Share

Chapter 7

Author: Lexa Jams
last update Last Updated: 2024-11-16 15:03:54

Zion 

“Babe, ayaw mo na ba sa ‘kin?” paawang sambit ni Gabby sa kabilang linya. Bigla na lang itong nagpanggap na humihikbi. “Naiintindihan ko. I gave myself to you that night because I like you so much. Pero hinding-hindi ko ‘yon pagsisisihan kahit hindi mo ako pakasalan.” 

Medyo nahimasmasan si Zion nang marinig ang mga katagang iyon. “I’m just… not free today. But tomorrow night works for me,” bahagyang pagpapaliwanag ng lalaki. 

“Really? Thank you, babe!” natutuwang bulalas ni Gabby. 

“Yeah, see you.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag. 

Sa totoo lang, walang nararamdaman si Zion para sa babae. Pero hindi niya pwedeng ipagwalang-bahala ang pinagsaluhan nila ng gabing ‘yon, when he was at his lowest. Ibinigay nito ang sarili sa kanya, at dahil isa siyang disenteng lalaki, he had to marry her. Isa pa, natuklasan niya noong gabing 'yon na he was her first.

Kung hindi nga lang nakiusap ang ina niya na pakasalan niya si Jyla ay malamang kinasal na siya kay Gabby. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang tumawad ng dalawa pang buwan bago pakasalan ito, pagkatapos niyang hiwalayan si Jyla. 

***

Gabby

Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi ni Gabby sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. “Mom, dad. Guess what? Pupunta si Zion dito bukas para mapag-usapan na natin ang kasal,” masayang anunsiyo niya at talagang tumili pa pagkatapos. 

Napapalakpak naman si Beth sa sinabi ng anak. “Mabuti naman! Pero, hindi ba ngayon mo pinapapunta si Jyla?”

Nabahiran naman ng pag-aalala ang mukha ni Rolly. “Paano kung makilala ni Jyla si Zion?” 

“Zion firmly believed na ako ang babaeng nakasama niya nang gabing ‘yon. Now, it all depends on Jyla. Kung sakaling hindi niya makilala si Zion, then it’s fine. But if she does find out, then we need to get rid of her.”

Nalaman lang ni Gabby ang totoong nangyari noong gabing ‘yon sa nanay niya na si Beth. At kagaya ng ina niya, handa siyang patayin si Jyla kung kinakailangan.

“Isa pa, Zion should never find out na you wanted him dead,” aniya sa ama. 

Napabuntong-hininga na lang si Rolly sa sinabi ng anak. “Salamat sa konsiderasyon, anak.” 

Maya-maya pa ay hinanda na ng pamilya ang lahat ng kailangan para sa darating na bisita nila kinabukasan, nang biglang pumasok ang kasambahay nila. 

“Ma’am, Sir, nandito na po si Ma’am Jyla,” pagbalita nito. 

“Sabihin mo sa kanyang bumalik siya bukas. We’re busy,” mataray na sagot ni Gabby.

Agad naman lumabas ang katulong para sabihin kay Jyla ang sinabi ng amo. 

***

Jyla

Gutom lang ang napala ni Jyla sa pinuntahan niya kaya naman nagpasya na lang siyang umuwi. Habang naglalakad siya pabalik sa apartment niya ay may nadaanan siyang nagtitinda ng fishball at kikiam kaya huminto muna siya at bumili. 

Habang nilalantakan ang mga biniling kwek-kwek at kikiam na binuhusan niya ng maraming suka ay napansin niya ang paghinto ng isang pamilyar na pigura sa harapan niya— si  Johann, ang assistant ni Zion. 

Nagpasya siyang ignorahin ang lalaki at nagsimula nang maglakad at nilampasan na nga ito. Hindi naman niya obligasyon na kaibiganin ang mga tauhan ni Zion, dahil ang tanging koneksyon lang nilang dalawa ay si Zoey. 

“Miss Jyla,” pukaw sa kanya ni Johann. Medyo bakas sa mukha ng lalaki ang pagkagulat dahil sa pang-iignora ni Jyla. 

Tumigil si Jyla sa paglalakad at pumihit patalikod. 

“Bakit?” 

“Pinapasundo po kayo ni Sir Zion,” deretsong sagot ng lalaki. 

