Se connecterChapter 105Celine’s POV“Honey, nasaan ka?” tanong ko kay Alaric habang tinitingnan ang oras.Lunch na.Kanina pa dapat kami magkikita sa restaurant para sa simpleng lunch naming dalawa. Ilang araw na rin kasi kaming naging abala sa kani-kaniyang ginagawa kaya gusto ko sanang magkaroon kami ng oras na kami lamang.“Nalimutan mo ba ang lunch natin? Kanina pa kasi ako nandito sa restaurant.”“I’m sorry, honey. Nawala sa isip ko.”Napakunot ang noo ko.Hindi naman karaniwang nakakalimot si Alaric sa mga bagay na pinagkasunduan namin.“Nandito kasi ako sa hospital.”“What?”Biglang nagbago ang boses ko.“Anong ginagawa mo diyan? Are you okay?” pag-aalala ko pa.“Okay lang ako.”Saglit siyang tumahimik.“I just got caught in an accident. Nakabundol ako ng bata.”“What?”Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.“Is it serious?”“Hindi ko pa alam kasi hindi pa nagigising ang bata.”“Naku, kawawa naman.”Agad akong nakaramdam ng awa.“Lalaki ba o babae?”“Dalagita.”“Nasaan ang mga magulang?”“
Chapter 104Celine’s POVLumipas ang maraming taon.Maraming bagay ang nagbago sa buhay namin. Ang mga batang dati ay maliliit pa ay unti-unti nang nagsilakihan. Ang negosyo namin ay lalo pang lumawak. At ang bahay na dati ay tahimik ay ngayon ay halos parang palengke sa dami ng boses, tawanan, pagtatalo at kung minsan… sigawan.Pero may isang bagay na hindi nagbago.Ang paghihintay ko kay Andreia.Tuwing anibersaryo ng HCAF, nakaugalian ko nang gumawa ng isang charity event na ginaganap sa iba't ibang ampunan.At talagang pinaghahandaan ko iyon.Hindi lamang simpleng pagkain at regalo ang gusto kong ibigay. Gusto kong maramdaman ng mga bata na may mga taong naniniwala sa kanila. Na kahit mahirap ang kanilang pinagdaanan, hindi ibig sabihin na wala na silang kinabukasan.Gusto kong matulungan silang magkaroon ng pag-asa sa buhay.Marami rin akong batang pinag-aaral. Mga scholars—mga batang lalaki at babae na may iba't ibang pangarap.May gustong maging doktor.May gustong maging engin
Chapter 103Celine's POVSi Drew ay mabilis na tumakbo papunta sa akin habang umiiyak, hawak ang maliit niyang braso.“Mom, Dreia pushed me,” sumbong ng isa sa kambal ko.Agad akong napalapit sa kanya. Nang makita ko ang manipis na sugat sa kanyang siko na may bahagyang tumutulong dugo, kumirot ang puso ko.“Andrew!”Napaluhod ako sa harapan niya at dahan-dahang hinaplos ang kanyang buhok.“Look... I'm bleeding,” umiiyak pa niyang sabi habang ipinapakita ang sugat.“Shh... it's okay, baby.”Hinagkan ko ang kanyang noo bago ko tinawag ang isa pang bata.“Dreia.”Tahimik siyang nakatayo sa gilid ng sala. Nakatupi ang mga braso at nakasimangot pa, tila walang pagsisisi sa nangyari.“Dreia, what did you do?” tanong ko, pilit pinipigilan ang galit.“He doesn't want to share, Mom.”Napabuntong-hininga ako.“Dreia, may sarili ka namang toy, di ba?”“But I like his toy.”“Pero ikaw ang namili niyan.”“But I want that.”Napapikit na lamang ako.Hindi ito ang unang beses.Halos araw-araw ay may
The FearChapter 102Celine's POV"Please...""Bring back my child...""My princess..."Paulit-ulit kong sinasabi ang mga salitang iyon habang yakap-yakap ko ang sanggol na nasa aking mga bisig.Hindi ko siya magawang tingnan nang matagal.Hindi dahil may kasalanan siya.Kundi dahil alam ng puso ko...Hindi siya ang anak ko.Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.Lahat ng tao sa loob ng hospital ay tila natigilan.Mga nurse.Mga doktor.Mga pasyente.Pati ang mga kamag-anak nilang naroon ay napatingin sa akin.Ngunit wala na akong pakialam.Ang tanging nasa isip ko ay ang aking anak.Nasaan si Andreia?Nasaan ang prinsesa ko?"Please...""Hanapin ninyo ang anak ko.""Baka umiiyak na siya.""Baka gutom na gutom na siya.""Baka hinahanap niya ako."Napayakap ako nang mahigpit sa sanggol na nasa bisig ko habang lalo akong napahagulgol.Hindi ko siya itinataboy.Isa rin siyang inosenteng bata.Isa rin siyang biktima.Pero bawat segundo na hawak ko siya...Mas lalo kong nararamdaman ang p
