Sloane Elizabeth "tumatapang" Irvine 🫣 road to forever na kaya? don't forget to leave comments, review, and give gems! mahal kayo nina Saint and Sloane 🥹🫶
Matalim siyang tiningnan ni Sloane ngunit lumabas din naman ito ng NICU, sinulyapan pa si baby Evony upang kumuha ng lakas. Ito ang unang beses na nagkita ulit sila ni Saint pagkatapos ng engagement party. “What do you need?” asik ni Sloane, nakatingala kay Saint dahil nakaupo siya sa wheelchair. “We need to talk.” Mapaklang tumawa si Sloane. “There’s nothing to talk about, Saint.” “Yes, there is,” Saint shot back, his jaw tightening. Sloane poked her inner cheeks with annoyance. “Ano? Kukunin mo si Evony sa akin?” nanunuya siyang tumawa. “That will never happen, Saint.” Pinantayan ni Saint ang ngisi niya ngunit sandaling dumaan ang sakit sa mga mata niya pero pinatay niya kaagad ang pakiramdam na ‘yun. He had to stand with his decision. “I don’t have plans on taking her from you,” matigas niyang wika, “nor plans of taking her at all.” Parang biniyak ang puso ni Sloane sa sinabi ni Saint. Kahit anong pilit niyang magpakatatag ay talagang manghihina lang siya sa mga salita
Kinailangang turukan ng sedative si Sloane upang mapakalma at mapatulog ulit dahil nang na-realize niyang wala na si Evony sa tiyan niya ay pinilit niyang tanggalin ang swero sa kamay niya at nagwala sa kwrto. Tatlong nurse ang umawat sa kanya dahil halos balibagin niya na lahat ng gamit sa loob ng private room habang umiiyak at panay tawag sa pangalan ng anak niya. Muli siyang nagising ng gabi pero hindi gaya kanina ay wala siyang maramdaman—manhid na ang katawan at puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa sedative na tinurok sa kanya o dahil sa pagkawala ng anak niya pati na rin ng lalakeng pinaghuhugutan niya sana ng lakas ngayon pero sabay ding nawala. A lone tear fell from her eyes as she stared into the ceiling, her hands clutching her stomach, desperately trying to feel her baby. Panghahawakan niya kahit ano basta’t may makapa lang siya sa tiyan niya. Pero wala. Wala siyang nakapa. Humikbi siya, pilit na nilulunok ang bikig sa lalamunan niya. “A-ang baby ko… w-wala
“What the fuck, Sloane?” Saint cussed harshly, his voice coated with hurt and anger. “You're fucking other man behind my back?” “No!” agad na tanggi ni Sloane, wala sa ulirat na umiiling. “Don't believe those pictures! I was set-up! Gusto lang nila tayong sirain!” “You're such a liar, Sloane! My goodness!” eksaheradang anas ni Samantha. “Ayan na ang proof na niloloko mo ang anak ko dahil nakikipagkita ka pa rin dyan sa ex mo tapos itatanggi mo pa?” Nanghihinang umiling si Sloane, umiiyak dahil nauubusan na siya ng pag-asa na maipaglaban ang relasyon nilang mag-asawa. “You lied to me, Sloane?” Saint mumbled in disbelief, his voice dripping with betrayal, mirrorin the emotions in his eyes. “A-after all this time, nakikipagkita ka pa rin sa ex mo?” “N-no, Saint… p-please maniwala k-ka sa akin…” she begged. “Y-yes, he's my ex-boyfriend but he's Nicolette's boyfriend now…” Napaangat ang tingin ni Nicolette na kanina pa nananahimik, matalim ang tingin kay Sloane. “A-are you accusing
“What did you say, Nicolette?” pabulong na tanong ni Saint, hindi makapaniwala sa narinig. Nanginig ang labi ni Sloane nang unti-unting humakbang si Saint palapit kay Nicolette, iniwan siya sa gitna kung kailan malapit na silang lumabas, malapit na silang lumayo sa mundong ‘to. “N-nakidnap ako n-noong araw ng wedding natin…” Nicolette repeated, her voice shaky. “K-kaya hindi ako naka-attend…”“Saint…” Sloane mumbled, hoping that Saint would at least glance at her. But he didn't. Tuluyang napaiyak nang tahimik si Sloane nang lumapit na si Saint kay Nicolette, nakakuyom ang kamay sa magkabilang gilid. “T-tinakot nila ako… sabi nila papatayin nila ako kapag hindi kita nilayuan,” pagsusumbong ni Nicolette, malakas ang paghikbi. “Nicolette…” Saint whispered, his heart breaking at the sight of her crying. He didn't know what to say, but his chest was aching with ‘what ifs’ and ‘could've beens’. And for the first time, Sloane managed to leave his mind for a moment as he continued to l
Ang sabi nila, kapag may sumaksak daw sa ‘yo patalikod ay hindi ka masasaktan sa saksak—masasaktan ka kapag lumingon ka at nakita mo kung sino ang sumaksak sa ‘yo. Betrayal. Hurt. Disbelief. If there's one thing Sloane would like to do, that is to turn back the time where she hadn't met Margaux back then. Iyan lang ang nararamdaman niya at gusto niyang gawin habang nakatitig sa dating matalik na kaibigan, kasangga, at itinuturing niyang kapatid na ngayon ay nasa harap niyang may bitbit na sanggol na lalake. Her ears rang as she felt her head slowly spinning. Nakakaramdam siya ng hilab sa tiyan niya ngunit hindi niya iyon pinansin dahil mas masakit pa rin ang tusok na nararamdaman niya puso niya. She can feel her baby slightly kicking despite the twistful hurt in her heart—but she knew deep down that it wasn't a kick of joy, it was a kick of warning from her baby. “N-nicolette?” Saint finally muttered after a long silence. Lumunok si Sloane dahil sa kakaibang tinig sa
Nawala ang kirot sa puso ni Sloane dahil sa assurance sa kanya ni Saint. Ngumiti siya ngunit totoo na ito. Bahagyang nag-shift ang mood niya sa mas maayos lalo na noong nakausap niya ang mga close na pinsan ni Saint. Masasabi niyang masaya silang kasama lalo na't nagkaroon pa ng kaunting pustahan tungkol sa magiging gender ng baby na iri-reveal nila mamaya. Well, ang iba naman ay halatang ayaw sa kanya dahil iniisip nitong may kaagaw sila sa mga ipapamana ni Saint. Sinasabihan lang naman si Sloane ng asawa niya na huwag itong pansinin—palibhasa kasi ay bitter sa tatlong kumpanya ni Saint. Nakipag-chikahan din sila kay Mich pero saglit lang dahil abala ito sa pakikipag-usap sa mga babaeng pinsan ni Saint. The girls were also warm with Sloane, though ramdam ng babae na medyo ilang ang iba sa kanya dahil nasanay ang mga ito sa presensya ni Nicolette. Either way, nagpasalamat na lang siya dahil wala na siyang natanggap na pasaring. Natapos ang kainan at bumalik na sila sa stage p