“Bakit daw?” naiinip niyang tanong.

“Baka raw kasi tumawag si Ma’am Zoey sa bahay at magalit kapag nalaman niyang hindi ka doon nakatira.” 

“Ah. Okay.” Naintindihan naman niya. Kailangan walang sabit ang pagpapanggap niya bilang asawa ni Zion.

Agad naman siyang sumunod sa lalaki at sumakay na nga sa dala nitong kotse. 

Medyo nagtaka siya dahil hindi siya nito dinala sa kabundukan. Sa halip ay dinala siya nito sa isang duplex suite na nasa magarang subdivision sa siyudad. 

Iginiya lang ni Johann si Jyla papasok sa loob ng magandang bahay at sinalubong sila ng isang babae na siguro ay nasa edad kwarenta na. Umalis din kaagad ang tagasunod ni Zion. 

Nginitian ng babae si Jyla at saka nagsalita. “Ikaw pala ang asawa ni Sir Zion. 

Medyo nahiya si Jyla sa tinuran ng babae. “Opo. Sino po sila?” 

“Tawagin mo na lang akong Manang Dindin. Sampung taon na rin ang nagtatrabaho dito kila sir. Sabi ni Madam sa ‘kin, ako na raw ang bahala sa’ yo. Halika, sumunod ka sa ‘kin,” yaya nito sa kanya.

Kung kamangha-mangha ang labas ng bahay, mas makapigil-hininga ang interior nito. Halatang hindi ordinaryong pamilya ang mga Calvino. 

“Manang Dindin, sino hong nakatira rito ngayon?” 

“Ay hindi ba nabanggit sa ‘yo? Dito dating nakatira si Sir Zion.”

So kaya siya dinala rito ni Johann dahi hindi na rito nakatira si Zion. Tamang-tama. Hindi na niya kailangang alalahanin ang upa. Isa pa ay hindi sila magkikita ni Zion madalas dahil mukhang sa mansyon naman ito umuuwi. Bukas ay plano na ni Jyla na kunin ang kaunting gamit niya sa bahay na kasya lang sa isang maliit na maleta. 

Umupo muna siya sa sofa nang mag-ring ang telepono. Agad na sinagot ni Dindin ang tawag. “Hello, ma’am? Opo! Opo, nandito siya. Nakaupo siya ngayon sa sofa. Sige, Ma’am!” sunud-sunod na sagot ni Dindin bago nito inabot kay Jyla ang telepono. 

“Kausapin ka raw ni ma’am.” 

Nakangiti niyang tinanguan ito at saka kinuha ang receiver. “Hello, Ma? Okay lang po ba kayo diyan?” nag-aalalang tanong niya. 

“Oo naman! Ikaw ba anak? Nakapag-adjust ka na ba sa bahay?”

“Medyo hindi pa, Ma. Masyadong maganda ang bahay niyo, eh,” biro niya sa biyenan.

Tumawa lang ang ginang sa kabilang linya. “Nasaan na nga pala ang lalaking ‘yon? Nandyan ba siya?”

Alam niyang hinding-hindi pupunta roon si Zion dahil nga naroon din siya, pero kailangan niyang magsinungaling nang kaunti para rito. “Pauwi na siya, Ma. Hintayin ko siya para sa hapunan.”

“O siya, sige. Ikaw na muna ang bahala sa asawa mo. Pag inaway ka tawagan mo lang ako, ah?” 

“Oo naman, ma. Pahinga na po kayo diyan. At maraming salamat po.”  

Pagkatapos ng tawag na iyon ay agad na binusog ni Jyla ang sarili sa napakaraming handa ni Manang Dindin. Pagkatapos ng masaganang hapunan ay inakay na siya nito papunta sa malaking banyo. Ito pa nga ang naghanda ng tubig niya sa bathtub na nilagyan pa nito ng oil, bath milk at maski mababangong rose petals. 

“Ayan, madam. Para gumanda lalo ang kutis mo. Ikukuha na rin kita ng roba, Madam. Hala siya, magbabad ka muna riyan. Aayusin ko na rin ang higaan mo.” Iyon lang at naglakad na ang babae palabas.

“Manang Dindin,” pagtawag niya rito bago ito tuluyang lumabas ng banyo. “Maraming salamat po.”