Chapter 101Celine’s POVPagkatapos kong makarecover sa delivery room, agad naming nirequest ni Alaric na dalhin na sa amin ang aming mga bagong silang na anak mula sa nursery.Ilang oras na naming hinihintay ang sandaling iyon. Kahit pagod pa ang katawan ko mula sa panganganak, tila napalitan iyon ng pananabik. Wala nang ibang laman ang isip ko kundi ang wakas ay mayakap ang aming kambal.Sa wakas... makakarga na namin sila.Pinangalanan na namin ang aming anak na lalaki bilang Andrew, at ang aming munting prinsesa naman ay Andreia.Paulit-ulit kong binubulong ang mga pangalan nila habang nakatingin sa pintuan ng silid."Andrew...""Andreia..."Napangiti ako.Parang musika sa pandinig ko ang mga pangalang iyon.Katabi ko si Alaric na hindi rin mapakali. Ilang beses na siyang tumitingin sa relo, saka sa pinto."Excited ka?" nakangiti niyang tanong.Napatawa ako kahit nanghihina pa."Ikaw ba hindi?""Hindi lang excited..." napailing siya. "Pakiramdam ko ito na ang pinakamasayang araw n
Chapter 100Celine’s POVNapakasaya ng umaga naming mag-anak.Sabado kasi kaya walang pasok si Brent at wala ring mahalagang meeting si Alaric. Matagal na naming ipinangako sa isa’t isa na gaano man kami kaabala sa negosyo, sisiguraduhin naming may oras pa rin kami para sa pamilya.Sa sala kami nagtipon. Nakaupo ako sa malaking sofa habang hinihimas ang napakalaki ko nang tiyan. Ilang araw na lamang at maaari nang lumabas ang kambal.Samantalang si Alaric ay nakaupo sa carpet kasama si Brent na abalang-abala sa pagpapakita ng sketchbook niya."Daddy! Mommy! Look!"Punong-puno ng pananabik ang kanyang boses.Isa-isang binuklat ni Brent ang kanyang sketchbook.May mga landscape.May mga kabayo.May mga puno.Mayroon ding iba't ibang mukha ng tao na napakalinaw ng mga detalye.Napatingin ako kay Alaric."Ang galing talaga ng anak natin."Ngumiti siya habang puno ng pagmamalaki ang kanyang mga mata."Totoo."Pagkatapos ay binuksan ni Brent ang pinakahuling pahina."Dito po."Dalawang bata
Chapter 41Celine’s POVNakatanggap ako ng tawag mula sa school ni Brent habang nasa gitna ako ng meeting. Kanina lamang ay maayos kong ipinapaliwanag sa mga department heads ang bagong project proposal para sa kumpanya, ngunit nang makita ko ang pangalan ng school sa screen ng cellphone ko ay bigl
Chapter 12Alaric’s POVNagalala ako sa aksidente ni Celine. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya na masama. Inaasahan at inaakala ko pa naman na lahat ay magiging maayos doon sa gusaling iyon. Pero nabigo ako. Humanga ako sa kanya dahil may alam din talaga ito sa kan
Chapter 6Celine's POVGusto ko sanang gumanti ng masasamang salita sa babaeng ito na tumutuya sa akin, pero sayang lang ang laway ko sa kanya. Hindi niya ako kilala at lalong wala akong pakialam sa iisipin niya tungkol sa akin. Tumingin na lamang ako kay Alaric. Parang sinasabi ko na siya ang mag
KABANATA 5Celine Herrera POV Dalawang araw na ang lumipas mula nang magising ako sa clinic na ito. Sa loob ng dalawang araw na iyon, wala akong ibang nakita kundi ang mga nurse na nagdadala ng masustansyang pagkain at ang mga bodyguard na nakatayo sa labas ng pinto ko. Hindi ako pinapayagang lum







