Home / Romance / The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed / Chapter 4 - The One Thing I Will Never Lose

Share

Chapter 4 - The One Thing I Will Never Lose

Author: RSolace95
last update Last Updated: 2026-01-13 23:22:21

Sa likod ni Terrance, agad kong nakita ang lumang recliner na may burdang puting antimacassar, halatang matagal nang hindi pinapalitan.

At doon, nakasandal at may hawak na rosaryo sa kanang kamay, habang nakapikit at kita mo sa kanyang hirap siyang makahinga. 

si Madam Sylvia. 

Biglang nanikip ang dibdib ko.

Pinilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang pagkalungkot ko bigla dahil sa mga alon na alaala. Gusto kong sabihin sa sarili kong, hindi ngayon! At hindi pwede sa bahay na ito!

Kung tutuusin, natutunan ko ng magpigil ng emosyon. Pero sa lahat ng tao sa pamilyang ito, siya lang ang bukod tanging kailanman hindi ko natutunang talikuran ng puso ko. 

“Kung hindi mo ibabalik si Samantha sa bahay na ’to—” biglang umalingawngaw ang boses ni Madam Sylvia habang pinapalo ang hawakan ng upuan gamit ang tungkod niya, “—huwag mo na akong tawaging lola!”

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may nakasabit na salita sa kisame. Parang may mga pag hingang pinipigilan para hinid makagawa ng ingay. 

Biglang nagbago ang ekspresyon niya, mula sa galit, napalitan ito ng ngiti sa kanyang labi.

“Halika rito,” sabi niya, para bang sinesenyasan niyang lumapit sa harap niya. “Sammy, apo, dito ka. Mula ngayon, ikaw na ang babae ng pamilyang ’to. Kapag inapi ka ng lalaking ’yan—” tinuro niya si Terrance “—sa akin ka lumapit!”

Nanatiling tahimik si Terrance sa tabi ko.

Hindi ko alam kung sanay na siya sa ganitong eksena o kung pinili lang niyang huwag patulan ang Lola niya. Isang maikling buntong-hininga lang ang narinig ko bago siya nagsalita.

“Doktora,” sabi niya, ng tawagin niya ako para akong nanigas sa kinatatayuan ko. “Humihingi ako ng paumanhin. Minsan, napagkakamalan na ni Lola kung sinu-sino ang mga dumadalaw sa kanya.”

Doktora. 

Iyon na lang ang tawag niya sa akin ngayon, kung alam lang niya kung gaano kabigat ang salitang ’yon para sa akin pero masaya ako kahit papaano na binago ako ng panahon kaya hindi na nila ako kinakaya-kaya ngayon. 

Lumapit ako nang walang pag-aalinlangan at marahang hinawakan ang pulso ni Madam Sylvia, parang natural na kilos, parang ginawa ko na ito noon… dahil totoo naman.

Nagsalubong ang mga kilay ko ng naradaman kong hindi pantay ang tibok ng pulso niya. May mga sandaling bumibilis, may mga sandaling halos humihinto.

Pero alam ko hindi pa huli ang lahat, naniniwala ako sa sarili kong magagawa kong umayos ang pakiramdam ni Madam Sylvia. 

Tahimik akong napabuntong-hininga, lalayo na sana ako para kausapin si Terrance ngunit biglang humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

“Sammy?” bulong niya, nanginginig ang boses. “Umuwi ka na?”

Napasinghap ako. Kung pwede lang akong magpakilala, kaso ayaw ko pa. Hindi pa ngayon ang tamang oras at araw. 

Nakaayos ako nang iba, ibang buhok, ibang mukha, ibang pangalan. Kahit ang boses ko ay pilit kong binabaan at pinatigas.

Hindi niya pwedeng makilala ako, hindi pwedeng masayang ang paghahanda ko bago ako umuwi dito. 

“Madam,” sabi ko nang mahinahon, halos parang kausap ko ang sarili ko, “napagkamalan niyo lang po ako. Ang pangalan ko ay Dr. Sam Reyes. Pwede niyo po akong tawaging Doktora… o Sam nalang po.”

Ngunit umiling siya, matigas ang tingin.

“Hindi,” sabi niya. “Ikaw ’yan. Alam ng puso ko.”

Saglit akong napatingin kay Terrance.

May anino ng pagdududa sa mga mata niya, hindi ko malaman kung nakakaramdam na ba siya katulad ni Madam Sylvia, nagpapatay malisya, o wala talagang ideya.

“My grandmother has been like this since—” huminto siya, saka nagpatuloy, “—since me and my wife separated five years ago. Bumilis ang paghina ng katawan niya. She really loved my wife, she’s very close to her, parang siya ‘yung apo at hindi ako.”

