa kanyang hirap siyang makahinga. si Madam Sylvia. Biglang nanikip ang dibdib ko.Pinilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang pagkalungkot ko bigla dahil sa mga alon na alaala. Gusto kong sabihin sa sarili kong, hindi ngayon! At hindi pwede sa bahay na ito! Kung tutuusin, natutunan ko ng magpigil ng emosyon. Pero sa lahat ng tao sa pamilyang ito, siya lang ang bukod tanging kailanman hindi ko natutunang talikuran ng puso ko. “Kung hindi mo ibabalik si Samantha sa bahay na ’to—” biglang umalingawngaw ang boses ni Madam Sylvia habang pinapalo ang hawakan ng upuan gamit ang tungkod niya, “—huwag mo na akong tawaging lola!”Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may nakasabit na salita sa kisame. Parang

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 3 - Old Wounds, Old House

    Kumunot agad ang noo ng hospital director. “Miss De Vera,” mariin niyang sabi, ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya, “please watch your words.”Tahimik ang corridor, pero ramdam ko ang biglang pagbabago ng hangin. Hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa pangalan ng babaeng kaharap namin.Si Althea. Ang balita ko ay isa na siyang sikat na artista, tinitingala. Kaya ganun na lamang niya ako tratuhin kanina dahil sa kakapalan na ng mukha niya, sanay na sanay talaga siyang mataas ang tingin sa sarili. Sandaling napatigil siya, halatang hindi inaasahan ang pagsita ng hospital director sa kanya. Pero agad din niyang itinaas ang baba niya, parang walang narinig.“Fine,” sabi niya, na parang walang pakialam. “Kung ganon, sakto naman pala. Masama ang pakiramdam ng mommy ko lately. Ikaw na ang tumingin. Don’t worry, money is not an issue.” kinindatan niya rin ako pabalik. Napangiti ako.Hindi dahil natutuwa ako.Kundi dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko.“Sorry,” sabi ko,

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 2 - The First Collision

    “You don’t have to do that, baby. Hindi ba’t sabi ko sayo. Gagawin ni Mommy lahat? So, who knows baka kaya naman ni Mommy na bilhan ka ng limited edition na car pero paglaki mo pa.” tiningnan ko siya sa rear mirror, at nahuli ko ang pag ngiti niya sa sinabi ko pero mayamaya lang ay narinig ko ang malalim na paghinga niya. Ang kaninang nakangiti ay ngayong salubong ang kilay na tiningnan din ako sa rear mirror. “Pero Mommy, hindi po ba unlimited ang card mo po.”Mahinang bulong ni Sevi, paano niya nalaman ang bagay na ‘to?“Who told you that?” mahinahong tanong ko, diretso ang tingin ko sa kalsada.“U-uhm, I heard you fighting over the phone, Mom. And nasabi mo po sa kausap mo na may nag hack ng card mo po eh unlimited yung card mo po.”Hindi ako sumagot agad. Nakatuon ang mata ko sa traffic sa harap—mabagal, halos gumagapang. Ramdam ko na namang sumisikip ang sentido ko. “Hindi unlimited,” sagot ko sa wakas, kasabay din ng pag andar ng mga sasakyan. “May limit ‘yon.”“Ah,” tumango s

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 1 - The Night I Finally Walked Away

    “Kuya Terrance… u-uhm, okay lang ba talaga na dito muna ako mag-stay ngayong gabi?”Iyon ang unang narinig ko pagdating ko sa bahay.Nakahinto pa ang kamay ko sa door knob, gustuhin ko mang buksan agad nag pinto ngunit para bang may nagsasabing dito lang muna ako. Bahagyang nakabukas ang pinto, at mula sa siwang ay tumagos ang liwanag ng chandelier sa sala, kasabay ng isang tanawing matagal ko nang kinatatakutan pero pilit kong binabalewala noon pa man. Isang pares ng puting high heels ang maayos na nakapatong sa shoe rack.Hindi sa’kin, oo. Hindi sa’kin ang high heels na ‘yun. Huminga ako nang malalim bago tuluyang itinulak ang pinto.At doon ko sila nakita.Si Althea, ang kapatid ko sa ama, at ang babaeng pilit kong ipinagkakatiwalaan sa loob ng tatlong taon ng kasal ko, ay nakahawak sa braso ng asawa ko. Bahagya siyang nakasandal kay Terrance, parang natural na natural ang puwesto niya roon, na para bang siya ang may karapatan sa asawa ko. Hindi niya binitiwan ang braso ni Terran

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status