Share

Chapter Three

GRADUATION DAY came up. Sobrang bilis ng takbo ng araw. This was one of the best day of my life na hindi ko kailanman makakalimutan. And because I don't have someone with me dahil wala na si Mama. Si Connor ang nagsisilbi kong escort.

He's with me since utos ni Sor Terrence na samahan niya ako wherever I go kahit pa hindi naman na kailangan. He become my instant personal body guard because that was sir T said.

Okay naman si Connor. Though hindi kami ganoon na nag uusap lagi. But he's always ready kapag may pupuntahan ako. Lagi lang siyang nakaantabay sa akin. One call away ika nga nila.

While marching towards the stage with him by my side. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Yung mga ka batchmate ko kasi nakatingin sa amin lahat. It's not because I was able to pass all the exam and even part of the cum laude's but because I am with Connor.

He's dominant awra is screaming. He's beyond handsome I can say. Having the perfect figure and handsomeness is eye catching to women.

Pero ganoon pa man. Hindi ko nakitaan ng pagkailang si Connor. Maybe he's used to this kind of attention.

"Ang gwapo mo talaga." Wala sa sariling saad ko ng ilang hakbang na lang nasa hagdanan na ako.

"Nagagwapuhan ka sa'kin?"

Nginitian ko siya. "People are looking at you." Napatingin siya sa paligid namin. Tapos bigla na lang siyang yumuko.

"Sanay na dapat ako sa ganitong atensyon, pero hindi ko maiwasan ang mahiya."

Natawa ako sa sinabi niya. At that point masasabi kong ang humble rin pala ni Connor.

"Kung gwapo ako. How much more your husband."

"Huh?"

Natawa siya sa naging tugon ko.

"Kung gwapo ako, pa'no na lang 'yung asawa mo. Mas gwapo 'yun sa'kin."

Umarko ang kilay ko.

"Eliz Montecillo!" Anunsyo ng guro na siyang emcee sa graduation program namin na siya rin dahilan para mabaling sa stage ang atensyon ko pero hindi nakaligtas sa'kin ang maliit na pagtawa ni Connor.

Pinilit kong ngumiti sa mga guro na nakahilera at naghihintay sa paglapit ko. Unang una sa pila ang Chairman ng school kasunod niya ang Supervisor at ang Principal. Then some of the guidance staff and teachers.

Sobrang overwhelming sa pakiramdam na kino-congratulate ako ng teacher ko sa araw na ito. Na ang akala ko'y hindi ko mararanasan after mamatay ni Mama. Hulog talaga ng langit si Gwen at si Sir Terrence.

After recieving the Certificate and handshake with the school staff. Bumaba ako ng stage. Bitbit ang certificate ay muli akong bumalik sa upuan. Nadaanan ko pa si Gwen and she congratulated me.

And I did the same to her.

..

KINAGABIHAN nagkaroon ng Party ang school. Graduation Party. And I attended because Connor insisted. Hindi naman na ako nagpalit na pa ng damit since after the Graduation Ceremony which ended at Six in the evening. The party will start at exactly eight.

But Gwen went home after the ceremony. May salo salo raw kasi sa bahay nila. Kasama ang kakauwi niya lang na ina pati ang boyfriend niyang galing pa'ng France.

Mga alas nuebe ng dumating si Gwen kasama ang boyfriend niyang naka amerikano. Habang hindi naman ako iniwan ni Connor after ng Graduation. Nagsimula na ang kasiyahan alas otso pa lang. May tugtugan ng kilalang banda. May mga nagsasayawan at iba pa.

I feel bored. Kasi hindi naman ako mahilig sa party. Nakaupo lang ako at pinanood ang mga ka batchmate ko na masayang masaya habang nagsasayawan. Katabi ko lang si Connor na nanonood din.

Midnight when we decided to go home. Nagpaalam ako kay Gwen. Maging siya man ay uuwi na rin kasama ang boyfriend niya. Nagpaalam kami sa isa't isa ng nasa parking area kami ng school.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming pareho ni Connor. Malapit na kami sa condo building kung saan ako nakatira ng bigla na lamang ang ring ang cellphone ni Connor na nasa dashboard. Since wala naman na masyadong sasakyan. Ang isang kamay niya'y inabot ang cellphone para sagutin ang tawag.

