Share

Chapter 35

Author: Lexa Jams
last update Last Updated: 2024-12-09 22:56:06
Marahang pinalis ni Jyla ang kamay ng katrabaho. “Hindi. Kailangan ko lang talaga ng extra income,” pagsisinungaling pa niya.

Totoo naman na kailangan niya talaga ng ekstrang pera, pero hindi naman kasi ‘yon ang pinunta niya rito. Dahil hindi siya imbitado sa okasyong ‘yon, naghanap siya ng ibang paraan kung paano makakapunta para hindi mabigo ang hiling ng biyenan.

Saktong nalaman niya sa biyenan kung sino ang caterer ng mga Calvino, ang Elysian Atelier, isang popular na restaurant na maraming branch, hindi lang sa bansa kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. At popular din ang executive chef ng restaurant na si Chef Elyse sa buong mundo. Pasok sa panlasa ng mga sikat at mayayamang personalidad ang mga pagkaing inihahanda sa mga restaurant ng babae.

Pero para sa mga taong kagaya ni Jyla, baka nga kahit tubig dito ay hindi niya kayang bilhin. Isa pa, asa namang makapasok talaga siya sa kahit na isa sa mga restaurant nito.

Pero kahit na napaka-imposible, agad na nagbaka-sakali si Jy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 116

    Dahan-dahan ang naging pagdilat ng mga mata ni Jyla, at kaagad na nagusot ang mukha niya nang mamataan na nakahiga siya sa isang pribadong ward. Isang minuto siguro siyang nablanko, saka unti-unting nanumbalik sa kanya ang lahat. Mabilis ang naging pagbagsak ng mga luha niya. “Ma!” malakas na sigaw niya, saka nagkukumahog na tinanggal ang suwerong nakakabit sa kamay niya. Dali-dali siyang bumaba ng higaan at halos takbuhin niya na palabas ang pintuan pero pagtapak niya sa sahig ay napaupo lang siya rito dahil sa labis na panlalata ng katawan niya. “Ma, panaginip lang ‘yon ‘di ba? Ma?!” napahiyaw na siya sa sobrang paghihinagpis, at kahit anong hawak o paghampas ang gawin niya sa dibdib niya ay hindi nawawala ang matinding sakit na nagmumula roon.Hindi na niya magawang tumayo, at halos isubsob na nga niya ang mukha sa sahig sa sobrang bigat ng pagpatak ng mga luha niya. Hindi! Panaginip lang ‘yon. Hindi siya iniwan ni Zoey. Hindi siya pwedeng mawalan ulit ng ina. Hindi niya ‘yon

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 115

    JylaMatagal na tinitigan ni Jyla ang pintuan ng bahay na minsan nilang tinirhan nang magkasama ni Zion. Bumalik sa alaala niya ang lahat, simula sa una nilang pagkikita ni Zion. Napakarami na niyang pinagdaanan sa poder ng asawa, hindi lang malungkot, hindi lang puro inis at galit— meron na ring masasayang alaala kahit papaano. Pero meron talagang paraan ang tadhana para ipangalandakan sa ‘yo na wala ka sa tamang kinalalagyan— na hindi para sa ‘yo ang isang bagay o isang tao.Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari. Panahon na talaga siguro para sumuko. Kung bakit ba naman kasi meron pang parte ng puso niya ang umaasa.Sa totoo lang, kaya siya naglakas loob na magpunta rito ngayon ay para lang makita niya si Zion. Gusto niyang isumbat dito ang nangyari sa kanya ngayong buong araw dahil hindi man lang siya nito magawang tulungan, kahit na hindi niya pa naman nagagawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. But in the end, her heart won. Makita lang niya ang pagod at lungkot sa mga

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 114

    ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 113

    Dylan‘What a freakin’ spectacle.’Hindi maiwasan ni Dylan ang mabighani sa ginawang pagsagip ng kaibigan niya kay Jyla. Akala niya ay kilalang-kilala na niya si Andrew, but this was a side of him he had never seen before.Hindi siya makapaniwalang may kakayahan pala itong protektahan ang isang babae. Masyado siyang nasanay na kinakama tapos ay pagsasawaan lang nito ang mga babaeng dumarating sa buhay nito. Andrew had never given someone an effort like this. Siguro kung wala lang taong nakahandusay ngayon sa sahig na may tumatagas na dugo sa tiyan nito, baka pinalakpakan na niya si Andrew.But Jyla….May kung anong kumirot sa dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng hindi mapigilan ang paghagulgol sa mga bisig ni Andrew. Nakita niyang handa na itong magpakulong ulit, kahit na kagagaling lang nito halos sa kulungan. She would rather be imprisoned than to be defiled by someone like Daniel.Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaselos sa kaibi

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 112

    AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 111

    Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status