Alam ko, alam na alam ko. Tandang-tanda ko ‘yan lahat. 

Hindi ko sinagot ang sinabi ni Terrance dahil natatakot akong mautal kapag nagsalita ako. Instead, tahimik kong inilabas ang acupuncture kit mula sa bag ko, at nagpatuloy sa gagawin ko lang talaga sa bahay na ito. 

“Kailangan ng araw-araw na therapy,” paliwanag ko habang nililinis ang balat ng matanda. “For blood circulation and to relieve the tightness of the veins. The results are not instant.”

Isa-isa kong itinurok ang mga karayom.

Tahimik si Terrance sa isang tabi. Nakamasid lang sa ginagawa ko. Pagkalipas ng halos tatlumpung minuto, dahan-dahan kong tinanggal ang huling karayom.

Mahimbing na ang tulog ni Madam Sylvia. Mas maayos ang paghinga. Mas payapa ang mukha, gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging maayos din ang kalagayan niya, na nandito lang ako. Pero hindi pwede.

“Hayaan niyo po muna siyang magpahinga,” sabi ko. “Mas mahaba ang tulog, mas mabuti. Heto ang reseta.”

Tinignan ni Terrance ang papel. “What? Common medicinal herbs,” sabi niya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. “Minsan, ang katawan natin hindi natin kailangan mag depend lang sa mga gamot na nakikita sa drug stores kung meron namang mga halamang gamot, ayun ang tinuturo ko.”

Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko at hindi na sumubok pang magtanong muli. 

“Okay, Doc. Magpapahanap ako ng ganito.” sabi niya. 

Inayos ko na muli ang mga gamit ko at ng matiyak na wala na akong naiwan ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi na ako muling tumingin kay Madam Sylvia hinayaan ko na muna siya makapagpahinga. 

Pagbaba ko ng hagdan, sinalubong agad ako ng amoy ng kape at pandesal. May tray sa mesa, halatang hindi pa nagagalaw.

Napangiti ako dahil ito ang madalas na almusal ko noon hinahandaan ako ni Manang Cecil sa bahay namin ni Terrance noon. 

Mayamaya lang ay lumabas si Althea mula sa kusina papunta sa lamesa, siya pala ang kumakain. Nakakatawa pati mga paborito, ginaya na rin niya. 

“Naku,” sabi niya, nakataas ang kilay, “tapos na pala ang milagro?”

Hindi ko siya pinansin.

“Hindi gumana, ’di ba?” dugtong niya. “Sabi ko na nga ba. Sa probinsya siguro epektibo ’yan.”

Pagod na pagod ako, ang daming nangyari ngayong araw at ang isip ko pa ay tumatakbo sa anak ko. 

“Kung sakaling ikaw ang mangailangan,” sagot ko, diretso ko siyang tiningnan, “gagawin ko pa rin ang tungkulin ko bilang doktor, pero siguro depende sa iaasal mo at kung pano ka hihingi ng tulong.” 

“Sinusumpa mo ba ako?!” galit niyang tanong.

“Hindi,” sagot ko. “Inaalala lang kita.”

“Bastos ka—”

“Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan dito, Althea?” nagulat ako sa ma awtoridad na boses, siyang-siya pa rin. 

Si Terrance.

Biglang nanahimik ang buong sala.

“Kuya,” malambing na sabi ni Althea, “nag-aalala lang naman ako—”

“Kuya Emil,” utos ni Terrance sa butler, “ihanda ang sasakyan ng bisita.”

Gusto kong matawa pero wala akong oras ngayon, “may sarili akong driver. Nandyan lang din siya sa tabi-tabi, tatawagan ko na lang.”

Bumaba din ang byenan ko, siguro ay narinig niya ang pagsasalita ni Terrance kay Althea. Hindi na siya nagsalita, nakatingin lang siya sa’kin. 

Ngumiti ako nang bahagya sa kanya, “magandang gabi,” sabi ko.

“Aalis ka na?” tanong ni Terrance sa’kin, bakit ganun? Bakit parang ayaw niya akong paalisin o feeling lang ako? Naku, naku! Samantha! Hindi ka na nasanay sa lalaking ‘yan. 

“Opo, salamat sa tiwala. Kapag may kailangan ka, nasa R.Central Hospital lang naman ako. Sige, hindi na ako magtatagal.” nginitian ko siya ng bahagya at hindi ko na hinintay pang sumagot lahat sila, tinalikuran ko na sila. 

Pagdating ko sa apartment, sinalubong ako ng amoy ng sinigang! Sakto, marami-rami sigurong kanin ang makakain ko dahil sa pagod ko ngayong maghapon. 

