WARNING mature content. This story is specifically for adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Characters :
Thaliana Tangi / Tal-ya-na Ta-ngi
Rozzean Cyron / Ro-zan Say-ron
The Billionaire's Playmate by: Pennieee
Thaliana Tangi Dela Vezca
"Sa tingin mo ba ay pabata ang nangyayari sa 'yo, Tangi? you are twenty-nine years old!"
Ako si Thaliana Tangi Dela Vezca. Ang bunsong anak ni George Romualdo Dela Vezca. Isang bilyonaryo at maraming mga negosyo sa loob at labas ng bansa. Kilala ang aming pamilya dahil hindi nawawala ang aming apelyido sa richest family dito sa Pilipinas. Hindi lang iyon, dahil napaka friendly ng daddy ko, halos lahat ng sikat na tao dito sa bansa ay kaibigan niya.
At ito nga siya ngayon... pinipilit na naman ako. Usapang pag-aasawa na naman.
I am 29! still young! young pa sa akin 'yon!
Pero ang totoo...
Wala sa isip ko ang pag-aasawa.
"Dad! don't do this to me! bakit mo ako ipapadala sa America? ano naman ang gagawin ko doon? my businesses are here. Dad, buhay ko ang flower shop ko! buhay ko ang mga anak ko!"
Pero makulit ang daddy ko.
"Don't test my patience, Tangi. Matagal ko nang sinabi sa 'yo, get married or live with your grandparents in the States."
I don't know why it is so important to get married? masaya naman ang buhay ko. Masaya akong kasama ang mga alaga kong aso at pusa sa aking bahay. But dad wanted me to get married because he wants to have a grandchild from me!
Hindi pa sapat ang mga apo niya sa tatlo kong kapatid na mga lalake. Nais niya pa ng isa sa akin. Sinabi ko na noon, ayoko, ayokong mag-asawa. Hindi ko naman pinangarap magkaroon ng pamilya o anak--on second thought, my mga anak na ako. Ang mga aso at pusa ko.
"Dad, sa dami ng mga anak ko hindi ko sila madadala lahat sa US saka isa pa paano iyong tatlong branches ko ng Tinatangi? dad naman..."
Sinubukan kong kumbinsihin si dad. Humilig ako sa balikat niya pero mahigpit ang pagkakahulkipkip niya. He's been like this since last month. Ipinipilit niya na mag-asawa na ako.
"Goodness, Tangi! I want real grandchildren! makakausap ko ba ang mga anak na sinasabi mo?"
Napangiwi ako dahil gawain ko iyon. Fur parents can actually talk to their babies. Itong si dad... hay...
"Please, daddy? huwag mo na ipilit. Ang dami mo nang apo kina, Grecion, Grand at kay Griz. Hindi pa ba sapat ang walo mong apo sa kanila?" tanong ko.
Nais ko nang matapos ang usapin namin tungkol sa pag-aasawa. Kailan kaya ako titigilan ng ama ko tungkol dito?
"Thaliana Tangi."
Nagdikit ng mariin ang mga labi ko nang marinig na tinawag niya ang aking buong pangalan. Ibig sabihin ay malapit nang maubos ang pasensiya ng daddy.
Pero ano ang magagawa ko? hindi ko gusto... masaya naman ako sa buhay ko ngayon, isa pa, paano kung ang lalake na makakatagpo ko ay lokohin lang ako?
"Kahit kailan, Tangi, wala ka pang ipinapakilala sa aking lalake. Nais ko nang isipin na iba talaga ang tipo mo. Can you be honest with me, are you tomboy?"
My lips parted. Grabe itong si daddy! hindi lang nagka-boyfriend at ayaw lang mag-asawa tomboy na agad?!
Tiningnan niya ako ng seryoso, napaatras ako. Okay, Tangi, there's no time for jokes.
"Tell me, be honest with me, are you a tomboy?"
Napapadyak ako sa tanong ni dad. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.
"I don't think you are. You are smart, independent and beautiful, anak. Nais kong malagay ka sa maayos na buhay katulad ng mga kapatid mo. Look at them, can't you see how happy they are because of their own family? nais ko rin na maging ganun ka anak. Paano kapag nawala na kami ng mommy mo?"
Napayuko ako. Palagi niyang sinasabi sa akin ito. Sabi niya ay ayaw niya akong maiwan mag-isa, kapag daw nagkasakit ako ay hindi naman ako maaalagaan ng mga tinatawag kong anak. Naiintindihan ko si dad, pero, wala talaga sa isip ko.
"Dad, maayos po ang buhay ko ngayon..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marinig ko ang marahas na pagbitiw niya ng buntong hininga. Mukhang naubos na ang pasensiya niya sa akin.