Habang ang isa niyang kamay ay nanatili lamang sa manebela ng kotse. Ang mga mata niyay nakatutok parin sa daan.

Sinagot niya ang tawag ng hindi pinuputol ang tingin sa daan. I saw him click the loid speaker of his phone na hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang gawin iyon.

Sir Terrence's voice echoed inside the car.

"Where are you?"

"Way to her Condo."

"Be here in my house, ASAP!"

"Why? Something happened?"

"Yes..." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sir T sa kabilang linya. Para siya nafufrustrate na ewan. "He's awake."

"Fuck!"

Agad na pinatay ni Connor ang tawag at basta nalang initsa sa dashboard ang cellphone niya. He stop and maneuvered the car to the other direction. Malapit na sana kami sa condo building kung saan ako nakatira.

At dahil malalim na ang gabi, malayang nagagawa ni Connor ang pabilisin ang takbo ng kotse. Para tuloy nakikipagkarera siya kaso wala namang kalaban.

After few minutes, huminto ang kotse sa isang malaking bahay. Sakto naman na lumabas ng pinto si Sir T na nakapangtulog na.

"Prepare everything, we'll leave in a few minutes."

"How about her?"

Magkasabay silang tumingin sa akin.

"She'll come with us."

"Seriously?"

Tumango si Sir T. Bumuntong hininga na lamang si Connor saka ako giniya papasok sa bahay. Pinaupo nila ako sa mahabang sofa. They both standing front of me.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko habang nakatingala sa kanila. Hindi nagkakalayo ang tangkad nilang dalawa. Pati na rin ang katawan.

"You'll come with us in Germany." Si Sir T ang unang nagsalita.

"Ha? Bakit? May kaugnayan ba 'to sa asawa ko?"

"The reason why we did not allow you to see him is because..." Napalunok ako ng ilang beses. Bago pa ang graduation gusto ko ng makita ang lalaking pinakasalan ko. It was a cryptic marriage actually. Naisip ko na rin na baka hindi alam ng lalaki na nag eexist ako at asawa niya ako.

"He's in coma, for so long. When his business started to boom something happened. Naaksidente siya. Nabangga ang kotseng sinasakyan niya. And it was really my plan to introduce you to him when he wake up, pero hindi ko lang inakala na gigising siya ng ganito kaaga."

Napipil ako sa sinabing ito ni Sir T.

So all those months my husband don't know that I exist? That we got married—wait hindi naman talaga kami ikinasal. Walang seremonya na naganap. Pinirmahan ko lang ang kontrata na iyon at sinuot ang singsing. Iyon lang. Wala naman talagang nangyaring kasalan.

"Nagpakasal ako sa taong nakacoma?"

"There's a reason why we did this."

Si Connor na ang nagsalita.

"Ano'ng dahilan?"

"Well, he's own mother tried to kill him. Para makuha niya ang lahat ng pera ng anak niya, walang pamilya ang asawa mo so technically lahat ng yaman niya kapag nawala siya mapupunta sa Mama niya as a beneficiary, dahil iyon ang nilagay niya sa lahat ng papeles niya. But she was so greedy to the extent of killing her own son. After the incident we hid him from his greedy mother. Naghanap kami ng paraan para hindi niya makuha ang lahat ng yaman ni Giovanni." 

Kayang gawin ng sarili niyang ina ang bagay na iyon para sa pera?

Goodness! But wait...Giovanni?

Napatingin ako kina sir T ng maalala ko ang binanggit niyang pangalan.

"Giovanni?"

They both look at me curiosly.

"Are you reffering to Giovanni Salazar?"

"Do you know him?"

I bit my lips. Bakit ba di ko naisip 'yun? But who knows? Ilang taon na rin simula ng umalis siya sa lugar namin. Isa pa, maraming Giovanni Salazar sa mundo!

"Yeah..." Kinuha ko ang wallet ko na nasa loob ng bag ko. Kinuha ang picture na matagal ng nandoon.

"Is he the Giovanni you were talking about?"

Nagkatinginan sina Connor at Sir Terrence.

"Fuck..." They said, in unison.

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status