Share

Chapter Five

PUMASOK si Russel sa malawak na restaurant ng del Frando hotel at pinaglandas ang paningin sa buong paligid. Tunay ngang mataas ang pamantayan ng kilalang si Rio Frando. Kitang-kita iyon sa disenyo ng hotel mula sa labas, sa lobby maging hanggan sa restaurant nito na talaga dinadayo pa ng mga matataas na tao sa lipunan.

Sa araw na iyon ay tuluyan nang nagsara ang Hotel del Frando. Balak na ng lalaki na abandonahin ito dahil sa isang masamang alaala na hatid ng hotel sa lalaki. Kaya nagkakandarapa ang mga negosiyante na mabili ito, dahil paniguradong limpak-limpak na pera ang kikitain ng masuwerteng makabibili sa hotel.

Inayos niya ang necktie ng suot niyang gray suit bago tuluyang nilingon ang entrance ng restaurant nang marinig ang pagbukas ng pintuan nito. Napangiti siya nang bumungad sa kaniya ang lalaking may katandaan na ngunit matikas pa rin ang pangangatawan. Sa palagay niya ay nasa animnapu't lima na ang edad ng lalaki pero dahil sa may lahi ito, mababakas pa rin ang kagandahang lalaki sa kabila ng puting buhok at medyo nangungulubot na balat.

Matapos niyang makipag-usap dito noong huling linggo, ngayon ay pinatawag siya ng lalaki sa hindi niya alam na kadahilanan. Subalit sa tingin niya, may hula na siya kung bakit. Maliban sa maganda na ang alok niya rito, nangako ang nag-iisa nitong pamangkin na tutulungan siyang magpabango ng pangalan sa hotel owner.

"Mister Lacuesta! Welcome!" Nilahad nito ang kamay na agad niyang tinanggap.

"Thank you for having me here, Mister Frando. This is an honor."

Tumawa lamang nang bahagya ang lalaki bago sila lumapit sa mesang pinakamalapit sa kanila.

"I hope you're not busy," anito nang makaupo sila.

Banayad siyang ngumiti. "Even if I am busy, I will still choose to go here. You're not the type of person to be ignored, Mister Frando."

Mahinang tumawa ang lalaki. Hindi pa man sila tuluyang nakapagsisimula, dumating ang isang lalaking nakasuot ng pang-uniporme na katulad sa mga waiter. May dala itong mga pagkain at dalawang wine glasses at red wine.

"I'm sure you know why I called you here." Inangat nito ang hawak na wine glass bago sumimsim.

Napangiti siya at bahagyang tumango. "I think I do, sir."

Nilapag nito sa tabi ng sariling plato ang wine glass. Kumuha ito ng isang strawberry at kumagat habang tila nag-iisip ng susunod na sasabihin.

Hindi naman siya nagsalita. Hinayaan niya na panandaliang matangay sa mga bagay na laman ng isipan nito ang lalaki. Hindi siya puwedeng magkamali sa mga sasabihin dito. Mahalaga na makuha niya ang hotel nito.

"Alam mo, Mister Lacuesta, sa totoo lang ay wala akong balak na ibenta itong hotel ko. Alam ko rin na alam mo ang dahilan kung bakit pinili kong isara ito."

Muli itong sumimsim ng alak at tila mabigat ang dibdib na bumuntong-hininga.

"It's been years since my wife passed away. Namatay siya sa labis na pagtatrabaho dito. Hindi ko kayang manatili rito at patuloy na isipin ang nangyari sa asawa ko."

Tila nakikisimpatya siyang tumango. "I understand how you feel, sir. May asawa rin ako at hindi ko yata makakayang mawala siya sa akin."

Dahil sa sinabi niya, nag-angat ng paningin ang lalaki at tumatangong ngumiti.

"Kahit ganoon, gusto ko rin naman makitang magpatuloy ang hotel. Lalo pa't maraming nagtatrabaho ang umaasa sa kinikita nila rito para mabuhay."

