Freaking Zion Calvino? Of course! Sino pa nga ba ang inaasahan ni Jyla?
May bahagyang ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatingin sa kanya. At ang natural na nakakasurang tono ng boses nito ay medyo magalang ngayon na kahit sino siguro ang makakarinig ay hindi maiiwasan ang mabuntis na lang nang bigla. “Let’s not bother mom for now, okay? Kailangan niyang magpahinga. If you need something, you can just tell me.” Napanganga na lang si Jyla sa nakita at narinig, lalo pa noong lumapit sa kanya si Zion at niyakap siya nito nang biglaan. Akala mo kung gaano ito kabait at ka-gentleman. “Anak, pag-usapan niyong mabuti ang kasal ninyo, ah? Huwag na huwag mong aawayin si Jyla, ah?” sigaw ni Zoey sa anak. “Of course! You don’t have to worry about that,” tugon ni Zion dito habang inaakay nito palabas si Jyla. Ang kaso ay pagkalabas na pagkalabas nila ng ward ay hinablot na naman ng lalaki ang pulsuhan niya at saka siya nito walang habas na hinatak palayo sa kwarto. Nang makarating sila sa dulong parte ng pasilyo ay agad na lumabas ang tunay na kulay nito. Ang kanina lang na nakangiting mga mata nito ay bigla na lang nagbaga habang mariin na nakatitig sa kanya. Marahas siyang tinulak nito sa dingding at saka hinawakan nang mahigpit ang leeg niya gamit ang isang kamay. “Talagang inuubos mo ang pasensya ko. How dare you bother my mom like that. Pag may nangyari lang sa kanyang masama, I will hurt you in the worst way possible,” nagngingitngit na turan nito. Pulang-pula na ang mukha ni Jyla at hindi na halos makahinga sa pagkakasakal ni Zion sa kanya pero sinikap niya pa rin na depensahan ang sarili. “Hindi ko alam na… anak ka niya.” Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit bigla na lang nagyaya ang lalaki na pakasalan siya kahit halos isumpa na nito ang presensya niya sa mundo. Habang nasa kulungan sila ay madalas siyang binibiro ni Zoey na ipapakasal siya nito sa binata niya kapag nakalaya na sila. Ang akala niya ay normal na biruan lang nila itong magkaibigan, pero tinotoo pala nito ang sinabi. “Fucking liar!” Lalo pang hinigpitan nito ang pagkakakapit sa leeg niya. “You’re playing hard to get para magpaawa sa akin. You really want to become my wife that bad?” Hearing him, nawalan na siya ng dahilan para ipagtanggol ang sarili, kaya naman ipinikit na lang niya ang mga mata at tinanggap ang napipintong kamatayan sa kamay nito. Mas mainam nga siguro ang matapos na ang paghihirap niya. Hindi lang ang nanay niya ang makakasama niya sa kabilang mundo, maging ang batang nasa sinapupunan niya. Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata niya dahilan para pakawalan siya ni Zion. Hindi siya magkamayaw sa paghabol ng hininga at pag-ubo habang hinihimas ang leeg. “She only has two months left,” ani ng binata. Natigilan si Jyla sa narinig at litong-lito na napatingin kay Zion? Hinihintay niyang bawiin nito ang sinabi pero nagpatuloy lang ito. “That’s why this marriage has to happen. And you already wasted our one month.” Jyla gasped, cupping her mouth with both hands, trying to suppress her sobs. Hindi niya maiwasang masaktan nang lubos sa narinig. “Don’t get funny ideas dahil hinding-hindi kita ituturing na asawa. In two months, we will get a divorce. And then you’ll get your compensation,” malamig