Share

Kabanata 5

Penulis: Cathy
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-17 20:56:43

LUTHER

"Hanapin niyo si Shiela. Iharap niyo sa akin ang babaeng iyun. " sigaw ko sa mga tauhan ko nang makabawi sa matinding pagwawala. Agad naman tumalima ang mga ito. Tahimik ako habang pinapanood ang iba kung mga tauhan na iginagapos ang lupaypay na si Dr. Yu.

Nakita ko pa na kinausap ni Lester ang lima kong tauhan bago inutusan na umalis. Nagbigay ito ng instructions na siyang sinunod naman ng lima kong tao. Kapagkuwan kay umalis na ang mga ito habang si Lester naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Marahil ay hinihintay nito ang iba ko lang gustong ipagawa.

Kumuha ulit ako ng sigarilyo. Sinindihan ko ito habang tahimik na lumuluha. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid ng basement.

Siguro kailangan ko ng magpagawa ng kulungan na rehas dito sa mansion. Hindi sapat ang isang araw na paghibirap upang mapagbayaran lahat ng mga kasalanan na ginawa sa akin ng mga taong ito. Hindi ako makakapayag na matatapos sa kamatayan ang pagbabayad ng kanilang mga kasalanan. Gusto kong maramdaman nila ang sakit na nararanasan ko ngayun. Gusto kong iparamdam sa kanila kung gaano ako nagdusa sa kasinungalingan na itinanim nila sa isip ko

"Abby, sorry mahal! Napaka-walang kwentang kamatayan ang nangyari sa iyo." bulong ko sa hangin. Kung totoo man na may kaluluwa sana marinig niya ako. Sana makita nito ang paghihinagpis at pagsisisi ko dahil sa kasalanang nagawa ko dito. Kung maibabalik ko lang ang lahat. Sana hindi na nangyari iyun. Sana hindi ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin.

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ng maisip ko ang kalagayan ng kaawa-awa kong asawa. Parang itinapon ko na lang ito bigla sa buhay ko na parang isang walang kwentang bagay. Sobrang sakit ng naging kamatayan nito sa mga kamay ko pagkatapos basta ko na lang itong ipinabaon sa lupa.

" Lester, samahan mo ako kay Abby." mahina kong wika habang pinipigilan ang pagtulo ng luha. Saglit na tinitigan ako ni Lester at tumango.

" Luther, sigurado ka bang kaya mo? Pwede natin ipagpabukas ang pagpunta sa kanya. Mukhang pagod na pagod ka na. Pwedeng magpahinga ka muna." may pag-aalala sa boses na wika nito.

"Hindi... Kaya ko ito... . Gusto kong makita ang asawa ko... Si Abby!!! Ang kaawa-awang si Abby!" halos pumiyok ang boses ko habang sinasabi ang katagang iyun. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng aking dibdib dahil sa pagpipigil sa matinding emosyon.

"Ok.. Pero magsasama tayo ng mga tauhan. Dilikado na. Didilim na ang buong paligid." sagot ni Lester. Tumango lang ako at nagpatiuna ng lumabas ng Basement.

"Bantayan niyo siya ng maigi.. Hindi pa ako tapos sa kanya!!!!" galit na wika ko sa mga naiwan kong mga tauhan. Agad naman nagsipag-tanguan ang mga ito at yumukod.

"Masusunod Boss. Kami na po muna ang bahala sa kanya." sagot ng mga ito. Tumango lang ako at muling tumalikod.

Diritso akong naglakad papunta ng sasakyan. Agad akong sumakay kasunod ni Lester.

Tahimik kaming bumyahe. Pumusok kami sa matalahib na lugar. Unti-unti na ding kumakalat ang dilim sa buong paligid. Malungkot akong nakatanaw sa labas habang dahan-dahan na tumatakbo ang sasakyan sa malubak na daan. Pag-aari ko ang lugar na ito. Balak ko sanang magpatayo ng resthouse sa lugar na ito at isorpresa kay Abby kaya ko naisipan na bilihin ang lupain. Pero nagbago ang lahat. Wala na ang babaeng gusto kong pag-alayan ng lahat. Iniwan niya na ako.

