Share

Chapter 5

Napabuntonghininga si Anna at naglakad na siya papunta sa gate nila. May tama rin naman kasi ang sinabi ni Daniel. Para matapos na rin.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang natisod siya kaya na-out of balance ang kaniyang katawan ang napaupo siya sa sementadong sahig.

"Ouch," d***g niya.

"Ma'am!" Agad siyang pinuntahan ni Daniel at tinulungan siyang makatayo.

Nang nakatayo na siya ay agad na inalis ni Daniel ang water host, doon kasi siya natisod. 

"Ayos ka lang ba? Pasensya na 'di ko naligpit agad."

"Ayos lang, kasalanan ko naman hindi ko kasi nakita."

Tinalikuran na niya si Daniel kahit medj paika-ika siya kung maglakad.

Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla siyang binuhay ni Daniel na parang bagong kasal. 

"Anong ginagawa mo?!" tanong niya.

"Binubuhat ka, ipapasok na kita sa loob. Ako na bahala roon da boyfriend mo," seryoso nitong sabi habang buhat-buhat siya.

"Hindi ko nga boyfriend 'yon! Kulit mo."

Hindi na nagsalita si Daniel, ibinaba niya si Anna sa terrace ng kanilang bahay. 

"Magpahinga ka na muna."

Mariin na napapikit si Anna dahil nararamdaman na naman niya ang ayaw niyang maramdaman. Nakakainis!

Humiga na lamang siya at nakita niyang tumutunog ang phone niya. Tumatawag si Brando, ngunit hinayaan lang ni Anna na mag-ring ang kaniyang phone. Ayaw niya talagang makausap si Brando.

Hindi naman siguro natin mapipilit ang sarili natin sa taong ayaw natin 'di ba? Matagal ng kilala ni Anna si Brando ngunit nawala ang tiwala nito sa binata nang malaman niyang pinagpupustahan siya ng mga tropa ni Brando noong highschool sila.

Maliit na bagay para sa iba pero kay Anna ay masakit iyon lalo na't malaki ang tiwala niya kay Brando. Simula noon ay hindi na kinausap pang muli ni Anna si Brando. Hindi pa siya handa sa ngayon at sanay na rin naman si Anna na hindi niya kasama si Brando.

HABANG naglalakad si Anna sa hallway papunta sa kaniyang room ay may bigla na lang bumangga sa braso niya dahilan para mahulog ang hawak na libro ni Anna.

"Hala, sorry."

Pinulot agad ni Anna ang mga libro na nahulog at tiningnan niya kung sino ang bumangga sa kaniya–si Victoria.

"Ayos lang."

Aalis na sana si Anna nang magsalita si Victoria na ikinatigil niya. 

"Puwede bang layuan mo si Daniel."

"Bakit? Hindi naman kami magkasama lagi."

"Hmm, halata kasi parang may gusto ka sa kaniya?" 

Kumunot ang noo ni Anna, "Paano mo naman nasabi? At sino ka ba?"

Pilit na ngumiti si Victoria, "I can see it."

"Well, I don't care. Mauuna na ako."

Napairap sa kawalan si Anna nang lagpasan niya si Victoria. Sa awra pa lang ng babaeng 'yon ay kumukulo na ang dugo ni Anna. Akala niya pa naman mabait 'yon bakit parang hindi yata? Bait-baitan huh?

Nang matapos ang lahat ng klasi ni Anna ay uuwi na sana siya nang makita niyang nasa labas ang sasakyan ni Brando. Talagang hindi siya titigil?

Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Anna hanggang sa may humawak sa braso niya dahilan para tumigil siya sa kaniyang paglakad. Sa pagharap niya ay nakita niyang si Brando ito, na naka-shades pa.

"Anong kailangan mo?"

"Mag-usap tayo."

"Wala na tayong kailangan pang pag-usapan. Umalis ka na, uuwi na ako." Tinanggal ni Anna ang kamay ni Brando na nakahawak pa rin sa braso niya.

"Ihahatid na kita," sabi ni Brando.

"Huwag na, mauuna na ako."

Sakto namang dumating ang service niya at agad siyang pumasok doon. Tumingin siya sa bintana at nakita niyang nakatayo pa rin doon si Brando habang tinitingnan ang sinasakyan niya.

Tinanggal na niya ang tingin doon at tumingin na lamang siya sa harapan. Sana tumigil na siya, wala na siyang makukuha sa akin. Ayaw na rin makipagkaibigan pa ni Anna kay Brando. Sadyang mahirap talaga ibalik ang tiwala.

Pagkauwi niya sa bahay ay agad niyang tinanong ang kaniyang Ina sa kanilang kasambahay. Nasabi nito na nasa kwarto na ang kaniyang Ina. 

"Ano kaya ang nangyari kay Ma'am 'no?"

"Aba'y malay ko, nakakapanibago nga na parang umiyak siya e."

Napataas ang isang kilay ni Anna dahil pagtalikod niya ay narinig niya ang mga 'yon. Totoo ba 'yon? Dahil sa kuryoso ay pumunta siya sa kuwarto ng kaniyang Ina at narinig niyang may umiiyak nga.

"Mommy!" sigaw ni Anna at kumatok sa pintuan nito. "Buksan niyo po ito."

Paulit-ulit na sinasabi ni Anna 'yon, ngunit hindi pa rin binubuksan ng kaniyang Ina ang pintuan sa kaniyang kuwarto. Siguro ay hindi pa handa ito para sabihin kung ano man ang problema niya.

Walang nagawa si Anna kundi ang bumalik na lang sa kaniyang sariling kuwarto. Sana ay maayos lang ang lahat.

MAAGANG nagising si Anna kinabukasan dahil nagbabaka sakali siya na baka maabutan niya ang kaniyang Ina. Nanlumo siya nang malaman niyang nakaalis na ito.

Pinuntahan niya ang kuwarto ng kaniyang Ina, mabuti na lang at hindi ito naka-lock. Pinagmasdan niya ito, malinis naman at hindi magulo. Napaupo siya sa gilid ng kama at napatingin siya sa side table dahil merong isang envelope roon. 

Kinuha niya ito at tiningnan kung ano ang nasa loob. Mga pictures, nanlaki ang mga mata niya at parang dinurog ang puso niya dahil sa kaniyang nakita. Ang nasa pictures ay ang kaniyang Daddy na may kasamang babae.

Napahigpit ang hawak niya sa envelope at pinipigilan niyang huwag maiyak. Ibinalik niya ang envelope kung saan ito nakalagay at lumabas na siya.

Nawalan siya ng gana pumasok kaya nagkulong siya sa kaniyang kuwarto at doon na niya inalabas ang iyak niya. Kaya pala, kaya pala ganoon na lamang ang iyak ng kaniyang Ina. Hindi alam ni Anna na kayang gawin ng kaniyang Daddy iyon. 

Sa buong buhay niya ay akala niya buo at masaya ang kanilang pamilya na kahit busy ang mga ito ngunit nagkamali pala siya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, ang tanging nasa isip ni Anna ngayon ay ang kaniyang Ina. Ayos lang ba kaya ito? Hindi maiwasan ni Anna na mag-isip ng kung ano-ano. Natatakot siya, na baka hindi kayanin ng kaniyang Ina dahil mahal na mahal nito ang kaniyang Daddy. 

Agad na lumabas si Anna para puntahan ang kaniyang Ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status