เข้าสู่ระบบ“You don’t have to do that, baby. Hindi ba’t sabi ko sayo. Gagawin ni Mommy lahat? So, who knows baka kaya naman ni Mommy na bilhan ka ng limited edition na car pero paglaki mo pa.” tiningnan ko siya sa rear mirror, at nahuli ko ang pag ngiti niya sa sinabi ko pero mayamaya lang ay narinig ko ang malalim na paghinga niya.
Ang kaninang nakangiti ay ngayong salubong ang kilay na tiningnan din ako sa rear mirror. “Pero Mommy, hindi po ba unlimited ang card mo po.”
Mahinang bulong ni Sevi, paano niya nalaman ang bagay na ‘to?
“Who told you that?” mahinahong tanong ko, diretso ang tingin ko sa kalsada.
“U-uhm, I heard you fighting over the phone, Mom. And nasabi mo po sa kausap mo na may nag hack ng card mo po eh unlimited yung card mo po.”
Hindi ako sumagot agad. Nakatuon ang mata ko sa traffic sa harap—mabagal, halos gumagapang. Ramdam ko na namang sumisikip ang sentido ko.
“Hindi unlimited,” sagot ko sa wakas, kasabay din ng pag andar ng mga sasakyan. “May limit ‘yon.”
“Ah,” tumango siya, saka muling bumulong, “kasi si Tita Althea—”
“Sevi.”
“—na-hack na niya dati, ‘di ba? Siya po ba ‘yung nag hack ng card mo po?”
Napahigpit ang hawak ko sa manibela. “Ano’ng sinasabi mo?” para akong mawawalan ng pasensya.
Umupo siya nang diretso, para bang mahaba-haba ang sasabihin niya sa’kin at talagang umupo pa siya ng maayos bago magsalita. “Last year po, bumili siya ng super mahal na jade chessboard sa auction po. Fake po pala. Hindi niya po sinabi sa’yo. Buti na lang po nabenta ko ulit online. May profit pa po tayo. One million po ‘yun.”
Sandaling natahimik ang loob ng sasakyan.
“Sevi,” mahinahon kong sabi, kahit ramdam ko ang pagpitik ng ugat ko, “turning five years old ka pa lang. Anong mga pinagsasabi mo at saan nang galing ‘yan?”
Ngumiti siya, and it creep me out! Parang hindi four years old ang kausap ko. “Early maturity po.”
Napabuntong-hininga ako.
Kung may magpapabaliw talaga sa akin, anak ko iyon.
Pagkatapos kong iabot kay Terrance ang divorce papers limang taon na ang nakalipas, umalis ako ng bansa para mag-aral at magtrabaho sa ibang bansa. Hindi ko inakala na mabubuntis ako, lalo na’t sa gabing iyon pa.
Isang dahilan para manatiling matatag, ayun ang itinatak ko sa isip ko nung oras na ‘yun.
Noong una, sobrang bait ni Sevi. Tahimik. Matalino. Pero pagsapit ng apat, doon ko na nakita ang tunay na siya, matalas ang isip, mabilis magbasa ng tao, at masyado siyang creative na bata bagay na ikinatuwa ko dahil ang dami niyang nalalaman sa murang edad.
Siya ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng bumagsak, lalo na ngayon na gusto niya ng Aston Martin na limited edition na sasakyan. Kidding aside, sobrang swerte kong meron akong siya.
Medyo bumibilis na ang andar ng mga sasakyan. Nakababa na kami ng overpass at papunta na sana sa temporary apartment namin nang biglang tumayo si Sevi sa upuan at binuksan agad agad ang bintana ng sasakyan.
“Mommy! Look!”
“Sevi—!”
Nakita kong sumilip siya sa bintana, halos kalahati na ng ulo niya ang nasa labas.
“Bumalik ka diyan!”
Pero huli na.
Nabaling ang atensyon ko sa kanya—isang segundo lang—pero sapat na para dumulas ang kamay ko sa manibela.
Isang malakas na tunog ang yumanig sa sasakyan.
Napapikit ako, para akong nahilo sa sobrang lakas ng impak ng pagkakabangga namin.