Kinuha niya ang glass at sandali iyong inikot-ikot habang pinagmamasdan ang alak sa loob. Nang sandaling iinom na siya, bahagya siyang napahinto nang marinig ang pangalang binanggit nito.

"Narissa recommended you to me. Pilit ka niyang ibinibida sa akin." Ngumiti pa ito bago naiiling na inubos ang natitirang laman ng glass nito.

Lihim siyang napangiti sa narinig. Mukhang dahil nga sa babae kaya niya makukuha ang hotel na matagal na nilang sinusubukang kunin.

"I think, my niece really likes you."

Hindi niya alam pero bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Natawa naman ang matanda nang makita ang reaksiyon niya. Awkward niyang sinabayan ang tawa nito bago tuluyang sumimsim ng red wine.

Aaminin niya, nahahalata niyang kakaiba ang kilos ng dalaga. Pero hindi niya inisip na siya mismo ang dahilan ng pagtulong nito sa kaniya. Hinuha niya lamang ay dahil gusto nitong makuhang model sa clothing line nila.

"Take care of the hotel, Mister Lacuesta. Ikaw ang pinipili kong magpatuloy sa legacy ng Hotel del Frando."

Naibaba niya ang hawak na wine glass at gulat na napatitig dito. Mabilis siyang tumayo nang makita itong tumayo at nilahad ang palad sa kaniya.

"You won't regret this, Mister Frando. Your hotel is in good hands."

Ilang ulit na tumango ang lalaki. "I'm counting on that."

LUMIPAD sa ere ang takip ng wine bottle matapos itong buksan ng isa sa mga katrabaho niya. Isa-isa nitong sinalinan ng wine ang glasses nila.

"My God! I can't believe it! How did you do that? Paano mo nakuha ang Hotel del Frado?" masayang tanong ni Aliyah.

Kasama niya ang sekretarya at iba pang mga tao niya sa loob ng sariling opisina. Nagkaroon sila ng maliit na selebrasiyon para sa isa na namang achievement na nakuha nila.

Ang tatlong taong kasama niya na nagdidiwang ay ang mga taong nakasama na niya simula umpisa. Hindi siya iniwan ng mga ito kahit noong nakagawa siya ng mga maling desisiyon sa kompanya. Nanatili ang tatlo hanggang sa ngayong naabot na niya ang rurok ng tagumpay.

"Hindi na mahalaga iyon, Aliyah! Ang importante, nakuha na natin ang Hotel del Frado!" malapad ang ngiting wika ni Robert. Malapit na kaibigan niya ang lalaki simula pa noong nag-aaral sila. Ngayon ay chief financial officer na ito ng kanilang kompanya.

Lumapit naman sa lalaki ang asawa nitong si Deby. "Paniguradong marami na naman ang magagalit sa mga kalaban nating kompanya."

"Siyempre!" mabilis na tugon ni Aliyah. "Hindi lang iilan kundi ilang daan ang nag-aagaw na makuha ang Hotel del Frado. But the great and young Russel Lacuesta still prevailed."

Nailing na lamang siya sa takbo ng usapan ng tatlo. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha sa sandalan ng desk chair ang hinubad niyang jacket.

"Oh, going somewhere?" untag ni Aliyah nang makita nitong papaalis.

Nakangiti siyang tumango rito. "Cancel all my meetings for today. Uuwi ako nang maaga."

Makahulugang ngumiti ang babae. Tila alam na nito ang plano niya. Tumango ito saka kumakaway na nagpaalam.

Paglabas ng sariling kompanya, nagmaneho siya patungo sa pinakakilalang flowershop sa Maynila. Bumili siya ng malalaki at mamahaling peonies. Tinawagan na rin niya ang isang kilalang restaurant at nagpa-deliver ng pagkain para mamaya.

