Share

Chapter Fifty-five

MATAGAL na tinitigan ni Megara ang nangingislap na mga mata ni Russel. Puno ng emosiyon ang mga iyon at nagsusumamo sa kaniya.

Sa loob nang ilang segundo, aaminin niyang gusto niyang bumigay sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig ng lalaki, pero hindi niya magawang tanggapin na lang ang lahat. Hindi niya kayang sabihin at aminin dito ang mga itinatago ng puso niya.

Huminga siya nang malalim at mariin na lumunok. "I-I need to go."

Akmang tatayo siya subalit mabilis siyang pinigilan ni Russel. "No, Meg. Stay. Hangga't hindi natin napag-uusapan ito, hindi ka puwedeng umalis."

"Puwede ba, Russel? G-gusto ko nang maligo! Nagugutom na rin ako!"

"May shower dito! If you want, we can just order foods!"

Mariin siyang lumunok habang nakatitig sa mukha ni Russel. Ayaw niyang tuluyang pumayag sa gusto nitong mangyari. Nararamdaman niyang ilang sandali na lang, bibigay na siya rito.

Ayaw niya. Hindi na kakampi kundi kalaban ang tu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status