Pagmulat ko, isang limited-edition Aston Martin ang nasa harap namin.
Ang parehong kotse na kanina pa sinasamba ng anak ko.
Bumaling agad ako sa likuran kung nasaan ang anak ko, at nang makita kong maayos siya ay nakahinga ako ng maluwag. Dahan-dahan siyang umupo, saka nagkunwaring nasasaktan.
“Mommy… sorry po. M-may pambayad ba tayo?”
“Anong ibig mong sabihin? Anak naman, ayan agad ang tanong mo. Hindi mo manlang ba tatanungin si Mommy kung okay lang ako?”
“Eh kasi mommy, okay ka naman po. Kung wala… pwede mo akong ibenta.”
Tiningnan ko siya ng masama. “Pag-uwi natin, kakausapin kita.”
Bumukas ang bintana ng Aston Martin.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, dito pa kami talaga magkikita sa ganito pang sitwasyon.
Parang huminto ang mundo.
Limang taon. Limang taon mula nang huli ko siyang makita—pero ang aura niya, ganoon pa rin. Malamig. Matalim. Parang kaya niyang sakupin ang buong kalsada nang hindi nagsasalita.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Isang segundo lang ‘yun pero sapat na para bumalik ang lahat.
Isinara ko agad ang pinto, inistart ang makina, at inapakan ang gas.
“Mommy?” naguguluhang tanong ni Sevi.
Hindi ako sumagot.
Sa side mirror, nakita kong nanatili ang kotse niya sa gitna ng traffic, parang multong hindi ko kayang harapin.
Hit-and-run ang ginawa ko, oo. At wala akong pakialam! Wala akong balak bumalik para makipag areglo o ano.
Magaling ako sa ganito! Sanay na akong takasan siya. At ano ba naman ang isang gasgas sa kotse niya? Kayang-kaya na niyang ipagawa ‘yun!
Nakalayo na kami, ang eksena sa isip ko ang nagtatalo, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kakauwi lang namin ng Pinas pero ang dami ng nangyari.
Pagdating sa apartment, iniwan ko si Sevi sa yaya na kakilala lang din ni Kuya Bert at agad akong nagtungo sa hospital, sinigurado ko munang walang galos o walang masakit sa anak ko bago ako umalis.
Nang makarating ako ng R. Central Hospital, sinalubong na ako ng direktor. Halata mo sa kanya ang pagkabalisa, pawisan, at hihingal-hingal pa.
“Doc,” halos pabulong niyang sabi, hindi ko na inisip kung paano niyang nalaman na ako si Doc. S. nagfocus na lang muna ako sa kailangan ako ng pasyente. “Lumala bigla ang kondisyon ng pasyente. Nag-issue na kami ng critical notice. Hindi tumitigil ang internal bleeding.”
Hinawakan ko ang balikat niya. “Huminahon ka,” sambit ko agad dahil hindi kami pwedeng umarte ng ganito, kailan compose pa rin kami dahil ang trabaho namin ay makapagpagaling ng pasyente. “Nandito na ako.” sabi ko pa at dumiretso na kami sa loob ng operating room.
Alam ko ang kaso, bago pa man ako umuwi ay inaral ko na ito. Masyadong risky, pero hindi imposible.
Nang isuot ko ang surgical gown at mask, naramdaman ko ang pamilyar na katahimikan, ito lang yung katahimikan na gugustuhin kong puntahan lagi dahil dito malinaw ang isip ko.
“Magtiwala tayo sa isa’t-isa,” sabi ko sa team. “Gagawin natin ang best natin, okay?”
Unti-unti naman silang nagtanguan, at ang iba naman ay alangan sumagot.
“We trust your hands, Doc. S.” sabi naman ng isa operating room nurse.
Pitong oras ang operasyon.
Lahat sila nakahinga ng maluwag nang matapos, pasado ala-una na ng hapon.
“Stable na,” sabi ko. “Observe for twenty-four hours.”
“The best ka talaga, Doc!” chorus pa nilang sambit sa’kin.
“The best tayong lahat! Thank you, team!” Nginitian ko lahat sila at lumabas na ako ng operating room.
Habang naglalakad ako papuntang restroom, may biglang bumangga sa akin.