Tahimik akong nagdurusa habang unti-unting huminto ang sasakyan sa isang lugar. Nilingon ko muna si Lester at nakita ko ang pagtango nito

Kaya naman ay dahan-dahan akong bumaba ng kotse. Parang gusto manginig ang aking tuhod ng makita ko ang isang partikular na palatandaan.

"Nandito siya Luther.. Nandyan si Abby.." mahinang wika ni Lester habang tinuturo ang isang pahabang umbok ng lupa. May krus na kahoy na nakatayo sa itaas nito. Nanlalambot ang tuhod ko na napaupo ako sa lupa.

"Abby..... Abbyy.. Abbby!!! Huhuhuuh!!!" hindi ko mapigilan kong iyak habang nakakuyom ang kamao ko. Sobrang sakit sa kalooban na ang babaeng pinakamamahal ko ay namatay sa sarili kong mga kamay at basta na lang na itinapon sa kung saan. Patuloy ako sa pag-iyak. Hindi ko na naisip na ako si Luther Sarmiento na kahit kailan ay hindi pa nakita ng kahit sino na umiyak ng ganito. Ngayun pa lang.....

Nanginginig ang aking mga kamay habang dinadama ang lupa na nakatabon dito. Sobrang sakit.. Walang kasing sakit!!! Pakiramdam ko tinalikuran ako ng lahat. Mas masakit pa ang naramramdaman ko ngayun kompara noong mga panahon na iniwan kami ni Mommy.. Noong mga panahon na nagpakamatay sa harap ko si Daddy dahil sa pagsama ng taksil kong ina sa ibang lalaki.

"Abbbyyyyy!!!! Patawad mahal ko!!!! Patawad asawa ko!!!! Napakasama ng ginawa ko sa iyo!! Walang kasing sama!! Abbbyyyyyy!!!!" Malakas kong sigaw habang inuumpisahan hukayin ang lupang nakatabon dito. Binunot ko pa ang kahoy na krus at ibinalibag sa kong saan. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Lester sa balikat ko.

" Umalis kayong lahat dito!!! Iwan niyo muna ako!" pasigaw na wika ko kay Lester na may halong galit. Ayaw ko munang maistorbo ang pagdadalamhati ko.

"Abby mahal ko! Mahal ko!!!!" huhuhuhu!!! Halos maglupasay ako sa lupa sa sobrang iyak. Naisuntok ko pa ang aking kamao sa kawalan at sinabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa matinding pagdadalamhati.

"Ipinapangako ko, magbabayad sila.. Magbabayad ang mga taong sangkot dito!!! Pangako mahal ko, habang buhay kong pagdudusahan ang mga kasalanan na nagawa ko sa iyo.... Ipinapangako kong mabubuhay akong dadalhin sa puso at konsensiya ko ang pagpaslang sa iyo! Habang buhay kitang nasa puso ko asawa ko. Patawarin mo ako!!! patawad Abbyyy!!! "tumatangis kong wika.

"Luther, tama na...namamahinga na si Abby. Hayaan na natin siya." mahinahon ang boses na wika nito.

"Gusto ko siyang makita Lester..gusto ko siyang masilayan muli!!" galit kong wika habang inuumpisahan hukayin ang libingan nito gamit ang dalawa kong kamay. Wala akong pakialam kahit na magkasugat-sugat ang kamay ko dahil sa mga malalaking tipak ng bato at ilang piraso ng bubog na nakahalo sa lupa.

"Luther tama na! Wala ka ng magagawa pa! Hayaan mo na si Abby!" narinig kong wika ni Lester

Agad naman akong tumayo ng tuwid. Kapagkuwan ay hinarap ko si Lester at sinuntok. Nakita ko pa ang pagkagulat nito dahil sa aking ginawa. Pero hindi man lang ito gumanti bagkos ay tinitigan lang ako nito. Bakas sa mga mata nito ang pakikisimpatiya.

