Pagkalabas na pagkalabas nila sa huwes ay agad na nagpaalam si Jyla kay Zion. “Since bawal naman ang bisita ng hapon, hindi na ako sasabay sa ‘yo pagbalik sa hospital. Bukas ko na lang pupuntahan si Tita Zoey,” aniya kay Zion.
Wala naman sila sa harapan ni Zoey kaya hindi niya kailangang magpanggap na gusto niyang makasama ang lalaki. “Suit yourself,” malamig na tugon nito sa kanya. Sa loob ng kotse ay mausisang nagtanong si Johann Santiago kay Zion, ang sekretarya, assistant, bodyguard, at driver ng lalaki. “Sir, tingin mo ba hindi ka niya tatakasan?” Bahagyang umismid si Zion. “If she wanted to, hindi sana siya magpapakita sa bar na lagi kong pinupuntahan; hindi sana siya lalapit kay mama para humingi ng tulong. That recent escape was just one of her manipulative tricks.” “Okay, sir. If you say so,” tugon ni Johann. “Just drive,” medyo naiinis na utos ni Zion dito. Pinaharurot na nga ni Johann ang sasakyan at ni isang beses ay hindi tinapunan ng tingin ni Zion ang dalaga. Agad na bumalik si Jyla sa nirentahan niyang apartment na nasa kalagitnaan ng magulong eskinita. Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay nagulantang siya sa taong naghihintay sa kanya roon; walang iba kundi ang magaling na si Gabriella. “Gabby?” “So dito ka lang pala nagtatago,” intrimitidang bati nito sa kanya. Umakyat ang dugo niya sa ulo nang mamataan ang babae. Paanong hindi? Ito ang dahilan ng pagkakulong niya ng dalawang taon. Gabriella was allegedly raped by an ugly, old man na pinatay nito on the spot gamit lang ang takong ng sapatos nito. To clean up Gabriella’s mess, pinainom ng mga magulang nito si Jyla ng kung anong pampatulog at saka ito dinala sa crime scene dahilan para siya ang maging suspect sa pagkamatay ng matandang lalaki. Napatawan ng sampung taon sentensiya si Jyla para sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Kaya naman sa tuwing nakikita ni Jyla ang babaita ay gustong-gusto niya itong sakalin. “Paano mo nalamang nandito ako?” singhal niya sa babae. “I can’t believe na nakatira ka talaga sa squatter. Sa bagay, bagay ka naman dito. May mga kumikita rito ng limang daan or isang libo kada gabi. Now, that’s an easy money,” pang-iinis pa nito. “Are you speaking from experience?” mataray na tanong ni Jyla rito. Pag ito talaga ang kausap niya hindi niya maiwasang mapa-ingles sa pikon. Namula sa galit si Gabby. Akto sanang sasampalin siya nito pero bigla itong nagpigil. “Pasalamat ka ayaw kong madumihan ngayon. Anyway, nabanggit ko ba sa ‘yong ikakasal na ako?” Ngumisi pa ito nang pagkalapad sa kanya. “We’re renovating the house. And unfortunately, nakita namin ang mga kalat mo. Mostly, pictures niyo ng mama mo.” “Talaga? Huwag na huwag mong papakialaman ‘yon. Kukunin ko ‘yon lahat.” Iyon na nga lang ang natitirang alaala nila ng nanay niya. “Okay. Kelan mo naman balak kunin?” “Bukas ng tanghali,” mabiis niyang sagot. “Great! Make sure na makuha mo bukas, or else sa payatas mo na pupulutin ‘yon.” Iyon lang at umalis na si Gabby, at halos marindi si Jyla sa tunog ng yapak ng takong nito habang naglalakad palayo. Pagkaalis ng babae ay agad ding natulog si Jyla. Dahil nasa first trimester siya ng pagbubuntis, madali siyang makaramdam ng pagod. Isa pa ay kailangan niyang gumising ng maaga bukas para sa ultrasound niya. Kinabukasan ay masaya siyang tumungo ng ospital para sa check-up. Halos oras din ang hinintay niya. Ang kaso bago siya tawagin ng doktor ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Zion’s name flashed on her screen kaya naman agad siyang napangiwi. “Come here. Mom’s looking for you,” malamig nitong utos sa kanya. Isa na lang ang pasyente bago siya kaya tinantiya niya ang oras. “Okay. Bigyan mo ako ng isang oras at kalahati.” “Okay.” Tumikhim si Jyla at nagbakasakali. “Since gagawin ko naman ang lahat para mapasaya ang mama mo, baka naman pwede mo nang dagdagan ‘yong pera?” “Let’s talk about it kapag nandito ka na.