Share

CHAPTER 4

Tahimik na kapaligiran, maaliwalas at mabangong simoy ng hangin ang bumati kay Angelo nang makarating sila ni Athena sa isang lugar sa bukirin ni Lolo Ambo. Inutusan kase ng matanda na muli siyang ipasyal ni Athena sa bukid upang hindi siya maboryong sa bahay. Napa-buntong hininga na lamang siya habang tahimik na ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang balat. Pakiwari niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng kapayapaan sa isip. "Siguro ay ibang buhay ang mero ako noon." Nasambit na lamang ni Angelo sa kanyang isipan.

Nakita niyang umupo ang dalaga sa isang upuang kawayan sa lilim ng isang puno. Sa lilim ng punong iyon ay may isang simpleng tree house na animo'y ilang taon nang itinayo subalit makikitaang alagang-alaga dahil mukha namang malinis at maayos ito.

"Dito ang favorite place ko dito sa bukid." Nakangiting sambit ng dalaga habang nakatingin sa malayo, "tahimik kase dito at walang ibang tao kaya ipinatayo ko kay Lolo ang tree house na ito pitong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status