na anito. Napatango na lang si Jyla sa tinuran nito habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa nararamdamang sakit. “Fine. Pumapayag na akong pakasalan ka.” Napaigting naman ang bagang ni Zion sa narinig at agad na tumingin sa leeg ng dalaga. Oo nga pala. Noong nakaraan lang ay nakita nito ang sandamakmak na kiss mark sa leeg ni Jyla dahilan para pandirihan siya nito nang malala. “Pumapayag na ako, pero… meron akong kondisyon,” dagdag ni Jyla. Zion scoffed. “Of course, what did I expect? What is it?” naiinis na tanong nito. “Gusto ko ng matitirhan. Any place will do. Huwag lang dito sa Maynila,” mariin niyang pahayag na ikina arko ng kilay ni Zion. “At kailangan ko ng advance, mga trenta mil,” dagdag pa niya. Sapat na siguro iyon para sa routine check-up niya, pati pambili ng mga gamit ng bata. At kung makakatipid man siya, mabibigyan niya pa nang maayos na lugar na paghihimlayan ng yumaong ina. Napaismid si Zion sa kakapalan ng mukha ng dalaga. After mentioning the alimony, she still had the audacity to ask for an advance. At kung manghihingi si Jyla ng trenta mil ngayon, magkano kaya ang hihingiin ng babae sa makalawa? Such a hateful woman. He couldn’t wait to get rid of her, the way he had gotten rid of people like her in the past. Pero walang magagawa si Zion ngayon. His mom must come first. Dinukot ni Zion ang cellphone sa bulsa at lumayo kay Jyla. Maya-maya ay dumating ang sekretarya nito na may dalang puting sobre. Kinuha ni Zion ang sobre sa sekretarya at humugot ng limang libo galing dito at saka akmang iaabot ang pera kay Jyla. “You will be getting the thirty thousand in installments; only if you do a good job playing the role of my wife, especially in front of my mom.” Wait. Limang libo? Parang hindi sapat iyon para pang-check-up. Balak din niyang maghanap ng mapagtatrabahuan. Paano niya iyon pagkakasyahin? “Masyadong maliit yung limang libo, Mr. Calvino. Sampung libo,” paghamon niya rito. “You’re not the one calling the shots here. Two thousand,” balik paghamon nito sa kanya. Huh? Lalo pa nitong niliitan ang presyo. “Fine! Okay na ako sa limang libo,” pagbawi ni Jyla. “Dahil inubos mo ang pasensya ko, magtiis ka sa isang libo,” singhal sa kanya ni Zion. “What?” tanong niya rito, naakaawang nang malapad ang mga mata. Halos maiyak na siya sa pangmamaliit nito sa kanya. “F-fine,” sagot na lang niya rito, aktong kukunin na ang pera. Kesa naman hindi na siya nito bigyan. Imbes na iabot kay Jyla ay tinapon ni Zion ang pera papunta sa babae. “Do your job well. And I’ll think about the rest. Who knows? Baka bigyan pa kita ng komisyon kapag maayos mong nagawa ang trabaho mo within two months.”” Tahimik na pinulot ni Jyla ang pera sa sahig, pilit na iniignora ang mga salita ni Zion. Mahirap na, baka mamaya ay hindi pa siya makapagpigil. Pero kung tutuusin, mas okay pang magpanggap siyang asawa ni Zion kesa tumanggap ng tulong galing sa magaling niyang tiyahin at tiyuhin. “Let’s go back. Do not ever mention anything to my mom. Kung ayaw mong magsisi,” banta pa nito sa kanya. “Hindi ako tanga, Mr. Calvino. Huwag kang mag-alala,” naiinis na sagot niya rito. Hindi naman sa gusto niyang umaktong asawa talaga ng lalaki. Pero kasi, malalim ang pinagsamahan nila ni Zoey. Para na talaga silang mag-ina sa