공유

Chapter 81

작가: Lexa Jams
last update 최신 업데이트: 2024-12-30 14:13:55

Sa sobrang gulat ay nasapo ni Jyla ang mga labi kasabay ng pag-awang ng kanyang mga mata. “Manang Dindin!”

Kaagad siyang lumapit sa babae at niyakap ito. Matagal na niyang hindi ito nakikita. Dahil hindi na rin naman nakatira si Zoey sa lugar, hindi na rin ito halos lumalagi rito. Minsan lang kapag kailangan na nitong maglinis.

At dahil hindi naman sila kumakain ni Zion sa bahay ay madalang lang din itong magpunta para magluto.

Inakay siya ng babae papunta sa kusina at mabilis siya nitong pinaupo sa may bandang mesa kahit sana gusto niya itong tulungan sa paghahanda. Saka nito dinampot ang kaldero galing sa oven at nilagay ‘yon sa mesa. Pagtingin ni Jyla roon ay nakita niya ang umuusok na tinola.

“Wow!” Nasinghot na nga niya ang amoy nito kaya biglang kumulo ang tiyan niya.

“Native chicken ‘yan, Ma’am Jyla. Kaya mas malasa ‘yan kesa sa mga normal na manok na nabibili sa palengke. Pinakuluan ko nang matagal para mas masarap,” ani ng matandang babae habang sinasandukan nito ang plato
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 121

    ZIONIt had been an exhausting week. Pagkatapos ng pangatlong araw ng lamay ay nilibing na rin kinabukasan si Zoey. The day after the funeral, bumalik na rin sa trabaho si Zion at umaktong parang walang nangyari. Nilunod na lang niya ang sarili sa trabaho, kahit papaano, mawawaglit niya sa isipan saglit ang ina. But the working hours had long ended. Kahit na anong pilit niya kay Johann na mauna na ito ay mukhang walang balak ang lalaki na iwan siya. Kaya napilitan na lang siyang mag-out. Pagkapasok niya sa kotse ay tumutok siyang muli sa tablet niya. When he gazed out the window ay napansin niyang iba ang daan na tinatahak nila ni Johann.“Where are we going?” nagtatakang tanong niya rito. The car halted to a stop at tiningnan siya ni Johann, bakas ang labis na pagtataka sa mukha. “What do you mean, sir? Sa bahay po ninyo?” “Oh,” bulalas niya. Usually kasi sa mga oras na ito, papunta na siya ng ospital. “Okay.” Parang naintindihan naman siya ni Johann, kaya bago nag-green ang ila

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 120

    DANIEL MONTEROPagkalabas na pagkalabas nila Jyla at Andrew ng ward ni Daniel ay hindi na niya napigilan ang galit niya. He reached out for the vase of plastic flowers sitting on his bedside table. Saka niya hinagis ‘yon nang marahas kay Toto. “Pútangina! Wala kang kwenta!” singhal niya sa lalaki pagkahagis niya rito ng plorera. Mabuti at nasangga ng balikat nito ang plorera at hindi tumama sa mukha nito. He was actually aiming for that bástard’s ugly face.Sobrang sakit sa pandinig ang pagkabasag ng plorera nang lumagapak ito sa sahig. Dumagdag lang lalo tuloy ‘yon sa galit niya kaya kinuha niya ang babasaging pitsel na katabi lang din ng plorera kanina at iyon naman ang hinagis niya sa lalaki. Ang kaso ay napalakas ang pagkakahagis niya at imbes ay sa pader ito tumama at nabasag.“Ano pang hinihintay mong pútangina ka! Tumawag ka ng doktor!” nanggagalaiting utos niya sa lalaki. Kaagad din naman itong tumalima at patakbong lumabas ng kwarto niya. “Mga pútangina! Akala nila kung si

