LOGINKABANATA 5
Celine Herrera POV
Dalawang araw na ang lumipas mula nang magising ako sa clinic na ito. Sa loob ng dalawang araw na iyon, wala akong ibang nakita kundi ang mga nurse na nagdadala ng masustansyang pagkain at ang mga bodyguard na nakatayo sa labas ng pinto ko. Hindi ako pinapayagang lumabas, pero hindi rin naman ako pinagbabawalan sa loob.
Maayos na ang pakiramdam ko. Wala na ang hilo at unti-unti nang bumabalik sa dating kulay ang balat ko. Pero ang isip ko ay hindi mapakali. Ano ang balak ni Alaric Thorne sa akin?
Eksaktong alas-diyes ng umaga nang bumukas ang pinto. Pumasok si Alaric, suot ang isang charcoal gray na suit. Walang bakas ng pagod sa kanyang mukha kahit alam kong isa siyang abalang tao. May dala siyang bagong folder—mas manipis ito kaysa sa nauna.
“Maupo ka, Celine,” utos niya habang hinihila ang isang silya sa harap ng kama ko.
Sumunod ako at inayos ko ang aking upo at pinatigas ang aking ekspresyon. Hindi ko gustong makita niya na natatakot pa rin ako.
“Ipinasuri ko ang mga sinabi mo,” simula niya. Ipinatong niya ang folder sa mesa. “Totoo ang sinabi mo tungkol sa madrasta mo. Kinuha ni Julianna Herrera ang pera at ibinenta ang bahay niyo tatlong araw matapos ang libing ng lola mo. Sa kasalukuyan, naghahanap siya ng unit sa isang luxury condo sa Makati.”
Naramdaman ko ang muling pagkirot ng dibdib ko. “Sinasabi ko naman sa iyo, wala akong kinalaman sa pagnanakaw niya.”
“Alam ko. At dahil doon, nagkaroon ako ng problema,” pagpapatuloy niya. Sumandal siya sa silya at pinagdaop ang kanyang mga kamay. “Ang lolo ko, ang founder ng Thorne Global, ay may iniwan na kondisyon sa kanyang testamento. Para pormal akong maitalaga bilang Chairman ng kumpanya, kailangan kong magpakita ng katatagan hindi lang sa negosyo, kundi sa pamilya. Isang 'morality clause.' Kailangan kong magpakasal sa loob ng taong ito at magkaroon ng tagapagmana.”
Napakunot ang noo ko. “Anong kinalaman ko doon? May anak ka na sa akin, ‘di ba? Sapat na iyon.”
“Hindi sapat ang anak sa labas ng kasal para sa board of directors,” malamig niyang sagot. “Kailangan ko ng asawa. Isang asawa na madaling kontrolin, walang ibang pamilyang pwedeng manggulo, at may malinis na reputasyon bago ko nakilala.”
Dito ko na naramdaman ang direksyon ng usapan namin. Tinitigan ko siya nang matagal. “Gusto mo akong pakasalan?”
“Isang kontrata, Celine. Isang taon lang,” sabi niya sabay tulak ng folder sa harap ko. “Basahin mo.”
Binuklat ko ang folder. Doon nakasaad ang bagong kasunduan. Pakakasalan ko si Alaric Thorne sa harap ng batas. Titira ako sa mansyon niya bilang asawa niya. Ibibigay ko ang anak pagkapanganak, at pagkatapos ng isang taon, magsasampa kami ng annulment.
Binasa ko ang huling bahagi. Ang kabayaran.
“Isang daang milyong piso?” gulat kong tanong. “At... isang architectural firm sa pangalan ko?”
“You’re an architect, right? Nakita ko ang diploma mo sa mga gamit mo,” sabi ni Alaric. “I can build you the best firm in the country. Bibigyan kita ng puhunan, mga kliyente, at pangalan. After one year, you can walk away with everything you ever dreamed of. You need a home and protection from Julianna, and I need a wife to secure my position. It’s a win-win deal.”