kulungan dati. Kaya kahit muhing-muhi siya sa lalaki ay gagawin pa rin niya nang maayos ang pagiging asawa kuno nito para sa kaligayahan ni Zoey sa mga huling sandali nito. Pagkapasok nila ng sa kwarto ni Zoey ay agad na kumapit si Jyla sa braso ni Zion at saka ngumiti nang pagkatamis habang lumalapit sa matanda. “Sorry, Tita. Medyo natagalan ang pag-uusap namin. Inaayos na po kasi namin ang kasal.” “Jusko, salamat, iha. Sobrang excited na ako sa kasal ninyo,” natutuwang ani ng matanda. Ginagap nito ang kamay “Kamusta naman ang anak ko sa ‘yo? Tinatrato ka ba niya nang maayos?” mahinang bulong nito sa kanya. Umakto pa siyang kinikilig at nahihiya bago sumagot. “Oo naman po, Tita. Sobrang nagmana po sa inyo yung anak niyo. Napakabait. Napaka–gentle man. Wala na po yata akong mahihiling pa.” Gusto niyang masuka sa nasambit. “Magpakasal na kayo sa huwes, ah? Gustong-gusto ko nang tawagin mo akong mama,” seryosong hiling sa kanya ng matanda. The old woman’s words warmed her heart, kaya naman napapisil siya sa malambot nitong kamay. “Opo. Magpapakasal na kami ngayon.” Kinahapunan ay nagpakasal na nga silang dalawa. They exchanged vows, signed and stamped a series of documents. Kumuha din sila ng maraming litrato. And just like that, she got married.JYLAAndrew’s eyes widened. Kapagkuwan ay humagalpak ito ng tawa, mukhang hindi naniniwala sa sinabi ni Jyla. “You are what? Are you kidding me right now? Is this some kind of a test?” tuloy-tuloy na tanong ni Andrew sa kanya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nito. His expression only hardened when she remained silent.“What? Is this your way of telling me to back off? Do you not like me, Jyla?” Nagbaba siya ng tingin at saka nagpakawala ng buntong-hininga. And then she met his gaze once more. “Sir Andrew, totoo ang sinabi ko. At kaya ko 'to sinasabi sa 'yo dahil ayaw ko nang ilihim sa 'yo ang katotohanan.” Tila na-absorb na rin ng lalaki sa wakas ang sinabi niya. Andrew winced at the revelation, and his eyes were screaming with betrayal, disappointment, and pain. Pero napansin ni Jyla na mabilis na pinalis ng lalaki ang reaksyon na iyon. And instead, he let out an unsure smile. “Woah… Jyla…. I can’t believe you!” bulalas nito. Imbes na humigop sa kape nito, dinampot nito
JYLA“So… did you have a good talk with him?” basag ni Andrew sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kanina pa nakadungaw sa bintana ng kotse si Jyla, pinagmamasdan ang lahat ng mga nadadaanan nila. Hindi pa rin tumitila ang ulan at halos magbaha na ang ibang parte ng siyudad.The moment Andrew spoke, nilingon niya ang lalaki. His right hand was on the wheel, pero ang mukha nito ay titig na titig sa kanya. Mabuti na lang at kasalukuyan silang nakahinto dahil nakapula ang stoplight.Tanging tango lang ang naisagot niya rito. Kaya hindi nakatakas sa paningin niya ang saglit na pagkagusot ng mukha ni Andrew. “Nakita ko kung paano ka niya hinabol.” Punong-puno ng pagkadismaya at pang-aakusa ang tinig ng lalaki. Wala tuloy siyang magawa kundi ang magpaliwanag dito. “Hindi ko kasi pinirmahan yung divorce paper namin.” Saktong naging berde na ang ilaw sa stoplight. “What?” gulat na gulat na tanong sa kanya ni Andrew. “Bakit hindi mo pinirmahan?” Lalo lang yatang nalukot ang mukha nito.
