HINDI KO maiwasan ang kabahan sa tuwing hinahatid ko ang pagkain niya. Sa pinto pa lang kasi ramdam ko na ang malamig niyang awra. Pero kailangan kong gawin ito. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Kung hindi ko ito gagawin, baka magalit siya sa akin.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang seradura upang mabuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Agad na yumakap sa katawan ko ang lamig ng aircon. Isang mangkok ng adobong manok, kanin at isang baso ng tubig kasama ang kanyang gamot ang nakalagay sa tray na dala dala ko.Hapunan na sa mga oras na ito. Hindi pa ako nakakain dahil kailangan ko siyang unahin. Nakabukas ang tv, nakasara ang makapal na kurtina, habang prente siyang nakaupo sa gitna ng kanyang kama.Napalunok ako ng ilang beses ng dumako sa akin ang tingin niya."G-good evening. Oras na ng hapunan." Deretso ang lakad ko palapit sa bed side table niya. Kinuha ko ang bed table bago inilipat ang mga pagkain sa bed table. Nang matapos ay agad kong inilagay sa harapan niya ang bed table."Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako." Pinilit kong ngumiti. "Aalis na ako."Tumalikod ako at nagsimula ng humakbang patungo sa pinto pero ng hawakan ko ang seradura ng pinto ay saka lang siya nagsalita."Who cook this?" Malamig ang boses niya ng itanong iyon sa akin. Nang lingunin ko siya'y nakatitig na siya sa mangkok na may lamang adobo.Ako.Gusto kong sabihin na ako pero baka isipin niyang may balak akong lasunin siya."Si Ate Fe." Maikli kong sagot.Isang tango lang ang itinugon niya sa akin bago siya nagsimulang kumain. Nakatutok ang atensiyon niya sa pagkain kaya naman lumabas na ako ng silid niya.Pagbalik ko sa kusina nandoon na si Sir T at Connor pati na si Ate Fe. Nagsimula na silang kumain. Napansin ko ang pustora ni sir T. Ngayon yata sila babalik ng Pinas."Sigurado ka bang okay ka lang dito?" Salubong na tanong ni Sir Terrence. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni ate Fe."Ayos lang ako sir. Huwag po kayong mag alala.""Kung may problema, tawagan mo ako agad Eliz.""Makakaasa ka sir."Matapos ang hapunan muli akong bumalik sa silid ni Giovanni. Kagay ng ginawa ko kanina kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Tapos na siyang kumain ng abutan ko. Nainom na rin niya ang kanyang gamot.Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bed table saka itinabi."Ang sabi ni Ate Fe, kailangan mo daw mapalitan ng damit bago ka magpahinga. O-okay la—""It's your job so go on." He coldly said. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Inilipat ko sa tray ang pinagkainan ni Giovanni. Inayos ko ang wheelchair at iniharap sa higaan niya.Inalalayan ko siyang makaupo ng maauos sa wheelchair. Nang makita kong komportable na siya ay agad kong tinulak ang wheelchair papasok sa banyo. May upuan sa gitna ng bathub, may balde at tabo.Muli ko siyang inalalayan para makalipat sa upuan na nasa bath tub, isa isa kong hinubad ang damit at pajama niya. Iniwan ko lang ang suot niyang boxer short.Binuksan ko ang gripo, dinama ko ang temperatura nito, ng makontento ako ay saka ko siya unti unting binasa upang hindi siya mabigla. Para akong nagpapaligo ng bata sa ginagawa ko. Siya at nagsabon sa katawan niya, siya rin ang naglagay ng shampoo. Ako tagaligo niya ng tubig. Nang matapos ay agad akong kumuha ng tuwalya at pinunasan sya.Ganoon lang ang ginagawa ko. Pareho kaming tahimik. Ayukong