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag para hindi na makahirit pa si Jyla. Jyla pursed her lips, pinipigilan ang sarili na ipakulam si Zion. Tinuloy na lang niya ang paghihintay. Papasok na sana siya nang may igulong pasyente na nakaratay sa higaan para sa emergency ultrasound. Halos kalahating oras din ang ginugol ng radiologist sa pag-ultrasound dito. Nang mailabas na ang pasyente na iyon ay pumasok na si Jyla. Pero marami pa itong dokumento na pinagawa sa kanya dahil ito raw ang una niyang ultrasound, kaya naman lalo siyang natagalan. Kakaripas na sana siya ng takbo papunta sa ward ni Zoey, pero hindi niya magawa dahil sa ipinagbubuntis niya. Narinig niya kaagad ang mga iyak ni Zoey habang nasa pintuan siya. “Nasaan na ang manugang ko? Nasaan na si Jyla? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?” “I told you, we already got married yesterday,” pagpapatahan ni Zion sa ina. Inaabot pa nga sana nito ang marriage certificate nila, perro hindi iyon tinatanggap ni Zoey. “Dalhin mo siya rito, bago ako maniwala sa ‘yo.” “Fine.” Pumihit na si Zion papunta sa pintuan at saka nito nakita si Jyla na kanina pa palang nakamasid sa kanila. Agad na ngumiti si Jyla at pumasok na ng kwarto. “Hi, Tita! May pasalubong ako sa inyo!” Nilapag niya sa mesa katabi ng higaan ng matanda ang isang box ng siopao ng gustong-gusto nito kahit noong nasa kulungan pa sila. Napansin niyang lumabas na ng ward si Zion at bahagya siyang nakahinga. Umaliwalas naman ang mukha ni Zoey at ngumiti pa pagkakita sa siopao. “Naalala mo pa ‘yon, iha! Salamat dito!” “Oo naman, Tita. Ako pa ba?” Kumuha si Jyla ng isang siopao at saka ito inabot sa matanda. “Ito po. Kumain na kayo.” Masayang tinaggap ng matanda ang siopao at saka tumitig kay Jyla. “Pero hindi ba dapat mama na rin ang tawag mo sa ‘kin?” nakakalokong tanong nito sa kanya. “Ma, kain na po at huwag magpapagutom,” matamis na pag-utos niya rito. Zoey let out a deep sigh. “At least, kapag tumawid na ako sa kabilang buhay, sigurado akong hindi mag-iisa itong anak ko dahil kapiling ka na niya.” “Mama, naman!” pagmamaktol niya rito habang nangingilid na ang mga luha sa mata niya. “Matagal pa po tayong magkakasama.” Agad niyang niyakap nang mahigpit ang matanda habang tumatangis, hanggang sa nakatulog na ito. Agad siyang lumabas ng kwarto at lumapit kay Zion na nasa lounge lang sa labas ng ward. “Nasaan na ang pera ko?” tanong niya rito. Asar na asar lang itong tiningnan siya. “You said you’d be here in an hour and a half. Three hours mo siyang pinaghintay,” he protested flatly. “Akala mo madadala mo ako sa pasalubong mo sa kanya? Next time this happens, hindi lang pera ang poproblemahin mo.” Kahit pa medyo kalmado ito ngayon, ramdam niyang ang nakakamatay na talim ng mga salita nito at hindi niya maiwasang kabahan muli sa mga sinabi nito na alam niyang kayang-kaya nitong totohanin. “Totoo nga ang sabi nila, ang hirap humingi ng tulong sa mga mayaman. Naiintindihan ko na. But I want to know about the stuff I asked you; yung titirhan ko sana.” “You signed the contract. Why do you keep pestering me about