Share

Chapter 2

"M-May kailangan ka?" Hindi maiwasan ni Anna na bahagyang mautal dahil nararamdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Bakit niya ito nararamdaman? Hindi niya rin alam.

"Gusto ko lang po humingi ng pasensya sa nangyari po kanina. Pasensya na po," sabi ni Daniel habang nakatingin sa baba.

"Wala 'yon. Ayos lang sa akin saka huwag ka ngang mag-po sa akin. For sure, matanda ka pa sakin."

"Maraming salamat."

Aalis na sana si Daniel nang biglang dumating ang Ina ni Anna.

"Anong meron?" tanong nito kay Anna.

"Magandang hapon po, ma'am."

Nabaling ang tingin nito sa binata, "Magandang hapon din, may kailangan ka ba?"

"Wala naman po, mauuna na po ako." Tumango ang Ina ni Anna at ang binata ay muling tiningnan si Anna at umalis na.

Nang makaalis na ang binata ay nagsalita si Anna.

"May magulang pa po ba siya?" tanong nito sa kaniyang Ina.

"Si Daniel ay simula bata ay ulila na siya. Ayaw ko ngang magtrabaho ang batang 'yon sa atin kasi gusto ko mag-focus na lamang siya sa pag-aaral niya."

"Lola na lang po niya ang kasama niya?"

"Lola at Lolo, sa pagkakaalam ko ay nakikisaka ang kaniyang Lolo."

"Mommy, bakit hindi natin sila tulungan?" Nakita ni Anna na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang Ina.

May narinig silang bumisana na naggagaling sa labas.

"Si Daddy mo na yan," ani ng kaniyang Ina.

"'My, papasok na po muna ako sa kuwarto." Tumango na lamang ito.

Nakahiga na si Anna sa kaniyang kamaat mataman na nakatingin sa kisame. Iniisip niya pa rin ang kanina. May dahilan kaya kung bakit hindi nasagot nang kaniyang Ina ang katanungan niya? Biglang pumasok sa isipan niya ang nangyari kanina, yung parang galit na Lola ni Daniel. May kinalaman kaya iyon?

Pero ano dahilan? Bakit? Kailan? Napapikit si Anna dahil sa kaniyang iniisip. Darating din ang panahon na masasagot ang mga katanungan sa isipan niya. Sa ngayon ay kailangan niyang makapasa dahil malapit na siyanv magtapos.

Bumangon siya at binuksan ang kaniyang Laptop. Sa pagkonek niya pa lang sa internet ay marami na ang nagmessage sa kaniya. Hindi niya pinansin ang mga ito dahil puro invitation lang ng mga ka-batch mate na gustong-gusto pumarty anytime. She's not fond of party, sobrang ingay.

May kaibigan naman siya pero pare-parehas silang busy dahil nga nalalapit na silang magtapos. Maingat din siya sa kaniyang kilos, bilin na rin ng kaniyang Daddy dahil puwede itong makasira sa imahe niya lalo na't tumatakbo ito sa paparating na eleksiyon.

Nag-review na lamang siya para bukas at pagkatapos ay nanood ng mga paborito niyang series. Hanggang sa antukin siya.

KINABUKASAN habang naglalakad siya patungo sa library nila sa school ay nakasalubong niya si Daniel na kakalabas lang nang Library may hawak itong mga libro. Nang magtama ang tingin nila ay tumango ang binata sa kaniya.

Gusto sanang kausapin ni Anna si Daniel kaso napangunahan siya ng kaba kaya hindi na niya itinuloy. Habang papasok naman siya sa Library ay tiningnan niya ulit si Daniel at nakita niya itong may kausap na babae, actually kilala niya ito. Siya yung kilalang matalino sa departamento ng education.