Paghinto pa lang ng kotse niya sa tapat ng malaki nilang bahay, nakangiti siyang umibis ng sasakyan at pinakatitigan ang pinto ng mansiyon. Alam niyang tumatakbo na patungo sa pintuan si Meg. Ganoon lagi ang babae sa tuwing naririnig nito ang pagdating ng kotse niya.

Hindi nga siya nagkamali. Hindi pa man nakalalapit sa pinto ay mabilis na itong bumukas at bumungad ang nakangiting mukha ng asawa niya. Awtomatikong sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya.

"Hey, baby!"

Sinalubong siya nito nang mahigpit na yakap at isang halik sa pisngi.

"Bakit ang aga mong umuwi? May nangyari ba? Ano'ng balita doon sa hotel owner? Sa iyo ba ibinenta ang hotel niya?"

Natawa siya nang sunod-sunod siyang sagutin ng asawa. Isinara niya ang pintuan sa likuran nila at ibinigay rito ang dalang bungkos ng bulaklak ng peonies.

Tinanggap nito iyon at mabilis na dinala malapit sa mukha saka nilanghap. "Smells so good."

"Congratulations, baby! You're now the wife of the new owner of Hotel del Frando!"

Nanlaki ang mga mata ng babae kasabay nang pag-awang ng mga labi nito. Napapatili itong tumalon at muling yumakap sa kaniya nang mahigpit. Natatawa niyang binuhat ito at umikot habang nakakulong ito sa mga bisig niya.

"I knew it! Mapupunta talaga sa iyo ang hotel because you deserve it, baby!"

Sa halip na ibaba ito, tuluyan niyang binuhat sa mga bisig ang asawa at tumungo sa hagdan. Napapatawa namang pinulupot ng babae ang mga braso nito sa leeg niya.

Diretso niyang dinala ang asawa sa kanilang silid. Nang makapasok, ibinaba niya ito sa harap ng pinto ng kanilang walk-in closet. Nakasuot ng long sleeve blouse ang asawa niya at white shorts.

Umangat ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang pisngi ng babae. Naramdaman niya sa palad ang kalambutan ng balat nito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

Wala pa ring kupas ang dulot sa kaniya ni Megara. Madampian lang ng balat nito ang kahit na anong parte ng katawan niya, sumasaya na siya.

Mula sa pisngi nito, bumaba ang kamay niya sa butones ng suot nitong light blue na blouse. Isa-isa niyang tinanggal ang pagkakabutones niyon hanggang sa tumambad sa kaniya ang dalawang malulusog na hinaharap ng asawa.

Namumula ang pisngi ngumiti si Meg. Hindi ito kumilos o nagsalita man lang, hinayaan siya nito sa kaniyang ginagawa.

Hinayaan niyang mahulog sa sahig ang damit nito nang tuluyan niyang mahubad iyon. Sunod naman niyang hinawakan ang zipper ng suot nitong puting shorts. Ibinaba niya iyon maging ang butones nito, at pagkatapos ay lumuhod siya sa sahig.

"Russel, baby... " Malambing ang tinig ng babae.

Napangiti siya nang tuluyang maibaba ang suot nitong shorts. Naglakbay ang dalawang palad niya sa mahaba at malaporselana nitong mga binti. Masarap damhin sa palad ang kutis ng asawa niya. Malambot ito at makinis. Walang ni isang peklat ang makikita.

Dinampian niya ng halik ang kaliwang binti nito bago tuluyang tumayo. Sa pagtindig niya ay bumungad sa kaniya ang nakapikit na mga mata ng asawa. Mabilis na gumuhit sa ngiti ang mga labi niya.

Nang bumaba sa katawan ng babae ang mga mata niya, hindi niya mapigilan ang sarili na mabuhayan. Talagang kaakit-akit ang hubog ng katawan ng pinakamamahal niya. Kahit sinong lalaki ay matutukso rito.

Ganoon na lang ang pagkatigil niya nang sa gitna ng pagtitig sa asawa, ang nakahubad at nakabukakang dalaga na si Narissa ang biglang sumagi sa isip niya. Bahagya siyang umiling upang iwaksi sa isipan ang bagay na iyon.