“Hindi ka ba tumitingin?!”
Isang matinis na boses.
Pagtingin ko—ang kapatid ko. Si Althea.
Mukhang mas mahal pa ang suot niya kaysa sa buong sahig ng ospital.
Ngumiti ako.
Talagang malas ang araw na ito, lahat ng ayaw kong makita, nakikita ko.
“Bagong nurse ka?” mapanlait niyang tanong, sinusuri ang mukha kong tinakpan ng freckles at makeup. Ibang-iba ang ayos ko ngayon, sa ayos ko noon. Bago ko pa nalamang uuwi ako ng Pinas, pinaghandaan ko na talaga ang sarili ko. “Ang pangit mo naman. Huwag ka na lang lumabas, nananakot ka ng pasyente.”
Hinawakan ko ang pisngi ko, kunwari’y nag-iisip. “Sinong may pakielam? Ikaw? ‘Di ka naman importante.” inirapan ko siya at magtutuloy na sana ako sa paglalakad ngunit habol-habol pa rin niya ako.
“Anong karapatan mong sumagot?!” singhal niya. “Tumigil ka sa paglalakad! Baka ipatanggal kita dito!”
“Ay? So? Hindi naman ako ang mawawalan.” nginisian ko siya at tinaasan ko pa ng kilay. “Am I really a big threat to you that you are so scared of me being around you again?” nakakatuwa lang na para bang ang laki ng pinagbago ko para hindi niya ako makilala. Pero okay lang, ito ang gusto ko.
Nanlisik ang mata niya sa sinabi ko. Dapat lang! At ayun ang goal ko. “Anong sinabi mo?! Kilala mo ba ako?”
“Miss De Vera,” biglang singit ng hospital director, halos matumba sa pagmamadali. “Si Doc. S. po ‘yan, isa sa pinakamagaling na Doctor sa Europe, buti na lamang at tinanggap niya ang offer natin kaya siya ang lead surgeon na ng R.Central Hospital.”
“Doc. S?!” napatingin siya ulit sa akin. At doon, halos lumuwa na ang mga mata niya sa gulat.
“I-Ikaw si Doc. S.?!” Hindi niya akalain na ang Doc. S. na tinatawag at kilalang-kilala sa medical field ay ang kapatid niyang inagawan niya ng asawa.
“Opo,” sagot ko, diretso ang tingin. “Ako si Sam Reyes .” Pakilala ko, kinindatan ko siya. Hindi ko sinabi ang tunay kong pangalan, hindi pa sa ngayon.
Samantha’s POVNasa gitna ako ng chart review nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Hindi ko sana papansinin, kasi sanay na akong i-off ang phone ko kapag nagtatrabaho pero may kung anong kaba sa dibdib ko na pumilit sa aking silipin ang screen.Isang mensahe lang.Mula kay Marco Villanueva, kaibigang doktor ko na minsan nang naging resident dito sa ospital nila Terrance sa R.Central, actually siya rin ang nag offer sa’kin nung una pero tinatanggihan ko sabi ko pa ay hindi pa ako handa.Binasa ko ang message niya.“Sam, nakita ka raw ni Terrance kahapon.” Nanikip ang sikmura ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang kasunod na mensahe, parang alam ko na ang kasunod. At tama nga ako.Isang litrato ang sumunod.Isang batang lalaki, may suot na asul na school uniform, maliit na backpack sa likod, at pamilyar na tindig. Ang mga mata niya ay namana niya sa kanyang Daddy, habang ang hugis naman ng mukha ay naman niya sa’kin. Si Sevi.-*-Terrance’s POVMy office is
Sa likod ni Terrance, agad kong nakita ang lumang recliner na may burdang puting antimacassar, halatang matagal nang hindi pinapalitan.At doon, nakasandal at may hawak na rosaryo sa kanang kamay, habang nakapikit at kita mo sa kanyang hirap siyang makahinga. si Madam Sylvia. Biglang nanikip ang dibdib ko.Pinilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang pagkalungkot ko bigla dahil sa mga alon na alaala. Gusto kong sabihin sa sarili kong, hindi ngayon! At hindi pwede sa bahay na ito! Kung tutuusin, natutunan ko ng magpigil ng emosyon. Pero sa lahat ng tao sa pamilyang ito, siya lang ang bukod tanging kailanman hindi ko natutunang talikuran ng puso ko. “Kung hindi mo ibabalik si Samantha sa bahay na ’to—” biglang umalingawngaw ang boses ni Madam Sylvia habang pinapalo ang hawakan ng upuan gamit ang tungkod niya, “—huwag mo na akong tawaging lola!”Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may nakasabit na salita sa kisame. Parang