“Ma’am, nandiyan na po si Sevi,” sabi ni Manang Cecil, turo niya ang kwarto, may hawak pang tuwalya. “Naglalaro kanina pero kanina pa po kayo hinahanap. Nalinisan ko na rin po.” 

“Thank you, Manang!” 

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, bumungad sa’kin ang malambing na ngiti ni Sevi. 

“Mommy!”

Tumakbo si Sevi at yumakap sa akin.

Napaupo ako at niyakap siya nang mahigpit. “Namiss ka ni Mommy, kahit pa marami tayong pag-uusapan sa ginawa mo kanina.”

“Pagod ka na naman, bukas na lang po tayo mag-usap, Mommy! Magpahinga ka po muna.” seryoso niyang sabi.

Napangiti ako. “Konti lang, okay na ako kasi kasama ko na ‘yung charger ko.” at niyakap ko siya sabay kiniliti ko dahilan kung bakit siya tawa ng tawa ngayon.

Tinitigan ko ang inosenteng mukha ng anak ko, naroon na naman ang takot ko, ang takot na parehong matagal ko ng tinatakasan. 

Paano kung malaman ni Terrance? Baka kunin niya sa’kin si Sevi at magsama-sama sila nila Althea! Baka mamaya itakas niya sa’kin, baka mamaya gawin niya sa’kin ang ginawa ko sa kanya noon pero ngayon kasama na niya ang anak ko. Hindi! Hindi pwede! Hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na ‘yun!

Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko at halos mapapikit ako. Tinapik-tapik ko siya ng bahagya na parang baby na pinapatulog ko noon. 

Hanggang sa nakatulog na si Sevi sa balikat ko. 

Kinabukasan…

Maaga kaming umalis ni Sevi. 

“Mommy,” reklamo ni Sevi sa sasakyan, “ayoko sa school. Ang ingay.”

Bumaba ako ng sasakyan para ihatid siya sa gate ng school.

“Anak,” tawa ko, “Pilipinas ’to. Maingay talaga pero aminin mo mas masaya kasi marami kang magiging kaibigan dito hindi tulad sa dati mong school.”

Pagdating sa paaralan, hinalikan ko siya sa noo.

“Susunduin kita,” pangako ko at bumalik na ako sa loob ng sasakyan nang masigurado kong nakapasok na siya. 

Nang makaalis na ako sa tapat ng school ni Sevi, hindi ko alam pero hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Para bang may matang nakatingin, parang may nagmamasid sa’kin o sa’min kanina. Kaya hininto ko ang sasakyan saglit at palinga-linga ako hanggang sa may nahagip akong isang sasakyang nakaparada hindi kalayuan sa kung nasaan ako ngayon. 

Bukas ang bintana ng sasakyan niya kaya kita ko ang mukha niya parang familiar ang mukha niya sa’kin, hindi ko lang alam kung saan ko huling nakita o nakausap, nakangiti siya habang may tinitingnan o binabasa sa cellphone niya. 

-*-

Someone’s POV

Parang si Samantha ‘yun?! Agad kong inilabas ang cellphone ko at kinuhaan ko ng litrato ang babae at isang batang lalaki na masasabi mong kamukhang-kamukha ni Terrance! Fuck! No way! How does this happen?! 

‘Wag mo sabihing may nangyari na pala sa kanila bago pa man sila maghiwalay?! Fuck that Terrance! Mahal talaga niya si Samantha noon pa man!

Nag chat agad ako kay Terrance. 

“Terrance,” I sent him a message. 

“Mukhang may anak ka na… at hindi mo alam.” this is the second message I sent. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 5 - The Questions I Refuse to Answer

    Samantha’s POVNasa gitna ako ng chart review nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Hindi ko sana papansinin, kasi sanay na akong i-off ang phone ko kapag nagtatrabaho pero may kung anong kaba sa dibdib ko na pumilit sa aking silipin ang screen.Isang mensahe lang.Mula kay Marco Villanueva, kaibigang doktor ko na minsan nang naging resident dito sa ospital nila Terrance sa R.Central, actually siya rin ang nag offer sa’kin nung una pero tinatanggihan ko sabi ko pa ay hindi pa ako handa.Binasa ko ang message niya.“Sam, nakita ka raw ni Terrance kahapon.” Nanikip ang sikmura ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang kasunod na mensahe, parang alam ko na ang kasunod. At tama nga ako.Isang litrato ang sumunod.Isang batang lalaki, may suot na asul na school uniform, maliit na backpack sa likod, at pamilyar na tindig. Ang mga mata niya ay namana niya sa kanyang Daddy, habang ang hugis naman ng mukha ay naman niya sa’kin. Si Sevi.-*-Terrance’s POVMy office is

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 4 - The One Thing I Will Never Lose