Nilapit niya ang bibig sa isang tainga ng asawa saka bumulong, "Get dress."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Meg. Nagmulat ito ng mga mata at nakitaan niya ng pagtataka ang mga iyon. Ibig niya tuloy matawa.

"Let's go shopping. I want to treat you." Kinuha niya ang isang kamay nito at dinala sa sariling mga labi.

Ngumuso ito at inikot ang mga mata. "Such a teaser!" Tumingkayad ito at bahagya siyang hinalikan sa leeg. "Humanda ka mamaya. Gagantihan kita."

Dahil sa sinabi ng babae, naramdaman niya ang bahagyang pagkislot ng pagkalalaki niya. Lalo pa nang makitang tumatalbog ang dalawang hinaharap nito sa paggalaw at pagtakbo papasok sa walk-in closet.

Nakagat niya ang ibabang labi. Pigil ang sariling umiling siya bago lumabas ng kanilang silid.

Matapos magbihis ni Megara, dinala niya ito sa mall para mabili nito ang mga nais bilhin. Hinayaan niya itong kunin ang lahat ng gusto nito. Masaya naman niyang binitbit ang bawat bagay na binili para sa babae.

Minsan lang itong lumabas para mag-shopping. Hindi kasi maluho sa katawan ang babae kaya kapag napapayag niya itong lumabas, binibili niya ang lahat ng makitang tinitingnan nito.

Branded perfumes and bags ang madalas bilhin ng asawa niya. Hindi ito gaanong mahilig sa mga damit at sapatos. Kung hindi pa siya ang pipili mismo para sa babae, uuwi itong walang ni isang nabiling maisusuot.

"We should do this more often. What do you think?" Nilapitan niya ang asawa at isinuot dito ang isang kuwintas na may malaking diamond na pendant.

Nasa isang jewelry shop sila at kasalukuyang namimili ng mga alahas.

Nagkibit-balikat ang babae. "Mas gusto kong magbakasiyon kasama ka. And besides, wala akong hilig mag-shopping."

Niyakap niya ito mula sa likuran habang pinagmamasdan ng babae ang kuwintas mula sa salaming nasa harap nila. Idinantay niya ang baba sa balikat nito at bahagyang ngumiti.

"Iba ka talaga sa ibang mga babae. Para sa iba, ang pagsa-shopping ay katumbas ng pagca-casino para sa aming mga lalaki. This should be your addiction."

Banayad itong ngumiti. "You are my addiction, baby. Higit ka pa sa sapat for me."

Nakaramdam siya ng tila paruparo sa loob ng dibdib niya. Lalaki siya pero mas madalas siyang napapakilig ng asawa dahil sa mga banat nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang makaramdam ng pag-iinit.

Matapos mag-shopping, gabi na sila nang makauwi. Siya namang dating ng in-order niyang pagkain para sa hapunan. Hinayaan niyang makaligo at makapagbihis muna si Megara habang inaayos ang hapunan nila.

Dahil sa pagiging abala sa opisina, ilang gabi at araw na ring si Meg lamang ang nagluluto ng kanilang kinakain. Hindi na niya ito naipagluluto kagaya ng nakagawian nila.

Pagkatapos maghanda ay bumaba na rin ang babae. Nakasuot ito ng black lace nightgown at talagang lumabas ang kaseksihan nito dahil doon. Kabibili lang nila roon kanina. Sa unang tingin pa lang ay nagustuhan na niya iyon para sa babae kaya agad niyang binili.

"Mas comfortable ako sa pajama pero para sa iyo, willing akong magsuot nang ganito." Kinindatan pa siya nito bago umupo sa harap ng mesa.

Bahagya siyang natigilan habang nakatitig dito. Nakalugay ang mahaba at itim nitong buhok na dumagdag sa kahali-halina nitong dating.

