Share

CHAPTER 71. S&V

Author: Ciejill
last update Last Updated: 2025-06-11 17:29:24

"Malayo pa ba tayo daddy?" tanong ni Venice mula sa back seat ng sasakyan kung saan ito nakaupo.

"Medyo malapit-lapit na baby, excited ka na ba?" ani Vaden na sinilip ang anak mula sa rear view mirror.

"Yes daddy! Kanina pa ako excited eh, tagal kasi gumising ni mommy," anito na sinisi pa siya. Tumawa naman ang ama nito. Pero agad ding tumigil nang samaan niya ng tingin.

Kasalukuyan silang nasa byahe ngayon papunta sa mansion ng mga magulang ni Vaden. At kanina pa siya nakikinig sa ingay ng dalawa niyang kasama. Matapos nilang mag-breakfast kanina ay gumayak na sila. Ang sabi ni Vaden ay doon na daw sila manananghalian sa parents nito.

Alam ni Sofie medyo malapit na sila pero hindi niya mapigilang ipikit ang mga mata. Umaga pa lang pero bakit tinatamaan na naman siya ng antok. Alam niya mahaba ang naging tulog niya kagabi at hindi naman siya puyat, pero naging antukin siya.

Pinagbigyan na lang niya ang sarili total wala naman siyang kausap at ang dalawa lang nagdadaldalan. Hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls...
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
baka bumalik naman ang ex ni vaden
goodnovel comment avatar
Eme
ay naku baka asungot naman yan okay na sana happy na ulit mukhang may bruha naman na parating
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 103. HANNAH

    SHANE Tuliro na lumabas si Shane sa silid na kinaroroonan ni Hannah at ng batang wala siyang kamalay-malay na anak pala niya. Dumeretso siya sa baba at mabilis na nagtungo sa mini bar counter nila. Kmuha siya ng alak at doon uminom. Nakakailang shot na siya nang dumating ang daddy niya at narinig ang boses nitong nagsalita. "Now that you already know the truth. It's time for you to do what is right. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin, son," wika ng daddy niya. Lumingon si Shane at tinitigan ang seryosong mukha ng dad niya. Alam niya ang nais ipahiwatig nito kaya iyon ang gagawin niya. "I know, dad," aniya at muling ininom ang alak sa hawak na baso. Hindi naman na nagsalita ang daddy niya, bagkus tinapik-tapik siya nito sa balikat bago umalis. Parang gusto niyang sumigaw at magwala pero pinipigil niya ang galit na nabuhay sa loob niya. Kaya ibinunton na lang niya ito lahat sa pag-inom ng alak. Hindi man lang niya namalayan na ang batang pinapaalis niya sa mansion n

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 102. HANNAH

    "What are you talking about? Anong sex video ang sinasabi mo?" gulong-gulo na tanong ni Shane. Tila ba nawala ang espiritu ng alak sa sistema nito. "Go ahead, Hannah," utos sa kanya ni Sir Seb kaya nagpatuloy siya. "Nakita ko ang video nyo, sir Shane...kayo ni Erika. Sa opisina mo, nakita ko lahat," garalgal na sabi ni Hannah. "Nalaman ni Erika na may tagong relasyon tayo. Kaya sinabi ni Erika na sisirain niya ang pangalan mo sa mundo ng negosyo. Pati na ang pangalan ng kumpanya at pamilya ninyo kapag hindi ako sumunod sa gusto niya na layuan ka," aniya at bahagyang pumiyok ang boses. Kung pwede lang na huwag ng alalahanin pa ang nakaraan na siyang dumudurog ngayon sa puso niya ay hindi niya na gagawin pa. Mas lalo lang siyang nasasaktan sa tuwing naaalala niya ang namagitan kay Shane at Erika. Tumikhim siya muli para alisin ang bara sa lalamunan niya. "May hawak na sex video niyong dalawa si Erika at iyon ang ipinakita niya sa akin na ilalabas niya sa media sa publiko kapag hindi