Napatitig ako sa mga papel. Isang daang milyon. Isang sariling kumpanya. Ito ang mga bagay na pinangarap ko lang noon habang nagtitiis ako sa kakarampot na allowance. Sa isang pirma, magiging totoo ang lahat. Wala na si Lola, wala na akong kailangang protektahan kundi ang sarili ko at ang sanggol sa sinapupunan ko.
“Bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang babae? Maraming bilyonaryong anak diyan na siguradong papayag na pakasalan ka,” tanong ko.
“Dahil ikaw ang nagdadala ng anak ko,” diretsong sagot niya. “Ayokong magkaroon ng komplikasyon sa ibang pamilya. Sa iyo, madali ang lahat. Wala kang kakampi. Ako lang ang meron ka.”
Masakit pakinggan ang katotohanang iyon—na wala akong kakampi—pero iyon ang totoo. Kung lalabas ako rito ngayon, saan ako pupunta? Sa kalsada ulit? Paano ang baby ko?
“Kailangan ko ng kasiguraduhan na hindi mo ako itatapon kapag nakuha mo na ang gusto mo,” sabi ko habang hawak ang ballpen.
“Ang kontratang iyan ay hawak ng pinakamagaling na abogado sa bansa. Mapoprotektahan ka niyan,” sagot niya. “So, what is it, Celine? Are you in, or are you out?”
Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa bintana, sa malawak na siyudad na muntik nang pumatay sa akin noong nakaraang gabi. Hindi ko na hahayaang mangyari iyon ulit. Para sa kinabukasan ko, para sa anak ko.
Ibinaba ko ang ballpen sa papel. Pipirma na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Alaric sa ibabaw ng mesa.
Napatigil ako nang makita ko ang pangalang lumabas sa screen. DIANA (Incoming Call).
Nakita ko ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Alaric. Nawala ang kanyang pagiging kalmado at napalitan ito ng pagkairita at... kaba? Isang bagay na hindi ko akalaing makikita ko sa isang bilyonaryong katulad niya.
Hindi niya sinagot ang tawag. Pinatay niya ang screen, pero muling tumunog ang telepono. Sunod-sunod na text ang pumasok. Dahil malapit ako, hindi ko maiwasang mabasa ang unang linya ng preview sa screen.
“Alaric, I’m back in the Philippines. I heard about the girl. Don’t do anything stupid. We need to talk about the US.”
Tumingin ako kay Alaric. Ang kamay niya ay nakakuyom na sa ibabaw ng mesa.
“Sino si Diana?” tanong ko. Ang lakas ng loob ko ay biglang nabawasan.
Hindi siya sumagot agad. Tumingin siya sa akin at sa pagkakataong ito, mas malamig pa ang kanyang mga mata kaysa noong una kaming nagkita.
“She’s no one,” sabi niya, pero alam kong nagsisinungaling siya.
Muling tumunog ang cellphone, at sa pagkakataong ito, hindi lang text kundi isang video call. Hindi na nakapagpigil si Alaric. Tumayo siya nang mabilis at kinuha ang telepono.
“Wait here,” maikli niyang sabi bago lumabas ng silid nang nagmamadali.
Naiwan akong nakahawak pa rin sa ballpen. Ang folder ay nakabukas pa rin sa harap ko. Ang kasunduan na akala ko ay magliligtas sa akin ay biglang naging tila isang malaking banta.
Sino si Diana? At bakit tila mas malakas ang epekto ng pangalan niya kay Alaric kaysa sa milyon-milyong pisong pinag-uusapan namin?
Biglang bumukas ang pinto, pero hindi si Alaric ang pumasok. Isang magandang babae na naka-designer clothes, may suot na itim na shades, at may aura ng pagiging sosyal ang pumasok nang walang pasintabi.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay sa tiyan ko. Itinaas niya ang kanyang shades at ngumiti nang mapait.
“So, ikaw ang bagong laruan ni Alaric?” tanong niya.
Nabitawan ko ang ballpen. Ang "Deal of a Lifetime" ko ay tila magiging "Nightmare of a Lifetime."