"Alam ko nang walang mangyayari sa pag-uusap natin na ito, Tangi. Next week, pack your things. Sa ayaw mo at sa gusto ay pupunta ka ng states at doon ka na titira kasama ng lolo at lola mo."
What?
"D-Dad, you can't do this to me. My businesses are here... paano ang mga aso at pusa ko? d-dad naman," sabi ko sa kaniya.
"You pushed me to made this decision, Tangi. Tatawagan ko ang sekretarya ko para sa ticket mo," sabi niya at hinugot ang kaniyang cellphone.
Napatayo na ako, hindi makapaniwala sa nais ng aking ama.
"D-Dad, I can't go."
"You can't? and why?" tumaas ang kilay niya.
Huminga ako ng malalim. This is my last card.
"I-I will try..."
"Pero, dad, hindi ganun kadali maghanap ng lalake sa buhay. Give me some time. Hayaan mong makahanap ako ng tamang lalake para sa akin. I never had a boyfriend, dad. Normal lang na matakot ako makipagrelasyon. Ayokong maloko--
"At sa tingin mo ay hahayaan ko na ang kaisa-isa kong anak na babae ay maloko? Tangi, nakalimutan mo na ba kung sino ka? You are a Dela Vezca, the only daughter of George Romualdo Dela Vezca. Kahit sinong lalake ay matatakot na saktan ka dahil ako ang makakalaban nila."
Wow. Gilas naman, bigla tuloy akong naging proud daughter.
"But never mind, anak. Kung iniisip mo na baka mapunta ka sa kamay ng isang manloloko ay hindi ko iyon hahayaan dahil kilala ko nang lubos ang lalakeng nais kong mapangasawa mo," sabi niya nang ngiting-ngiti.
"W-What?!"
Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kaniya. Tumingin siya sa lamesa at may brown envelope na naroon. Kaya naman pala ang lakas ng loob ni dad! mayroon na siyang lalake na nais ipakilala sa akin!
"Bakit hindi mo pa ako diniretsa kanina na may nais ka na pa lang makilala ko na lalake, dad? ang haba-haba ng usapan natin tungkol dito!" sabi ko sa kaniya.
"Dahil kabisado na kita, Tangi. Kailangan ko lang masigurado na papayag ka sa gusto ko," sabi niya sa akin.
Kinuha ko ang brown envelope at binuksan iyon.
"He's Rozzean Cyron Valleje. Matagal ko nang kilala si Rozzean, Tangi, nasisigurado ko na magiging mabuti siyang asawa mo. Lumaki siya sa isang disenteng pamilya, wala siyang record ng panloloko, he's a noble man. Wala akong masabi sa kaniya at talagang hinahangaan ko siya sa negosyo."
Napangiwi ako. Parang sa nakikita kong kislap sa mga mata ni dad, siya itong nais na magpakasal sa Rozzean na 'yon.
"At paano kung lokohin niya ako, dad?!"
Ngumiti siya sa akin at tumayo. Pinantayan niya ang aking tingin at humalukipkip. Kay dad ako nagmana ng ugali kaya talagang sa lahat ng mga anak niya sa akin siya nahihirapan. Katulad niya ay matigas rin ang ulo ko at mapilit.
"Hindi mangyayari iyon, Tangi. Mabuting bata si Rozzean."
"Dad, paano kung lokohin ako? paano pala kung playboy iyan katulad ng mga nababasa ko sa novels?" tanong kong muli.
Nagsalubong ang mga kilay ni dad.
"Sige, if he's a playboy and you prove it to me you can do whatever you want in your life. But, Tangi, that man is not what you think he is, Rozzean is a great man."
Ano ba ang ipinakain ng lalakeng iyon kay dad at bakit ganito na lang ang tiwala sa kaniya?
Pero nakuha ang atensyon ko sa unang sinabi ni dad.
If I prove to him that that man is a playboy, I can do whatever I want in my life...
"Hmmm, okay, but can you give me three months before I meet this person, dad? I just want to prepare myself," sabi ko.
"Three months? ang tagal non, Tangi," sabi niya.
"Dad, I am considering your choice man. Bigyan mo na lang ako ng time for myself. Three months--
"No, two months. Masyadong matagal ang tatlong buwan, Tangi, hindi ko alam kung ano na ang ginagawa mo non, baka mamaya ay mapahiya ako kay Rozzean. I already talked to him about you."
Ibig sabihin ay mas may rason ako upang isagawa ang plano na naisip ko... hmm...
"So... nakausap mo na pala siya, at pumayag siya?" tanong ko.