"Sinabi kong iwan niyo muna ako!! Mahirap bang intindihun iyun?. Iwan niyo muna ako dahil gusto kong makasama si Abby!!!" galit kong sigaw habang nanlilisik ang mga mata.

"I understand.. Tulungan ka na namin.. Gusto mo na siyang makita? Kung ganoon magrelax ka muna.. Hayaan mong iutos natin sa mga tao ang paghuhukay sa kanya." mahinang wika ni Lester.

Tumango naman ako at bahagyang lumayo para bigyan ng espasyo ang mga tao sa gagawing paghuhukay.

Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinapanood silang hinuhukay ang puntod ni Abby

Madilim na ang buong paligid kaya naman nagsindi na ng mga emergency light ang mga tao ko. Hinayaan na din nilang bukas ang headlights ng mga sasakyan upang kahit papaano ay lumiwanag ang buong paligid.

Nang mapansin ko na may hinihila na silang kung ano paitaas galing sa hukay ay agad akong lumapit. Nakakuyom ang aking mga kamao habang titig na titig sa hindi na makilalang bangkay. Sunog na ito at talagang hindi na makilala.

"Pasensiya ka na Luther, napagpasyahan namin na sunugin siya bago tabunan. Hindi din kasi namin akalain na mangyayari ito. Ayaw kasi namin na mangamoy siya dito at para mabilis din sana siyang maagnas."mahinang wika ni Lester. Napapikit naman ako dahil sa sinabi nito.

Sobrang hirap tanggapin na noong mga nakaraang araw kasama ko pa ito. Ngayun, heto na siya.. Kalunos-lunos! Halos hindi na makilala dahil sa kagagawan ko.

"Balutin niyo siya. Gusto kong ipa cremate na lang muna siya." mahina kong utos kay Lester

"Kung iyan ang gusto mo. Siya nga pala nakita namin ito sa daliri niya." wika ni Lester habang inaabot sa akin ang isang singing.

Lalong sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang wedding ring na suot ni Abby. Ang diamond ring na regalo ko dito noong ikinasal kami. Tahimik akong nagtatangis at nanginginig ang aking kamay na inabot ito.

Ikinuyom ko ito sa aking palad at tahimik na tumalikod. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang titigan ng matagal ang kalunos-lunos na sinapit ng katawan ni Abby.

Agad akong sumakay sa loob ng sasakyan. Tahimik na tumutulo ang aking luha habang pinapanood ko ang aking mga tauhan na abala sa pagbabalot sa sunog na katawan ng aking asawa. Parang gusto kong mabaliw sa sobrang sakit.

Kahit kailan hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa mga ginawa ko dito. Ang tanga ko.. Naniwala ako sa isang malaking kasinungalingan. Ang tanga-tanga ko!!

Pagkatapos balutin ng mga tauhan ko ang katawan ni Abby ay dumiretso na kami sa crematorium.

Matiyaga akong naghantay sa labas. Hinayaan ko na lang si Lester ang gumawa ng lahat na dapat gawin. Bumili na din ang mga ito ng Jar na paglalagyan ng Urn ni Abby.

Mahigit apat na oras din akong nahintay bago natapos ang buong proseso at bumalik ng sasakyan si Lester na dala na ang mga abo ni Abby na nakalagay sa kulay gintong Jar. Agad nitong inaabot sa akin at agad ko naman itong niyakap.

"Umuwi muna tayo ng mansion. Doon muna si Abby hangat hindi pa naayos ang paglalagyan sa kaniya." mahinang wika ko na pilit pinatatag ang aking boses. Agad naman sininyasan ni Lester ang driver at tahimik naming tinahak ang daan pauwi ng mansion.

"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaires Regretted Fury   Chapter 75

    ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan

  • The Billionaires Regretted Fury   Chapter 74

    ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging

  • The Billionaires Regretted Fury   Chapter 73

    ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p

  • The Billionaires Regretted Fury   Chapter 72

    ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e

  • The Billionaires Regretted Fury   Chapter 71

    FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su

  • The Billionaires Regretted Fury   CHAPTER 70

    ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status