Share

Chapter Four

“Our marriage license has been settled,” panimula pa ni Cohen.

Ngayon kilala na ni Sierra kung sino ang baliw na lalaki sa harapan niya. Itinaas niya ang kamay na animo’y nasa klase. Ayaw niyang magkamali ng galaw dahil buhay niya ang nakasasalalay dito. Matapos nilang mag-usap kagabi ay pinabalik siya sa kwarto kung saan siya kinulong at doon siya natulog. Nagising siya at naligo nang makitang may damit sa kama, it was a plain shirt and denim shorts, it perfectly fits with her.

“Ang marriage licence ba natin ay valid? Di ba kasal ka?” wika ni Sierra sa wikang nihongo.

“Yeah, but my marriage with Larissa was already divorced. When she left, may iniwan siyang papeles. I signed it at ipinasa ko sa korte and now our marriage isn’t valid anymore.”  

Tumango si Sierra, “So our marriage is real? It won’t be a fake one?”

Tinaasan siya ng kilay ni Cohen, “Of course. So don’t you dare cheat on me? I will make sure that your lover will be dead in just a snap.”

Umirap si Sierra, “I don’t even have a boyfriend.”

“Then that’s good. I will let you meet Yuto today, so you better do well,” pagbabanta pa nito habang ang mga nito ay abala pa rin sa pagsusuri sa papel na hawak nito.

Ngumuso si Sierra at bumulong na parang bubuyog, “Malamang sa malamang. Isang pagkakamali ko lang todas agad ako. Ang swerte ko talaga sa buhay.”

“You’re saying something?” binaba ni Cohen ang hawak na papeles at tinignan si Sierra. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

“Nothing!” hilaw na ngumiti pa si Sierra.

“Anyway, let me clear it to you. Your job is to take care of Yuto and make sure he is happy, that is all I want. You must make Yuto as your top priority and make sure Yuto is always safe,” huminto ang lalaki at tinitigan si Sierra. “Don’t ever escape, I will not tolerate your stupidity. And don’t ever put Yuto at risk.”

“If Yuto is my top priority. Why do I have to marry you?” halos pabulong na wika niya.

Nagkibit-balikat lang ang lalaki, “Just… don’t ask questions. Anyway, what you see and hear here must remain here. You know the consequence right?”

She squinted her eyes, “As If naman gagawin ko ‘yun.”

“Are you saying something?”

Umiling ang dalaga, “Wala-- I mean nothing.”

Tumunog ang tiyan ni Sierra, nanlaki ang mata niya sa gulat at namula ang buong mukha niya sa hiya. Kagabi pa kasi siya hindi kumakain. Gusto niyang magpalamon sa hiya, tumikhim si Sierra at nag iwas ng tingin.

“Let’s go. I forgot to feed you last night,” he said and then he stood up and walked towards Sierra.

Tumayo si Sierra bagamat nakatayo na siya ay sobrang tangkad pa rin ng lalaki at malayo pa rin ang agwat ng height nila. Hinawakan ng lalaki ang palapulsuhan ni Sierra, nagpatianod naman ang dalaga at hinayaan ang lalaki na hilahin siya.

Bumaba sila sa first floor, laking gulat ng dalaga na mayroong elevator sa loob ng bahay. Natuwa na rin siya dahil nakakatamad maglakad sa hagdan, nasa pinakahuling palapag sila ng bahay, iniimagine pa lang niya ay pagod na pagod na siya.

Dumiretso sila sa kusina at nadatnan nila si Yuto na umiiyak, isa sa mga tauhan ni Cohen ang nagpapatahan sa bata pero ayaw tumigil sa kakaiyak ni Yuto.

“Mama! Gusto ko ang Mama ko!” palahaw ng bata sa wikang nihongo.

Parang tinususok naman ang puso ni Sierra sa nakita. Naaalala niya ang sarili niya noong pumanaw ang tatay niya. Wala siyang tigil sa pag-iyak, masakit lumaking walang magulang. Kaya nasasaktan siya na makita si Yuto na umiiyak.

“Yuto,” malambing na tawag niya sa bata.