"He's 33 years old, Tangi, he also want to find a great woman. Nagkausap na rin kami ng mga magulang niya, nais ka na nilang makita."
"Dad, two months, after two months, I will meet them, ayos ba iyon?"
Hindi na kinaya ni dad ang kakulitan ko at tumango na siya.
"Okay, deal," sabi ko at inilahad ang kamay ko. Kinuha naman iyon ni dad.
"Don't do things that will make me mad, Tangi, kilala mo ako," sabi niya.
Ngumiti ako at tumango.
Hindi naman niya ikakagalit ang gagawin ko.
I will just... investigate that man. Ako mismo ang kikilala sa kaniya. At kapag nalaman ko kaagad na babaero siya ay kukuha ako ng ebidensya para ipakita kay dad. Sa ganoong paraan, kapag napatunayan ko na babaero at manloloko ang Rozzean na iyon ay may laya na akong gawin ang kung anong gusto ko sa buhay ko.
Tangi will win this!
Narito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko na si Thes. Therese Catalina Rivanez. She has a pet house one of her many businesses. Dito ko muna sa kaniya ipagkakatiwala ang aking mga anak. Nakakalungkot man pero wala akong choice kung hindi ang ipaalaga muna sila. "Ilang ba ang mga alaga mo, Tangi?" tanong niya sa akin. "I have 3 cats and 4 dogs. Mababait naman sila, Thes, hindi sila sakit sa ulo. Ako ang nag-aalaga sa kanila kaya mababait sila," sabi ko. Nanghaba ang nguso ni Thes sa sinabi ko. "Matigas ang ulo ng nanay nila at makulit, hindi ako naniniwala." Binigyan niya ako ng form at tinginan ko iyon. "Fill up ka, ilagay mo rin kung kailan mo sila babalikan. Dahil kaibigan kita, may discount ka." Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang ballpen ko sa aking bag at nag-fill up na ako ng form. Hindi ko naman ito gustong gawin, kaya lang ay hindi ko maaaring isama ang mga babies ko. "Saan ka ba pupunta, Tangi? ito ang unang beses na ipapaalaga mo ang mga anak mo sa akin, ah?" tanong
"Anong kailangan mo dito, miss?"Napatingin ako sa guard. Alam ko naman na hindi ako basta-basta makakapasok sa village na ito at mukhang mayaman ang mga nakatira dito at didiretso na sana ako kaso bigla itong nagsalita. Mukha namang mabait si Kuyang Guard, mauto ko kaya ito?"A-Ahh, kuya... nabalitaan ko kasi na dito daw iyong bahay ni Mr. Valleje. Mag-a-apply sana ako bilang katulong," sabi ko.Bumaba iyong guard at nilapitan ako. Napaatras naman ako at hinigpitan ang hawak sa panyo na nakatali sa ulo ko. Maayos naman ang disguise ko, ilang beses akong tumingin sa salamin kanin bago ako umalis sa bahay. Isang palda na lagpas hanggang tuhod ang suot ko. Naka itim akong medyas at ang suot kong rubber shoes ay bulaklakin. Nabili ko ito doon sa ale na nakita ko kahapon sa taytay. Wala daw siyang benta kaya binili ko na.Tapos naka long sleeve ako ng damit. Ang init pero keri lang, Titiisin ko kaysa malantad ang makinis kong mga braso. Mas hindi ako paniniwalaan na mahirap at naghaha
Hindi ako makagalaw. Ramdam ko siya sa likuran ko. Nang aalis na ako ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inabot niya iyong towel na nakapatong sa sofa. Jusko magkakasakit ata ako sa puso. Kapag natanggap ako bilang katulong niya, mukhang palaging tataas ang presyon ko dahil sa kaniya."So, tell me..."Bakit naman nakahubad ang lalakeng ito?! wala siyang boxer! talagang walang suot!"How old are you?"Narinig kong tanong niya. Pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakatakip ang mga kamay ko sa aking mga mata at hindi talaga gumagalaw. Pakiramdam ko kanina nang makita ko ang jolly hotdog niya ay humiwalay sandali ang kaluluwa ko sa katawan ko.Grabe. G-Grabe lang...Ganoon pala ang itsura non.Normal size ba 'yon? ay sht! alisin mo iyan sa isipan mo, Thaliana Tangi!Pero hindi ko kasi alam! unang beses ko makakita ng hotdog! hindi pa rin ako nakakanood ng powrn! anong alam ko sa sizes ng mga hotdogs!"Nakalimutan ko. Sinabi ng guard kanina na elementarya lan
Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na."Ano ang sinabi mo?"Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!"J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon."Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment."By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay
Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa? Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya. "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi. Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot? "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin. "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam. Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitse
Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k