Share

The Billionaire's Sweet Redemption
The Billionaire's Sweet Redemption
Author: viscountress

Chapter One

A HUGE 'GS CORP' ang nakasaulat sa harapan ng isang malaking building. Labas masok ang mga taong base sa kasuotan ay malamang na nagtatrabaho sa naturang building.

It was huge and modern. Sobrang ganda tingnan rito sa labas.

I inhaled deeply bago mariin na hinawakan ang strap ng bag ko. Bumuga ako ng marahas na hangin bago tumungo sa malaking entrance ng kompanya. A guard saw me coming kaya naman agad niya akong hinarangan.

"Saan po kayo, maam?"

Ipinakita ko sa kanya ang Flyer na dala ko. Tiningnan niya lang ang flyer bago bumuntong hininga at hinayaan akong makapasok.

"Last floor Maam."

"T-thank you po."

Tumango lang ang guardiya. Tumuloy ako sa loob at namamanghang napatingin sa kabuuan ng looby.

Nasa lobby pa lang ako pero ang ganda na ng interior. Halatang mayaman na mayaman ang nag mamay ari. Dumeretso ako sa isa sa mga elevator, sakto naman na paglapit ko may bumukas, lumabas doon ang mga empleyado mula sa itaas, hinintay ko muna silang makalabas lahat bago ako pumasok.

Ako lang ang mag isang pumasok. Napatingin pa nga ang ibang kakalabas lang na empleyado sa akin ng sumakay ako. Yung iba tinaasan pa ako ng kilay, pero wala naman akong narinig na salita mula sa kanila.

They judged me silently. Base on how they look at me.

Hindi ko na lang ininda at hinayaan ang elevator na magsara. Holding the red flyer, praying and hoping for a good result. Hindi pa ako graduate, soon will be. I just need to pay the tuition and Im up to go.

Iyon lang ang habol ko. Ang makapagtrabaho ng part time para sa tuition fee ko.

NANG TUMUNOG ANG bell ng elevator hudyat ng pagkarating ko sa naturang floor na sinabi ng gwardiya, nanumbalik sa kasalukuyan ang isip ko. Bumukas ang elevator, tahimik ang buong floor ng lumabas ako, wala akong nakikitang niisang tao o staff man lang, kahit nga janitor e wala.

Mabilis kong tinungo ang nag iisang pinto, habang binabaybay ang hallway napapaisip ako. Theres supposed to be someone to cater me inside the company, isa sa mga staff ng HR o kaya'y kahit janitor man lang sasalubong sa akin. Para igiya ako sa opisina kung saan gaganapin ang interview o exam kung meron man.

Ang dulo nitong hallway na dinadaanan ko ay pinto na, it was a transparent door. Pero wala akong makitang tao.

"Who are you?"

Napapitlag ako ng biglang may magsalita. I turned around and saw a man standing behind me.

Hindi ko siya napansin, wala akong nakitang tao maliban sa sarili rito sa floor. Saan siya galing?

"Did I startle you?"

Lumunok ako ng marahan. Nakapwesto ang kaliwa kong palad sa dibdib ko. Nahulog din ang flyer na hawak hawak ko kanina pa. Pansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa flyer na ngayon ay nasa sahig na.

"O-opo," I inhaled deeply.

"Did you recieved that?"

"H-hindi po, binigay po 'yan ng kaibigan ko. N-naghahanap po kasi a-ako ng trabaho,"

He nod his head. Napaatras pa ako ng kaunti ng bigla na lamang siyang yumukod at kinuha ang flyer na nasa sahig his other hand was inside his trouser's pocket. Nang muli siyang tumayo ng maayos inabot niya sa akin ang flyer.

"Tell me about yourself, Madam. But before that, follow me."

"I'M CURRENTLY STUDYING in Mendoza University, taking up office administration. Graduating." Kinakabahan ako habang nakatingin sa kanya. I sitted on a single chair in the middle of the office. Wala akong masyadong nakikitang gamit maliban, sa isang puting sofa, ang single chair na inuupuan ko, isang estante na puno ng libro, lamesa niya na may nakapatong na mga papeles kasama na ang name plate niya, it was written in italic font stating his name 'Terrence Salazar'. And his swivel chair. His room painted in black and white, majority white, maliit na detalye lang ang itim na pintura. And huge window behind him. Kitang kita ang nagtatayugang building sa labas pati na ang maaliwalas na langit.

"Your still studying, are you going to take the part time?"

"Yes sir, I badly want this. Bayaran na po ng tuition. Kapag hindi ko nabayaran hindi ako makamartsa. After the graduation po, I can do the full time."

"Why did your previous employer dismissed you?"

"Ang sabi po sa'kin mahina po ang kita ng restaurant, kailangan pong magbawas ng empleyado,"

"Okay, now I want to explain to you about the red flyer..." Tumayo siya at hinarap ang malaking bintana na nasa likuran niya. "That flyer means something Ms?"

"Eliz Montecillo, sir"

"Ms. Montecillo, I commanded my worker to give this flyer to some random people, and I guess supposedly your friend should be here and not you..."

Saglit siyang huminto.

"But seems like she's not interested in this job offer and she gave the flyer to you,"

Lihim akong bumuntong hininga. Mula pa kanina ramdam na ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya sa akin.

"I want to offer you something..."

He turned around and face me.

Mariin niya akong tinitigan.

"Maliban sa sahod na makukuha mo buwan-buwan, magkakaroon ka ng sarili mong condo unit at sasakyan, aside from that you'll get a complete government benefits, just one thing Ms. Montecillo..."

"A-ano po 'yun?"

He leaned forward, narinig ko ang pagbukas ng drawer, kasunod niyon ang paglabas niya ng isang papel at kahitang kahon na kulay pula.

"This is a marriage contract, if you'll sign this you'll get those exquisite benefits..."

"P-po?" Hindi makapaniwala kong tanong. Tama ba pagkakarinig ko?

"Yes, you heard it right. But it's still up to you. If you'll refuse of course hindi kita pipilitin, and you'll never get the benefits,"

He stand straight and look at me intensely. Hindi naman ako nagpatalo. Sinalubong ko ang tingin niya.

"Think it twice, Ms. Montecillo"

Kapag tinanggap ko ang proposal na ito, there's a possibility that my life will change in an instant. Mababayaran na ang tuition fee ko, magkakaroon ako ng sarili kong tirahan, hindi na ako makikitira kay Gwen. Hindi na ako magiging pabigat sa kanya.

I'll have my own condo and car plus the tuition fee will be paid whole. Makakamartsa ako sa marso.

I close my eyes tightly. Bihira lang ang ganitong pagkakataon. If I let it slide would I be able to graduate? Hindi. Posibleng hindi. Hindi ko matutupad ang pinangako ko kay mama.

I inhaled deeply. Nang buksan ko ang mga mata ko ang gwapong mukha ni Mr. Terrence Salazar ang bumungad sa akin.

"O-okay,"

"Okay what? Do you accept my offer?"

Lumunok pa ako ng isang beses bago unti unting tumango.

"Tatanggapin ko po..."

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status