that?” Salubong na ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. “Okay.” She held her hands up in an act of surrender. Hindi naman nito kailangang singhalan pa siya. Nagtatanong lang naman nang maayos ‘yong tao. “May gagawin pa ako kaya mauuna na ako.” With that, Jyla left the hospital. “Zion, anak…” mahinang tawag ni Zoey galing sa loob ng kwarto. Agad na pumasok si Zion at lumapit sa ina. “Yes?” “Alam ko… alam ko na ayaw mo kay Jyla. Pero ang batang ‘yon, siya lang ang tumulong sa ‘kin noong nasa piitan kami. Maniwala ka sa ‘kin, kilalang-kilala ko ang batang ‘yon. Tinuring ko na rin siyang anak. Natatakot ako… natatakot ako na baka pag naiwan kitang mag-isa, kung anong mangyari sa ‘yo. Kailangan mo ng taong hindi ka iiwan sa kahit anong pagsubok. Sana naman ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, anak.” Tumango lang si Zion sa litanya ng ina. “I understand.” Pinakuha ni Zoey sa anak ang cellphone. “Tatawagan ko si Manang Dindin. Itatanong ko kung nakapag-adjust na ba nang maayos si Jyla sa bahay natin.” Agad kinabahan si Zion sa sinabi ng ina. Saka naman nag-ring bigla ang cellphone niya. He pursed his lips upon seeing Gabby’s name flashing on his screen. Sinagot niya agad ang tawag. “What’s the matter?” “I just missed you so much, babe….” malambing na pagbati ni Gabby. “Anyway, papuntahin sana kita rito ngayon. My parents want to discuss our wedding na.” He glared, irritated at the sudden distraction. “I can’t. I’m busy today,” he said firmly.JYLAAndrew’s eyes widened. Kapagkuwan ay humagalpak ito ng tawa, mukhang hindi naniniwala sa sinabi ni Jyla. “You are what? Are you kidding me right now? Is this some kind of a test?” tuloy-tuloy na tanong ni Andrew sa kanya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nito. His expression only hardened when she remained silent.“What? Is this your way of telling me to back off? Do you not like me, Jyla?” Nagbaba siya ng tingin at saka nagpakawala ng buntong-hininga. And then she met his gaze once more. “Sir Andrew, totoo ang sinabi ko. At kaya ko 'to sinasabi sa 'yo dahil ayaw ko nang ilihim sa 'yo ang katotohanan.” Tila na-absorb na rin ng lalaki sa wakas ang sinabi niya. Andrew winced at the revelation, and his eyes were screaming with betrayal, disappointment, and pain. Pero napansin ni Jyla na mabilis na pinalis ng lalaki ang reaksyon na iyon. And instead, he let out an unsure smile. “Woah… Jyla…. I can’t believe you!” bulalas nito. Imbes na humigop sa kape nito, dinampot nito
JYLA“So… did you have a good talk with him?” basag ni Andrew sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kanina pa nakadungaw sa bintana ng kotse si Jyla, pinagmamasdan ang lahat ng mga nadadaanan nila. Hindi pa rin tumitila ang ulan at halos magbaha na ang ibang parte ng siyudad.The moment Andrew spoke, nilingon niya ang lalaki. His right hand was on the wheel, pero ang mukha nito ay titig na titig sa kanya. Mabuti na lang at kasalukuyan silang nakahinto dahil nakapula ang stoplight.Tanging tango lang ang naisagot niya rito. Kaya hindi nakatakas sa paningin niya ang saglit na pagkagusot ng mukha ni Andrew. “Nakita ko kung paano ka niya hinabol.” Punong-puno ng pagkadismaya at pang-aakusa ang tinig ng lalaki. Wala tuloy siyang magawa kundi ang magpaliwanag dito. “Hindi ko kasi pinirmahan yung divorce paper namin.” Saktong naging berde na ang ilaw sa stoplight. “What?” gulat na gulat na tanong sa kanya ni Andrew. “Bakit hindi mo pinirmahan?” Lalo lang yatang nalukot ang mukha nito.