Awtomatikong huminto sa pag-iyak si Yuto at lumingon kung nasaan si Sierra. Namumula ang magkabilang pisngi ng bata at mas lalong naging singkit ang mga mata nito dahil sa pag-iyak, Ganun paman ay napalitan ng malaking ngiti ang ekspresyon ng bata nang makita si Sierra.

“Mama!”

Binaba ng tauhan ni Cohen si Yuto mula sa high chair nito. Tumakbo ang bata papunta kay Sierra at mabilis na niyakap ang dalaga. Bumitaw si Cohen mula sa pagkakahawak kay Sierra. Kaya kinarga agad ng dalaga ang bata-- o mas dapat tawagin na anak niya. Oo, anak niya dahil pinalitan ng pangalan niya sa registry ang pangalan ng datting asawa ni Cohen. She is now the mother of Yuto and the wife of Cohen.

“Hi, Baby.”

Hinalikan pa ni Sierra sa pisngi si Yuto at yumakap naman ang bata sa kanya.

“Let’s eat first,” biglang wika ni Cohen. “Yuto, let Mama eat first.”

Umiling ang bata at matapang natinignan ang ama, “No.”

“Yuto,” pagbabanta ni Cohen sa anak.

“No! Mama is mine! Mama, mine!” matigas na wika ng bata.

“Hayaan mo na,” wika ni Sierra sa nihongo. Nanghihina na siya sa gutom at kung makikipagtigasan pa si Cohen sa anak nito ay mas lalo lang matatagalan. “I will feed him. I am sure he won’t settle down.”

Cohen sighed, “Fine. Suit yourself.”

Buong araw ay hindi bumitaw si Yuto kay Sierra, para itong tuko na nakadikit sa kanya. Ultimo pagbabanyo ay dapat nakabantay ito sa pintuan. Kahit na magkatabi sila ng bata ay nakahawak pa rin ito sa kamay niya. Buong araw silang naglaro ng bata, tinuruan niya rin ng kung anu-anong laro ang bata dahil bored na bored na rin siya.

Buong araw rin wala si Cohen, matapos mag-agahan ay umalis ito at paminsan-minsan ay tumatawag ito sa mga tauhan nito at minomonitor ang galaw nila ni Yuto.

“Mama, let’s sleep together! I miss Mama!” malambing na wika ni Yuto at nakasiksik na naman sa leeg ni Sierra.

Napabuntong hininga si Sierra, “Fine. Tabi tayo--”

“Yuto,” isang tinig ng lalaki ang nagpahinto sa paghinga ni Sierra.

Pumasok si Cohen sa kwarto ni  Yuto, nakasuot lang ito ng boxers at puting t-shirt.

“W-what are you doing here?” pabulong na na wika ni Sierra.

She couldn’t help but admire-- she shook her head vehemently. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya.

“This is my home. So I supposed I should be here,”

“Papa!” masiglang wika naman ni Yuto pero nakayakap pa rin ka Sierra.

Kumunot ang noo ni Cohen, “Won’t Papa get a hug?”

“Papa let’s sleep together! Me, Mama and Papa!” pumalakpak pa si Yuto.

“Okay,” tipid na wika ni Cohen.

Napatingin si Sierra sa asawa, “Ano?! Why would you sleep here! T-the bed is small!”

Naglakad papalapit si Cohen at biglang sumampa sa kama, “My son told me to sleep here so let’s sleep together, Wife.” Bumaling si Cohen sa anak, “Right, Yuto?”

“Mama mo, Wife!”

Tumango-tango pa si Yuto, “Papa, hug!”

Lumapit si Cohen nang bahagya, niyakap ni Yuto ang ama habang ang isang kamay naman ng bata ay nakakapit pa rin sa batok ni Sierra. Biglang kinabig ng bata ang ama.

Napasinghap si Sierra nang halos dumikit na ang mga mukha nila ni Cohen, napalunok siya sa takot pero mabilis na kumilos ang kamay niya at itinulak ang mukha ni Cohen.

“Matulog na tayo. Good night!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status