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 101. HANNAH

    Napabalikwas sa higaan si Hannah at bigla siyang bumangon nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwartong kinaroroonan nila ng anak niya. Doon niya nakita si sir Shane. Kahit na medyo madilim ay nakikita niya ang dilim sa anyo nito. Walang pasabi na bigla nitong binuksan ang lahat ng ilaw kaya nagliwanag bigla ang buong paligid. Tila ba wala itong pakialam na may natutulog at maaaring magising dahil sa ginagawa nito. Tuluyan na ring bumangon si Hannah at umupo sa gilid ng kama. Sa talim ng mga tingin sa kanya ni Sir Shane, kulang na lang ay saksakin siya nito ng buhay. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig nito baka kanina pa siya bumulagta. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Masama ang tingin nito sa kanya pero ang mga mata ay tila namumungay. "Ano pa ang ginagawa nyo rito ng anak mo?" sita nito sa kanya. Natahimik lang siya at hindi sumagot. Mukha kasing lasing ito dahil nalalanghap niya mula rito ang alak na na

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 100. HANNAH

    Kinagabihan hanggang sa pagsapit ng dinner ay hindi pa rin umuuwe si Shane. Mukhang tinotoo nito ang sinabi kanina na hindi uuwe rito sa mansion hanggat nandito sila ng anak niya. Nasa dining area sila ngayon at sabay-sabay na kumakain ng hapunan. Ayaw sana sumabay ni Hannah kasi nahihiya siya, pero mas nakakahiya kung tatanggihan niya. Saka aarte pa ba siya eh siya na itong nakikitira. "Kain ka pa marami, Heather. Kita mo ako dami ko kain kaya taba ko na," wika ni Venice. Katabi nito sa upuan si Heather habang kumakain. Naging malapit at magkasundo agad ang dalawa. "Sige, kakain din ako marami para tumaba rin ako gaya mo," sagot naman ni Heather sa pinsan nito. "Ang swerte mo Hannah at ang bait ng anak mo, buti at di nagmana sa daddy niyang masungit," saad ni ma'am Sofie. Nakangiti sila habang pinagmamasdan si Heather na ngayon ay maganang kumakain at sinasabayan si Venice. "Bakit sa akin mommy hindi ka swerte? Eh mabait din naman ako, kasingbait ni daddy ko," sabi ni Venic

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 99. HANNAH

    HANNAH Mahigpit ang kapit ni Hannah sa kamay ng anak niya nang makarating na sila sa mansion ng mga Ashford. Kinakabahan siya sa maaring pagkikita nilang muli ni Shane. Pero sa ngayon ay wala pa rito ang lalaki at nasa ibang bansa raw. At ayon sa mommy nito at kay Sofie ay hindi pa raw nito alam ang tungkol kay Heather. Hahayaan daw nila na siya ang magsabi rito. Pero hindi niya alam kung matatanggap ba nito ang anak niya. Kinakabahan talaga siya sobra. "Pakidala na lang ng mga gamit sa loob, salamat." Utos ni mam Abi sa dalawang bodyguard nito. "Ano po ito mama? Mall po ba ito? Punta tayo sa mall?" tanong ni Heather sa kanya. Nakatingala ang anak niya na nililibot ng tingin ang mansion na sobrang laki. "Hindi anak, ito ang mansion ng lola at lolo mo. Dito sila nakatira," sagot niya rito na siyang ikinamilog ng mga mata nito. "Talaga po? Sobrang laki naman ng bahay na ito mama, para talaga siyang mall," wika pa ng anak niya. Natawa naman siya sa sinabi ng anak niya, maging sina

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 98. HANNAH

    "Ba-bye mama, ingat po kayo," wika ni Heather kay Hannah. Palabas na siya sa inuupahan nilang bahay para pumunta sa pinapasukan niyang hotel nang bumulaga sa kanya ang dalawang mukha ng babae. Ang dati niyang mga amo noong kasambahay siya sa mansion ng mga ito. Biglang kumabog ng husto ang puso niya at gusto niyang pumasok ulit sa loob ng bahay nila pero tila na magnet ang mga paa niya sa sahig. "Hannah?" "Mama, sino po sila?" Napalingon si Hannah nang marinig niya ang boses ni Heather na nagsalita sa likuran niya. Mabilis itong nakalapit sa kanila at ngayon ay nasa unahan na niya ito habang titig na titig sa kanila ni Ma'am Abi at Ma'am Sofie. Pinapasok na muna ni Hannah ang mga ito sa loob ng munti nilang bahay. "Hello po, my name is Heather. Kayo po sino po kayo?" bibong tanong pa nito sa harapan ng dalawa. Walang kamalay-malay ang anak niya na lola at tita nito ang kaharap. "Mama ang ganda po nila pareho," puno ng paghanga na sambit ng anak niya sa mga ito. Hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status