Beranda / Romance / The Billionaire's Surrogate Bride / CHAPTER 18 — The Silent Morning

Share

CHAPTER 18 — The Silent Morning

Penulis: GennWrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-28 14:52:48

NAGISING si Solenne nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatawa sa kanyang mukha mula sa bintana na bahagyang nakaluhod ang makapal na kurtina. Namumugto ang kanyang mga mata, mamula-mula ang gilid ng labi na kagabi lamang ay marahas na kinagat. Maputla ang balat, nanginginig ang mga daliri, at mabigat ang dibdib. Parang bawat paghinga niya ay may kasamang pira-pirasong sakit na hindi niya mailarawan.

Kagabi, muling binura ni Caelum ang lahat ng natitira niyang lakas. Hindi lang katawan ang pagod kay Solenne ng mga sandaling iyon kundi pati maging kaluluwa.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at sa unang iglap ay napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama. Wala na roon si Caelum. Ang tanging naiwan lang ay ang amoy ng mamahaling cologne nito at ang marka ng presensya sa bawat sulok ng kwarto.

Napakagat-labi si Solenne, agad na napayakap sa sarili. Kahit wala na ito, ramdam niya pa rin niya sa sarili ang haplos nito, ang mainit na halik, at marahas na pag-angkin

“Diyo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 22 — I don't stop until I win

    TAHIMIK pa rin na nakatayo si Caelum sa harap ng bintana, hawak ang baso ng whiskey. Ang madilim na kapaligiran sa labas ay parang sariling repleksyon ng damdamin niya, mapanganib, malawak, at walang kasiguraduhan.Samantala, nakaupo si Solenne sa kama, mahigpit na nakapulupot sa kumot na para bang iyon na lamang ang natitirang proteksiyon niya laban sa lalaking nasa iisang silid. Ang dibdib niya ay mabilis pa rin ang pag-angat-baba, at ang luhang pinipigil ay patuloy na nagbabantang pumatak.Ilang sandali na walang nagsalita ang namagitan sa kanila. Hanggang sa muling magsalita si Caelum, malamig ngunit may lalim na parang nagmumula sa pinakailalim ng kanyang dibdib.“You can hate me all you want,” ani nito, hindi tumitingin sa kanya. “But you’ll still carry my heir. And when that time comes, you’ll realize… no one else will own you but me.”Napakagat-labi si Solenne, pinipigilan na muling umiyak. Gusto niyang sumagot, gusto niyang ipagsigawan na hindi siya kailanman magiging pagmama

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 21 — Shackled Desires

    MAINIT ang katahimikan ng mansyon nang sumapit ang gabi. Sa labas, maririnig ang mahinang ugong ng mga sasakyan na nagdaraan sa exclusive subdivision, pero sa loob ng mga pader ng Valtieri estate ay tila walang ibang tunog maliban sa mahinang tik-tak ng antique clock sa hallway.Nasa silid si Solenne, nakaupo sa gilid ng kama, nakasuot ng simpleng silk robe na iniabot sa kanya ng maid kanina. Nakapulupot ito sa katawan niya, mahigpit ang kapit ng mga daliri sa tela, para bang iyon na lang ang natitirang pananggalang niya laban sa malamig na presensya ng lalaking nagmamay-ari ng lahat ng nakikita niya.Ang ilaw ng lampshade ay banayad, nagbigay ng warm light nanlalo pang nagpalutang sa kanyang maputlang balat. Pinilit niyang kalmahin ang sarili, pero ang dibdib niya’y mabilis ang pag-angat-baba, tanda ng kaba at pangamba.Ilang sandali pa'y narinig niya ang mahinang pagbukas ng pinto. At doon, dahan-dahang pumasok si Caelum, nakasuot pa ng dark navy shirt na nakabukas ang tatlong buto