Surrogacy to HappinessChapter 126Celine’s POVNapakaraming taon ang lumipas.Kapag iniisip ko ang nakaraan, hindi ko maiwasang mapangiti at maluha nang sabay.Parang kailan lang ang lahat.Parang kahapon lang nang magsimula ang buhay namin.Nag-umpisa ang lahat sa isang kasinungalingan.Isang kontrata.Isang kasunduan na hindi namin inakalang magbabago sa buong buhay namin.Pero ang isang kontrata ay naging tunay na pagmamahalan.Hindi man nagsimula sa isang romantikong pag-iibigan ang buhay namin ni Alaric.Hindi iyon ang klaseng love story na karaniwang nababasa sa mga libro.Walang fireworks sa simula.Walang instant na pagmamahalan.Walang pangakong habang buhay agad.Sa halip, nagsimula kami sa isang bagay na pareho naming hindi alam kung saan hahantong.Pero habang lumilipas ang panahon, nakabuo kami ng napakagandang alaala.Mga alaala na hindi ko ipagpapalit kahit kailan.May masasakit.May pagdurusa.May mga gabing halos mawalan kami ng pag-asa.May mga pagkakataong akala ko
Chapter 125Celine’s POVHindi pa rin ako makapaniwala na nag-asawa na ang panganay kong si Brent.Napakasaya ng okasyong ito para sa pamilya namin.Minus Dreia.Ang naging tinik sa laman naming lahat.Kung tutuusin, ilang araw lamang ang nakalipas, akala ko ay guguho ang mundo namin dahil sa kasal na iyon.Akala ko ay tuluyan nang masisira ang kinabukasan ng anak ko.Akala ko ay kailangan naming tanggapin ang isang kasal na bunga lamang ng isang malaking kasinungalingan.Pero ngayon, habang nakikita ko si Brent na katabi ang babaeng tunay niyang minamahal, parang napalitan ng saya ang lahat ng sakit.Pagkatapos ng kasal, hindi muna tumuloy sila Brent at Mindy para sa kanilang honeymoon.Nasa Thorne Mansion pa kami noon para sa extension ng aming kuwentuhan.Lahat kami ay naroroon.Masaya.Magaan ang pakiramdam.At parang nakahinga rin sa wakas ang buong pamilya.Napatingin ako kay Brent.“Brent, paano mo nagawa iyon?”“Manang-mana ka sa ama mong laging may pasabog.”Nagtawanan ang la
Chapter 124Celine’s POVGusto sana naming tahimik na lang ang maging kasal ni Brent at Dreia.Wala kaming balak na gumawa ng malaking celebration.Ang gusto lang namin ay matapos ang lahat nang walang malaking ingay.Walang press.Walang maraming bisita.Walang engrandeng seremonya.Dahil para sa akin, hindi ito kasalang puno ng saya.Ito ay isang kasal na bunga ng isang malaking problema.Isang kasal na alam kong maaaring pagsisihan ng anak ko habang buhay.Pero hindi pumayag ang babaeng unti-unting sumisira sa buhay ng anak ko.Si Dreia.“What?”Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya.“You are so rich.”Nakangising sinabi niya iyon na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman namin.“And you can't even spend a dime on this wedding?”“Don't be ridiculous!”Mabilis na sagot ni Alaric.“Sa tingin ninyo sino ang mas magiging nakakahiya?”“Ako ba?”Natatawa pa siya.“The headline will be: THORNE WEDDING, THE CHEAPEST EVER.”Napakunot ng noo si Brent.Tahimik lamang
Chapter 123Celine’s POV“I’ll marry her.”Parang biglang tumigil ang mundo ko.Hindi ako agad nakapagsalita.Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko.Tinitigan ko lamang si Brent habang pilit kong hinahanap sa mga mata niya ang sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko.“Anak…”Mahina kong sambit.Pero hindi siya sumagot.Nanatili siyang nakatayo sa harap namin.Matatag ang kanyang tindig, pero kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.Alam kong nasasaktan siya.Pero bakit kailangan niyang gawin ito?“Brent, do you even understand what you are saying?”Malamig na tanong ni Alaric.“Yes, Dad.”“You will marry her?”“Yes.”“Just like that?”Hindi sumagot si Brent.Napahawak ako sa aking noo.Hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko.“Hindi puwede…”Mahina kong sinabi.“Celine,” tawag sa akin ni Alaric.Pero hindi ko siya pinansin.Lumapit ako kay Brent.“Anak, tingnan mo ako.”Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.“Sigurado ka ba?”Tumahimik siya.“Brent, you have Mindy.”