magsimula ng paksa dahil baka magalit siya.Medyo nahirapan ako sa pagtapis ng tuwalya sa kanya dahil nakaupo siya. Kailangan niya kasing hubarin ang boxers shorts niya."Sa tingin mo makakalakad pa ba ako?" Natigil ako sa pagbaba ng boxer shorts niya."Kung gugustuhin mo magagawa mo." Itinuloy kong tanggalin ang boxer saka ko inilagay sa labahan. "Hindi mo naman kailangan magmadali. Unti untiin mo nalang. Sumunod ka sa ipinapayo ng doctor sa'yo." Inalalayan ko siyang makatayo. Inilagay ko ang isa niyang braso sa balikat ko bago ko siya pinalipat sa wheelchair niya."Ikaw, magtatagal ka ba rito?""Depende.""What do you mean?""Depende sa kung paano mo ako tatratuhin."Nagsalubong ang aming tingin. Huminga ako ng malalim bago ko itinulak ang wheelchair palabas nitong banyo."You can stay longer, just don't seduce me."Umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bakit naman kita aakitin?""Because I'm rich."Natawa ako sa sinabi niya. "Sorry Mr. Salazar. Kahit mahirap ako hindi naman ako ganoong klase ng babae."Isa isa kong isinuot sa kanya ang mga damit niya. Including the boxer shorts. Nang maisuot ko sa kanya ang pajama niya ay saka ko lang inalis ang tuwalyang nakatakip."Ang sabi ni ate Fe. Sa susunod na linggo na magsisimula ang therapy mo. Baka gusto mong lumabas bukas para maarawan ka."He shrugged his shoulder."Yeah, maybe."Nginitian ko siya. Hindi ko na maramdaman ang pagiging dominante niya. Kahit papa'no naman nabawasan dahil sa naging usapan namin."Magpahinga ka na." Tinulungan ko siyang humiga ng maayos. Itinakip ang kumot sa kalahati ng katawan niya.Pinatay ko na rin ang tv, at inayos sa pagkakasara ang kurtina. I turned on the lampshade beside his bed. Kinuha ko ang tray, saka ako nagpaalam."Good night sir.""Goodnight."Pinatay ko ang ilaw ng silid niya bago ako lumabas ng kwarto. Para akong sira, ngingitingiti akong bumaba ng hagdanan. Tinungo ko ang kusina at naabutan doon si Ate Fe na naghuhugas ng pinggan."Kumusta si Gio?""Ayos naman po, nag usap kami kanina habang pinapaliguan ko siya.""Mabuti kung ganoon, mapili si Gio sa babae. Hindi 'yun basta basta kumakausap ng babae. Dahil selosa ang girlfriend nun. Pero ngayon na wala na sila, ewan ko. Pero mabuti naman at kinausap ka niya."Nginitian ako ni Ate Fe."Sana nga po magtuloy tuloy na. Pwede ko po ba siyang ilabas bukas? Diyan lang po sa hardin?""Mas mabuti iyon. Magpahinga ka na Eliz.""Good night po ate Fe.""Good night din sa'yo."KINABUKASAN maaga akong nagising. Agad akong naligo at nagbihis ng pambahay lang. Matapos kong gawin ang morning routine ko ay agad akong lumabas ng sariling kwarto at tinungo ang kusina.Nakahanda na sa tray ang pagkain para kay Giovanni. Nagluluto naman ng sinabgag si Ate Fe ng abutan ko."Good morning po." Masaya kong bati sa kanya."Good morning din sa'yo, Eliz. Ihatid mo na 'yan sa silid niya."Tumango ako kay ate Fe saka ko kinuha ang tray. Tinungo ko ang kwarto ni Giovanni.Tatlong beses na katok saka ko binuksan ang pinto. Sumisilip na ang liwanag sa bintana ng kwarto ni Giovanni. Inilapag ko ang tray sa lamesa na katabi ng kanyang kama saka ako lumapit sa binana, binuksan ko ito ng kaunti para tuluyan na makapasok ang pang umagang liwanag."Rise and shine, Mr. Salazar. Good morning!" Bati ko. Pinatay ko ang lampshade.Kita ko ang paggalaw niya kaya alam kong gising na siya."Oras na ng agahan." Masaya kong ani.Pinilit ni Giovanni na makaupo ng maayos. Kinuha ko ang isa