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 119

    JylaHindi mapakali si Jyla. Anumang oras ay pwede na siyang balikan ng nakakatakot na tauhan ni Daniel. Gusto sana niyang umalis at magtago, pero sinabi kasi ni Andrew na pupuntahan din siya nito. Baka magkasalisi pa sila. Ito na lang ang tanging pag-asa niya.Napapitlag siya nang bumukas ang pintuan. Pero agad din naman siyang nakahinga nang makitang si Andrew ang iniluwa noon. Hindi alam ni Jyla kung bakit, pero sobrang gumaan ang loob niya nang makita ito. Sa dami ng pinagdaanan niya nitong nakaraan, wala man lang siyang masandalan, ni isa. Seeing him brought an odd sense of warmth within her.Kaya naman halos mapaluha siya nang bigla siyang yakapin ng lalaki. Noon lang niya napagtanto— she badly needed that warmth, that she needed someone to lean on. Mali man, pero parang gusto na lang niyang magtiwala sa lalaki, kahit na alam niya sa sarili niyang hindi niya gusto si Andrew, the same way he liked her. But he was always there when she needed him.Kaya naman hindi na siya tumang

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 118

    AndrewHalos sumipol-sipol si Andrew paglabas ng memorial hall. Kung alam lang niya na ganun lang pala kadaling magpaalam kay Zion, sana ginawa niya na noong unang araw pa lang. Plus, Zion’s misery brought a different kind of satisfaction to him.Kaya lang nang sumagi sa isip niya ang dahilan kung bakit siya aalis eh napabilis ang paghakbang niya. Ano na naman kaya ang ginawa ni Daniel kay Jyla? Nagsisisi tuloy siya at hindi pa niya tinuluyan ang matandang ‘yon. He was about to check Jyla’s previous messages, pero napahinto siya nang may humarang sa daanan niya. It was Cullen Fortejo. Hindi niya ito binati, at sa halip ay kinunotan niya lang ito ng noo. “Where are you going?” tanong nito sa kanya. “Hindi pa tapos ang lamay ah?”‘So nosy.’“Pupuntahan ko lang si Jyla,” wala sa loob na sagot niya. Saglit na nanlaki ang mga mata ni Cullen. Then his entire face ashened with worry. “Anong nangyari kay Jyla?” Talaga namang may kasama pang paghablot ito sa braso niya. Inis na pinalis n

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 117

    JylaAwtomatikong nagkasalubong ang mga kilay ni Jyla nang mamukhaan si Daniel Montero. “Sir Daniel?” nagtatakang bulalas niya bago siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya alam kung dismayado lang ba siya dahil si Daniel pala ang nagpadukot sa kanya at hindi si Zion. Or was she just done with everything? Tila kasi wala nang maialay sa kanya ang mundo kundi pagsubok at trahedya na lang. Hindi na nga siya makapagluksa nang maayos. Baka nga hindi pa niya maihatid ang biyenan niya sa huling hantungan nito… tapos ito na naman?Kaya pansamantalang nawala ang takot niya nang makita ang matandang lalaki. Kahit na alam niyang kaya nitong tapusin ang buhay niya sakaling gustuhin man nito.Halatang hindi nagustuhan ni Daniel ang naging reaksyon niya dahil lalo lang nagusot ang mukha nito sa galit. His eyes were burning with rage. Kung nakakagalaw lang ito, baka bumaba na ito ng higaan at sinákal na siya nito ngayon. Pero hindi nito magawa dahil mukhang hindi pa rin nito mai

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 116

    Dahan-dahan ang naging pagdilat ng mga mata ni Jyla, at kaagad na nagusot ang mukha niya nang mamataan na nakahiga siya sa isang pribadong ward. Isang minuto siguro siyang nablanko, saka unti-unting nanumbalik sa kanya ang lahat. Mabilis ang naging pagbagsak ng mga luha niya. “Ma!” malakas na sigaw niya, saka nagkukumahog na tinanggal ang suwerong nakakabit sa kamay niya. Dali-dali siyang bumaba ng higaan at halos takbuhin niya na palabas ang pintuan pero pagtapak niya sa sahig ay napaupo lang siya rito dahil sa labis na panlalata ng katawan niya. “Ma, panaginip lang ‘yon ‘di ba? Ma?!” napahiyaw na siya sa sobrang paghihinagpis, at kahit anong hawak o paghampas ang gawin niya sa dibdib niya ay hindi nawawala ang matinding sakit na nagmumula roon.Hindi na niya magawang tumayo, at halos isubsob na nga niya ang mukha sa sahig sa sobrang bigat ng pagpatak ng mga luha niya. Hindi! Panaginip lang ‘yon. Hindi siya iniwan ni Zoey. Hindi siya pwedeng mawalan ulit ng ina. Hindi niya ‘yon m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status