    Sa likod ni Terrance, agad kong nakita ang lumang recliner na may burdang puting antimacassar, halatang matagal nang hindi pinapalitan.At doon, nakasandal at may hawak na rosaryo sa kanang kamay, habang nakapikit at kita mo sa kanyang hirap siyang makahinga. si Madam Sylvia. Biglang nanikip ang dibdib ko.Pinilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang pagkalungkot ko bigla dahil sa mga alon na alaala. Gusto kong sabihin sa sarili kong, hindi ngayon! At hindi pwede sa bahay na ito! Kung tutuusin, natutunan ko ng magpigil ng emosyon. Pero sa lahat ng tao sa pamilyang ito, siya lang ang bukod tanging kailanman hindi ko natutunang talikuran ng puso ko. “Kung hindi mo ibabalik si Samantha sa bahay na ’to—” biglang umalingawngaw ang boses ni Madam Sylvia habang pinapalo ang hawakan ng upuan gamit ang tungkod niya, “—huwag mo na akong tawaging lola!”Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may nakasabit na salita sa kisame. Parang

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 3 - Old Wounds, Old House

    Kumunot agad ang noo ng hospital director. “Miss De Vera,” mariin niyang sabi, ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya, “please watch your words.”Tahimik ang corridor, pero ramdam ko ang biglang pagbabago ng hangin. Hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa pangalan ng babaeng kaharap namin.Si Althea. Ang balita ko ay isa na siyang sikat na artista, tinitingala. Kaya ganun na lamang niya ako tratuhin kanina dahil sa kakapalan na ng mukha niya, sanay na sanay talaga siyang mataas ang tingin sa sarili. Sandaling napatigil siya, halatang hindi inaasahan ang pagsita ng hospital director sa kanya. Pero agad din niyang itinaas ang baba niya, parang walang narinig.“Fine,” sabi niya, na parang walang pakialam. “Kung ganon, sakto naman pala. Masama ang pakiramdam ng mommy ko lately. Ikaw na ang tumingin. Don’t worry, money is not an issue.” kinindatan niya rin ako pabalik. Napangiti ako.Hindi dahil natutuwa ako.Kundi dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko.“Sorry,” sabi ko,

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 2 - The First Collision

    “You don’t have to do that, baby. Hindi ba’t sabi ko sayo. Gagawin ni Mommy lahat? So, who knows baka kaya naman ni Mommy na bilhan ka ng limited edition na car pero paglaki mo pa.” tiningnan ko siya sa rear mirror, at nahuli ko ang pag ngiti niya sa sinabi ko pero mayamaya lang ay narinig ko ang malalim na paghinga niya. Ang kaninang nakangiti ay ngayong salubong ang kilay na tiningnan din ako sa rear mirror. “Pero Mommy, hindi po ba unlimited ang card mo po.”Mahinang bulong ni Sevi, paano niya nalaman ang bagay na ‘to?“Who told you that?” mahinahong tanong ko, diretso ang tingin ko sa kalsada.“U-uhm, I heard you fighting over the phone, Mom. And nasabi mo po sa kausap mo na may nag hack ng card mo po eh unlimited yung card mo po.”Hindi ako sumagot agad. Nakatuon ang mata ko sa traffic sa harap—mabagal, halos gumagapang. Ramdam ko na namang sumisikip ang sentido ko. “Hindi unlimited,” sagot ko sa wakas, kasabay din ng pag andar ng mga sasakyan. “May limit ‘yon.”“Ah,” tumango s

  • The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed   Chapter 1 - The Night I Finally Walked Away

    “Kuya Terrance… u-uhm, okay lang ba talaga na dito muna ako mag-stay ngayong gabi?”Iyon ang unang narinig ko pagdating ko sa bahay.Nakahinto pa ang kamay ko sa door knob, gustuhin ko mang buksan agad nag pinto ngunit para bang may nagsasabing dito lang muna ako. Bahagyang nakabukas ang pinto, at mula sa siwang ay tumagos ang liwanag ng chandelier sa sala, kasabay ng isang tanawing matagal ko nang kinatatakutan pero pilit kong binabalewala noon pa man. Isang pares ng puting high heels ang maayos na nakapatong sa shoe rack.Hindi sa’kin, oo. Hindi sa’kin ang high heels na ‘yun. Huminga ako nang malalim bago tuluyang itinulak ang pinto.At doon ko sila nakita.Si Althea, ang kapatid ko sa ama, at ang babaeng pilit kong ipinagkakatiwalaan sa loob ng tatlong taon ng kasal ko, ay nakahawak sa braso ng asawa ko. Bahagya siyang nakasandal kay Terrance, parang natural na natural ang puwesto niya roon, na para bang siya ang may karapatan sa asawa ko. Hindi niya binitiwan ang braso ni Terran

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status