niyang unan saka inilagay sa likod niya para kumportable siya."Ang aga pa.""Alas syete na po ng umaga. Oras na ng agahan at gamot."Inayos ko ang bed table niya, inilagay ko doon ang pinggan na may lamang fried rice, isang baso ng juice at isa pang pinggan na may laman na bacon at itlog."Kumain ka muna, tapos uminom ka ng gamot. Babalikan kita after ko kumain ng breakfast.""Hindi ka pa kumain?" Kunot noo niyang tanong. Eventually, parang natutuwa ako sa ipinapakita niya ngayon.Unlike noong una ko siyang tinulungan noong makita ko siyang nakasalampak sa sahig at nahihirapan."Pagbaba ko kakain na ako. Kailangan muna kitang unahin." Nginitian ko si Giovanni. Kita ko ang gulat sa mukha niya. "Lalabas na ako. Babalikan kita mamaya." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa. Lumabas na ako ng kwarto niya at dumeretso na sa kusina.-Days and nights were not the same as how it was the firts time I came here. Sobrang laki na ng improvement, he have his weekly session and check up, consistent siya. Masayahin na rin siya ngayon. Sobrang laki ng ipinagbago niya. He recovered day by day. Dahil sa magandang balita ay napabisita si Sir Terrence sa amin. He did not bring any maids with him. Ang sinabi niya'y mahirap maghanap ng katulong lalo na yung mapagkakatiwalaan. We all agreed na ako na muna ang makakasama ni Giovanni for the mean time hanggang sa makahanap siya ng bagong katulong. Pagkakataon na rin ito para sa akin na mapalapit lalo kay Giovanni. Pero hindi ko maikakaila na natatakot ako. Natatakot sa kung ano man ang maging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol sa kasal namin. Na wala naman siyang ka alam alam na ikinasal na pala siya. "Aasahan ko ang galit niya dahil niloloko ko siya." ani ko. Nasa Library kami ni Terrence. Maghahating gabi na. Tulog na si Giovanni. Habang ako gising pa rin. Gabi gabi
Hindi agarang nakapagpadala ng katulong si Sir Terrence. Hindi tumuloy yung katulong na inirekomemda ni Manang Fe dahil nagkaroon ng emergency. Inataki ito sa puso at kasalukuyang nasa ospital. Ngayon kailangan ni Sir maghanap ng panibago. At dahil diyan nanatiling ako ang nakatoka sa lahay ng gawaing bahay. Which is natural lang naman dahil asawa ako. Asawa ako ni Giovanni Salazar pero hindi niya alam. Hayst We become casual 'till we talk like we were friends living in one roof. May times na magkasama kaming nanonood na dalawa ng horror movies, minsan tinutulungan niya akong magluto. Masaya akong nagkakasundo na kami sa lahat ng bagay. "Naghihimutok ka na naman." Saad ko habang nakatingin sa kanya. As usual, kinukuha ko ang lalabahin na damit niya. Habang siya nakaharap na naman sa Laptop niya. "May binabasa ako." "Monthly reports ba?" Tumango siya ng hindi ako nililingon. Nacurios ako kaya lumapit ako sa kanya. I saw the line going down. "May problema ba sa kompanya mo? Bak
Unti unti nararamdaman mo ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Panay na ang paglabas niya ng silid. Nakikisalo na siya sa amin ni Manang Fe. Noong unng sahod ko siya mismo ang nag abot sa akin ng isang ATM card. He said that my salary was in that ATM and I should spend it wisely. Hindi ako magastos na tao. I divided the money into four. Unang una sa ipon ko, pangalawa sa insurance, emergency funds and then sa everyday needs ko. Hindi naman ako maluho and I only spend the money on important things. Nakasanayan ko na 'to dahil sa buhay namin ni Mama noon. Natuto akong magsinop dahil may pangangailangan kami. Hindi ako pwedeng gumastos ng ura urada dahil may mga mas kailangan kaming unahin. Bumili ako ng iilang damit na pambahay lang. Hindi ko na kasi kailangan bumili ng shampoo at ilang personal na gamit maliban sa tampon dahil libre sa bahay. "Hindi ko kabisado ang lugar. Gusto ko sanang magbukas ng panibagong bank account." Ani ko. Nasa silid niya ako. Kinukuha ko ang mga lal