Napakunot ang noo ni Anna nang makita niyang ngiting-ngiti ang babae na kausap ni Daniel. Ano naman kaya ang kailangan nito sa binata? Hindi ko alam na magkakilala pala sila. Napabuntonghininga si Anna nang mapagtanto na hindi niya pala alam kung anong course ni Daniel. Wala nga pala siyang alam sa binata.

"Hey, Anna!" Napatingin siya sa umakbay sa kaniya. Agad niyang tinanggal ang braso nito na nakaakbay sa balikat niya.

"Aba, dumating na ang panay sarap sa buhay. Gagraduate na lang tayo, nakuha mo pang magbakasyon." Natawa si Rafael sa sinabi sa kaniya ni Anna.

"True, naku! Heto nga at pinabitbit pa sa akin mga pasalubong niya. Ginawa niya pa akong taga bitbit, kaloka." Binigay ni Clarisa sa kaniya ang isang eco bag na may lamang mga pagkain at souvenirs.

Si Rafael at Clarisa ay kaibigan niya simula nung tumungtong siya sa college. Si Rafael ay ang bunsong anak ng nagmamay-ari ng planta sa kabilang bayan. Si Clarisa naman ay simple lamang, parehong guro ang kaniyang mga magulang kaya siya lang ang naibang course sa amin. Biglang may naalala si Anna, educ course ni Clarisa so...

Nagkamustahan silang magkakaibigan hanggang sa nauna na munang umalis si Rafael dahil may naghahanap raw na prof sa kaniya. Pumasok naman sina Clarisa at Anna sa loob ng Library. Habang naghahanap sila ng mga libro ay nagtanong si Anna.

"Clarisa, kilala mo siguro yung matalino sa departamento niyo 'di ba?" Tanong ni Anna habang namimili pa sila ng libro.

"Oo, si Victoria. Bakit mo natanong?"

"Wala naman."

"Hindi mo na naitatanong pero si Victoria hanga ako ro'n. Kahit mahirap lang sila nakukuha niya pang makipag-sabayan at nagbunga naman."

Napatingin si Anna kay Clarisa, "mahirap lang sila?"

"Oo, magsasaka ang magulang niya."

Napatango-tango na lamang si Anna sa nalaman niya. Kaya siguro magkausap sila ay baka magkakilala na sila? Bakit ko ba iniisip yon? Binalewala na lang ni Anna ang mga 'yon at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Natapos na ang klasi ni Anna at nasa labas na siya ng school nila, sa may waiting shed. Ngunit kalahating oras na ang nakalilipas wala pa rin ang sundo niya.

"Ma'am." Nang marinig niya ang boses na 'yon ay bigla siyang kinabahan. Si Daniel.

Sasagot na sana siya nang may tumawag sa binata yung si Victoria.

"Daniel, sabay na tayo."

Hindi agad nakasagot ang binata kaya nagsalita na siya. "Sige na, mauna na kayo." Inalis na ni Anna ang tingin sa kanila.

Umalis si Daniel at lumapit kay Victoria. Mapait siyang napangiti, siguro nga ay sinunod lamang ng binata ang sinabi niya. Kung titingnan ay bagay naman ang dalawa, maganda at gwapo. Masaya sila sa isa't isa at komportable.

Napatingin siya sa kaniyang relo, magaalas-sais na ng gabi. Bakit kaya ang tagal ng sundo niya? Hindi naman siya makasabay sa mga kaibigan niya dahil sa kabilang bayan pa ang mga ito.

"Anna." Napaigtad siya nang marinig ang boses na iyon at tiningnan si Daniel. Nakita niya rin na nakasakay na sa tricycle si Victoria at umalis na.

"Akala ko... , hindi ka pa ba uuwi?"

"Sabay na tayo."

May pumarada na isang tricycle sa harapan nila at pinasakay na siya roon. Akala ni Anna ay magkakatabi sila ngunit sumakay ito sa likuran kasama ang driver. Napapikit si Anna habang nasa biyahe sila, bumibilis kasi ang tibok ng puso niya. Lihim siyang napangiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status