Magkahalong pagod at pagkalito ang bumangon sa katawan ko nang magising ako mula sa isang mahabang pagkakatulog. Lumingon ako sa paligid ko, at agad ko namang naalala kung saan ako naroroon — isang mental hospital na hindi ko alam kung paano at bakit dito ako kinuling ni Drako.
Ang ilaw sa kwarto ay malupit sa mata ko. Para akong binangungot, at ang matalim na amoy ng disinfectant ay tumusok sa ilong ko. Ang mga pader, kulay puti at malamlam, ay nagbigay ng pakiramdam ng pagkakulong na hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin na narito ako. Ilang sandali pa, narinig ko ang pagpasok ng isang nurse sa kwarto ko. Tinutok nito ang atensyon ko, at ang sakit ng ulo ko ay parang sumabog dahil sa liwanag at tunog sa paligid. “Miss Villamor, gising na po kayo,” malumanay na wika ng nurse, isang babae na may malumanay na ngiti. Pero ang ngiti niyang iyon ay hindi kayang magpalambot sa akin. “W-What time is it?” tanong ko, at halos pumulandit na ang mga luha ko. Hindi ko kayang magpigil, ngunit pinilit kong hindi magmukmok sa harap ng nurse. Hindi ko kayang ipakita sa kanila ang kahinaan ko. “Time for your medication, Miss Villamor,” sabi niya habang naglalabas ng mga tableta mula sa maliit na bote. Hindi ko alam kung bakit, pero ang pagkakita ko sa mga gamot na iyon ay parang isang senyas na mas lalo akong bumabagsak. “I don't need that,” tumanggi ako agad, ang boses ko mahina, pero puno ng determinasyon. Hindi ko kayang inumin ang mga gamot na iyon. Hindi ako baliw. Hindi ako nararapat dito. “I’m not crazy,” I said firmly, glaring at the nurse. “I don’t need that.” Tinutok ng nurse ang mata niya sa mga mata ko, na para bang sinusuri ako. “Miss Villamor, this is part of your treatment. Please, take them.” Pero hindi ko kayang tanggapin iyon. Ang gamot na iyon, para saan? Para magpatuloy sa pagpapanggap na baliw ako? Kung susundin ko ito, para ko na ring iniiwan ang aking dignidad. At higit sa lahat, ang aking kalayaan. “Hindi ko kayang inumin 'yan,” sigaw ko, ang mga mata ko naiwan sa galit. “I’m not like them! I’m not crazy!” Pinilit ko pang tumayo mula sa kama, ngunit nahirapan akong maglakad. Halos mawalan ako ng balanse, at ang katawan ko ay parang tinatamaan ng isang malupit na bagyong dumaan. “Please,” sabi ng nurse, medyo nag-aalala na. “Take the medication. It's for your own good.” Pero wala akong pake. Hindi ko kayang maging isa sa mga pasyente na naisip nilang baliw. Hindi ako iyon. “No, I won’t take it,” I gritted my teeth, clenching my fists. “I’m not staying here for your stupid treatment. I'm not insane!” Muling tiningnan ako ng nurse, at sa isang iglap, kinuha niya ang gamot at pilit ipinasok sa bibig ko. “Stop it! I don't need this!” Tumanggi ako, pero hinawakan niya ang aking mga kamay at pilit ipinasok ang gamot sa bibig ko. Ang bigat ng katawan ko ay parang pinipigilan akong magprotesta. *** Nakatulala lang ako sa malamig na kisame ng kwarto ko, habang ang puso ko ay mabigat, parang binabalot ng dilim. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong narito. Nawalan na ng saysay ang oras, ang araw, ang mundo sa labas ng puting pader na ito. Biglang bumukas ang pinto, at sa paghampas ng malamig na hangin, pumasok si Drako Valderama. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman — ang matinding galit, ang takot, o ang kaunting kirot ng pusong minsang nangarap na siya ay mapansin. Pero ngayon, ang tanging naiwan sa akin ay pagkamuhi. Dahan-dahan siyang lumapit, suot ang isang mamahaling itim na suit na tila lalong nagpapatingkad sa malamig niyang presensya. Sa bawat hakbang niya, parang hinuhukay ang hukay ng sarili kong pagdurusa. Ipinilig ko ang ulo ko, pilit na hindi titingin sa kaniya. Pero nang magsalita siya, hindi ko napigilang sumulyap. "Your mother is sick," malamig niyang sambit, halos walang emosyon sa boses niya. Nanlaki ang mga mata ko, agad akong bumangon mula sa kinahihigaan ko, halos madapa sa pagmamadali. "Ano'ng sinabi mo?" boses ko'y nanginginig, punung-puno ng kaba at takot. "Ano'ng nangyari sa Mommy Celeste ko?" Tumingin lang siya sa akin, malamig at walang awa. "She had a heart attack. Right after learning you disappeared." Parang may sumabog sa dibdib ko. Napakapit ako sa kama, pilit na hinahabol ang hininga ko. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang lakas para hindi bumigay. "Kasalanan mo 'to!" sigaw ko, halos sumisigaw na sa sakit. "If you didn't take me away, if you didn’t lock me in this place—wala sanang nangyari sa kanya!" Umiling si Drako, tila walang pakialam sa bawat salitang binibitawan ko. "Blame yourself, Caleigh," malamig niyang sabi. "Your father's sins... your family's sins... they all have a price." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Bumagsak ito sa pisngi ko, mainit at mabigat, katulad ng sakit na hindi ko alam kung paano dadalhin. "Please..." pabulong kong anas habang papalapit ako sa kanya, halos mapaluhod sa pagmamakaawa. "Please let me see her. Please, Drako... I need to see my mom..." Tahimik lang siyang tumingin sa akin, walang bakas ng awa sa mga mata niya. Hanggang sa nagsalita siya — isang alok na parang mismong demonyo ang bumubulong. "I'll let you see her," malamig niyang sabi, sabay hakbang palapit sa akin. "But only if you agree to marry me." Napaatras ako, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "W-what?" halos bulong kong sabi, nanginginig ang boses ko. "You heard me," he said coldly, his voice a dagger in the heart. "Marry me, Caleigh. That’s the price. Pay for your father's sins... with your life." Nanghina ang tuhod ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung paano ko nagawang hindi sumigaw sa harap niya. Hindi ko alam kung paano ko naitayo pa ang sarili ko. "Ano'ng klaseng tao ka?" garalgal ang boses ko, nanginginig sa galit at sakit. "You want to punish me by chaining me to you?" Ngumiti siya — isang mapait, nakakatakot na ngiti. "You were already chained the moment your father took my father’s life. I'm just making it official." Isang malupit na tawa ang lumabas sa labi niya, at mas lalo akong nadurog. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit — ang paghamak niya sa akin, o ang katotohanang kahit gaano ko siya kamuhian ngayon, ang isang bahagi ng puso ko ay pilit pa ring hinahanap ang dating Drako na minahal ko nang lihim. Napaluhod ako sa sahig, mga kamay ko'y nanginginig. "Please... kahit hindi na ako makalabas dito, please, let me see my mom..." Umiyak ako, hindi na iniisip ang dignidad ko. Wala na akong pakealam. Basta makita ko lang si Mommy Celeste, kahit isang beses lang. Pero sa halip na maawa, mas lalo lang tumigas ang mukha ni Drako. "Make your choice, Caleigh," malamig niyang bulong. "Marry me... or rot in here." Iniwan niya akong nakaluhod sa sahig, humahagulgol at sinasakal ng bigat ng desisyong kailangang gawin — ang kalayaan ng ina ko kapalit ng buhay ko sa piling ng lalaking minsan ay pangarap ko... pero ngayon, bangungot na.Hindi ko na alam kung anong mas malakas—ang pintig ng puso kong hindi matahimik, o ang sigawan nina Drako at Drugo na tila hindi na alintana ang mga mata ng mga tao sa loob ng bar.“She's not a thing you can just claim, Drako!” sigaw ni Drugo, halos pumutok ang ugat sa leeg niya habang humarang muli sa harapan ko.Naglalagablab ang mga mata ni Drako. Hindi siya umatras. “She’s my wife. I have every right to bring her back.”“Then maybe you should start acting like a husband,” mariing sagot ni Drugo. “You don’t own her just because of a piece of paper!”Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Nasa pagitan nila ako, pero parang wala akong tinig. Wala akong lakas. Ako ang dahilan ng bangayang ito, pero parang ako rin ang pinaka-walang boses sa lahat.“Stop it…” mahina kong bulong. “Please, both of you… just stop.”Ngunit parang wala silang narinig. Ang galit nila ay parang apoy na hindi basta mapapatay ng katiting na pakiusap.“What did you even do to her, ha?” dugtong pa ni Drugo habang nak
Pagkarating namin sa ospital, agad siyang dinala ng mga nurse at doctor sa loob ng emergency room. May sugat si Drako sa tagiliran, at kahit pa iniwan niya akong wasak at durog sa mga huling pangyayari sa pagitan naming dalawa, hindi ko mapigilang mag-alala. Hindi ko ininda ang kaba sa dibdib ko, ang nanginginig kong tuhod. Basta ang alam ko lang, gusto kong masiguro na ligtas siya.Ilang oras ang lumipas. Nang sabihing stable na raw siya at puwede nang bisitahin, ay agad akong tumayo. Hinawakan ko pa ang doorknob ng kuwarto, pero bago ko iyon mabuksan, isang boses ang narinig ko sa likuran.“Drako!”Agad kong nilingon ang pinagmulan ng boses—isang babae, seksing-seksi, naka-miniskirt at hapit ang suot na blouse. Hindi ko siya kilala. Pero halata sa kilos niya na may malalim siyang koneksyon kay Drako. Ang sunod na nangyari ay mas lalong nagpainit ng dugo ko.Bigla niya akong tinulak."Get out of my way, slut!"Napamura ako. Napaatras ako dahil sa gulat at sakit ng pagkakatulak niya.