JYLAParang mahihipnotismo si Jyla sa walang tigil na pagdaloy ng tubig ulan sa salamin na pader ng cafe na pinuntahan nila ni Zion. It was warm and ambient inside. Tahimik din, walang ibang tao bukod sa kanilang dalawa, at sa mga barista.Kanina sa sementeryo ay walang imik na giniya siya ni Zion papunta sa sasakyan kung saan naghihintay pala si Johann. Wala rin silang imikan habang nasa loob sila ng kotse. Hindi na rin naman siya nag-usisa pa. Basta na lang siya nagpatianod sa kagustuhan ni Zion.And then they stopped by at this cozy cafeteria. Tuluyan na ring nawala ang panlalamig ni Jyla dahil sa pagkabasa niya ng ulan. Malaking tulong din ang paghawak niya sa porselanang tasa na naglalaman ng umuusok-usok pa na tsokolate. And when she took a sip from it, parang dumaloy talaga sa kalamnan niya yung init ng inumin. But what warmed her the most was Zion’s suit jacket that was still draped over her shoulders. Nilagay ng lalaki iyon sa kanya kanina bago siya nito akayin papunta sa s
JYLAIt was the weekend. Medyo makulimlim ang kalangitan, pero hindi naging hadlang iyon kay Jyla para dumalaw sa puntod ni Zoey. Pupunta nga sana siya rito oras na makalabas siya ng ospital noong nakaraan, pero nagpumilit si Andrew na magpahinga muna siya.Dahil nga sa hotel lang din naman siya nakikituloy, pinahiram ni Andrew sa kanya ang isang condo nito. Nag-alala din kasi ito na baka may gawin na naman sa kanya si Daniel Montero. Medyo nag-alangan pa nga si Jyla noong una. She was afraid that Andrew would take advantage of her situation, pero hindi naman nangyari iyon. Bagkus ay inalagaan pa nga siya nito. He had been delivering her meals. Calling her every second thru the landline. Paano pala ay ito ang may-ari ng building na tinutuluyan nila, at sa penthouse lang ito nakatira. She tried telling him na okay na siya, para nga madalaw naman niya si Zoey, but the guy just wouldn’t let her. Ngayon lang siya pinayagan nito na umalis, at hinatid pa nga siya nito sa sementeryo. But
ZIONIt had been an exhausting week. Pagkatapos ng pangatlong araw ng lamay ay nilibing na rin kinabukasan si Zoey. The day after the funeral, bumalik na rin sa trabaho si Zion at umaktong parang walang nangyari. Nilunod na lang niya ang sarili sa trabaho, kahit papaano, mawawaglit niya sa isipan saglit ang ina. But the working hours had long ended. Kahit na anong pilit niya kay Johann na mauna na ito ay mukhang walang balak ang lalaki na iwan siya. Kaya napilitan na lang siyang mag-out. Pagkapasok niya sa kotse ay tumutok siyang muli sa tablet niya. When he gazed out the window ay napansin niyang iba ang daan na tinatahak nila ni Johann.“Where are we going?” nagtatakang tanong niya rito. The car halted to a stop at tiningnan siya ni Johann, bakas ang labis na pagtataka sa mukha. “What do you mean, sir? Sa bahay po ninyo?” “Oh,” bulalas niya. Usually kasi sa mga oras na ito, papunta na siya ng ospital. “Okay.” Parang naintindihan naman siya ni Johann, kaya bago nag-green ang ilaw
DANIEL MONTEROPagkalabas na pagkalabas nila Jyla at Andrew ng ward ni Daniel ay hindi na niya napigilan ang galit niya. He reached out for the vase of plastic flowers sitting on his bedside table. Saka niya hinagis ‘yon nang marahas kay Toto. “Pútangina! Wala kang kwenta!” singhal niya sa lalaki pagkahagis niya rito ng plorera. Mabuti at nasangga ng balikat nito ang plorera at hindi tumama sa mukha nito. He was actually aiming for that bástard’s ugly face.Sobrang sakit sa pandinig ang pagkabasag ng plorera nang lumagapak ito sa sahig. Dumagdag lang lalo tuloy ‘yon sa galit niya kaya kinuha niya ang babasaging pitsel na katabi lang din ng plorera kanina at iyon naman ang hinagis niya sa lalaki. Ang kaso ay napalakas ang pagkakahagis niya at imbes ay sa pader ito tumama at nabasag.“Ano pang hinihintay mong pútangina ka! Tumawag ka ng doktor!” nanggagalaiting utos niya sa lalaki. Kaagad din naman itong tumalima at patakbong lumabas ng kwarto niya. “Mga pútangina! Akala nila kung si