JYLAParang mahihipnotismo si Jyla sa walang tigil na pagdaloy ng tubig ulan sa salamin na pader ng cafe na pinuntahan nila ni Zion. It was warm and ambient inside. Tahimik din, walang ibang tao bukod sa kanilang dalawa, at sa mga barista.Kanina sa sementeryo ay walang imik na giniya siya ni Zion papunta sa sasakyan kung saan naghihintay pala si Johann. Wala rin silang imikan habang nasa loob sila ng kotse. Hindi na rin naman siya nag-usisa pa. Basta na lang siya nagpatianod sa kagustuhan ni Zion.And then they stopped by at this cozy cafeteria. Tuluyan na ring nawala ang panlalamig ni Jyla dahil sa pagkabasa niya ng ulan. Malaking tulong din ang paghawak niya sa porselanang tasa na naglalaman ng umuusok-usok pa na tsokolate. And when she took a sip from it, parang dumaloy talaga sa kalamnan niya yung init ng inumin. But what warmed her the most was Zion’s suit jacket that was still draped over her shoulders. Nilagay ng lalaki iyon sa kanya kanina bago siya nito akayin papunta sa s
JYLAIt was the weekend. Medyo makulimlim ang kalangitan, pero hindi naging hadlang iyon kay Jyla para dumalaw sa puntod ni Zoey. Pupunta nga sana siya rito oras na makalabas siya ng ospital noong nakaraan, pero nagpumilit si Andrew na magpahinga muna siya.Dahil nga sa hotel lang din naman siya nakikituloy, pinahiram ni Andrew sa kanya ang isang condo nito. Nag-alala din kasi ito na baka may gawin na naman sa kanya si Daniel Montero. Medyo nag-alangan pa nga si Jyla noong una. She was afraid that Andrew would take advantage of her situation, pero hindi naman nangyari iyon. Bagkus ay inalagaan pa nga siya nito. He had been delivering her meals. Calling her every second thru the landline. Paano pala ay ito ang may-ari ng building na tinutuluyan nila, at sa penthouse lang ito nakatira. She tried telling him na okay na siya, para nga madalaw naman niya si Zoey, but the guy just wouldn’t let her. Ngayon lang siya pinayagan nito na umalis, at hinatid pa nga siya nito sa sementeryo. But
ZIONIt had been an exhausting week. Pagkatapos ng pangatlong araw ng lamay ay nilibing na rin kinabukasan si Zoey. The day after the funeral, bumalik na rin sa trabaho si Zion at umaktong parang walang nangyari. Nilunod na lang niya ang sarili sa trabaho, kahit papaano, mawawaglit niya sa isipan saglit ang ina. But the working hours had long ended. Kahit na anong pilit niya kay Johann na mauna na ito ay mukhang walang balak ang lalaki na iwan siya. Kaya napilitan na lang siyang mag-out. Pagkapasok niya sa kotse ay tumutok siyang muli sa tablet niya. When he gazed out the window ay napansin niyang iba ang daan na tinatahak nila ni Johann.“Where are we going?” nagtatakang tanong niya rito. The car halted to a stop at tiningnan siya ni Johann, bakas ang labis na pagtataka sa mukha. “What do you mean, sir? Sa bahay po ninyo?” “Oh,” bulalas niya. Usually kasi sa mga oras na ito, papunta na siya ng ospital. “Okay.” Parang naintindihan naman siya ni Johann, kaya bago nag-green ang ilaw
DANIEL MONTEROPagkalabas na pagkalabas nila Jyla at Andrew ng ward ni Daniel ay hindi na niya napigilan ang galit niya. He reached out for the vase of plastic flowers sitting on his bedside table. Saka niya hinagis ‘yon nang marahas kay Toto. “Pútangina! Wala kang kwenta!” singhal niya sa lalaki pagkahagis niya rito ng plorera. Mabuti at nasangga ng balikat nito ang plorera at hindi tumama sa mukha nito. He was actually aiming for that bástard’s ugly face.Sobrang sakit sa pandinig ang pagkabasag ng plorera nang lumagapak ito sa sahig. Dumagdag lang lalo tuloy ‘yon sa galit niya kaya kinuha niya ang babasaging pitsel na katabi lang din ng plorera kanina at iyon naman ang hinagis niya sa lalaki. Ang kaso ay napalakas ang pagkakahagis niya at imbes ay sa pader ito tumama at nabasag.“Ano pang hinihintay mong pútangina ka! Tumawag ka ng doktor!” nanggagalaiting utos niya sa lalaki. Kaagad din naman itong tumalima at patakbong lumabas ng kwarto niya. “Mga pútangina! Akala nila kung si