“Ay sus. Wala ‘yon! Sige na!” At tuluyan na ngang umalis ang matanda. 

Hindi maiwasan ni Jyla ang maging emosyonal. Grabe naman kasi siyang pagsilbihan ni Manang Dindin. Tapos, solo pa niya ang ganito kalaking banyo. Masyado na kasi siyang nasanay sa banyo sa kulungan na marami siyang kasabay kung maligo. 

She decided to enjoy the temporary luxury. Mamaya ay bigla itong bawiin sa kanya kinabukasan. Who knows? Kaya naman nagbabad na siya sa bathtub, pinapanood ang mga isda na naghahabulan sa aquarium.

Hindi niya alam kung gaano siya nagtagal sa pagligo. Halos ayaw na niya umahon, sa totoo lang. Sobrang gaan at ganda sa pakiramdam. Pero pinilit nya ang sarili niyang umahon. Ang kaso ay kinabahan siya nang hindi makita ang roba na sinasabi ni Dindin. Ni wala rin siyang makitang tuwalya sa loob. 

Siguro ay iniwan na lang ni Dindin sa labas dahil inisip nitong nag-umpisa na siyang maligo. Kaya naman binuksan niya ang pintuan ng banyo para sana kunin kung saan banda nilagay ni Dindin ang roba. Imbes na makita ang roba ay nabangga niya ang isang matipunong pangangatawan. 

Ganoon na lang ang tili niya nang makita kung sino ang nabangga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 125

    JYLAAndrew’s eyes widened. Kapagkuwan ay humagalpak ito ng tawa, mukhang hindi naniniwala sa sinabi ni Jyla. “You are what? Are you kidding me right now? Is this some kind of a test?” tuloy-tuloy na tanong ni Andrew sa kanya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nito. His expression only hardened when she remained silent.“What? Is this your way of telling me to back off? Do you not like me, Jyla?” Nagbaba siya ng tingin at saka nagpakawala ng buntong-hininga. And then she met his gaze once more. “Sir Andrew, totoo ang sinabi ko. At kaya ko 'to sinasabi sa 'yo dahil ayaw ko nang ilihim sa 'yo ang katotohanan.” Tila na-absorb na rin ng lalaki sa wakas ang sinabi niya. Andrew winced at the revelation, and his eyes were screaming with betrayal, disappointment, and pain. Pero napansin ni Jyla na mabilis na pinalis ng lalaki ang reaksyon na iyon. And instead, he let out an unsure smile. “Woah… Jyla…. I can’t believe you!” bulalas nito. Imbes na humigop sa kape nito, dinampot nito

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 124

    JYLA“So… did you have a good talk with him?” basag ni Andrew sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kanina pa nakadungaw sa bintana ng kotse si Jyla, pinagmamasdan ang lahat ng mga nadadaanan nila. Hindi pa rin tumitila ang ulan at halos magbaha na ang ibang parte ng siyudad.The moment Andrew spoke, nilingon niya ang lalaki. His right hand was on the wheel, pero ang mukha nito ay titig na titig sa kanya. Mabuti na lang at kasalukuyan silang nakahinto dahil nakapula ang stoplight.Tanging tango lang ang naisagot niya rito. Kaya hindi nakatakas sa paningin niya ang saglit na pagkagusot ng mukha ni Andrew. “Nakita ko kung paano ka niya hinabol.” Punong-puno ng pagkadismaya at pang-aakusa ang tinig ng lalaki. Wala tuloy siyang magawa kundi ang magpaliwanag dito. “Hindi ko kasi pinirmahan yung divorce paper namin.” Saktong naging berde na ang ilaw sa stoplight. “What?” gulat na gulat na tanong sa kanya ni Andrew. “Bakit hindi mo pinirmahan?” Lalo lang yatang nalukot ang mukha nito.