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 20 — The Cage of Morning

    MABIGAT ang pakiramdam ni Solenne nang magising siya. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakapulupot sa kanyang baywang, mainit at mabigat, para bang isang tanikala na pumipigil sa kanya para makagalaw. Nanigas ang kanyang katawan at dahan-dahang iminulat ang mga mata.Halos atakihin siya ng kaba nang makita niya kung sino ang nakahiga sa tabi niya. Si Caelum.Nakaharap ito sa kanya, nakapikit pa, mahaba ang pilik na tila perpektong iginuhit, matangos ang ilong, matalim kahit hindi nakadilat ang mga mata. Ang labi nitong pula at mamasa-masa ay bahagyang nakabuka, halos inosente ang ekspresyon habang natutulog. Para itong anghel kung tititigan lang. Pero alam ni Solenne at ramdam ng bawat himaymay ng katawan niya, na sa likod ng mukhang iyon ay isang halimaw na paulit-ulit na kumikitil sa kanyang kalayaan.Gusto niyang kumawala. Gusto niyang igalaw ang katawan, bumangon at tumakbo palayo. Pero natatakot siyang magising ito. Naramdaman niya ang tibok ng pu

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 19 — The Weight of Power

    MAAGANG dumating si Caelum sa Valtieri Global Tower, isang makabagong gusali na halos salamin ang kabuuan, nakatayo sa gitna ng Makati Central Business District. Ang kanyang itim na Rolls Royce ay huminto sa harap ng private entrance, at agad na lumapit ang mga security personnel para salubungin siya. Tahimik lang siyang bumaba, suot ang dark tailored Armani suit, white dress shirt, at simpleng black tie. Ang bawat hakbang niya sa lobby ay nagdadala ng bigat na parang lahat ng mata ay napipilitang sumunod sa kanyang presensya.“Good morning, Mr. Valtieri,” sabay-sabay na bati ng mga empleyado na nasa lobby. Tumango lang siya ng bahagya, hindi man lang lumingon nang diretso.Sa loob ng elevator, naroon ang secretary niya—si Alec Cruz, mid-thirties, sharp dresser, laging may dala-dalang tablet at planner. Loyal kay Caelum, mabilis kumilos, at alam kung paano mag-adjust sa mood ng kanyang boss.“Sir, here’s your schedule today,” panimula ni Alaric habang nakatayo nang tuwid. “Nine AM boa

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 18 — The Silent Morning

    NAGISING si Solenne nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatawa sa kanyang mukha mula sa bintana na bahagyang nakaluhod ang makapal na kurtina. Namumugto ang kanyang mga mata, mamula-mula ang gilid ng labi na kagabi lamang ay marahas na kinagat. Maputla ang balat, nanginginig ang mga daliri, at mabigat ang dibdib. Parang bawat paghinga niya ay may kasamang pira-pirasong sakit na hindi niya mailarawan.Kagabi, muling binura ni Caelum ang lahat ng natitira niyang lakas. Hindi lang katawan ang pagod kay Solenne ng mga sandaling iyon kundi pati maging kaluluwa.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at sa unang iglap ay napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama. Wala na roon si Caelum. Ang tanging naiwan lang ay ang amoy ng mamahaling cologne nito at ang marka ng presensya sa bawat sulok ng kwarto.Napakagat-labi si Solenne, agad na napayakap sa sarili. Kahit wala na ito, ramdam niya pa rin niya sa sarili ang haplos nito, ang mainit na halik, at marahas na pag-angkin“Diyo

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 17 — Midnight Possession

    NAKAKABINGI ang katahimikan ng mansyon nang bumalik si Caelum bandang hatinggabi. Tahimik na nakatayo ang mga guard sa gilid ng hallway, at bawat yapak ng kanyang mamahaling leather shoes ay lumilikha ng malamlam na tunog sa marble floor. Nakasuot pa rin siya ng dark charcoal suit mula sa business meeting kanina, bahagyang nakaluwag ang necktie, at ang ilang butones ng kanyang crisp white polo ay nakabukas na, pinapakita ang manipis na linya ng kanyang dibdib. Pagod ang itsura, pero higit pa roon ay may dala siyang presensiyang mabigat at nangingibabaw.Sa bawat hakbang papunta sa master’s bedroom, ramdam niya ang pag-init ng dugo. Matagal na siyang hindi nakauwi nang ganito ka-late, pero ngayong naroon siya, alam niyang may ibang dahilan kung bakit nanunumbalik ang init ng katawan niya—si Solenne.Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang malabong ilaw mula sa lampshade. Doon, sa gitna ng malaking kama, nakahiga ang babae. Naka-red satin nightgown ito, manipis, halos dumidikit sa bal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status