Chapter 121Celine’s POVNapatakbo si Alaric nang napasigaw ako dahil sa pagkabigla nang nakapasok ako sa kuwarto ni Brent.“Anak, what did you do?”Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Madaling pumatak ang mga luha sa mga mata ko sa nakita ko.Magkatabi silang natulog sa iisang kama.Si Brent at si Dreia.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan nila. Pero sa nakita ko, marahil ay may nangyari sa kanila.Hindi pa makabangon si Brent mula sa kalasingan noong gabi. Halatang mabigat pa ang ulo niya at parang hindi pa lubos na nauunawaan ang sitwasyong kinasasadlakan niya.“Magbihis kayo!”Sigaw ni Alaric.Napayuko ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Papaano nagawa ito ng aking anak?Napakaresponsable ni Brent.He is the most sensible person in our family.Hindi siya padalos-dalos.Hindi siya iyong tipo ng lalaking basta sumusunod sa bugso ng damdamin. Palagi siyang nag-iisip bago gumawa ng desisyon. Palagi niyang iniingatan ang pangalan ng pamilya.Kaya bakit sila nasa
Chapter 120Celine’s POVLumipas ang mga taon, naging normal na ang buhay namin. Nagdesisyon si Alaric na hindi ampunin ng legal si Dreia dahil, hinahanap pa rin namin ang kanyang mga magulang.Pansamantalang nasa pangangalaga pa rin naman siya, pinagtapos sa pag-aaral at binigyan ng sariling condo unit para maging kumportable sa buhay.Nagtrabaho siya sa Thorne Global Corporation.At na-assign siya bilang Head ng Sales and Marketing.Kasama niya si Brent bilang Acting CEO ng kumpanya.Si Andreia naman ang naging assistant ko sa kumpanya at Head ng Creatives. Samantalang si Andrew ang naging Managing Director ng Hernandez & Company Architecture Firm.Naging maayos naman ang lahat sa pamilya.Naging tahimik at payapa.Iyon ang buhay na matagal naming hinintay.Wala nang malalaking away. Wala nang mga sikreto na kailangang pag-awayan araw-araw. Unti-unti naming natutunan na tanggapin ang mga bagay na hindi na namin kayang baguhin.Paminsan-minsan ay pumupunta si Dreia sa aming tahanan p
Chapter 41Celine’s POVNakatanggap ako ng tawag mula sa school ni Brent habang nasa gitna ako ng meeting. Kanina lamang ay maayos kong ipinapaliwanag sa mga department heads ang bagong project proposal para sa kumpanya, ngunit nang makita ko ang pangalan ng school sa screen ng cellphone ko ay bigl
KABANATA 4Celine Herrera POV Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata, at puti rin ang kumot na nakabalot sa akin. Amoy disinfectants at mamahaling pabango ang paligid. Hindi ito ang amoy ng bahay namin, at mas lalong hindi ito ang amoy ng kalsada kung saan ako huling bum
KABANATA 3Celine Herrera POV Tatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa penthouse, pero pakiramdam ko ay habambuhay na ang dumaan. Akala ko, ang pagpirma sa kontrata ang pinakamahirap na bahagi. Akala ko, kapag nakuha na ang pera at nailipat si Lola sa maayos na ospital, magiging mada
KABANATA 2Celine Herrera POV Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na building. Pagkabukas ng pinto ng driver, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, pero alam kong nasa bahagi kami ng lungsod kung saan nakatira ang mga taong hindi na kailangang







