Share

CHAPTER 26

***

Habang nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ay tahimik na nakatanaw si Athena sa malawak na kabundukan. Dito siya dinala ng kanyang mga paa, sa lugar kung saan ay naging saksi sa pagmamahalan nila ni Angelo. Ang kanilang paboritong tambayan, ang tree house.

Subalit nagmahalan nga ba sila o tanging siya lamang ang nagmahal sa kanilang dalawa?

ATHENA'S POV

`Sobrang hirap at sakit palang maiwan at paniwalain na mahal ka ng isang tao. Umasa ako pero nabigo, sumugal ako sa pag-ibig ko sa kanya subalit bandang huli, ako parin ang talunan. Totoo ngang sa kabila ng kasiyahan ay mayroong kalungkutan. At `yun ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Paano ko haharapin ang bawat araw na wala siya? Nasanay ako na nasa tabi ko siya at araw-araw nakikita.

Alam ko namang mali din ako dahil alam ko una palang na pwedeng mangyari ito dahil nga may amnesia siya, subalit nahulog na ako sa kanya at `di ko napigilan ang sarili ko. Umasa akong sa kabila ng pagkal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status