Maaga akong nagising kaya maaga akong lumabas ng silid. Nasa kusina na si Manang Fe at nagluluto ng Arozcaldo. Sobrang bango ng pagkain, nakakatakam. Tahimik akong lumapit sa kanya at tiningnan ang niluluto niya. Kompirmadong arozcaldo nga. Namiss kong kumain nito. "Good morning po manang." Bati ko sa kanya. Nginitian niya ako bago niya tinikman ang niluluto. "Maaga ka ngayon a." "Maaga po akong nakatulog kagabi." Saad ko. Kahit na hindi naman talaga. Pasado alas dose na ako nakatulog. Alas singko pa lang ngayon limang oras lang ang itinulog ko. Na dapat ay saktong walong oras. "Gising na po ba si Boss?" Nawa'y tanong ko. " "Hindi pa, mahimbing pa ang tulog niya. Mabuti pa'y kumain ka muna." Naghain sianang Fe ng Arozcaldo sa isang bowl. Agad akong kumain ng ibigay niya ito sa akin. Mainit pa kaya panay ang hipo ko para mawala ang init. "Sasahod ka na bukas ah," "Oo nga po, sayang lang at hindi naabutan ni Mama ang sitwasyon ko." "May plano ka ba kung matatapos ang kontrata mo
Chapter TwelveTuloy tuloy siyang pumasok at agad na tumabi sa akin. Wala siyang imik. Ni ang tingnan ako sa mga mata ay di niya ginawa. He was holding a small bottle of ointment."Tumalikod ka." Biglaan niyang utos dahilan para mapapitlag ako.Lumunok pa ako ng ilang beses."A-anong gagawin mo?""Tss.." he looks so annoyed. "Just turn around."Wala sa sariling tumalikod ako, agad niyang itinaas ng bahagya ang pang itaas kong suot. Maya maya naramdaman ko ang tila malamig na bagay na siyang dumampi sa parte kung saan nangingitim kong likuran.Naramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa pasa kong likuran, pagkatapos ay pumapaikot ikot na para bang may ikinakalat siya sa parteng iyon."Use this cream for the bruise." He offered the bottle. Agad kong binasa ang nakasukat doon pero bigo akong intindihin dahil nakasulat ito sa German words."That's an effective oinment for bruises, malamig sa balat kaya epektibo."Ibinaba niya ang manggas ng damit ko saka tumayo.Sandali kaming nagkatitig
Para akong sira ulo na nakahiga sa sahig matabi ang dustpan, walis saka pamunas sa shelf. Para akong tanga na nakatingala sa kisami ng library. It's already seven in the evening pero nandito pa rin ako sa loob. Natapos ko naman na ang paglilinis at sa buong araw na paglilinis ko, parang hinigop ng shelf buong lakas ko. Now, I need to return all rhe books. Pweo dahil hindi ko na matandaan ang puwesro ng mga ito. I filed them according to it's color. Pinagsama ko ang magkakapareho ng kulay. Inuna ko ang pinaka nasa itaas bahagi. Isa isa kong isinalansan lahat kaso nga lang. Dahil sa bigat ng mga libro, hindi ako komportable sa naging posisyon ko. Ang bibigat ng mga libro at nagdadala ako ng lima hanggabg anim na libro para lang mapabilis ako. Nang muli akong makababa at muling kumuha ng libro, umakyat sa hagdanan doon nagsimulang umuga ang hagdanan na gawa sa kahoy. Panay na rin ang tunog nito dahil sa kalumaan. Nang iapak ko ang aking paa paitaas, doon bumigay ang kasunod na kahoy