Pinagmasdan ko ang cellphone ni Jessa habang iniisip kung anong klaseng hakbang ang gagawin ko. Hindi ko na kayang tiisin pa ang pakiramdam ng pagiging bihag, ng pag-kulong sa isang mundo na hindi ko pinili. I was desperate for something, anything, that could help me escape this nightmare. So when Jessa offered me her phone earlier, I seized the chance.“Can I borrow your phone?” tanong ko, kahit na may kaba sa aking boses. Ngunit, tila hindi ito napansin ni Jessa, o baka gusto lang niyang magbigay ng kahit anong maliit na tulong.“Sure, Ma’am,” sagot niya ng walang kaabog-abog.Tinutok ko ang mga daliri ko sa screen, ngunit ang tanging naiisip ko lang ay ang pagtawag sa aking ina. Wala na akong ibang maisip kung 'di ang makita ang mukha ng aking pamilya, ang marinig ang boses ni Mommy at Daddy.Tumawag ako, umaasa. Umaasa na sana masagot ng aking ina. Ngunit ilang ulit na ring tumunog ang ringtone bago ito tumigil. Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya, at naramdaman ko
Tahimik akong kumakain sa harap ni Drako. Kaharap ko siya sa mahabang dining table, pero sa bawat kutsarang isubo ko, pakiramdam ko ay para akong nilulunok ng sarili kong katahimikan. Walang kasamang pagmamahal ang almusal na ito—tanging presensya lang naming dalawa, na tila may laylayan ng hindi maipaliwanag na tensyon.Gusto kong sirain ang katahimikan. Gusto kong sabihin sa kaniya na may pangarap pa rin ako, kahit pa gaano na niya akong ikulong sa mundong ginusto niyang likhain para sa akin. Kaya kahit nangangatal ang kamay ko, at tila may nakakulong na tinig sa lalamunan ko, naglakas-loob ako."Drako," mahina kong tawag habang pilit kong iniwas ang tingin sa malamig niyang mga mata. "I’ve been thinking... maybe I can go back to school."Hindi siya agad sumagot. Dinampot niya ang baso ng alak at dahan-dahang uminom, na para bang sinadya niyang patagalin ang katahimikan para lalong pasigawin ang kaba sa dibdib ko.“School?” ulit niya, may kasamang bahagyang ngiti sa sulok ng labi. “
Masakit ang bawat hibla ng katawan ko.Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang igalaw ang mga binti ko. Para bang piniga ng paulit-ulit ang kalamnan ko buong magdamag—at hindi lang basta piga, kundi parang niyurakan din ng init at sarap. Pero higit sa lahat, ang pagkababae ko… para akong winasak.Napakagat ako sa labi habang marahang pilit na iniusog ang sarili sa kama, ngunit agad akong napatigil. Isang kirot na may kasamang kiliti ang sumalubong sa pagitan ng hita ko.Damn it, Drako.Napalingon ako sa kanan. Nandoon siya—nakaupo sa gilid ng kama, nakahubad ang pang-itaas, at may hawak na sigarilyo sa kamay. Bawat pagbuga niya ng usok ay tila may kasamang lungkot at bigat na hindi ko kayang basahin. Parang ibang tao na naman siya. Malamig. Malayo. Misteryoso.Wala na ang lalaking buong gabi akong nilamon ng halik at init.Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan, at tila ba hindi man lang alintana na gising na ako’t pinagmamasdan siya."You're awake," mahina niyang sambit
Mainit ang hininga ko. Hindi ko na alam kung alin sa dalawa ang mas nakakaapoy—ang epekto ng tsokolate o ang presensya niyang ngayon ay nakatayo sa harap ko, hubo’t hubad, habang ang mga mata niya ay tila apoy na nais lumamon sa buong pagkatao ko.Ramdam ko ang pagragasa ng panginginig sa katawan ko. Mula ulo hanggang talampakan, para akong sinisilaban sa ilalim ng balat. At ang mas nakakatakot—hindi ko gustong tumakas sa apoy na ‘yon.Napaangat ako sa kama nang maramdaman ang init ng daliri niyang muling gumapang sa pisngi ko, pababa sa baba, hanggang sa mga labi kong nanginginig pa. Ipinasok niya ang dalawang daliri niya sa bibig ko—hindi marahas, pero sapat para mapasunod ako.“Good girl,” aniya, paos at punong-puno ng mapang-akit na lambing ang tinig.Hindi ko alam kung anong klaseng babae na ako ngayon. Ilang oras pa lang ang nakakalipas, ako ‘yong babaeng umiwas sa init ng halik niya. Ngayon, ako na ang naghihintay, nag-aabang, nauuhaw sa susunod niyang galaw.Lumuhod siya sa ha