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 123

    JYLAParang mahihipnotismo si Jyla sa walang tigil na pagdaloy ng tubig ulan sa salamin na pader ng cafe na pinuntahan nila ni Zion. It was warm and ambient inside. Tahimik din, walang ibang tao bukod sa kanilang dalawa, at sa mga barista.Kanina sa sementeryo ay walang imik na giniya siya ni Zion papunta sa sasakyan kung saan naghihintay pala si Johann. Wala rin silang imikan habang nasa loob sila ng kotse. Hindi na rin naman siya nag-usisa pa. Basta na lang siya nagpatianod sa kagustuhan ni Zion.And then they stopped by at this cozy cafeteria. Tuluyan na ring nawala ang panlalamig ni Jyla dahil sa pagkabasa niya ng ulan. Malaking tulong din ang paghawak niya sa porselanang tasa na naglalaman ng umuusok-usok pa na tsokolate. And when she took a sip from it, parang dumaloy talaga sa kalamnan niya yung init ng inumin. But what warmed her the most was Zion’s suit jacket that was still draped over her shoulders. Nilagay ng lalaki iyon sa kanya kanina bago siya nito akayin papunta sa s

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 122

    JYLAIt was the weekend. Medyo makulimlim ang kalangitan, pero hindi naging hadlang iyon kay Jyla para dumalaw sa puntod ni Zoey. Pupunta nga sana siya rito oras na makalabas siya ng ospital noong nakaraan, pero nagpumilit si Andrew na magpahinga muna siya.Dahil nga sa hotel lang din naman siya nakikituloy, pinahiram ni Andrew sa kanya ang isang condo nito. Nag-alala din kasi ito na baka may gawin na naman sa kanya si Daniel Montero. Medyo nag-alangan pa nga si Jyla noong una. She was afraid that Andrew would take advantage of her situation, pero hindi naman nangyari iyon. Bagkus ay inalagaan pa nga siya nito. He had been delivering her meals. Calling her every second thru the landline. Paano pala ay ito ang may-ari ng building na tinutuluyan nila, at sa penthouse lang ito nakatira. She tried telling him na okay na siya, para nga madalaw naman niya si Zoey, but the guy just wouldn’t let her. Ngayon lang siya pinayagan nito na umalis, at hinatid pa nga siya nito sa sementeryo. But

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 121

    ZIONIt had been an exhausting week. Pagkatapos ng pangatlong araw ng lamay ay nilibing na rin kinabukasan si Zoey. The day after the funeral, bumalik na rin sa trabaho si Zion at umaktong parang walang nangyari. Nilunod na lang niya ang sarili sa trabaho, kahit papaano, mawawaglit niya sa isipan saglit ang ina. But the working hours had long ended. Kahit na anong pilit niya kay Johann na mauna na ito ay mukhang walang balak ang lalaki na iwan siya. Kaya napilitan na lang siyang mag-out. Pagkapasok niya sa kotse ay tumutok siyang muli sa tablet niya. When he gazed out the window ay napansin niyang iba ang daan na tinatahak nila ni Johann.“Where are we going?” nagtatakang tanong niya rito. The car halted to a stop at tiningnan siya ni Johann, bakas ang labis na pagtataka sa mukha. “What do you mean, sir? Sa bahay po ninyo?” “Oh,” bulalas niya. Usually kasi sa mga oras na ito, papunta na siya ng ospital. “Okay.” Parang naintindihan naman siya ni Johann, kaya bago nag-green ang ilaw

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 120

    DANIEL MONTEROPagkalabas na pagkalabas nila Jyla at Andrew ng ward ni Daniel ay hindi na niya napigilan ang galit niya. He reached out for the vase of plastic flowers sitting on his bedside table. Saka niya hinagis ‘yon nang marahas kay Toto. “Pútangina! Wala kang kwenta!” singhal niya sa lalaki pagkahagis niya rito ng plorera. Mabuti at nasangga ng balikat nito ang plorera at hindi tumama sa mukha nito. He was actually aiming for that bástard’s ugly face.Sobrang sakit sa pandinig ang pagkabasag ng plorera nang lumagapak ito sa sahig. Dumagdag lang lalo tuloy ‘yon sa galit niya kaya kinuha niya ang babasaging pitsel na katabi lang din ng plorera kanina at iyon naman ang hinagis niya sa lalaki. Ang kaso ay napalakas ang pagkakahagis niya at imbes ay sa pader ito tumama at nabasag.“Ano pang hinihintay mong pútangina ka! Tumawag ka ng doktor!” nanggagalaiting utos niya sa lalaki. Kaagad din naman itong tumalima at patakbong lumabas ng kwarto niya. “Mga pútangina! Akala nila kung si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status