Kumunot agad ang noo ng hospital director. “Miss De Vera,” mariin niyang sabi, ramdam ko ang pigil na galit sa boses niya, “please watch your words.”Tahimik ang corridor, pero ramdam ko ang biglang pagbabago ng hangin. Hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa pangalan ng babaeng kaharap namin.Si Althea. Ang balita ko ay isa na siyang sikat na artista, tinitingala. Kaya ganun na lamang niya ako tratuhin kanina dahil sa kakapalan na ng mukha niya, sanay na sanay talaga siyang mataas ang tingin sa sarili. Sandaling napatigil siya, halatang hindi inaasahan ang pagsita ng hospital director sa kanya. Pero agad din niyang itinaas ang baba niya, parang walang narinig.“Fine,” sabi niya, na parang walang pakialam. “Kung ganon, sakto naman pala. Masama ang pakiramdam ng mommy ko lately. Ikaw na ang tumingin. Don’t worry, money is not an issue.” kinindatan niya rin ako pabalik. Napangiti ako.Hindi dahil natutuwa ako.Kundi dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko.“Sorry,” sabi ko,
“You don’t have to do that, baby. Hindi ba’t sabi ko sayo. Gagawin ni Mommy lahat? So, who knows baka kaya naman ni Mommy na bilhan ka ng limited edition na car pero paglaki mo pa.” tiningnan ko siya sa rear mirror, at nahuli ko ang pag ngiti niya sa sinabi ko pero mayamaya lang ay narinig ko ang malalim na paghinga niya. Ang kaninang nakangiti ay ngayong salubong ang kilay na tiningnan din ako sa rear mirror. “Pero Mommy, hindi po ba unlimited ang card mo po.”Mahinang bulong ni Sevi, paano niya nalaman ang bagay na ‘to?“Who told you that?” mahinahong tanong ko, diretso ang tingin ko sa kalsada.“U-uhm, I heard you fighting over the phone, Mom. And nasabi mo po sa kausap mo na may nag hack ng card mo po eh unlimited yung card mo po.”Hindi ako sumagot agad. Nakatuon ang mata ko sa traffic sa harap—mabagal, halos gumagapang. Ramdam ko na namang sumisikip ang sentido ko. “Hindi unlimited,” sagot ko sa wakas, kasabay din ng pag andar ng mga sasakyan. “May limit ‘yon.”“Ah,” tumango s
“Kuya Terrance… u-uhm, okay lang ba talaga na dito muna ako mag-stay ngayong gabi?”Iyon ang unang narinig ko pagdating ko sa bahay.Nakahinto pa ang kamay ko sa door knob, gustuhin ko mang buksan agad nag pinto ngunit para bang may nagsasabing dito lang muna ako. Bahagyang nakabukas ang pinto, at mula sa siwang ay tumagos ang liwanag ng chandelier sa sala, kasabay ng isang tanawing matagal ko nang kinatatakutan pero pilit kong binabalewala noon pa man. Isang pares ng puting high heels ang maayos na nakapatong sa shoe rack.Hindi sa’kin, oo. Hindi sa’kin ang high heels na ‘yun. Huminga ako nang malalim bago tuluyang itinulak ang pinto.At doon ko sila nakita.Si Althea, ang kapatid ko sa ama, at ang babaeng pilit kong ipinagkakatiwalaan sa loob ng tatlong taon ng kasal ko, ay nakahawak sa braso ng asawa ko. Bahagya siyang nakasandal kay Terrance, parang natural na natural ang puwesto niya roon, na para bang siya ang may karapatan sa asawa ko. Hindi niya binitiwan ang braso ni Terran