Umupo siya sa katapat nitong upuan at nagsimula silang kumain. Normal na usapan at kaunting landian lang ang ginawa nila habang kumakain. Hindi nga lang siya makasubo nang maayos, lalo na ang nguyain ang pagkain sa loob ng bibig niya dahil sa ginagawa ng asawa sa ilalim ng lamesa.

Paano, pasadya nitong sinisipa ng paa ang binti niya. Pero kung kanina ay binti lang, ngayon ay umabot na ang paa nito sa pagitan ng mga hita niya at pasadyang tinatamaan ang bagay na iyon. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapaungol.

At dahil umakyat na ang tama ng alak at libog sa ulo niya, naiiling siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Natigilan naman si Megara. Nagtataka at tila inosente siya nitong tinitigan.

"Bakit, baby? May problema ba?"

Nailing siya sa galing ng pagpapanggap nito. Mabilis ang mga hakbang na nilapitan niya ang asawa at hinawakan ito sa kamay. Napasinghap pa ito nang bigla niya itong hilahin patungo sa hagdan.

"R-Russel, what's the problem? Baby, bakit ba?" Nagsimula itong humagikhik na para bang natutuwa pa ito sa nangyayari.

Nang makapasok sa kanilang silid ay hindi makapaniwalang nilingon niya ito. "Seryoso ka ba diyan sa mga tanong mo?" Hinawakan niya ang bagay na nakabukol sa suot niyang trousers at ngumiti sa babae. "Binuhay mo itong alaga ko at ngayon magkukunwari ka na parang wala lang?"

Pigil ang mga tawang ngumiti ito sa kaniya. Nakagat pa nito ang ibabang labi bago inipit ang ilang buhok sa likod ng tainga nito.

"Well, ano ba ang gusto mong gawin ko?"

Mataman niya itong pinagmasdan, lalo pa ang mga kilos nito na tila inaakit pa siya. Pilya kasi nitong itinataas ang laylayan ng suot nito habang umaaktong walang kakaibang ginagawa.

Ang asawa na yata niya ang pinakapilya na babae sa tuwing nakararamdam ito ng pagnanasa. Natatawang binuhat niya ito at marahang inihiga sa kama. Agad niyang siniil ng halik ang mga labi nito.

"Russel, baby!"

Hinayaan niyang nakahiga lamang ang babae habang siya ang trumabaho sa lahat. Mula sa paghuhubad ng mga kasuotan nila hanggang sa pagpapaligaya rito. Inako niya ang lahat ng trabaho, masarap lamang ito.

Nang tuluyan siyang pumuwesto sa ibabaw nito at kulang na lang ay ipasok ang naghuhumindig niyang pagkalalaki, napamura siya nang biglang tumunog ang selpon niya.

"I told Aliyah to cancel all my meetings! Dammit!"

Natatawang hinalikan siya ni Meg sa mga labi bago nginuso ang trousers niya na nasa sahig.

"Sagutin mo na. Baka importante, e."

Mariin siyang pumikit bago nagbuga ng hangin. Dinampian niya ng halik ang dalawang malulusog nitong dibdib bago tuluyang umalis sa ibabaw nito at kinuha ang selpon niya sa loob ng bulsa ng pang-ibaba niya.

Sandali siyang natigilan nang makitang hindi kilala ang numerong tumatawag sa kaniya. Magkasalubong ang mga kilay na sinagot niya ito.

"Who's this?"

"Aw, you have forgotten about me?"

Isang malambing na tinig ang bumungad sa kaniya sa kabilang linya. Sandali niyang nilingon ang asawa na naghihintay sa kaniya na matapos. Ngumiti pa ito nang magtagpo ang mga mata nila.

"Sino ba ito?"

Mahinang tumawa ang babae sa kabila. "This is Narissa. Remember our deal?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku ayan na yong tukso grabe tong nerissa alam naman nyang may asawa na si russel
goodnovel comment avatar
Ma Jahaizah Menes
ayan na ang anay ..... naman ei . ...... wag ka patukso
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status